Pinaka phenomenal talaga sakin yung scene ni flame kung saan sa s3 ay buntis siya finale yon. At nakikipag laban pa siya. Yun talaga
VESPERE SILSIA GREEN - FERREL ISANG LINGGO NA ANG LUMIPAS simula ng mag bakasyon ako sa Pilipinas. Kinabahan ako sa sinabi ni Gabi sa akin tungkol sa lalaking nagtatanong sa kanya. “Sabihin mo sa amin? Si Mr. O’Reilly ba ang naka one night stand mo?” Tanong ni Gabi sakin. “Kaya ba ayaw mo sabihin sa amin? Girl umamin ka para alam namin gagawin sa oras na mag tanong siya ulit..” wika naman ni Drina. Napa yuko ako at tumango, nasa bahay ko sila o nasa condo ko sila. “O-oo pero ayoko malaman niya na ako ang babaeng hinahanap niya..” pag amin ko. “Oh my god! Napaka delikado pa ng tao na ‘yun..” wika ni Gabi. Lalo kong hinawakan ng mahigpit ang suot kong damit. “Kaya kung pwede ayoko malaman din ninyo kasi baka madamay kayo.” Wika ko. “No worries, alam namin na ikaw ang babae na tinutukoy niya. Sa ngayon huwag muna tayo mag kita at ikaw? Bumalik kana ng New York..” wika ni Drina at hinawakan nito ang kamay ko. Niyakap naman ako ni Gabi. “Tama si Drina, umalis kana ng Pilipin
VESPERE SILSIA GREEN - FERREL NAIILANG AKO DAHIL MAY LALAKING NANONOOD ng photoshoot. Hindi naman nila ito mapa alis dahil sa anak pala ito ng may ari. Kaya pala parang na mumukhaan ko siya. Kung ganun kaibigan pala niya yung lalaki, kung ganun nang gabi na ‘yun maaari din kasama siya ng lalaking ‘yun. “What happened to you? Are tired? O wala ka sa mood?” Tanong sa akin ni Manager ko. Nasa loob na kami ng tent ko dahil pinag papahinga nila ako. “Naiilang kasi ako andyan kasi ‘yung anak ng may ari..” pag amin ko. Hindi lang ako sanay na may nanonood sa akin habang nasa isang outside photoshoot. “Gusto mo ba maki usap ako na paalisin muna?” Tanong sa akin ng manager ko. Dahil doon naka nguso ako ng parang bata. “Hindi ba nakakahiya?” Tanong ko dito. Natawa naman ito. “Mamili ka? Makiusap ako para matapos ito o hindi talaga matapos kasi naiilang ka?” Pamimili nito sa akin. Natawa naman ako. “Yung unang choices..” sagot ko dito tumawa lang ito at nag paalam na ito. Ngumit
VESPERE SILSIA GREEN - FERREL KINAUMAGAHAN maaga pa lang nag hahanda na ang cameraman at ang buong team sa pag set up sa mismong beach area ng resort kung saan ako una kukunan ng photo. Pag pipilian nila ito matapos nito doon na sila mag de-desisyon. Naka upo ako sa loob ng tent ko habang inaayusan ng may pumasok na lalaki. “Sho—-t sorry!” Agad itong tumalikod at may kung ano itong hawak. “It’s fine naka bathrobe naman ako.. ano kailangan mo?” Tanong ko dito at inayos ko ang suot kong bathrobe. Dahan dahan itong humarap nakilala ko ito, siya yung bunsong anak ng may ari ng magazine company. “Ahmm.. hi ako si Zenjiro Arden Soshiro. Pinabibigay po ito sa inyo ni Daddy pasasalamat po..” magalang nitong wika. Nahihiya nitong inabot ang isang red box na may kalakihan. “Nag abala pa kayo, paki sabi sa daddy mo at buong family ninyo na..” putol ko at ngumiti ako. “Konotabiha okurimono o itadaki, makotoni arigatōgozaimasu. Kisha no moderu o tsutome sasete itadaki kōeidesu.” (Thank y
VESPERE SILSIA GREEN - FERREL Sinalubong ako ng P.A ko na si Ria at agad nito sinasabi sa akin kung saan kami tutungo para sa photoshoot. Hindi pala kami sa studio kundi sa isang resort kung saan pagmamay-ari din ito ng isang may ari ng magazine company. “Gusto po muna nila na makita ka ng personal bago simulan ang photoshoot bukas na bukas.” Wika ni Ria. Tumango naman ako habang nasa loob kami ng elevator. “After nito diretso na tayo sa location para hindi na ako naghahabol ng oras..” sagot ko dito at umayos ako ng tayo. “Opo, Miss Green..” sagot nito hanggang makalabas na kami at nag tungo kami ng sabay sa isang opisina. Pag pasok nakita ko ang manager ko at may ari ng kumpanya na kung saan kinukuha ako as a front page model. “Oh, she’s here. Mr. Chairman she’s Vespere Green..” pakilala sa akin ng manager ko sa CEO. Ngumiti ako at lumapit. Nakipag kamayan ako na siyang tinanggap ng CEO. “Naku maiingit ang mga ka-kumpitensya ko kapag nalaman nila na ikaw ang naging bago
VESPERE SILSIA GREEN - FERREL Naka hilot ako sa sentido ko sa sinabi ni Mr. Chan tungkol sa pagtanggap nito sa isang project ko sa Maynila. “Bakit naman po kayo nag desisyon agad? Alam naman po ninyo na nasa bakasyon ako e..” reklamo habang kausap ko ito sa cellphone. “Nakiki usap sila dahil wala na silang maisip na pwedeng model o celebrity man lang na maging modelo. Kaya sige na Vespere tanggapin mo na ito..” pakiusap sa akin nito. Bumuntong hininga na ako at tumango kahit alam ko naman na hindi ako nito nakikita. “Okay sige paki handa ang mga gamit ko, babalik na ako ng Maynila ngayon. Magpapaalam lang ako sa pamilya ko..” sagot ko na lang at binabaan ko ito ng tawag ng hindi hinihintay na sumagot. Umupo muna ako at nag book ng flight pabalik ng Maynila. Matapos ko ma confirm at nabayaran ko na ito ay lumabas na ako upang puntahan ang magulang ko para maka usap sila. Kumatok ako sa silid nila mommy at daddy. “Mom dad? Pwede po ba ako pumasok?” Tanong ko sa kanila habang na
VESPERE SILSIA GREEN - FERREL ILANG ARAW NA ANG LUMIPAS dumating na ang araw ng aming reunion lahat ng kamag anak namin ay dumating na. Naka ngiti ako habang nakikita ko na nag sasayawan ang mga kamag anak namin. “Huy kailan ka ba mag aasawa? Malapit kana mawala sa kalendaryo.” Tanong ni Geneva. Niyakap ako nito agad ako naman ay parang nandiri sa tita ko na ito. “Finally umuwi kana! Mag asaw—” hindi ko pinatapos ito ng hawakan ko ang damit nito gamit ang dalawang daliri ko, isang hinlalaki at hintuturo. Na tila nakakadiring bagay ito. “Una, ayoko mag asawa, pangalawa hindi tayo close para yakapin mo ako, mas lalo kung palagi naman sa tuwing nag kikita tayo. Puro pag aasawa ang bukang bibig mo..” mataray kong sagot dito. Pinagpag ko pa ang damit ko at tiningnan ko ito. “Sus umasenso at yumaman ka lang ng ganyan. Nag iba na ugali mo..” yung tawa niya na hindi totoo? Alam niyo ba yun? Yung tawang nang aasar at malaman? Tinapunan ko ito ng tingin. “Alam mo tita? Imbes na m