Share

CHAPTER SIX - SCANDAL

Handa na ang lahat, hindi mag kamayaw ang lahat ng mga bisita sa sobrang excitement. May video coverage pang naga ganap. Lahat na ku- curious sa hitsura ng mga ikakasal at ang iba naman ay huma hanga dahil sa tagal ng naging relasyon ng mga ito, sa wakas ay tuluyang nang magiging opisyal na mag asawa.

        Ang mga ibang kababaihan naman halata sa mukha ang inggit sa magandang kapalaran ng mga ito.

        "Bagay nga talaga sila." masayang sabi ng ilan.

         "Tiyak na magiging unforgetable ang araw na ito sa dalawa. Sobrang nakaka hanga sila. Ang galing nilang mag dala ng relasyon." maya maya ay sabi pa rin ng isang babae na malapit sa kanya.

        Mas lalo tuloy syang nakaka ramdam ng matinding kaba at takot matapos na marinig ang mga maga gandang bagay na naririnig nya sa paligid para sa dalawang taong naka takda nyang sirain. Parang nako konsensya na sya hindi pa man.

       "Please, bess. Hwag na natin ituloy ito. Parang hindi ko yata kakayanin." kina kabahan nyang sabi na bahagyang idinikit sa tenga nya ang palad upang walang maka halata sa kanyang may kina kausap.

        "GAGA ka ba? Naririyan ka na sa loob ngayon ka pa ba a- atras?" ramdam nya ang inis sa tinig nito.

        "Baka pag tulungan ako ng lahat rito o kaya baka makulong ako." hindi nya napigil na maka ramdam ng pag a- alala.

         "Ano ka ba naman, akala ko ba nag kasundo na tayo, ngayon ka pa ba mag kaka ganyan?"  halata ang pang gigigil sa tinig nito. "Ayusin mo yang sarili mo at pag arte mo, ha? Alam ko kaya mo yan. At wag kang mag kaka maling bulilyasuhin ang plano. Dahil hindi mo gugustuhing magalit ako sayo. Nag kaka intindihan na ba tayo?" para syang naka ramdam ng kilabot sa sinabi nito. nahimigan nya ang tila pag babanta nito. Pero dahil sa kaibigan nya ito, ipinag walang bahala lang rin nya ang sinabi nito.

       "Nariyan na sila, nakita ko na ang sasakyan nila kaya humanda ka na dyan. Alisin mo yang daga sa tiyan mo." narinig muli nyang sabi ng kaibigan. Halos maiyak na sya sa nerbiyos nya. At parang mai ihi syang hindi nya malaman.

         Narinig nya ang hiyawan at palakpak ng ilan ng makitang bumungad ang groom. At dahil may kalayuan sya sa mga ito hindi nya gaanong matitigan ang hitsura nito. Marami ang kinikilig ng mag simulang humakbang ang groom sa harapan ng altar upang hintayin ang kanyang bride.

       Bahagya syang lumapit sa may gitna upang madali syang maka bwelo at mas madali sa kanyang maka alis sakali mang dumugin sya ng ibang tao.

       Halos hindi sya maka hinga at pakiramdam na yata nya bumara na yata lahat ng kanyang laway sa lalamunan nya.

         Nakita nyang lumapit na rin ang paring mag kakasal sa dalawa sa harapan. Panay ang masayang bulungan ng iba na excited sa paparating na babaeng ikakasal.

       Halos pigil ang hininga ng lahat ng bumungad sa pinto ang tila dyosang kagandahan na unti unting luma lapit sa kanyang groom habang tinutugtog at kinakanta ng live ang isang malamyos na awitin.

         Naka ngiti ang babae habang papa lapit ito sa harapan. Naka ngiti ring nag hihintay ang kanyang groom habang hindi lumulubay ang tingin sa babaeng naka suot ng pure white, off shoulder long wedding dress na puno ng colorful beads design at may pearl pa. Natatakpan  ang mukha nito ng belo kaya hindi nya ma aninag ang mukha nito. 

        Maging sya man ay hindi maiwasang mainggit sa naka takda sanang magandang kapalaran nito.

        Nag palakpakan pa ang mga bisita nila ng magsimula itong lumakad ng dahan dahan. 

       Halos lahat ng naroon humanga sa nakitang ganda ng mga ito.

        "Bagay na bagay talaga sila." tili ng isa pang babae ng tumapat sa kanya ang bride. Marahil isa ring mahalagang bisita dahil kinawayan ito ng babae.

         Habang papa lapit ng altar ang babae, hindi nito maiwasang mapa luha dala ng nag uumapaw na kaligayahan. Dahil sa araw na ito na itinakda para sa kanilang dalawa upang silay mapag isa.

         Mabilis na inabot nito ang kamay ng dalaga mula sa ama nito ng tuluyan itong maka lapit sa harapan at hinalikan iyon. Nag kamay ang dalawang lalaki at ipinag patuloy na nila ang pag harap sa taong mag kakasal sa kanila.

        Nag simula na ring mataranta si Kate na parang hindi alam ang gagawin.

        "Hey! Ihanda mo na yang sarili mo at wag kang ta- tanga tanga." boses ng kaibigan nya. "Remember kung bakit ka nariyan. Alam mo ang hudyat kung kailan ka dapat na pumasok. At siguraduhin mong gagawin mo. Kaya please lang gawin mo, para naman ito sa baby ko." matigas at halatang nang gigigil na sabi nito sa kanya. At tila sinadya pa yata syang konsensyahin sa pag damay nito ng pag banggit sa baby nya.

        Hindi agad sya naka imik sa sinabi nito. Halos inipon muna nya ang lahat ng kanyang laway at nilulon.

        Naka ramdam sya ng pan lalamig ng mga palad at nag sisimula na rin syang pag pawisan ng malamig at butil butil.

       'Please po panginoon, patawarin nyo po ako sa gagawin kong ito at sana bigyan mo ako ng lakas ng loob upang magawa ko po ito ng maayos.' piping usal nya ng panalangin.

         Naririnig nya ang bawat tinig at sinasabi ng mga nasa paligid nya. Ginawa nyang tila bingi ang sarili upang mag karoon sya ng sapat na lakas ng loob upang labanan ang nabubuhay na takot at pangamba sa kanyang dibdib. Inipon muna nya ang kanyang hininga bago ito ibinuga at inilang ulit pa nya  upang mag bawas ng nerbyos na nararamdaman. Bahagya nya ring ikiniling ang kanyang ulo upang alisin ang tila pangangalay ng kanyang  leeg.

       Napansin nyang nag silapit ang sakristan sa pari at may mga inabot rito na hudyat na upang simulan na rin ang seremonya. Nagsi tahimikan ang lahat ng mag simula na ring mag salita ang paring nasa harapan. Tila umusal pa muna ito ng panalangin bago nito ipinag patuloy ang pag harap sa dalawang kakasalin.

         "Sa pag patnubay at pag gabay sa akin ng ating poong maykapal upang gawing ganap na mag asawa na ang dalawang nilalang na ito sa ating harapan, taos puso ko pong ipina aabot sa inyo ang aming pagbati na kayo ay kalugod lugod na tina tanggap namin upang pag isahin at pag buklurin sa ilalim ng mabuting salita ng ating mahal na poong lumikha. At bago pa man po ako mag patuloy. Mangyari po lamang na mag salita kung sakali mang may tumutol o mahigpit na pag tutol sa gaganaping ito na pag iisang dibdib." simula ng pari.

        Hindi ma- alis alis ang lakas ng kabang nararamdaman ni Kate ng mga sandaling iyon. Biglang tila nangurong ang kanyang dila sa gagawin.

       "Nasaan ka na? Gawin mo na." boses ni Cassandra na nag pabalik sa kanya sa realidad. Nang gigigil ito tiyak sa kanya na halata naman sa boses nito. "Go!"

          "Kung wala pong anumang pag tu-" naputol ang nais sanang sabihin ng pari ng biglang tumayo at mag taas ng kamay si Kate at nag salita.

           "Itigil ang kasal na iyan!" malakas na sigaw ni Kate na sadyang tumayo pa  upang makita ng mga ito. Halos lahat napa nganga sa kanyang sinabi at bawat tao na naroon ay kanya kanyang napa lingon sa kanyang gawi.

       Inakala ng ilan na sya ang isang naging babae ng binata kaya mahigpit ang pag tutol nya. Nahagip pa ng pandinig nya ang sinabi ng isang babaeng malapit lang sa kanya.

        "Grabe sya ano? Ang lakas ng loob manira, totoo naman kaya ang sinasabi nya?"

        "Malamang malaki ang gusto nyan kay sir Rainier kaya wagas kung maka tutol." sabi pa ng isa. Halos mapa pikit sya sa mga narinig. Nag mukha pa tuloy syang mababang babae na nag hahabol rito.

         Kahit puno ng kaba at takot, sinikap pa rin nyang mai labas ng maayos ang kanyang mga salita na hindi sya mapag kakamalang takot. Sinikap nyang maging natural ang kilos na tila galit. 

        Samantalang ang dalawang nasa harapan naman na naka takda sanang kasalin ay tulala habang naka tingin sa kanya dahil maging ang mga ito ay hindi rin sya kilala.

        Napa isip bigla ang mga ito sa babeng nag lakas ng loob para lamang tutulan ang kanilang kasal kahit pa nga nasa karamihan ng tao na puro halos mga kilalang personalidad pa.

        Nag simula ng mag karoon ng komosyon sa paligid at nag kanya kanya ng bulungan ang mga tao habang naka sulyap sa kanya. Buong tapang nyang isiniwalat rito kung ano ang dahilan ng pag tutol nya.

"Hindi karapat dapat na bigyan ng kasal ang katulad ng lalaking iyan na nasa inyong harapan na isang manloloko. Manggagamit at walang sariling paninindigan. Yes, nasa peligro ang buhay ng aking kaibigan dahil sa lalaking iyan. Matapos nyang gamitin, buntisin ay iiwan na lang na parang b****a? Nasaan ang puso mo lalaki? Kaya dapat sayo hindi binibigyan ng pag kakataon para sumaya." galit na galit na bulalas nya.

       Nag simula na ring mag palitan ng tingin ang mga nasa paligid at mag palit palitan ng lingon sa kanilang dalawa. Habang nag bubulungan.

        Halos mawalan naman ng ulirat ang babaeng dapat sana ay ikakasal.

         "Is it true?" mangiyak ngiyak na tanong nito sa kanya. Hindi sya maka paniwala kung totoo ba ang sinasabi ng babaeng iyon tungkol sa kanyang mapapangasawa. Halos hindi sya maka paniwala na mangyayari ito ngayon sa mismong araw pa ng kasal nya.

        "No, baby. I didn't know her. I didnt saw her before and all what she said is all a lies." paliwanag nya sa kanyang fiancee.

        "Then why did she do that? Imagine she did it in front of all this people. She can not do this if she was wrong and you did nothing. And whose the other girl shes talking about?" umiiyak na sabi nito. Hiyang hiya sa mga pangyayari lalo pa ang sabihin nitong may nabuntis at iniwan ito. The rumors spread so fast all over the people there as the wedding stopped.

          "Promise! I really did not know her and her so called friend. Please believe me babe. They framed and blackmailed  me. I dont had any girl except you." pilit na paliwanag nito sa babae pero umiling ito at nag simula ng humakbang palayo sa kanya habang umiiyak upang lumabas ng simbahan at maka layo sa mga nag uusyosong tao sa paligid.

        "Sandra!" habol na sigaw nya rito "Please dont do this, believe me!" samo nya ngunit tila naging bingi ito at hindi na sya ginawang lingunin pa.

        "What happened? And who's that girl?" taranta ring tanong ni Donya Estella na naka lapit na sa kanya. "My goodness, why is it happened now? In front of all people?" hindi maiwasang maka ramdam ito ng hiya sa mgaa pangyayari lalo nat kilala sila at pwedeng maapektuhan ang kanilang mga negosyo.

       Alam nyang mabuting tao ang binata at naniniwala syang marahil ay may nagagalit lang rito na nais gumanti. Hindi nya huhusgahan ito, marahil sa iba oo, ngunit sa kanya alam nyang may paliwanag sa bawat pag kakamali.

        Agad ring naka lapit sa kanila si Don Marco at bahagyang tinapik sa balikat si Rainier na tanda ng suporta nito kahit hindi man ito nag sasalita,bago nag pasyang umalis na rin upang mauna sa kanila.

       Nag simula ng unti unting mag si- alisan ang mga taong dapat sana ay saksi sa kanilang pag iisang dibdib ngunit sa isang iglap lang naglaho na parang bula.

       Nakita ng binata ang babaeng naka suot ng kulay pulang tila damit rin ng ikakasal, hindi nya gaanong mabistahan ang mukha dahil may kalayuan.

        Halos sumiklab ang nararamdaman nyang galit para rito. Hindi nya kayang basta na lang palampasin ito. Hindi sya sigurado kung pag katapos nito ay muli pang babalik ang dating sila ng kanyang fiancee.

        Ang pag kaka alam nya wala syang inargabyadong babae at hindi sya nanakit kanino man sa mga ito kahit ang mga babaeng saglit lang nya nakilala.

        Halos mamula ang kanyang mukha sa galit habang papalapit sa babaeng sumira ng magandang araw nila at ng buong buhay nya. Nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata na halos mag dikit pa ang mga kilay sa pag sasalubong nito.

          Kuyom ang mga kamao at magka lapat ang mga labi na mabibilis ang hakbang na lumapit rito.

         "Iho!"malakas na tawag ni donya Estella kay Rainier pero tila naging bingi ito na nag patuloy na lumapit sa babaeng naka tanga habang papalapit sya sa kinaroroonan nito.

         "I need her to pay for this." mahina at matigas na sabi nya na hindi sigurado kung narinig ba ng ibang naroon o hindi ang sinabi nya.

         Napansin nyang parang pamilyar na ang mukha ng babaeng ito ngunit hindi lang nya matandaan kung saan ito nakita noon.

        

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status