 LOGIN
LOGINMagmamadaling araw na ng marating namin ang norteng bahagi ng syudad, sa Isabela. Luther parked the car.
Ramdam ni Riva ang mabibigat na lakad ni Luther nang ito’y lumabas upang pagbuksan siya ng pinto. Doon niya lang napansin na nakasuot ito ng pang-opisina. Pero bago pa man siya umalis ng condo ay nakapang-bahay pa si Luther—isang maluwag na shirt at sweatpants ang suot. But now, he’s wearing a fitted collared long-sleeve; a couple buttons were freely open, dahilan upang makita ni Riva ang basa at pawis na dibdib. “Bakla ba talaga 'to?” utas ni Riva sa sarili habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan ang binata. “He’s fucking hot for a gay!” Sa pagtitig ni Riva sa dibdib nito ay hindi na niya namalayang napagbuksan na pala siya ng pinto. “What? Gonna stare there all night?” maldito nitong sabi Luther habang ang isang kilay ay nakataas. There was sarcasm in his tone, and Riva could sense that Luther was still upset. The tension in the air was thick enough to slice with a knife. Napalunok si Riva. Inisa-isa niyang damputin ang mga gamit ngunit pinigilan siya ni Luther. “Just leave it there,” pigil nito, sabay sulyap sa kanya, “...unless you have a plan to go somewhere… to meet someone?” sabi nito na wari’y may kahulugan, isang mapanuyang tono na tila sumasaksak sa loob ng dibdib ni Riva. Huminga na lamang siya ng malalim at hindi sumagot. Riva closed the door and followed Luther inside. It was a simple restaurant at first glance—plain walls, old tables, a quiet radio playing a slow love song from the early 2000s. But they serve the best noodles for cold days, and tonight, the breeze was colder than usual. “We probably need ice cream rather than noodles. Pampalamig sa mainit-init na ulo,” sambit ni Riva sa sarili habang sinusundan si Luther sa loob. Makintab sa linis ang lugar kahit maliit lang ito. The floors were spotless, the kitchen counter gleamed under the yellow light, and there was a faint aroma of lemongrass and soy. With only a few people dining, Riva felt somehow peaceful and safe. Maybe it was because of the greeny and nature-wired atmosphere—there were small indoor plants hanging near the windows—or is it because of a person who always makes her feel that everything will be alright, if she’s by his side? Luther, now at the counter, paid through check. Wala siyang dalang perang papel, at dahil regular na siya rito, sanay na ang cashier na ito ang bayad ng binata. “Oi si Sir, may magandang kasama. Jowa niyo ho?” the lady cashier teased the young man. And Luther couldn’t help but follow her gaze at the woman sitting across the counter. Riva, in her ordinary outfit—an oversized cardigan and washed jeans—pouts. Nang magtama ang tingin nila ay agad na umiwas ng tingin si Riva, still guilty of what she did earlier that day. “No,” Luther gave the check, “...asawa ko.” Bumalik si Luther sa inuupuan. He noticed the chapped lips of Riva. Her dry lips caused a wave of concern mixed with irritation to Luther. Mas lalo nagmaktol ang isip nito. “She should’ve eaten before meeting that man! Now I might not control myself kissing those dehydrated lips!” pagmamaktol nito sa sarili. Riva noticed Luther’s furrowed brows. His jaw was clenched, and his eyes were darting between her lips and the table. Bawat minuto na kasama niya ang binata ay hindi niya mapigilang mainis sa hindi malamang dahilan. As if what she did earlier was a mortal sin. As if talking to her ex, a man she once called her own, meant betrayal. “Ano…” Riva broke the silence, voice small. Luther didn’t raise an eye to look at her. He was focused on pouring them both a glass of water. “Kanina—” “Drink first. You look exhausted and pale as fuck.” Luther, who didn’t know how to speak nicely, hurt Riva for a second. That tone was a bit unusual to hear from Luther. Sanay na si Riva sa ganitong pananalita, pero ngayon, she was hurt for some reason. Maybe because it came from him. Maybe because she was already too emotionally tired. Riva bit her lips, and Luther noticed how it affected her a bit. She looked like she wanted to cry but was trying to hold it back. “You didn’t eat when you left,” Luther started, still looking at his glass. “I thought you were going to your new job. But… I guess…” He stopped midway, looking hurt. “...Just eat.” Sakto namang dumating ang waiter dala ang kanilang order. Ang inorder nila ay mainit na beef mami na may manipis na hiniwang brisket, nilagang itlog, fresh bokchoy, at garlik oil na nakalutang sa ibabaw. May kasamang side dish na lumpiang shanghai at dalawang bottled water. Tinernuhan ito ng simpleng banana turon bilang dessert. “Teka! Nag bayad ka na ba? Meron pa ako ditong five-hundred—.” “It’s paid already. Eat.” Pagputol nito’t utos. Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay napansin ni Riva ang relong suot ni Luther. It was a Louis Moinet Meteoris na meron din si Gael. It was surely an expensive thing that only the elite do buy. Pero nakapagtataka kung bakit meron si Luther neto gayong sakto lang naman ang trabaho ng binata bilang software engineer sa isang local firm. Luther noticed Riva’s attention traveled to his watch. “A gift from a rich friend. Don’t mind it.” Tumango naman si Riva bilang sagot, pero hindi maiwasang makaramdam ng kakaibang kuryosidad. “Earlier…” panimula ni Riva, inipon ang tapang sa lalamunan. “I’m sorry…” Luther met Riva’s sincere gaze. “Alam kong our marriage is just contractual, a set-up, and a false act. Pero sa tingin ko, may karapatan ka pa ring malaman ang mga bagay na nangyayari sa loob at labas ng pamamagitan namin ni Gael. We’re not in love, but we’re tied by law…” Ngumiwi si Luther, trying to hide the stab in his chest. “I went there not to reconcile with Gael, but to personally tell him that we’re over. Maniwala ka man sa hindi, iyon ang pakay ko. I’d hire an attorney to compensate as I’ve breached the contract, when clause B states 'Both parties must avoid interaction with former romantic partners that could compromise the authenticity of the marital agreement in public or private engagements.’” makahulugang sabi ni Riva. Luther was celebrating inside. Alam niyang hindi ganoon ang babae. Only that asshole Gael is trying to get her for the sake of whatever reason—ego? pride? regret? Parang nabunutan ng tinik si Luther. “Only hire an attorney if you want a real marriage.” Pabulong na sabi ni Luther bago tumikhim at ibinalik ang baso sa lamesa. “May sinasabi ka?” Riva asked, but only murmurs were heard. Umiling naman si Luther. Reaching the parking lot, the cold air welcomed them again. The silence between them was no longer awkward—it was loaded, but with something else. Maybe it was understanding. Or maybe, just maybe, it was the quiet before the real storm. As Riva opened the car door, her phone buzzed. A new message from her Tita Fatima. “Maghihiwalay na kami ng Tatay mo.”
Buong gabi, hindi mapakali si Riva. Nakahiga siya sa malambot ngunit tila banyagang kama, ang mga palad ay nakakuyom sa ibabaw ng kumot na parang kumakapit sa huling piraso ng kontrol na meron siya. Nakatingin siya sa kisame na parang hinuhugis nito ang mga sagot na matagal na niyang hinahanap. Ngunit walang dumating. Walang kasagutang sumagi, tanging bigat ng damdamin at pagod sa katawan ang bumalot sa kanya.Hindi siya makatulog, lalo pa’t napakalapastangan ng offer kanina mula sa dating naging madrasta. Ang bawat salita, parang tinik na paulit-ulit sumasaksak sa kanyang isipan.Oppose Ezekiel?Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya kung paano siya nauwi rito, sa mundong hindi niya lubos na inakala na papasukin niya. Bigla niyang naalala ang kanyang unang asawa—si Gae
Mula pa kaninang umaga, abala na si Riva sa kusina. Maaga siyang nagising, dala ng kaba at kakaibang kasabikan. Hinihintay niyang magising ang asawa, si Luther. Kanina pa nakahain ang inihanda niyang almusal — simpleng luto lang, pero maayos at kumpleto. Habang nilalatag sa mesa ang mga plato, napapangiti siya nang walang dahilan.Pero alam niya kung saan iyon nanggaling. Naalala niya ang mga nangyari kagabi.Halos mapasama na siya — muntik nang masaktan, muntik nang mawala sa kanya ang hininga. Ngunit… si Luther. Ang lalaking peke niyang asawa, siya ang sumagip sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung paano nalaman ni Luther na naroon siya sa Xentro.Napahinto siya sa pag-aayos ng kutsara. “Oo nga…” mahina niyang sambit, para bang kausap ang sarili. “Hindi ko pa pala siya tinatanong tungkol doon!”Sa isip niya, nagsimula nang mabuo ang mga salitang bibitawan niya kapag kaharap na niya si Luther. Paano ba niya sisimulan? Diretso ba? O dahan-dahan lang?Pero agad din siyang
Nararamdaman ni Riva na bawat segundo sa loob ng Xentro ay parang hinahati sa mas maliliit na piraso ng kaba at hinala. Habang nakatayo siya sa isang gilid, nagmamasid sa kilos ng mga tao, hindi mawala sa isip niya ang tanong na kanina pa naglalaro sa kanyang isipan—bakit siya pa ang tatawag sa General? Parang may kulang sa kwento, may lihim na ikinukubli. Hindi iyon basta simpleng pakiusap o utos; may bigat, may kapangyarihan sa likod ng bawat galaw ng lalaking iyon.“Relatives ba sila para mag-utos nang gano’n?” bulong niya sa sarili, ngunit ramdam niyang kahit magkamag-anak pa, kahina-hinala pa rin ang lahat. Para bang may mas malalim pang dahilan—isang dahilan na pilit niyang sinusubukang hulihin pero laging dumudulas.Sa loob ng Xentro, nagkakagulo na. Ang mga ilaw ay kumikislap-kislap sa bawat sulok, halong puti at madilim na bughaw, para bang sinasadya nitong takpan ang mga bagay na ayaw ipakita. Ang sahig ay malagkit sa pinaghalong alak at pawis, at may halimuyak ng mamahaling
Tinanggal ni Luther ang suot na tuxedo at marahang isinuot kay Riva, para bang bawat galaw ng kanyang mga kamay ay sinisiguradong natatakpan ang balat nito. Ramdam ni Riva ang bigat at init ng tela, pero higit pa roon ay ang bigat ng kahulugang dala nito—parang ibinalik sa kanya ang dignidad na muntik nang mawala. Nakalapat ang tela sa kanyang balat, mainit pa mula sa katawan ng lalaki, at tila ba binabalot siya ng proteksyon.Hindi siya tinitigan ni Luther. Ang malamig na anyo ng kanyang mukha at ang mariing pag-ipit ng panga nito ay nagsasabi na may pinipigil na galit. Para kay Riva, isa itong malinaw na palatandaan na tama ang kanyang hinala—galit ito. Napalunok siya, at hindi niya namalayang may isang luha na pumatak mula sa kanyang mata.Nagulat siya nang bigla siyang buhatin ni Luther—bridal style. Napasinghap siya, at sa kabila ng gulat, napako ang kanyang mga mata sa mukha ng lalaki. Matikas ang panga, matalim ang tingin, ngunit may kakaibang bigat at pag-aalaga sa pagkakarga
Nagpupumiglas si Riva, desperadong kumawala sa pagkakahawak ng lalake. Ramdam niya ang gaspang ng palad nito sa kaniyang braso—mainit, mabigat, at parang bakal na ayaw bumitaw. Nang magtangkang gumapang ang kamay ng lalake papunta sa kaniyang dibdib, isang matinding galit ang sumiklab sa dibdib niya. Mabilis, walang pag-aalinlangan, itinulak niya pababa ang kaniyang bigat at tinadyakan nang mariin ang maselang bahagi nito.Isang matinding ungol ng sakit ang kumawala mula sa bibig ng lalake. Napasubsob ito sa mesa, halos manginig ang mga tuhod habang pilit kumukuha ng lakas. Kita sa mukha nito ang pamimilipit sa matinding hapdi. Ang ibang lalake sa paligid—malalaking katawan, matataba, at karamihan ay lasing—ay napaurong sa gulat. May ilan pa na hindi na nakatayo mula sa kanilang kinauupuan, mistulang nabigla sa bilis ng pangyayari.Sa kabila ng kanilang pigil na reaksyon, malinaw sa kilos ng mga ito na hindi sila sanay na may lumalaban. Dahan-dahan, bahagyang nanginginig ang mga dalir
The clubhouse was still raging with noise—isang magulong timpla ng bass na parang dumadagundong sa dibdib at hiyawan ng mga taong walang pakialam kung may nasasaktan. The air was thick, amoy usok ng sigarilyo, halong pabango at pawis, na parang sumisiksik sa bawat hibla ng buhok ni Riva. Halos hindi niya marinig ang sinabi ng babae sa tabi niya, ngunit isang bagay ang malinaw—hindi iyon maganda.Bibilisan na sana niya ang hakbang papunta kay Zephanie nang biglang sumulpot ang isang grupo ng malalaking lalaki, naka-itim na shades kahit madilim ang paligid. Malalapad ang balikat, at bawat kilos ay parang sinukat para magpakita ng pwersa. Hindi lang siya hinarangan—itinulak pa siya, diretso sa entablado kung saan may mga babaeng nagsasayaw, nag-aalis ng saplot isa-isa.“Aray! Masakit…” daing niya, nagpupumiglas, nanginginig ang mga kamay habang sinusubukang kumawala sa matitigas na bisig ng mga lalaki. Parang bakal ang pagkakahawak nila, walang puwang para makasingit kahit kaunting lakas








