ホーム / Romance / Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo / Kabanata 6 Noong pinili siya kaysa ako

共有

Kabanata 6 Noong pinili siya kaysa ako

作者: Gabby Emmanuel
(ARIELLE’S POV)

Nagpahinga ako sa kuwarto sa itaas, pumipintig ang ulo ko sa migraine.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa dining room. Hindi man lang pinagalitan ni Jared si Sofia sa pagsasabi na nilason ko siya. Masyado niya akong kilala, hindi ako mananakit ng langaw, lalo na ng tao.

Hindi ko gusto si Sofia, oo, pero ang huli kong gagawin ay saktan siya. Hindi ko nga alam na allergic siya sa gatas, lalo na ang ilagay ito sa pagkain para lang saktan siya.

Siguro nagdidiwang na siya ngayon, alam niya na ang plano niya na gumawa ng problema sa pagitan namin ni Jared ay nagtagumpay. Hindi na kami makapagdinner ng payapa ngayon. Ang presensiy niya ay ginugulo lagi ang kapayapaan ng pagsasama namin.

Bumuntong hininga ako at natulog sa kama,iniisip kung anong kailangan ko gawin para alisin si Sofia sa buhay namin ni Jared.

Dahil napansin ko na inaantok ako, bumangon ako mula sa kama at pumasok sa banyo para sa aking night shower. Pagkatapos, nagsuot ako ng kumportableng night robe at pagod na humiga sa kama.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, pero nagising ako ng tuyo ang lalamunan ko at nauuhaw na dilang nangungulila sa tubig. Bumangon ako, nagsuot ng tsinelas at bumaba ng hagdan, patungo sa kusina.

Kakaakyat ko lang ng hagdan at papunta na sa hallway na papunta sa kusina ng marinig ko ang mga boses. Noong makalapit ako, napagtanto ko na si Jared at si Sofia na nag-uusap.

Napasimangot ako habang nakatingin sa grandfather clock sa malayong sulok, at nakikita doon na 11 o’clock na ng gabi. Bakit gising pa si Jared at kausap siya? Dapat tulog na siya kasama ko sa kama.

Napagdesisyunan ko na hindi na abalahin ang sarili ko, patuloy akong naglakad papunta sa kusina. Pero sa mga oras na iyon, narinig ko ang boses ni Sofia, hindi lang boses niya, pero pati mga salita niya. Napatigil ako habang nakikinig sa kanya.

“Anong iniisip mo ng magpakasal ka sa matapang na babae tulad ni Arielle, Jared? Masama siya at walang simpatya. Hindi mo ba nakita kanina kung gaano siya walang pakielam na palayasin ako ng gabi? Hindi lang siya masama, pero hindi rin siya considerate sa pagsusundo sa kanya ng gabi na galing sa trabaho. Dapat nagpapahinga ka na matapos ang nakakastress na araw at hindi nagiging driver niya.”

“Hindi niya hiniling sa akin iyon, Sofia. Ginawa ko iyon ng willing ako. Asawa ko siya at ingat ka sa pananalita mo.” Narinig kong sinabi ni Jared.

Suminghal ako, at least nagsalita siya para depensahan ako ngayon.

“Nagbago ka na, Jared. Hindi ikaw ito. Anong ginawa sa iyo ng babaeng iyon?” ang matinis na boses ni Sofia ay maririnig.

“Tumigil ka na, Soifa. Wala kang karapatan pag-usapan ang nakaraan. Hayaan mo ang nakaraan na manatili sa nakaraan. Bukod pa doon, para sa isang tao na bigo ang pagsasama, wala kang karapatan na magbigay ng payo o makielam sa akin. Ang nakaraan natin ay tapos na, kaya hayaan mo na ito.”

“Pero hiniwalayan ko ang asawa ko dahil sa iyo, Jared.”

Nanlaki ang mga mata ko. Tang ina? Anong ibig ni Sofia doon?

“Hindi, hindi mo iyon ginawa! Huwag mo akong idamay sa istorya mo ng pakikipaghiwalay!” galit na sinabi ni Jared, batid ang poot niya. Nararamdaman ko ang galit niya—hindi nito nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko pa siya nakikitang ganito, grabeng… matindi at purong emosyon.

Nakarinig ako ng hikbi mula kay Sofia. Heto na naman siya sa kanyang emotional blackmail, at nagdasal ako na sana hindi mauto si Jared.

Pagkatapos, nakarinig ako ulit ngi sa pang hikbi. At hindi nagtagal, naging iyak na ang mga hikbi. Lumapit ako. Nainis ako dahil lumapit si Sofia sa mga bisig ni Jared, umiiyak habang nakakapit siya ng madiin sa kanya.

Nagalit ako at nandiri ng makita ko si Jared na niyakap siya at pinagaan ang loob.

Habang galit, panandalian ko na nakalimutan ang uhaw ko, nagmadali akong umakyat sa itaas at nagsimula na mag-impake ng mga gamit ko. Kailangan ko na umalis dahil sawa na ako sa mga pinag gagawa ni Jared at Sofia.

Matapos pumarada, inalis ko ang robe ko at nagsuot ng mas desenteng damit bago kinuha ang handbad at lumabas ako.

Habang naglalakad ako papunta sa hagdan, sa entrance, nakita ko si Sofia, nakatayo doon, malinaw na hinihintay ako. Nakangiti isya, at may masamang kinanang ang mga mata.

Napagdesisyunan ko na kalmahin ang emosyon ko at manatiling kalmado. Iiwasan ko ang kumprotahin si Sofia hanggat maaari. Ang inaalala ko lang ay ang pag-alis.

Bumaba ako ng hagdan, tulad ng inaasahan, humarang si Sofia.

“Wala ako ng lakas para dito, Sofia. Pakiusap tumabi ka,” sambit ko, madiin ang boses ko.

“At kung hindi? Sa tingin mo puwede mo akong patayin at makakaligtas ka ng ganoon na lang?” tanong ni Sofia, nakahanda ang mga kamay niya.

“Tumigil ka na, wala si Jared dito, kaya mas mabuti na itigil mo ang pag-arte mo. Walang gatas sa pagkain, at ang ginawa mo kanina sa dining ay paraan lang para kunin ang atensyon ni Jared para sa iyo, isa kang patay gutom sa atensyon. Ngayon, tumabi ka na, wala akong oras para sa drama mo.”

“Ayaw mo lang makita ang realidad, tama ba? Sige, puwede ka ng dumaan,” sambit ni Sofia at nagbigay siya ng daan para sa akin.

Ngumisi ako at nilampasan ko siya habang naglalakad.

“Kung pareho tayong nasa panganib, sino sa tingin mo ang unang ililigtas ni Jared?” biglaang tanong ni Sofia.

“Ano?”

Wala akong oras para iproseso kung anong ibig niyang sabihin, dahil sa sumunod na sandali, nakaramdam ako ng tulak sa likod ko at nawalan ako ng balanse, dumausdos ako sa hagdan at bumagsak sa sahig.

Sumigaw ako ng nakakapanindig balahibo, at marahil narinig ni Sofia ang papalapit na yabag ni Jared dahil nagmadali siyang lumapit sa akin at nahiga sa tabi ko, umuungol na tila ba magkasama kaming nahulog.

Pambihira, kamuhi-muhi talaga ang babaeng ito. Gusto ko sumigaw, isiwalat siya, pero masyadong matindi ang sakit—lalo na sa sikmura ko. Oh Diyos ko, ang baby!

Nagpanic ako, at isa pang sigaw ang maririnig. Sumigaw din si Sofia, ng mas malakas para agawin ang atensyon ni Jared.

Nagmadali si Jared. Ang mga mata niya ay kumurap sa aming dalawa, kitang naguguluhan siya sa kanyang mga mata. Hindi ako makapagsalita, pero ang mga mata ko ay nagmamakaawa sa kanya.

Pakiusap, tulungan mo ako. Tulungan mo ang baby natin.

Panandalian, naisip ko na naintindihan niya. Agad siyang nagmadali papunta sa akin, pero noong inaasahan ko na bubuhatin niya ako pataas, tumigil siya at sa halip ay humarap kay Sofia.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (4)
goodnovel comment avatar
Lene Sabalboro
nxt please
goodnovel comment avatar
Yelrihs Oniuqa
next episode Pls
goodnovel comment avatar
Juby Ganongan
susinud na kabanata pls...
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 110 Kaunting libangan

    (ARIELLE’S POV)Ang restaurant ko, ang A and M, na initials para sa Arielle at Maverick, ay nagbukas na sawakas ang mga pinto para sa publiko noong nakaraang araw, at ngayon, para maghost ng meeting sa potensyal na mga shareholders ng restaurant ko. Ang sagot nila at turnout ay overwhelming, at nasabik akong pag-usapan ang hinaharap ng business ko sa mga indibidwal na interesado.Marami sa kanila ang dumating, at ang iba ay papunta na. Hindi magsisimula ang meeting ng wala sila, at bukod pa doon, hindi pa oras ng meeting, kaya worth it ang paghihintay.Ang entrance ay bumukas, at alam ko na isa ito sa mga interesadong indibidwal na papasok, kaya inihanda ko ang sarili ko at ngumiti, handa na iwelcome ang kahit na sino ng nakangiti, tulad ng ginawa ko sa iba.Pumasok ang pigura sa loob, at nanghina ang ngiti ko. Nanigas ako, nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Anong pambihirang nangyayari dito? Sambit ko sa isip ko, nakipagtitigan ako sa bagong dating.Hindi maaari! Jared?Kahi

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 109 Isang potensyal na shareholder

    (JARED’S POV)Tumunog ang phone ko, nabasag ang katahimikan sa aking opisina. Sinulyapan ko ang screen at nakita ang pangalan ng imbestigador ko.“Sabihin mo,” sagot ko. “May update ka na?”“Oo,” sagot niya at nag-alinlangan siya“Sige,” udyok ko.“Sa kasamaang palad, hindi ko siya masundan hanggang sa bahay. Napansin niya na sinusundan ko siya at gumawa siya ng paraan para hindi ko siya mahabol.”Sumarado ng mahigpit ang panga ko at humigpit ang kapit sa phone. “Puro palusot na lang ba ang mabibigay mo?” galit ko na sinabi.“Kumalma ka, sir. Pakiusap, makinig ka sa akin,” makaawa niya.Huminga ako ng malalim, pinilit ko ang sarili ko na manatiling tahimik at hayaan siyang magpatuloy.“Hindi ko siya nagawang sundan sa kanyang bahay tulad ng plano ko kahapon, pero nagawa ko na makuha ang address ng restaurant niya.”“Restaurant niya?” inulit ko, naging interesado ako.“Oo, mayroon siyang building restaurant, at sa isang linggo ito magbubukas.”Naupo ako ng diretso ngayon. “I

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 108 Ang ipinangakong proteksyon

    (ARIELLE’S POV)Matapos magmaneho pa, itinigil ko ang sasakyan sa isang lugar na maikukunsidera ko na ligtas at sinubukas na maghabol ng hininga. Nanginig ako ng hindi makontrol ang kamay ko sa manibela, habang ang puso ko ay malakas ang tibok na parang lalabas ng dibdib ko.Sinubukan ko kumalma, kung hindi, hindi ako makakapagmaneho pauwi. Huminga ako ng malalim at mabagal, sinubukan ko na ayusin ang aking sarili. Nagpanic ako, pero isinantabi ko ang nararamdaman ko. Hindi ako puwede magpanic attack, hindi, hindi dito.Makalipas ang ilang minuto, naging normal ng unti-unti ang tibok ng puso ko, at naging steady ang aking kamay. Dahil kuntento na ako na puwede na akong magmaneho ulit, sinindihan ko muli ang makina ng sasakyan, nagmaneho ako pauwi, alerto na ang aking senses.Habang nagmamaneho, lalo akong nabalisa, habang sinusubukan ko alamin kung bakit ako susundan ng kahit na sino. Hindi ko ito maintindihan, at patingin tingin ako pa din ako sa salamin para masiguro na wala na a

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 107 Ang habulan

    (ARIELLE’S POV)Nakabalik ako sawakas sa bahay, pagod pero fulfilled. Ang nanay ko at anak ay naghihintay na sa sitting room, at yumakap sila sa akin habang ipinapakita ang tuwa ng pumasok ako.“Nakita namin ang balita!” sambit ni Maverick, tumalon siya sa akin. “Sikat ka na ngayon, Mama.”“Congrats, darling ko. Sobrang proud ako sa iyo,” sambit ng aking nanay.Ngumiti ako, masaya rin dahil masaya sila. “Salamat.”Naglakad ako patungo sa couch at naupo kaming lahat at ikinuwento ko sa kanila na mga nasasabik kung anong nangyari sa araw ko. Pero siyempre, siniguro ko na hindi kasama ang aksidente at engkuwentro kay Sofia, para hindi sila mataranta.Pagkatapos ko magkuwento, nagpaalam ako dahil gusto ko na hubarin ang damit ko at accessories sa aking katawan. “Pasensiya na sa inyong dalawa, sambit ko,” tumayo ako. “Kailangan ko maligo at magpahinga ng kaunti.”“Malapit na maging handa ang dinner,” paalala ng nanay ko.Tumango ako, nagpapasalamat sa kaunting pahinga. Sa oras na na

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 106 Nakatikim ng tagumpay

    (ARIELLE’S POV)Unang araw ko simula ng makauwi ako, at nakaramdam ako ng sabik at kaba. Ngayon, bibisita ako sa restaurant site ko at dadalo sa isang mahalagang meeting kasama ang mga delegates mulas a Paradiso Culinary Academy—ang alma mater ko—para sa ambassador endorsement na nagpakahirap ako para masigurong makuha.Pagkakataon ito para hubugin ang culinary world sa paraan na ninanais ko sa mga panahon ng mahahabang taon sa Italy.Nasabik ako habang iniisip ko ang mga benepisyo na kaakibat ng posisyon—mamahaling sasakyan, fully funded insurance, malaking sahod na magpapayaman sa akin. Napakaganda ng mga benepisyo.Pero ang pinakaninanais ko ay ang mag-iwan ng marka sa menu ng Paradiso, sa pagkakakilanlan nito, sa kanilang mga patron. Ito ang entablado ko, at handa na akong angkinin ito.Isinuot ko ang aking itim na dress, ang fabric ay nakakapit sa lahat ng mga tamang lugar. Simple, elegante. Walang makeup para mahighlight ang itsura ko at mabilis na pagpapa unat ng buhok ko,

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 105 Bagong Siya

    (JARED’S POV)Kumurap ako at tinignan muli ang headline, sinisiguro na hindi mali ang nabasa ko. Pero hindi nawala ang mga salita. Nandoon sila, nakasulat pa din.Pagkatapos ay napalunok ako ng madiin, pinilit ko ang sarili ko na tumingin pababa, at nahirapan akong huminga. Siya nga. Si Arielle.Ang parehong babae sa airport.Ang parehong babae sa sasakyan ni Ashley. Kaya pala naaakit ako sa sasakyan kanina.Paano ako naging ganito kabulag?Dalawang beses, makalipas lang ang ilang araw. Sa airport, kung saan naramdaman ko ang kakaibang hatak sa akin pero isinawalangbahala ko. Sa sasakyan, noong sinubukan ko siyang makita, pero naglaho siya bago ko siya tunay na masulyapan. Sa parehong beses, hinayaan ko siyang makaalis.Pagkatapos, tinamaan ako ng napagtanto ko na parang tone-toneladang mga simento, nadurog ang puso ko. Paano ako nagagawang biruin ng tadhana ng ganito?Hindi ko naisip na makikita ko siya ulit. Pero heto siya.Tinitigan ko ang litrato, mabilis ang tibok ng akin

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 104 Nakarating siya sa balita

    (JARED’S POV)Babad ako sa trabaho ng marinig ko ang ingay ng phone ko sa katahimikan, hinatak ako nito mula sa aking focus.Ok, anong nangyari ngayon? Kailan ba siya titigil sa pag likha ng gulo? Bumuntong hininga ako at pinigil ang galit ko habang nakikinig ako sa pag-iyak niya mula sa kabilang side ng phone. Nakatira siya sa ilalim ng bahay ko; ang kaligtasan niya ay hindi ko maisawalangbahala. Ngayon alam ko na na karma ko ito. Pinatay ko ang laptop ko, kinuha ang sasakyan, at umalis.Habang nagmamaneho ako, tahimik akong nagdarasal na sana ang aksidente ay hindi kasing tindi ng kanyang paglalarawan sa phone.Habang malapit na ako doon, tumigil ako sa stop light. Kinakain ako ng inis habang tinatapik ko ang manibela, hinihintay ito na magbago. Nalipat ang tingin ko at napunta sa pagsuri sa mga sasakyan sa paligid. Dito ko napansin ang grey Audi sa tabi ko.Hindi ito bibihirang modelo, pero mukhang pamilyar ito.May naramdaman ako sa loob ko—sasakyan ni Ashley? Pero bakit ito

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 103 Ang aksidente

    (SOFIA’S POV)Dumating ako sa “Elegance,” isang sikat na unisex fashion clothing shop kung saan mga mayayaman lamang ang bumibili. Dahil regular ako dito, maganda ang trato sa akin sa oras na pumasok ako sa female section ng shop para sa mga bagong dating.“Welcome back, Sofia,” sambit ni Jenna, ang sales manager, na lumapit habang nakangiti.“Hi, Jenna. Kakatapos ko lang tignan ang bagong mga dating,” sagot ko, sinusuri ang mga bagong dating na damit.“May mga magaganda kaming damit mula sa latest collection,” sambit niya, isinama ako sa designer section.Pagkatapos pumili ng ilang mga dress at sukatin ito, nakapagdesisyon ako sawakas. Sa checkout counter, tinotal ni Jenna ang mga binili ko.“Ang suma total ay $10,000,” anunsiyo niya.Inabot ko ang itim ko na card, at winithdraw niya ang halaga. Pagkatapos, naglabas ako ng mga perang papel at inabot sa kanya. “Heto, sa pagiging mabait na babae.”“Salamat. Paalam,” sambit niya.Tumango ako at naglakad palabas, dala ang mga sho

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 102 Isa lamang panaginip

    (JARED’S POV)Habang nahihirapan ako na manatiling gising at labanan si Sofia, nagsimula na lumipad ang isip ko sa parang panaginip na estado.At pagkatapos, tila ba may bumukas na pinto sa aking isip, nakita ko ang sarili ko sa ibang lugar—mainit, at malinawag na ilaw na iniimbitahan ako. Pakiramdam ko pamilyari to, bagay na matagal ng nawala pero hindi ako tumigil sa paghahanap.Nandoon si Arielle, nakatayo sa tabi ko, kumikinang ang mga mata niya, ang mga labi niya ay nakangiti ng mahinhin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya. Totoo siya. Dito. Kasama ko.“Love,” bulong ko, nanginginig ang boses ko sa matinding halo ng saya at hindi makapaniwala.“Yes, Jared,” sagot niya, ang boses niya ay parang hele na nakalimutan ko na. Ang boses niya ay binalot ako, at panandalian, ang sakit sa puso ko ay naglaho.Nararamdaman ko ang bilis ng pintig sa tenga ko, naghahalo ang aking mga emosyon—sobrang saya ko na halos madurog ako. Nandito siya. Mahal pa din niya ako. At lahat ng si

無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status