Third Person POV TAHIMIK ang buong executive boardroom ng Villaruel Medical Group, pero hindi maikakaila ang tensyon sa hangin—parang kulog na naghihintay lang ng kidlat. Prominent names in the field of medicine were present—founding doctors, high-level executives, and private stakeholders. All formal, all immersed in their own worlds of calculation and reputation. At sa pinakaharap ng mahabang mesa, parang estatwang nakaupo si Damon Villaruel—immaculately dressed, posture straight, eyes unreadable. Calm, collected, but cold as steel. Sa tabi niya, naroon ang kanyang ina, si Eleonor Villaruel, ang matagal nang CEO ng buong medical group. Tahimik ang bibig, pero ang mga mata nito ay nagliliyab. Hindi siya ang tipo na sisigaw, pero ang galit niya ay parang usok na dumadaloy sa buong silid. Isang malakas na tunog ng pagsara ng folder ang bumasag sa katahimikan. Si Dr. Mendez, ang pinakamatandang miyembro ng board, ay tumayo mula sa kanyang upuan, hawak ang folder na para bang nais n
Last Updated : 2025-04-21 Read more