Share

CHAPTER FIVE - WEDDING PREPARATION

RAINIER'S POV

Masayang mag katabi habang naka upo ang mag kasintahang sina Raiver at Sandra na nasa balkonahe ng mansyon. Naka sandal sa kanyang balikat ang babae habang magka hawak kamay.

       "Are you excited, huh?" tanong ng binata sa dalaga at bahagya itong inusod palapit sa kanya upang yakapin.

       "Yes!" naka ngiting tugon nito na bahagya pang tumingala upang tingnan ang mukha ng lalaki.

        Kapwa sila larawan ng labis na kasiyahan. Sa tinagal tagal kasi ng naging relasyon nila sa kasalan rin pala talaga ang bagsak nila. Kahit marami silang tampuhang dumaan, hindi nito natibag ang matatag na pundasyon ng relasyon nila kaya alam nila pareho na sapat na iyon upang humubog ng sariling pamilya. Handa na rin naman si Rainier sa bagong buhay na tatahakin nya bilang pamilyadong tao.

       Halos walong taon na ang relasyon nila ng babae. Nagawa nilang mag tagal dahil na rin sa hindi sila mahigpit pag dating sa kanilang relasyon. Hindi masasabing nakaka sakal ang relasyon nila na kagaya ng sinasabi ng iba.

       Aware sila sa isat isa sa nature ng kani- kanilang mga trabaho at hindi nila nilagyan ng limit ang kanilang mga dapat gawin. They are a perfect couple na hina hangaan ng iba, maganda, parehong tinitingala sa lipunan at may disenteng trabaho.

       Halos parang tunay na nga silang mag asawa dahil palagi silang mag kasama and they are living in. Since sa Amerika na lumaki si Sandra kaya liberated ito. Hindi big deal sa kanya kung mag kasulok man sila sa iisang bahay kahit na nga hindi pa kasal. Very supportive sya pag dating sa mga aktibidad ng lalaki at halos palagi rin nitong kasama kung wala syang schedule sa kanyang sariling trabaho bilang isang direktor ng isang fashion magazine. Samantalang si Rainier naman busy para sa kanilang kumpanya. Hindi naman nya masasabing perfect fiancee nga sya para rito dahil paminsan minsan pag kasama ang kanyang barkada at kaibigan, laman pa rin naman sya ng hotel kasama ang ibang babae, magaling nga lang talaga syang mag handle ng relasyon kahit na nga nag kakaroon sya ng ibang affair.

       Hindi rin  naman ibig sabihin non ay niloloko nya ang fiancee dahil mahal naman nya talaga ito. Dala nga lang talaga ng pakiki sama sa kaibigan at barkada.

       Marami ang nag sasabing kulang na lang sa kanila ay kasal at anak. Kaya naman napag desisyunan nila na mag pakasal na. Suportado naman sila ng kanilang mga magulang at ka anak kaya mabilis nilang nai sa- ayos ang lahat ng kanilang kailangan.

       "Seryoso ka ba talaga na sa isla tayo mag ha honey moon, honey? Excited na ako, for my first time, makikita ko ang ganda non, plus sa taong kasama ko with that special moment." bakas sa mukha nito ang saya.

       Ilang araw na lang at kasal na nila. Matu tupad na rin ang matagal na nilang gustong maging tunay na mag asawa.

       "Be prepare, hindi bat ngayon tayo pupunta para sa pag pili ng ilang mga souvenirs?" pa alala ni Rainier sa fiancee.

       "Yup!" at bumaling ito sa kanya. "Hindi ka ba papasok ngayon sa opisina?" malambing na tanong nito habang naka yakap sa beywang ng binata.

        "Syempre, kailangan muna kitang samahan ngayon, ang sama naman kung hahayaan lang kitang mag isa, di ba? Much better na dalawa na lang tayo, para mas mapili natin yung mas maganda kung dalawa rin tayong mag de- decide." sabi nya habang hini himas ang mahaba at naka lugay na kulay blonde nitong buhok.

        "Oh, thank you, I am bless to have you, charming, handsome and most of all, thoughtful." 

        "Hmn, nambola ka pa eh," sagot nya sabay na hinalikan ito sa pisngi.

       Lumabas ang maid na may dalang meryenda at in serve sa kanila. Kumuha ng bread si Rainier at agad na isinubo sa dalaga.

       Kung titingnan, larawan sila ng tunay at masayang couple. At wala na silang hihilingin pa kundi ang maging ganap ang kanilang pag sasama.

       Masaya silang kumakain ng biglang nag ring ang phone ni Rainier. Sinulyapan nya ito saglit at nakitang ang tita Estella ang tuma tawag. Mabilis nyang ibinaba muna ang pagkain upang sagutin ang phone.

        "Hello?"

         "Oh, iho hindi bat ngayon ang punta nyo para sa pag pili ng inyong magiging souvenir?" may pag tataka sa tinig nito marahil baka ina kalang  nalimutan nila ni Sandra.

       "Yes tita, medyo maaga pa naman, maya maya lang muna siguro kami."

       "Ah, okay! I thought naka limutan nyo so that's why I called. Bumisita rin naman kayo rito once you've done. " 

        "Yes, tita. Maybe if we finish dyan kami di- diretso agad mamaya kung maaga pa. We've miss you both, ilang weeks rin na hindi kami naka dalaw because of busy days at masyadong hectic ang schedule sa work." paliwanag nya rito.

        "Yes we know that and we understand, you both are busy, but still I want to congratulate you both for being that too far and finally, you both end up for what you desserve guys. In a few days from now you were officially a couple." tila proud pang sabi nito.

        "YES, tita, finally. Thanks nga po pala sa lahat ng suporta nyo sa amin. We're blessed kasi kayo ang nakilala naming magulang." madam daming pahayag ni Rainier.

        "HUSH! tama na iyan, sige na at kailangan ko pang pumunta ng office. Alagaan mo ng maigi si Sandra, ha?" bilin pa nito sa binata.

        "Sure tita. Bye!" 

         "Bye!" 

          At tuluyan na itong nawala sa linya. Sinipat nya ang oras sa kanyang wrist watch at napansing alas una kwarenta 'y sais na. Two thirty ang appointment nila sa botique na pupuntahan. May wedding coordinator naman sila kaya lang mas excited silang may bahagi rin lalo na at espesyal sa kanila ang okasyong ito.

         "I think we need to prepare." Sandra said. 

         Inalalayan sya ng binata na maka tayo at sabay na pumasok ng kabahayan. 

        "Do you want to go with me for a shower?" tanong ni Rainier na may ngising nakaka loko.

        "Umn, you can go first, I will just prepare for my dress first." sagot nito habang naka harap sa sariling closet at pumipili ng damit na maisusuot.

       

Nang maka rating sa botique masaya habang umiikot ang mata ni Sandra sa kabuuan. At huma hangang tiningnan ang lahat ng mga koleksyon.

        May brochure naman na pu- pwedeng pag pilian pero mas gusto nilang aktwal na makita ang bawat disenyo. Umikot pa muna sya sa paligid at masusing sinuri ang mga ito, isa isa.

         Na baling ang tingin  nya sa isang design na may dalawang dove at couple sa gitna habang magka holding hands at tila nangangako ng kanilang vows.

        Unang dinampot ito ni Sandra bago ang isa pang may design namang heart habang mag ka yakap naman ang figure ng couple.

        Dinala nga ito at excited na ipina kita sa binata.

        "Which one do you think the best?" Sabi ni Sandra at ini lapag sa table na nasa sa harapan nila.

        Dinampot naman pareho ito ni Rainier at tinitigan.

        "Hmn, nice huh, I think they both good." ayon nya sa tanong nito.

        Nag pout ng lips si Sandra.

        "So, which one do we choose?"

        "Just choose what you want." said Rainier.

          "That's why Im asking because, I like them both! What do you think?" at muli nitong kinuha sa kamay nya ang mga design.

         "Then, we can get that both." final na sabi ni Rainier.

          "Yes," masayang ayon ni Sandra.

           "Ah, miss, we choose this two." sabi ni Rainier sa manager ng botique.

         "Sure sir, we will prepare as soon as possible." naka ngiting sabi ng manager sa dalawa.

       Maaga pa ng lumabas sila kaya ipinasya nilang mag ikot ikot muna at kumain sa labas. Bago nila ipinasyang pumunta sa bahay ng tita Estella nya.

       "Hi tita." malambing na bati ni Sandra. Lumapit at nag beso rito.

       "OH hi sa inyong dalawa. Mabuti naman at dumalaw rin kayo. Akala ko talaga saka ko na lang ulit kayo makikita sa wedding day nyo." masayang bati ng ginang at iginiya sila papasok ng bahay.

        Diretso sila sa sala, inabot din nila ang pasalubong sa ginang na isang set ng book. Tuwang tuwa itong kinuha iyon.

       "Kayo naman nag abala pa. Pero salamat!" sabi nito. 

      Tinawag nito ang kasama sa bahay at nagpa handa ng pagkain.

       "No need tita, katatapos lang po namin at busog pa kami." tanggi ni Rainier.

         "Don't tell me, na aalis rin kayo agad? Halos pareho kayo ng kapatid mo pag pumunta rito agad ring uma alis." tila may tampong saad nito.

        "Hindi naman po sa ganoon tita, kaya lang minsan kasi dami rin ng kailangang asikasuhin. Lalo na ngayon na ilang araw na lang ang hihintayin namin."

         "Oo nga, sa hinaba haba ng pag lalakbay nyo dyan din pala ang punta nyo." at pare pareho silang napa halakhak. Masaya sila tuwing mag kakasama  sayang nga lang at wala ang iba.

        "Si dad nga po pala?" tanong ni Rainier habang umi ikot ang tingin sa paligid.

          "Naku, maya maya pa iyon dahil tumawag ang kumpadre nya at mag lalaro daw sila."

          "Sayang naman, bihira nga kaming mauwi hindi pa namin ma- abot  abutan." may pang hihinayang na sabi ng lalaki.

        Marami pa silang napag kwentuhan hanggang sa abutin sila ng dilim. Halos lahat ng topic tungkol sa kanilang kasal. Talagang imbitado lahat ng mga kilalang tao sa lipunan, mayaman o maging ang ilang mga pulitiko. Halatang engrande at ginastusan ng husto.

Sumapit ang araw ng kasal. Handa na ang lahat, napuno ang cathedral na pag darausan ng seremonya. Naroroon na ang lahat ng mga bisita at handa ng saksihan ang gaganaping pag iisang dibdib ng dalawa. Para sa kanila, isa itong wedding century na halos puro mga kilalang tao ang imbitado. Pinag handaan ng husto kahit ang ilang mga ka bussiness assotiate nila kahit sa ibang bansa ay imbitado na rin.

       Engrande ang ayos ng paligid at talagang kakikitaang ginastusan ng husto ang kanilang mga suot mula sa kanilang mga secondary sponsors hanggang sa dalawang pusong naka takdang pag isahin. 

        Ayos na ang lahat at ang tanging hinihintay na lang ay ang groom at bride.

Sa kabilang banda, nasa kabilang side ng kalsada habang nasa loob ng isang pulang kotse sina Cassandra at Kate. Naka suot ng tila pang wedding outfit na kulay red ang dalawa.

        "Alam mo na ang gagawin mo." narinig ni Kate na sabi ng kaibigan nya. Ang totoo kanina pa dinadaga ang dibdib nya sa gagawin lalo pa at mukhang engrande ang gagawing kasalan ng mga ito.

        "Pero hindi ko sya kilala, dapat naman makita ko rin ang mukha nya." sabi nya.

        "Hindi na kailangan, basta sinabi kong sya, sigurado ako, kaya sana maasahan kita na hindi ka pa- palpak sa misyon mo." seryosong sabi nya.

       Halos parang gusto ng umurong ni Kate. Alam naman nyang maganda sya ngunit kung sa ganitong maninira naman sya ng moment ng iba, para yatang sisintensyahan na sya ng kamatayan.

        Napansin ni Cassandra ang pagiging uneassy ni Kate kaya may ibinigay itong pills sa kanya.

         "Ano naman ito?" takang tanong nya habang hawak ang pulang maliit na tableta.

          "Inumin mo para hindi gumana yang nerbyos mo at magawa mo ng maayos at successful ang mga plano natin." pormal na sabi nito at gumuhit ang isang tila nakaka lokong ngiti sa labi nya.

        'Wala na talagang atrasan ito.' piping bulong nya sa sarili.

        "Halika na, bumaba ka na dyan. Maya maya lang mag sisimula na ang seremonya at dapat na naroon ka na."

        Kinakabahang walang nagawa si Kate kundi sumunod sa sinabi nito. May nakakabit ring maliit na earphone sa may gilid ng kanyang tainga at tinakpan ng naka lugay nyang buhok upang hindi mapansin at patuloy silang maka pag usap ng kaibigan.

        Mabibigat ang mga hakbang na tinungo nya at pinasok ang pag darausan ng seremonya. 

       Bigla syang nalula sa dami ng taong nasa paligid na halos puro kilalang tao.

       'Jusko ano ba itong gagawin ko?' piping usal nya sa sarili. Bigla ang pan lalambot ng kanyang mga tuhod na tila nawalan ng lakas at depensa sa naisip na pwedeng mangyari sa kanya.

         

       

        

       

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status