LOGINIn a desperate attempt to survive betrayal and save her broken family, Riva walks away from her cruel billionaire ex—only to be blamed, humiliated, and cornered. With nowhere to run, she agrees to a flash marriage with Luther, a mysterious man with secrets of his own. But in a world ruled by power and pride, can a fake vow protect her from the fire—or pull her deeper into it?
View MoreBuong gabi, hindi mapakali si Riva. Nakahiga siya sa malambot ngunit tila banyagang kama, ang mga palad ay nakakuyom sa ibabaw ng kumot na parang kumakapit sa huling piraso ng kontrol na meron siya. Nakatingin siya sa kisame na parang hinuhugis nito ang mga sagot na matagal na niyang hinahanap. Ngunit walang dumating. Walang kasagutang sumagi, tanging bigat ng damdamin at pagod sa katawan ang bumalot sa kanya.Hindi siya makatulog, lalo pa’t napakalapastangan ng offer kanina mula sa dating naging madrasta. Ang bawat salita, parang tinik na paulit-ulit sumasaksak sa kanyang isipan.Oppose Ezekiel?Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya kung paano siya nauwi rito, sa mundong hindi niya lubos na inakala na papasukin niya. Bigla niyang naalala ang kanyang unang asawa—si Gae
Mula pa kaninang umaga, abala na si Riva sa kusina. Maaga siyang nagising, dala ng kaba at kakaibang kasabikan. Hinihintay niyang magising ang asawa, si Luther. Kanina pa nakahain ang inihanda niyang almusal — simpleng luto lang, pero maayos at kumpleto. Habang nilalatag sa mesa ang mga plato, napapangiti siya nang walang dahilan.Pero alam niya kung saan iyon nanggaling. Naalala niya ang mga nangyari kagabi.Halos mapasama na siya — muntik nang masaktan, muntik nang mawala sa kanya ang hininga. Ngunit… si Luther. Ang lalaking peke niyang asawa, siya ang sumagip sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung paano nalaman ni Luther na naroon siya sa Xentro.Napahinto siya sa pag-aayos ng kutsara. “Oo nga…” mahina niyang sambit, para bang kausap ang sarili. “Hindi ko pa pala siya tinatanong tungkol doon!”Sa isip niya, nagsimula nang mabuo ang mga salitang bibitawan niya kapag kaharap na niya si Luther. Paano ba niya sisimulan? Diretso ba? O dahan-dahan lang?Pero agad din siyang
Nararamdaman ni Riva na bawat segundo sa loob ng Xentro ay parang hinahati sa mas maliliit na piraso ng kaba at hinala. Habang nakatayo siya sa isang gilid, nagmamasid sa kilos ng mga tao, hindi mawala sa isip niya ang tanong na kanina pa naglalaro sa kanyang isipan—bakit siya pa ang tatawag sa General? Parang may kulang sa kwento, may lihim na ikinukubli. Hindi iyon basta simpleng pakiusap o utos; may bigat, may kapangyarihan sa likod ng bawat galaw ng lalaking iyon.“Relatives ba sila para mag-utos nang gano’n?” bulong niya sa sarili, ngunit ramdam niyang kahit magkamag-anak pa, kahina-hinala pa rin ang lahat. Para bang may mas malalim pang dahilan—isang dahilan na pilit niyang sinusubukang hulihin pero laging dumudulas.Sa loob ng Xentro, nagkakagulo na. Ang mga ilaw ay kumikislap-kislap sa bawat sulok, halong puti at madilim na bughaw, para bang sinasadya nitong takpan ang mga bagay na ayaw ipakita. Ang sahig ay malagkit sa pinaghalong alak at pawis, at may halimuyak ng mamahaling
Tinanggal ni Luther ang suot na tuxedo at marahang isinuot kay Riva, para bang bawat galaw ng kanyang mga kamay ay sinisiguradong natatakpan ang balat nito. Ramdam ni Riva ang bigat at init ng tela, pero higit pa roon ay ang bigat ng kahulugang dala nito—parang ibinalik sa kanya ang dignidad na muntik nang mawala. Nakalapat ang tela sa kanyang balat, mainit pa mula sa katawan ng lalaki, at tila ba binabalot siya ng proteksyon.Hindi siya tinitigan ni Luther. Ang malamig na anyo ng kanyang mukha at ang mariing pag-ipit ng panga nito ay nagsasabi na may pinipigil na galit. Para kay Riva, isa itong malinaw na palatandaan na tama ang kanyang hinala—galit ito. Napalunok siya, at hindi niya namalayang may isang luha na pumatak mula sa kanyang mata.Nagulat siya nang bigla siyang buhatin ni Luther—bridal style. Napasinghap siya, at sa kabila ng gulat, napako ang kanyang mga mata sa mukha ng lalaki. Matikas ang panga, matalim ang tingin, ngunit may kakaibang bigat at pag-aalaga sa pagkakarga












Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.
reviews