Главная / Romance / Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo / Kabanata 5 Ang kailangan tiisin ang babaeng third wheel

Share

Kabanata 5 Ang kailangan tiisin ang babaeng third wheel

Aвтор: Gabby Emmanuel
(ARIELLE’S POV)

Bago ko pa mailabas ang galit ko, naging matigas ang ekspresyon ni Jared. May kakaibang talim ang boses niya. “Sofia, ang mga bulaklak na ito ay hindi para sa iyo.” Binawi niya ang bouquet ng madiin, iniabot ito sa akin.

“Para ito sa mga asawa ko,” sambit niya, nakatingin sa mga mata ko.

Namula si Sofia sa hiya. Samantala, ako naman ay hindi mapigilan ang kuntentong ngiti ko.

Pero, walang naghanda sa akin para makita si Sofia na lumuha at humarap kay Jared. “Jared, Jay-jay. Patawad talaga at nagulo ko ang pribado ninyong oras, pero… ang mga bulaklak ay para sa akin, tama? Natatandaan mo ba noong high school, dinadalan mo ako lagi ng lavender flowers, lalo na kapag prom nights?”

Mukhang nahihirapan si Jared, habang tinignan niya ako at si Sofia. Talaga? Pinagiisipan pa niya? Ang bulaklak na iyon ay para sa akin, pambihira naman, dapat sabihin na lang niya na iabot ito sa akin, ang tunay na nagmamayari.

“Arielle,” kalmadong sinabi ni Jared, “hayaan mo muna na kanya na ito ngayong gabi. Ikukuha na lang kita ng mas espesyal bukas, pangako.”

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. “Hindi ako makapaniwala sa iyo, Jared!” sambit ko.

Humarap sa akin si Sofia, nakangiti siya ng tagumpay. Alam niya kung paanong mamanipulahin ang sitwasyon. Pero ako lang ang nakakita sa ngiti niya—walang alam si Jared, stuck siya sa makaluma niyang sense ng pagiging gentleman na responsable!

“Hindi ko ito matiis,” sambit ko, itinaas ko ang mga kamay ko na tila sumusuko ako. “Inyo ng dalawa ang bahay, maghahanap ako ng hotel na matutuluyan.”

Tumalikod ako at galit na pinuntahan kung saan ko inilagay ang bag ko, handa ng umalis. Tulad ng inaasahan, nagpakita si Jared sa tabi ko, humihingi ng tawad ang kanyang ekspresyon.

“Arielle, patawad. Hindi mo kailangan na magalit. Buntis siya, narinig ko na ang pagdadalantao ay nakakaapekto ng husto sa ugali ng babae.”

Gusto ko na sumigaw at tanungin siya na paano ako? Hindi din ba ako buntis? At ang mapait na realidad ay napagtanto ko na naman, ang pagkakataon ko para ibalita sa kanya ang pagdadalantao ko ay nasira na naman.

“Wala akong pakielam sa kahit na anong palusot mo ngayon. Aalis ako,” sambit ko, halos bulong ang boses ko. Nilampasan ko siya, pero humarang si Jared sa daanan ko.

“Pakiusap huwag ka umalis, Wifey. Hayaan mo na bumawi ako sa iyo. Ganito na lang—ako ang magluluto ng dinner ngayong gabi. Ayaw mo na nagluluto ng gabi na, at ako na din ang maghuhugas ang mga plato.”

Bumuntong hininga ako, habang ikinukunsidera ang alok niya. Ayaw ko na nagluluto ng dinner ng gabi na, at ayaw ko din ng kumakain sa labas. Kung matutulog ako sa hotel ngayong gabi, siguradong kakain ako sa labas.

Nag-aalinlangan kong tinanggap ang alok ni Jared. Ang pagluluto ng dinner ay perpektong parusa para kay Jared, dahil kakailanganin niyang hugasan ang mga plato pagkatapos. Bukod pa doon, hindi ko gusto na maiwan ang asawa ko ng mag-isa kasama si Sofia.

Bago ap ako makasagot, narinig ko ang boses ni Sofia mula sa likod ko.

“Bakit mo aalukin na ikaw na ang magluluto, Jared? Ang pagluluto ay gawaing bahay, at para sa mga babae lang. Nakikita mo, buong araw akong nagtrabaho, nilinis ko ang buong bahay at itinabi ang mga dekorasyon na nakita kong makaluma at hindi na uso. Pagod na ako at hindi makabuhat ng kahit na ano, kung hindi, ako na sana ang mag-aalok na magluluto. Para sa iyo, Jared, sigurado ako na pagod ka na din. Ang pagiging bilyunaryong CEO ay hindi madali, at pagkatapos ang mahabang oras sa trabaho, kailangan mo magpahinga. Si Arielle ang dapat na magluto. Mukhang ganado pa siya at handa pa makipagaway, ang enerhiya niya ay makakatulong kung gagamitin niya ito sa pagluluto ng dinner natin. Bukod pa doon, domestic worker siya at nagluluto bilang trabaho.”

Natanga ako habang nakikinig sa mga sinasbai ni Sofia. Sa paraan ng pagsasalita niya, mapagkakamalan siyang maybahay.

Marahil napagtanto ito ni Jared na sumosobra na si Sofia dahil agad siyang nakielam.

“Tama na, Sofia. Huwag mo kausapin ng ganyan ang asawa ko, hindi nandito si Arielle para pagsilbihan tayo.” Sambit ni Jared.

Kahit na hindi ako masyadong kuntento sa tono niya, masaya ako na nagsalita na si Jared sawakas at inilagay si Sofia sa lugar niya. Sawakas, oras na para ako naman ang mag make face sa kanya.

Agad na nasaktan ang ekspresyong ipinakita ni Sofia. “Hindi ako makapaniwala dito, Jared. Hindi naman ako bastos sa kanya, sinasabi ko lang ang totoo. Nagbago ka na ng husto simula ng ikasal ka, Jared. Nakalimutan mo na ang pinagsamahan natin,”

“Sofia, iba na ngayon. Patawad kung nasaktan kita. Pero…”

Hindi ko na hinintay si Jared na matapos ng maglakad ako palayo, iniwan ko na sila. Disappointed ako kay Jared. Sa oras na pagalitan siya, pinapagaan niya ang kanyang loob. Anong problema niya? Kailangan ba niyang babaan ang IQ niya sa tuwing nakikipagkita siya ang “matagal na niyang kaibigan”?

Dumating ako sa kusina at nagsimula na ihanda ang mga sangkap na kailangan sa paghahanda ng hapunan. Balak ko na magluto ng macaroni, chicken at cheese.

Makalipas ang ilang minuto, sumama sa akin si Jared, mukhang nagsisisi siya. “Gusto ko tumulong sa pagluluto ng dinner, Arielle.”

Hindi ako sumagot noong una, pero matapos ko mapansin ang determinado niyang ekspresyon, bumuntong hininga ako at tumango. Kung gusto niya tumulong, hindi ko siya pipigilan.

“Anong kakainin natin,” tanong ni Jared.

Alam ko na sinusubukan niyang simulan na mag-usap kami dahil isang tingin lang sa mga sangkap at batid na kung anong kakainin namin. Kumplikado ang mood ko, at hindi ako interesadong makipagusap sa kanya.

Ang katahimikan sa pagitan namin ay tumagal, matindi ang tensyon. Pagkatapos, walang sabi-sabi, naramdaman ko ang presensiya niyang yumakap sa akin—ang amoy niya, matapang at lalakeng-lalake na bumalot sa akin na parang mahika. Ang mga braso niya ay pumalupot sa bewang ko, hinatak ako palapit sa kanya, dumikit ng kaunti sa batok ko ang mga labi niya, mainit at tila nanunukso.

“Sino kaya ang galit pa din,” bulong niya, ang mainit niyang hininga ay naramdaman ko sa balat ko.

“Jared, tumigil ka,” kontra ko, pero mas malambot ito kaysa sa inaasahan ko. Ang mga labi niya ay muling dumampi sa leeg ko, at naramdaman ko na humina ang determinasyon ko. Lumambot ang bewang ko bigla, ipinagkanulo ako.

“Ma… Makati,” dagdag ko, ang boses ko ay halos bulong, walang diin ang sinabi ko.

“Talaga ba?” bulong niya pabalik, ang boses niya ay mahina ng kaunti, malalim at puno ng kapilyohan.

“Jared,” sambit ko ulit, mas madiin ngayon, pero ang katawan ko ay hindi madiin. Alam niya kung paano ako pakakalmahin, kung paano akong matutunaw ng isang hawak lang.

Tumigil siya sawakas, umatras siya ng nakangiti, pero ang mga kamay niya ay nakahawak pa din sandali, kung saan kinilabutan ako.

Humarap ako muli sa lutuan, sinusubukan ko na kumalma. Matapos ihanda ang mga sangkap at ilagay ang macaroni sa burner, hinarap ko siya, mas seryoso ngayon.

“Sa huling beses, Jared,” sambit ko, nakatitig sa mga mata niya, “anong eksaktong namamagitan sa inyo ni Sofia?”

Bumuntong hininga si Jared, pinadaan ang kanyang kamay sa buhok niya bago hinawakan ang kamay ko, ang mga daliri niya ay mahinhin na umiikot sa balat ko. “Pangako ko sa iyo, Arielle. Magkaibigan lang kami ni Sofia na may nakaraang matagal na.”

“Huwag mo ako bigyan ng mga palusot ulit. Mayroon pa. Sabihin mo kung bakit kakaiba siya para sa iyo.”

“Hindi siya kakaiba mahal,” buntong hininga ni Jared, “Kung mapilit ka, may isa lang.”

Tumaas ang kilay ko. “Ituloy mo.”

“Noong maliit pa kami,” tumigil sandali si Jared bago nagsimula, mas mahina ang boses niya ngayon, “Iniligtas ako ng isang beses ni Sofia. Inaapi ako ang mga senior, at nakielam siya. Sila ang klase ng mga tao na gagawing miserable ang buhay ng kahit na sinong mas mahina sa kanila, at si Sofia… ano, hindi siya natakot na ipagtanggol ako. Nakita mo ang ugali niya ngayon. Ganoon lang siya na klase ng tao na walang kinakatakutan at magmamatapang para gumawa ng gulo.”

Kumurap ako, pinoproseso ang bigat ng mga salita niya. Side ito ni Jared na hindi ko alam.

Ngumiti siya, “Siyempre, sa huli pareho kaming nagulpi at sinuportahan ang isa’t isa habang pauwi. Galit na galit ang ama ko at sabay kaming lumipat ng school.”

“Hindi ko alam iyon,” mahina kong sinabi. May kaunting selos sa dibdib ko, pero panibagong pagkakaintindi din.

Ang tono ni Jared ay naging sinsero. “Pero iyon lang iyon lahat, Ari. Tinulungan niya ako ng minsan, at naappreciate ko iyon. Pero asawa kita. Ikaw ang mahalaga sa akin ngayon.”

Tumango ako ng mabagal. “Okay.”

Ngumiti si Jared, ang karisma niya ay bumalik. “Ngayon, tapusin na natin ang dinner na ito. Ako na ang bahala sa iba, at ikaw ay magrelax na. At sige, ako maghuhugas ng mga plato, tulad ng pangako ko.”

Hindi ko mapigilan na tumawa ng mahina, umiiling-iling ako. Kahit na pagkatapos ng lahat, nakakahanap pa din siya ng paraan para mapatawa ako.

Makalipas ang isang oras, handa na sawakas ang dinner. Inihanda ko ang lamesa, habang nililinis ni Jared ang kusina.

“Tatawagin ko si Sofia,” sambit niya sa akin, habang pumunta ako sa dining room para kumain ng dinner.

Tumango ako, ng hindi tumitingala, ang atensyon ko ay nasa pagkain. Makalipas ang ilang segundo, nakarinig ako ng mga yabag at alam ko na si Sofia ito at si Jared.

Hindi ako tumingala, nagfocus ako sa pagkain. Narinig ko na hinatak ni Sofia ang upuan sa tapat ko at naupo doon.

“Ang bango, sana masarap din ito,” sambit ni Sofia, sa oras na buksan niya ang pagkain.

Naupo si Jared sa tabi ko. Panandalian kaming kumain lahat ng tahimik—tense, hindi kumportableng katahimikan. Pagkatapos, biglaang maririnig ang tunog ng lalamunan na nasasamid kay Sofia, nalukot ang mukha niya sa sakit. Napatayo siya bigla, kung saan kumaskas ang upuan niya ng madiin sa sahig, nagmamadali siyang umalis ng dining room.

“Anong—” sambit ko, naguguluhang kumukurap habang tumayo si Jared bigla at hinabol siya.

Hindi ko na kailangan mapaisip ng matagal dahil bumalik si Jared at Sofia makalipas ang ilang minuto, kung saan si Jared ay mukhang nag-aalala, at si Sofia ay maputla.

“Anong nangyari?” tanong ko, nakatingin ako kay Jared at kay Sofia.

“Ang nangyari ay sinubukan mo akong lasunin, kung saan pangalawang beses na ito. Ang una, doon sa restaurant, at ngayon, sa bahay mo. Ano ba ang ginawa ko sa iyo?” sambit ni Sofia, nagkukunwaring lumuluha.

“Hindi ko maintindihan. Bakit kita lalasunin? Si Jared ay nasa kusina kasama ko, at pareho ang pagkain na inihanda ko para sa lahat,” defensive ko na sinabi.

“Nilagyan mo ng gatas ang macaroni, at allergic ako sa gatas!” sigaw ni Sofia.

“Tama, Arielle. Allergic siya sa gatas. Hindi mo iyon dapat isinama sa pagkain,” sambit ni Jared.

Tinitigan ko siya, natulala ako. “Jared,” mabagal ko na sinabi, pinipilit ang sarili ko na kumalma. “Kasama kita sa kusina. Nakita mo ang lahat ng ginamit natin. Hindi parte ang gatas.”

Ang ekspresyon niya ay nanginig. Tumayo ako, nawalan ako ng gana.

“Just for the record, Sofia, hindi ako gumamit ng gatas sa putahe. Sa totoo lang, iyan ang milk-free recipe ko. Puwede mo tanungin ang mga customer ko sa restaurant. Pero anong ipinagkaiba nito? Napagdesisyunan mo na na nilason kita. Good night,” sambit ko, ngumiti ako ng malamig bago nilisan ang dining room.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 110 Kaunting libangan

    (ARIELLE’S POV)Ang restaurant ko, ang A and M, na initials para sa Arielle at Maverick, ay nagbukas na sawakas ang mga pinto para sa publiko noong nakaraang araw, at ngayon, para maghost ng meeting sa potensyal na mga shareholders ng restaurant ko. Ang sagot nila at turnout ay overwhelming, at nasabik akong pag-usapan ang hinaharap ng business ko sa mga indibidwal na interesado.Marami sa kanila ang dumating, at ang iba ay papunta na. Hindi magsisimula ang meeting ng wala sila, at bukod pa doon, hindi pa oras ng meeting, kaya worth it ang paghihintay.Ang entrance ay bumukas, at alam ko na isa ito sa mga interesadong indibidwal na papasok, kaya inihanda ko ang sarili ko at ngumiti, handa na iwelcome ang kahit na sino ng nakangiti, tulad ng ginawa ko sa iba.Pumasok ang pigura sa loob, at nanghina ang ngiti ko. Nanigas ako, nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Anong pambihirang nangyayari dito? Sambit ko sa isip ko, nakipagtitigan ako sa bagong dating.Hindi maaari! Jared?Kahi

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 109 Isang potensyal na shareholder

    (JARED’S POV)Tumunog ang phone ko, nabasag ang katahimikan sa aking opisina. Sinulyapan ko ang screen at nakita ang pangalan ng imbestigador ko.“Sabihin mo,” sagot ko. “May update ka na?”“Oo,” sagot niya at nag-alinlangan siya“Sige,” udyok ko.“Sa kasamaang palad, hindi ko siya masundan hanggang sa bahay. Napansin niya na sinusundan ko siya at gumawa siya ng paraan para hindi ko siya mahabol.”Sumarado ng mahigpit ang panga ko at humigpit ang kapit sa phone. “Puro palusot na lang ba ang mabibigay mo?” galit ko na sinabi.“Kumalma ka, sir. Pakiusap, makinig ka sa akin,” makaawa niya.Huminga ako ng malalim, pinilit ko ang sarili ko na manatiling tahimik at hayaan siyang magpatuloy.“Hindi ko siya nagawang sundan sa kanyang bahay tulad ng plano ko kahapon, pero nagawa ko na makuha ang address ng restaurant niya.”“Restaurant niya?” inulit ko, naging interesado ako.“Oo, mayroon siyang building restaurant, at sa isang linggo ito magbubukas.”Naupo ako ng diretso ngayon. “I

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 108 Ang ipinangakong proteksyon

    (ARIELLE’S POV)Matapos magmaneho pa, itinigil ko ang sasakyan sa isang lugar na maikukunsidera ko na ligtas at sinubukas na maghabol ng hininga. Nanginig ako ng hindi makontrol ang kamay ko sa manibela, habang ang puso ko ay malakas ang tibok na parang lalabas ng dibdib ko.Sinubukan ko kumalma, kung hindi, hindi ako makakapagmaneho pauwi. Huminga ako ng malalim at mabagal, sinubukan ko na ayusin ang aking sarili. Nagpanic ako, pero isinantabi ko ang nararamdaman ko. Hindi ako puwede magpanic attack, hindi, hindi dito.Makalipas ang ilang minuto, naging normal ng unti-unti ang tibok ng puso ko, at naging steady ang aking kamay. Dahil kuntento na ako na puwede na akong magmaneho ulit, sinindihan ko muli ang makina ng sasakyan, nagmaneho ako pauwi, alerto na ang aking senses.Habang nagmamaneho, lalo akong nabalisa, habang sinusubukan ko alamin kung bakit ako susundan ng kahit na sino. Hindi ko ito maintindihan, at patingin tingin ako pa din ako sa salamin para masiguro na wala na a

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 107 Ang habulan

    (ARIELLE’S POV)Nakabalik ako sawakas sa bahay, pagod pero fulfilled. Ang nanay ko at anak ay naghihintay na sa sitting room, at yumakap sila sa akin habang ipinapakita ang tuwa ng pumasok ako.“Nakita namin ang balita!” sambit ni Maverick, tumalon siya sa akin. “Sikat ka na ngayon, Mama.”“Congrats, darling ko. Sobrang proud ako sa iyo,” sambit ng aking nanay.Ngumiti ako, masaya rin dahil masaya sila. “Salamat.”Naglakad ako patungo sa couch at naupo kaming lahat at ikinuwento ko sa kanila na mga nasasabik kung anong nangyari sa araw ko. Pero siyempre, siniguro ko na hindi kasama ang aksidente at engkuwentro kay Sofia, para hindi sila mataranta.Pagkatapos ko magkuwento, nagpaalam ako dahil gusto ko na hubarin ang damit ko at accessories sa aking katawan. “Pasensiya na sa inyong dalawa, sambit ko,” tumayo ako. “Kailangan ko maligo at magpahinga ng kaunti.”“Malapit na maging handa ang dinner,” paalala ng nanay ko.Tumango ako, nagpapasalamat sa kaunting pahinga. Sa oras na na

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 106 Nakatikim ng tagumpay

    (ARIELLE’S POV)Unang araw ko simula ng makauwi ako, at nakaramdam ako ng sabik at kaba. Ngayon, bibisita ako sa restaurant site ko at dadalo sa isang mahalagang meeting kasama ang mga delegates mulas a Paradiso Culinary Academy—ang alma mater ko—para sa ambassador endorsement na nagpakahirap ako para masigurong makuha.Pagkakataon ito para hubugin ang culinary world sa paraan na ninanais ko sa mga panahon ng mahahabang taon sa Italy.Nasabik ako habang iniisip ko ang mga benepisyo na kaakibat ng posisyon—mamahaling sasakyan, fully funded insurance, malaking sahod na magpapayaman sa akin. Napakaganda ng mga benepisyo.Pero ang pinakaninanais ko ay ang mag-iwan ng marka sa menu ng Paradiso, sa pagkakakilanlan nito, sa kanilang mga patron. Ito ang entablado ko, at handa na akong angkinin ito.Isinuot ko ang aking itim na dress, ang fabric ay nakakapit sa lahat ng mga tamang lugar. Simple, elegante. Walang makeup para mahighlight ang itsura ko at mabilis na pagpapa unat ng buhok ko,

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 105 Bagong Siya

    (JARED’S POV)Kumurap ako at tinignan muli ang headline, sinisiguro na hindi mali ang nabasa ko. Pero hindi nawala ang mga salita. Nandoon sila, nakasulat pa din.Pagkatapos ay napalunok ako ng madiin, pinilit ko ang sarili ko na tumingin pababa, at nahirapan akong huminga. Siya nga. Si Arielle.Ang parehong babae sa airport.Ang parehong babae sa sasakyan ni Ashley. Kaya pala naaakit ako sa sasakyan kanina.Paano ako naging ganito kabulag?Dalawang beses, makalipas lang ang ilang araw. Sa airport, kung saan naramdaman ko ang kakaibang hatak sa akin pero isinawalangbahala ko. Sa sasakyan, noong sinubukan ko siyang makita, pero naglaho siya bago ko siya tunay na masulyapan. Sa parehong beses, hinayaan ko siyang makaalis.Pagkatapos, tinamaan ako ng napagtanto ko na parang tone-toneladang mga simento, nadurog ang puso ko. Paano ako nagagawang biruin ng tadhana ng ganito?Hindi ko naisip na makikita ko siya ulit. Pero heto siya.Tinitigan ko ang litrato, mabilis ang tibok ng akin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status