(HAYDEE'S POV)
Naglakad-lakad ako sa kuwarto ko, kagat-kagat ang kuko. Pilit kong kinakalimutan ang nangyari kanina pero...
T*ngina talaga! Hindi ko lubos maisip na nasabi ko iyon sa kanya! Nakakahiya!
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nagtatakbo ako papasok sa dorm. Hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin sa sobrang hiya!
"Aray!" Napakapit ako agad sa pinto nang muntikan akong matumba sa lakas ng pagkakatulak niya.
Inis akong napatingin kay Arriane na nakapameywang at masama ang titig sa akin. Grabe! Bakit ang lagay na 'yan, ako pa ang may kasalanan?
"Hoy babae! Kanina pa ako hilong-hilo sayo! Jusko! Hindi kita maintindihan. Parang matatae ka na ewan. Nakakabawas ka ng ganda. Tsk" iritadong sambit niya. Napairap ako.
"Aba naman! Paos na paos na si Mira sa kakapage sa'yo at kanina ka pa hinihintay ni Headmistress. " dagdag niya. Kumun
(HAYDEE POV)Kagat-labi akong naghihintay kay King Arnold. Bakit ang ang tagal niya? Kanina pa ako atat na atat maglibot sa palasyo.Napatingin ako kay Zaynah na nasa tabi ko lang pala dahil halos hindi ko man lang maramdaman ang presensya niya.Napaayos ako ng tayo nang dumating na si King Arnold na pinalilibutan ng mga kawal.Agad akong yumuko upang magbigay-galang.Ngumiti lang siya sa akin at napako ang tingin niya kay Zaynah."Your Highness." Saka siya yumuko. Agad kaming inalalayan ng mga taga-silbi sa kaharian at pinaupo kami pagkatapos."King Harold, I am Haydee Mendez. Princess of the Water Kingdom." pakilala ko."Ikaw ang matalik na kaibigan ng anak ko, tama ba?" tanong niya. Napatigil ako at bumalot na naman sa'kin ang malungkot na pakiramdam."Ako nga po, mahal na Hari." sagot ko."Maaari ko
(HAYDEE'S POV) I'm currently on my way to my Kingdom. Pinayagan ako ni Zaynah na magbakasyon muna kahit dalawang araw lang. Hindi ko pa kayang bumalik sa Academy. Ayoko pang makita ang kakambal ni Arriane. Hindi pa tanggap ng isip ko. At saka hindi ko alam kung anong ire-react ko. Sa totoo lang gusto ko muna sanang manatili sa Air Kingdom. Pero ayaw pumayag ni King Harold. Isa pa, pinakiusapan niya kami na kung pwede ay kami lang muna ang makakaalam. Lalo na kay Zaynah. Nagmamakaawa siya na sana ay hayaan muna ang anak niyang si Arriana at pati si Arriane ay nakiusap na din.. Pero pansamantala lang dahil ang batas ay batas at kailangan 'yon masunod. Napatigil ako sa pag-iisip nang huminto ang karwahe. Nandito na pala ako. Nang bumaba ako ay agad akong sinalubong ng mga kawal at taga-silbi. "Maligayang pagbabalik mahal na Prinsesa." Tumango lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad at nakasunod n
(ZAYNAH POV)Bagot na bagot na ako. Anumang oras ay parang gusto ko nang magwala may magawa lang ako. Tumayo ako at tumingin sa labas ng Academy kung saan kita ko rito ang gubat.Parang gusto kong sunugin iyon. Napabuga ako ng hangin. K*ngina. Ikakamatay ko 'to. Pabagsak akong humiga sa kama. Iniisip kong ano ang pwede kong gawin. Hanggang sa may mahagip ang mata ko na portrait.The Legendary Dragons.Napangisi ako. Kasabay no'n ang paglabas nila sa katawan ko. Pupungas-pungas silang bumangon mula sa pagkakaupo at tiningnan ako. Padabog na nagsalita si Xiara."Zaynah naman. Inaantok--- Bakit? " Napatigil ito nang mapansing nakangisi ako. "Ang creepy mo. Alam mo iyon? Parang may iniisip ka na hindi.... maganda?"Mas lalo akong ngumisi at sa isang iglap lang ay nasa tuktok na kami ng bundok."Zaynah, huwag kang ganyan." Parang maiiyak na sa
(ZAYNAH'S POV)Pagkatapos sabihin ng Hari ang mga katagang iyon ay iniwan ko sila. Gusto kong mapag-isa.Sa ikalawa na gaganapin ang ang coronation. Hindi ko magawang maging masaya dahil sa mismong araw na iyon ay ang pagkawasak ko."Zaynah..." Ramdam kong lumapit si Xiara at Hera sa'kin. Kasasabi ko lang na gusto kong mapag-isa. Tss. "Huwag ka ng malungkot.""Hindi ako nalulungkot." sagot ko."Taliwas 'yon sa pinaparamdam mo. Aware ka ba na open ang emotions mo ngayon at nararamdaman namin?" sambit niya. Napapikit ako. Ayoko na ganito ako. 'Yong ganitong nasasaktan ako, nalulungkot. I really hate dramas but here I am experiencing one."Leave me alone." utos ko. Ramdam kong magrereklamo pa sila kaya bago mangyari 'yon ay ako nalang ang umalis at iniwan sila. Kailangan ako pa talaga mag-adjust. Tss.Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bas
(ZAYNAH POV)Inis na dinurog ko ang bato na dahilan ng pagkakatalisod ko. Na-sprain yata ako. Sariling katangahan at bato lang pala ang katapat ko. Kasalanan 'to ng pesteng lalaking 'yon. Kung hindi ba naman kasi lapit nang lapit hindi sana hindi ako aatras at hindi masasaktan dahil sa sariling katangahan.Inis na tiningnan ko siya sa tabi na pangisi-ngisi."Tulungan na kasi kita." alok niya. Hindi ko siya pinansin at inabot ko nalang ang paa ko na na-sprain at ginamot. After a minute, ginalaw-galaw ko ang paa ko. Buti nalang wala na.Tumayo na ako at nagpagpag saka nagpalinga-linga. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Medyo malayo-layo na din nang matanaw ko na ang park, palatandaan na malapit na ako.Tahimik naman na sumusunod si Ace sa akin hanggang sa makarating na kami.Tanging taghoy lang ng hangin at hampas ng alon ang naririnig ko. Sobrang gandang pagmasdan
(ZAYNAH POV)Isang malakas na puwersa ang binigay niya sa pagsangga sa espada ko dahilan para mabitawan ko ito. Gumawa agad ako ng panibago na espada pero wala na siya sa tapat ko. Mabilis na bumulusok paibaba ang tubig na nakaharang sa amin.Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kaba at hindi ko 'yon gusto.F*ck! Hindi ko siya maramdaman! Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong makita kahit ni anino niya.Napatingin ako sa ilalim ng tubig at mabilis na sumisid. Sinubukan ko siyang hanapin sa madilim na parte ng karagatan.Hanggang sa may natanaw ako. Mabilis akong lumangoy patungo do'n at hindi nga ako nagkamali dahil siya nga 'yon. Wala siyang malay!Hinawakan ko siya agad sa kamay. Akmang lalangoy na ako pataas nang hinablot niya ako palapit sa kanya... at niyakap ako.Napatingin ako sa kanya na nakapikit pa rin. S*raulo. Kinabaha
(ZAYNAH'S POV)Kung saan-saan tumitingin ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkahiya. Damn it.Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako sa sarili ko. Damn. Talaga ba na inamin ko na sa sarili ko na mahal ko na siya?Mahal ko siya.Napapikit ako sa inis. Argh! You're making things so complicated Zaynah! That is so not you!Kinagat-kagat ko ang labi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Seriously? Ngayon lang nangyari 'yong ganito! 'Yong ganitong hindi ko alam ang gagawin ko! Damn it! F*ck!Napapitlag ako nang mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa kamay ko. Simula pa kanina hindi niya binitawan ang kamay ko. Mukhang tototohanin niya ang sinabi niya kanina. Literally.Patuloy pa rin kami sa paglalakad. Walang nag-iimikan sa aming dalawa. Hanggang sa huminto kami sa cotton candy stall. Pinaupo niya ako sa bench pero nanatili akong nakatingin sa cotton
(ZAYNAH'S POV)(ZAYNAH POV)We're currently here in front of the portal. At kanina pa nila ako hinihintay dahil hindi ko magawang gumalaw. I heaved a sigh then I face them."Go," Maotoridad na utos ko sa kanila. Agad silang naalarma at nagtangkang lumapit sa akin pero mabilis ko silang pinigilan."Your Highness," nag-aalalang sambit ni Chris."I said go. Chris, ikaw na ang bahala magsabi sa Hari at Reyna." utos ko."Saan ka pupunta?" tanong ni Ace sa akin pero hindi ko siya sinagot."And that's an order." I said with finality. Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Chris at hindi naman maipinta ang kay Ace. Sa huli ay wala na silang nagawa kundi ang pumasok na sa portal.Napabuntong-hininga ako at napatingala sa langit pagkatapos. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas pero nanatili pa rin akong nakatayo sa harap