Leaving gems and comments are highly appreciated. Stay tuned for next update later. Happy reading!
LUNA’s POVPAGKATAPOS maghapunan, nasa balkonahe sina mama kasama si Nathaniel at nakikipag-kwentuhan. Habang si Damon naman ay parang hindi pa din maka-get over sa ginawa niya kanina.“Are you okay?” tanong ko sa kanya.Nandito kami ngayon sa sala. Hilot hilot niya ang kanyang sintido habang nakapikit at nakasandal sa inuupuan naming mahabang upuan.Yung mukha niya ngayon, parang stress na stress magmula pa kanina noong matapos kaming kumain.“I think, I just gave my digestive system a cultural shock,” sagot niya habang nakapikit pa din.Hindi ko mapigilan ang mapatawa nang mahina kahit alam kong seryoso siya at hindi nagbibiro. “Hindi mo naman kasi kailangang pilitin ang sarili mo,”“Tch. I didn’t want to give him the satisfaction,” bulong niya, sabay mulat at matalim na sinulyapan si Nathaniel na nasa balkonahe.“Ah, ganun? Kahit hindi mo na malunok, pipilitin mo pa din?”Yung pride niya e. Ayaw talaga magpaawat.Huminga siya nang malalim bago bumaling pabalik sakin. “I’ll still ea
MADILIM at malamlam ang ilaw sa bar. Halo-halo ang amoy ng usok ng sigarilyo, alak at citrus. Sa likod ng mahabang counter, nakaayos ang mga bote ng alak at nagmimistulang mga collection dahil ang iba dito’y ilang dekada na ang tanda. Maaliwalas ang tunog ng tawa, usapan, at mahinang musika.Isang kilalang surgeon ang nakatayo sa tabi ng bar. May hawak itong baso na nangangalahati na ang alak at bakas sa mukha niya ang tahimik na pagod. Napalingon siya nang muling tapikin ng dati niyang kaklase sa med school ang likod niya, kasabay ng pagtulak ng panibagong shot sa harap niya.“Pre, one more shot!” sigaw ng ka-batch niya habang tinatapik siya sa balikat.Damon gave a tight smile. “I’d rather be in the OR.”“Wala kang pasyente ngayon, doc!” tawa pa ng isa. “Hindi mo pwedeng operahan yang scotch, ‘no!”Pero hindi siya natawa. He barely blinked.Honestly, ayaw naman sana niyang pumarito, kaso pinilit siya ng kanyang ama. Networking na din daw para sa pangalan ng ospital na mina-manage ni
Third Person POV NAPASAPO si Luna sa sentido nang maramdaman ang matinding pagsakit ng ulo. Parang may nagmamartilyo sa magkabilang gilid ng kanyang ulo habang unti-unti niyang pinipilit imulat ang mga mata. Mabigat ang talukap na para bang ayaw pa ring bumitaw sa tulog. Tila ba ang buong katawan niya ay mabigat, masakit ang batok, at nanlalambot ang mga kalamnan.Napasinghap siya nang tumama ang malamig na hangin ng aircon sa hubad niyang balikat.Teka lang.Hindi agad niya na-proseso ang lahat. Sa gitna ng hangover haze, isang sunod-sunod na sensasyon ang gumising sa diwa niya: ang malambot na bedsheet na hindi niya pag-aari, ang mamahaling pabango na hindi niya pabango, at ang—Perfume?Bigla siyang napabangon mula sa pagkakahiga, kasabay ng mabilis na kabog ng dibdib niya. Ramdam niya agad ang init sa pisngi—hindi dahil sa lagnat, kundi sa kaba, hiya, at takot na pinagsama. Lumingon siya sa kaliwa.Isang lalaki ang mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakatalikod. Malapad ang bal
Third Person POVDAIG pa ni Luna Ferrer ang isang ninja sa liksi at tahimik na hakbang habang mabilisang tinatahak ang hallway papunta sa kanyang unit. Nakababa ang ulo, mahigpit ang pagkaka-kuyom ng kanyang bag sa dibdib, at panay ang lingon sa paligid na para bang may kung sinong sumusunod sa kanya.Habang binubuksan niya ang pintuan, hindi niya mapigilan ang kabahan na baka may nakasunod sa kanyang paparazzi at baka may nakakita sa kanyang paglabas mula sa VIP suite ng bar, at baka… baka may litrato.Kaka-click pa lang niya ng lock, nang—“Where have you been?”Boses pa lang, alam na niyang tapos na ang kanyang panandaliang kapayapaan.Wala pang isang dangkal ang awang ng pinto, pero umalingawngaw na sa buong unit ang boses ni Cheska Torres, ang kanyang matagal nang manager-slash-best-friend-slash-emergency-911. Nakaupo ito sa sofa habang nakahalukipkip at mistulang bundok ng stress ang nakatambad sa mukha nito. Naka-on na ang mga ilaw, at sa ayos niyang nakatambay roon, malinaw na
Third Person POV “Hindi na matutuloy ang endorsement shoot next week with Onirique cosmetics dahil nagpalit na sila ng bagong endorser,”Those words hit Luna harder than the hangover she was still nursing. Mas masakit pa ‘yon kaysa sa pagkakagising niya sa isang VIP suite na hindi niya maalala kung paano siya napunta roon.Mahigit isang oras din siyang nakatulog at pagkagising niya, saka lang nag-sink in lahat sa kanya ang nangyaring aberya. Nakaupo siya sa plush teal couch ng condo niya, nakabalot sa oversized hoodie at may ice pack sa noo. Wala pang kalahating araw ang lumipas mula nang mabasa nila ni Cheska ang mga balitang kumalat online, pero parang isang linggo na siyang niluluto sa impyerno ng social media.Cheska paced across the living room like a caffeinated storm. “This is the third brand to back out, Luna! Tatlo. Tatlo in less than six hours!”“Ano ba kasi ang issue nila? Wala naman akong pinapatay,” Luna muttered, chewing on a menthol candy like it was stress relief.“H
Third Person POV TAHIMIK ang buong executive boardroom ng Villaruel Medical Group, pero hindi maikakaila ang tensyon sa hangin—parang kulog na naghihintay lang ng kidlat. Prominent names in the field of medicine were present—founding doctors, high-level executives, and private stakeholders. All formal, all immersed in their own worlds of calculation and reputation. At sa pinakaharap ng mahabang mesa, parang estatwang nakaupo si Damon Villaruel—immaculately dressed, posture straight, eyes unreadable. Calm, collected, but cold as steel. Sa tabi niya, naroon ang kanyang ina, si Eleonor Villaruel, ang matagal nang CEO ng buong medical group. Tahimik ang bibig, pero ang mga mata nito ay nagliliyab. Hindi siya ang tipo na sisigaw, pero ang galit niya ay parang usok na dumadaloy sa buong silid. Isang malakas na tunog ng pagsara ng folder ang bumasag sa katahimikan. Si Dr. Mendez, ang pinakamatandang miyembro ng board, ay tumayo mula sa kanyang upuan, hawak ang folder na para bang n
Third Person POV"Marry me."Parang isang gong ang kumalabog sa tenga ni Luna. Nanigas siya sa kinatatayuan at pilit na inuunawa kung tama ba ang dinig niya o sinapian lang ng hangin si Damon Villaruel."Are you nuts?" halos pasigaw na gulat niya habang hawak ang dibdib.Walang kagatol-gatol ang lalaki. Nakatayo pa rin ito sa harap ng floor-to-ceiling window. Walang emosyon ang mukha at walang bahid ng biro. Parang ang linyang binitiwan niya ay kasing ordinaryo lang ng "Let's schedule a meeting.""I mean, s-sorry..." ani Luna, tila ba'y natakot sa tinging ipinupukol nito sa kanya. "Seryoso ka ba talaga?"Tahimik na tumalikod si Damon at naglakad papunta sa mesa nito. Sa bawat hakbang, ramdam ni Luna ang bigat ng tensyon. Umupo ito at itinukod ang siko sa mesa. "You think I'm joking knowing there's a scandal circulating about you and me?" malamig niyang tanong, bawat salita ay parang kutsilyong humihiwa ng realidad."Wait-- so, ito na 'yon?" ani Luna, nakangusong napapadyak pa habang
Third Person POV"Are you sure about this?" Tanong ni Cheska sa kanya sabay hawak sa kamay niya. "Pwede ka namang magback—""Gusto mo bang mawalan ng talent na kagaya ko? Listen, I'm doing this for both our sake. Besides, magpapanggap lang kami chesks," sabi pa ni Luna at nginitian ang manager niya.She told her manager about sa plano nila ni Damon, ang oplan magpanggap na engage at ikakasal. Ayaw pa nga sana ni Cheska, kaso marami naman ang nakataya kung sakaling hindi nila masolusyunan kaagad ang issue na kumakalat."Let's go," singit ni Damon saka hinawakan ang kamay ni Luna, dahilan para pagtaasan siya nito ng kilay. "What? Aren't we playing our act?" Inirapan na lang siya nito at hinayaan.Pumasok sila sa function hall at halos masilaw sila sa sunod sunod na pag-flash ng mga camera. Nakakabingi din ang ingay ng shutter at walang pigil ang mga reporters na paulanan sila ng mga katanungan kahit hindi pa naman nagsisimula.Pasimpleng napabuntong hininga si Luna dahil sa kaba. Hindi
LUNA’s POVPAGKATAPOS maghapunan, nasa balkonahe sina mama kasama si Nathaniel at nakikipag-kwentuhan. Habang si Damon naman ay parang hindi pa din maka-get over sa ginawa niya kanina.“Are you okay?” tanong ko sa kanya.Nandito kami ngayon sa sala. Hilot hilot niya ang kanyang sintido habang nakapikit at nakasandal sa inuupuan naming mahabang upuan.Yung mukha niya ngayon, parang stress na stress magmula pa kanina noong matapos kaming kumain.“I think, I just gave my digestive system a cultural shock,” sagot niya habang nakapikit pa din.Hindi ko mapigilan ang mapatawa nang mahina kahit alam kong seryoso siya at hindi nagbibiro. “Hindi mo naman kasi kailangang pilitin ang sarili mo,”“Tch. I didn’t want to give him the satisfaction,” bulong niya, sabay mulat at matalim na sinulyapan si Nathaniel na nasa balkonahe.“Ah, ganun? Kahit hindi mo na malunok, pipilitin mo pa din?”Yung pride niya e. Ayaw talaga magpaawat.Huminga siya nang malalim bago bumaling pabalik sakin. “I’ll still ea
LUNA’s POV“You’re not even going to greet your husband?”Ilang segundo akong napatigil, at nag-aalangang sagutin si Damon. Hindi naman siya siguro galit, diba? Wala namang dahilan para magalit siya.“Nandito ka na pala, anak.”napalabas din si Mama galing kusina habang nagpupunas ng kamay sa suot niyang apron. “Tamang-tama at maghahapunan na tayo.”Napalingon si Mama kay Nathaniel, na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitiwan si Damon sa matatalim na titig. Ganoon din si Damon—wala ring balak umiwas.Ano ba’ng problema ng dalawang ‘to?“Nathaniel, hijo. Kumusta na? Ang tagal mong hindi napadalaw dito. Kumain ka na ba? Ang mabuti pa’y dito ka na din maghapunan.”“Magandang hapon po, Tita.” Lumapit si Nathaniel kay Mama at magalang na nagmano. Napansin kong saglit siyang sumulyap sa akin, saka muling ibinalik ang tingin kay Damon.“Kailan ka pa nakabalik dito? Balita ko’y na-distino ka raw muna sa Maynila pagkagaling mo sa abroad?” tanong ni Mama habang nakangiti.“Noong isang araw la
LUNA's POV "I'll be back. I promised." "Mag-ingat ka," mahina kong tugon. Lumapit siya sakin at bigla akong hinalikan sa noo na ikinagulat ko. "We'll figure this out together once I come back. Okay?" Bulong niya, saka tuluyang tumalikod at umalis sakay ng kotse. TATLONG ARAW na din ang nakalipas noong sinabi ko kay Damon na buntis ako at 'yon din ang araw na umalis siya para bumalik ng Maynila. Something came up, kaya kinakailangan niyang bumalik. Pero nangako naman itong babalik siya dito at muling makikiusap sa aking ama na magpapakasal kami. Sa totoo lang, hindi ko alam if what's the real score between us. Basta't sinabi niya lang sakin na papanindigan niya ang bata at pipiliting maikasal kami sa lalong madaling panahon. Ang pinoproblema lang namin, ayaw pumayag ni papa na maikasal kami. "Kung matinong lalaki 'yon, bakit ka niya iniwan dito?" Tatlong araw na din panay reklamo at ipinagpipilitan ni papa na hindi daw ako nababagay kay Damon dahil napaka-irresponsable nit
LUNA’s POV“HINDI AKO PAPAYAG NA PAKASALAN MO ANG ANAK KO!”“Pa!” napatakbo ako sa gawi nila at nilapitan si Papa, pilit kinakalma ang nanginginig niyang balikat habang nasa harap niya ang lalaking hindi ko inaasahang makikita rito—hindi sa ganitong paraan, hindi sa ganitong pagkakataon.Hinawakan ko si Papa sa braso. “Pa, naman. Kumalma ka nga…”Pero hindi siya natinag. Ang mga mata niyang puno ng galit ay nakatutok pa rin kay Damon—na ngayon ay tahimik lang.Lumapit na din sina Ace at mama para pakalmahin si papa.“Tito, kumalma po muna kayo,” ani Ace habang marahang hinahaplos ang likod ni Papa, pilit siyang inaakay palayo sa tensyon. Si Mama naman ay hawak ang braso ni Papa, pinipigilan siya sa anumang biglaang galaw.Binalingan ko si Damon na nakatingin ngayon sakin. Sinenyasan ko siyang lumabas na muna, at mukhang na-gets niya naman ako nang tumango siya at naglakad palabas.Pinaupo namin si Papa sa sofa, hawak pa rin ni Mama ang kanyang braso habang si Ace ay dali-daling umalis
LUNA’S POVKINABUKASAN, malamig at tahimik ang umaga—tila ba nakikisama ang panahon sa bigat ng iniisip ko. Nakasarado pa rin ang mga kurtina sa kwarto pero dama ko ang lamig na bumabalot sa paligid. Tahimik akong nakahiga, hindi malaman kung gugustuhin ko bang bumangon o manatiling ganito na lang—nakapikit, nagkukunwaring okay.Narinig kong bumukas ang pinto kaya napamulat ako at nakitang pumasok si Ace, may dalang tray ng almusal.“Good morning,” aniya, pilit ang ngiti. “Nag-toast si Tita ng tinapay para sa’yo. May mainit na gatas din.”Umupo siya sa gilid ng kama at inilapag ang tray sa bedside table."Tinawagan ko na nga pala si Cheska. I informed her about your current state."Napabangon ako para umupo. "Anong sabi niya?""Hindi niya ipapaalam sa management ang tungkol sa pagbubuntis mo. It's your privacy, at ayaw niyang pangunahan ka," ani Ace, habang nakatingin sa akin. "Pero dahil nga sa sitwasyon, alam niyang may epekto ito sa mga major project na kakapirma mo lang. Kaya, sh
LUNA's POVNAKATAYO ako sa harap ng sink dito sa banyo, hawak-hawak ang digital pregnancy test na pinabili ko kay Ace.Tatlong minuto na ang nakalipas at kinakabahan ako habang titig na titig sa hourglass icon na makikita sa maliit na screen ng digital PT."Luna? Ano na?" Kumatok si Ace mula sa labas."S-Sandali lang." Ilang segundo pa at nawala ang hourglass icon at napalitan ito ng..."Pregnant...?" Parang nawalan ako ng balanse at napaupo sa tile.This can't be."Luna?"Patuloy pa din sa pagkatok sa pinto si Ace pero hindi ako sumagot o pinagbuksan man lang siya. Gulong-gulo ang utak ko sa resulta at hindi alam kung ano ang gagawin. Masyadong komplikado ang lahat para matuwa ako sa resulta. Muli akong napatitig sa maliit na screen at nakitang ang numerong (3-4). Nangangahulugan itong nasa tatlo o apat na linggo akong buntis. Naisuklay ko ang mga kamay sa buhok saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hindi ko namalayan na naiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon.Paano ko s
LUNA's POV"Sige na, anak. Puntahan mo na sa balkonahe ang iyong ama at ako'y maghahanda pa para sa hapunan," sabi ni mama habang abala sa pag-aasikaso ng hapunan namin dito sa kusina. "Nagtatampo lang 'yon kaya ang mabuti pa'y lambingin mo siya," pagpapalakas niya sa loob ko.Hindi ako kinikibo ni papa magmula noong makarating ako dito. Kaya eto ako ngayon, nag-aalangan kung papaano ko ba siya kausapin at humingi ng tawad. Tinapik ni mama ang balikat ko bago ako umalis. Nang mapadaan ako sa sala, nakita kong prenteng nakaupo si Ace habang nanood sa TV sabay kain ng chips. Sinabi ni mama na dito daw siya maghahapunan, kaya nag-decide siyang bukas na lang uuwi sa kanila. Hindi naman malayo yung bahay nila dito kung tutuusin. Nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa balkonahe. Pagkarating ko doon, nakita kong nakaupo si papa at sa gilid niya'y may isang tasa ng tsaa na napatong sa maliit na mesa. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa katabi ng silya niya. Hindi man lang siya bumaling
LUNA's POV"Bumangon ka na diyan!" Naramdaman kong may humila sa comforter na nakatalukbong sakin, kaya kaagad ko din itong hinila pabalik."Ah, ganon?" Sunod kong naramdaman ang mga kamay na nakahawak sa paa ko at buong pwersa akong hinila hanggang sa magising ako nang tuluyan.Muntikan pa akong mahulog sa kama, mabuti na lang at nakakapit ako sa bedsheet."Ano ba?" Singhal ko kay Ace pero ngingiti-ngiti lang ang loka. "Wala naman akong trabaho, kaya please, let me sleep!" Nakapameywang siya sa harap ko. "Wala nga, pero may pupuntahan tayo." Sinuklay ko ang buhok kong nakatakip sa aking mukha gamit ang kamay at tinignang mabuti si Ace.Saan naman ang gimik ng isang 'to? Gayak na gayak ah.Nakasuot siya ng high-waisted leather pants at fitted sleeveless turtleneck na tinernohan pa ng blazer. Ang init na nga dito sa pinas, pero kung maka-awrahan, waepek.May dala pa siyang maliit na designer bag na parang hindi naman kasyang lagyan ng kahit ano at pointed heels ang ipinares niya sa
LUNA’s POV“Tch,” inis kong isinara ang pinto sa kotse pagkapasok ko, at nakitang nakatingin sakin si Ace sa rearview mirror. “What?”“Nasa labas si Dr. Villaruel. Hindi ka man lang ba magpapaalam?” tanong niya.Napatingin ako sa labas ng tinted window at nakitang nag-uusap sina Cheska at Damon.Matapos niya akong balak na ilaglag kanina? Wala talaga akong tiwala sa lalaking ‘yan. Tch.“Asus! Nagtatampo ka pa yata e,” pang-aasar ni Ace na kaagad ko namang inirapan. “Hindi naman sobrang lala ng ginawa ni Dr. Villaruel e. Ayaw mo nun? Natawa pa nga yung audience sa inyo, kasi akala nila may pagka-romantic comedy ang lovestory niyo.” hirit pa niya.“Pero totoo ba talaga ang fifty-peso bill? Ano ba talaga ang nangyari behind fifty-peso bill?” natatawa niyang tanong.Kaya gusto kong ibaon na lang sa limot ‘yon e. Nakakababa ng dignidad sa tuwing naiisip kong ginawa ko ‘yon.Bago pa man ako makapagsalita, biglang bumukas ang pinto sa kabilang side dito sa backseat.“There’s an emergency at