Share

FOUR

Penulis: SHERYL FEE BAJO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-22 12:03:48

"I know you owe me an explanations, Mommy, Daddy. But, I'm  running out of time. Don't worry after this mess, bibisitahin ko po kayong lahat sa  Nevada para sa magtapat where I'm  going now. Take care, Daddy, Mommy, have a safe trip."

Labag man sa kalooban ni Clarence ang iwanan ang mga magulang na walang  maayos na pamamaalam pero wala siyang nagawa  lalo at may aberya sa barkong  pag-aari niya pero ito ay  lingid sa kaalaman ng lahat.

He was the captain  of his own ship!

Pero  kapag nasa kapatagan siya ay ang  katiwala niya ang nakahalili sa kanya.

Sa  mga panahong wala siya  sa piling ng pamilya niya at nasa laot naman siya, ganoon din kapag wala silang world tour ng mga pinsan at kambal niya but still ang lahat ng iyon ay  walang nakakaalam kundi siya at kanang-kamay niya.

Hanggang sa nakaalis siya ay nanatiling nakanganga ang mga magulang ni Clarence dahil pagkasabi nito sa binitawang salita ay naglaho na itong  parang bola.

"Mukhang  may lihim na naman ang anak natin. honey, and I guess parang si  Braxton lang na may inililihim tungkol sa tunay na trabaho," naka-iling na wika ni Meljhorie.

"Ewan ko ba sa mga anak natin, honey parang hindi ko na sila kilala. Napakalihim nila when it comes to their  real job. Si Tristan Keith na lang yata ang matino  sa kailang tatlo," sagot  ni Tristan.

"Well let them be, honey. Nasa tamang edad na silang  dalawa at wala rin naman tayong alam sa pinag-gagawa nila kaya we don't have any choices about this matter than to  support them as we include them to our prayers." Wala na ring nagawa  si Meljhorie kundi sang-ayunan ang tinuran ng asawa.

SA malaking bahay ng mga Mckevin o ang  mag-asawang Donna at Bryan.

"Hindi ba dadaan sina Mel at Tristan dito bago sila pupuntang airport, babe?" tanong ng huli.

"Iyan ang hindi ko alam, babe. Dahil wala naman silang  binanggit kaninang umaga. By the way, babe, bakit  mo  natanong? May ipagbibilin ka ba sa kanila?" balik-tanong ng Ginang.

"Wala naman, babe, pero may sasabihin sana ako sa kanila," tipid na sagot ni  grandpa B na sinabayan pa ng buntunghininga na siya namang labis  na ikinabahala ng asawa.

"Ano iyan, babe? I mean tungkol saan ba ang sasabihin mo sa  kanila? Huwag  naman sanang may problema lalo at papaalis na naman sila." Hindi na rin naitago  ng Ginang ang kaba  ng sandaling iyon dahil na rin sa nakikitang hitsura ng mahal na asawa.

"Actually, babe, hindi naman ito  importante para sa anak natin dahil kung tutuusin si Clarence ang dapat kong kausapin," ilang sandali pa ay wika ng matandang lalaki.

"Wait lang, babe, hindi kita maunawaan ah. Kanina ang mag-asawa ang hinahanap mo dahil sabi mo gusto mo silang makausap. But t now you're  telling me na ang apo natin ang  nais mong  makausap?" Napapantastikuhang tanong ng ginang na hindi maitago ang pagtataka.

This time, hinarap ng Ginoo ang asawa bago sumagot.

"May tumawag kaninang tanghali hindi  ba, babe? Well ang manager ng bangko iyon. Alam mo namang kaibigan ko siya at ayon sa kanya ay kunting halaga na lang ang naiwan sa pera ng apo  natin doon at sabi niya na nailabas na nito ang mas  malaki o mas tamang sabihing halos masaid na. Nandoon ang lahat ng trust fund ng mga bata alam mo iyan kaya naka-update sa akin. Well, wala namang kaso iyan kung saan nila gustong gamitin  ang  kani-kanilang pera pero nakakapagtaka lang itong  si Clarence dahil wala na daw isang daang libo ang laman  ng account niya. Ang tanong saan niya ginamit ang halagang iyon?" paliwanag niya.

"What? Babe, naman kailan pa naging gastador ang batang iyon? Okay let's say, pera niya iyon pero saan niya ginamit ang pera samantalang  wala naman tayong nakikitang maaring pinaggamitan niya ng gano'ng  kalaking halaga. His assets on his own are billions, my God!" Maski ang Ginang ay hindi na rin napigilan ang sarili  na nagtanong.

"Iyon na nga,  babe, kaya nais ko sanang makausap sina Mel at Tristan bago sila aalis upang ipagtapat ang  bagay na ito, but how? Ayaw ko rin namang may iisipin sila sa kanilang pag-alis. Aba'y  paminsan-minsan na nga lang silang  umuuwi rito sa Baguio," aniya ng Ginoo.

Dahil dito ay napabuntunghinga ang Ginang. Wala naman talaga silang pakialam kung paano gamitin ng kanilang mga apo ang naipamana na nilang halaga. Ngunit sa pagkakataong iyon ay  hindi  talaga nila maiwasang mag-isip kung saan nilustay ni Clarence ang pera.

"I guess we need to talk to them, babe at---"

Pero  hindi pa natatapos ang sinasabi  ng matandang lalaki ay  dumating ang panganay nilang anak o ang kambal ng taong pinag-uusapan nila. Si Marc Joseph.

"Oh, Hijo, napasugod ka yata, anak?" salubong na tanong ng Ginoo sa anak.

"Si daddy naman po. Siyempre nais ko nga po kayong makita ni Mommy and besides dati naman akong  dumadalaw dito everyday ah," nakangiting sagot ni MJ habang nagmamano  sa  mga  magulang.

"Biro lang, anak. Ikaw naman hindi ka na nasanay sa daddy mo. Oh, bakit ikaw lang anak nasaan si AG?" As the years goes on pumuti  man ang kani-kanilang buhok  pero ang pagpapahalaga sa isa't-isa ay  hindi nagbago.

"Dinaanan kanina ni JP may pupuntahan daw kaya ako lang po mag-isa. Pero  teka lang po Daddy parang may mali eh, may problema po ba kayo rito, daddy, mommy?" patanong na sagot ni MJ na hindi nalingid ang pinag-uusapan ng mga magulang.

Hindi na rin nagkaila pa ang mag-asawa, ipinagtapat nila dito ang sitwasyon.

"Don't worry, Daddy, Mommy, kung nandito pa sa Pilipinas ang  batang 'yon ako ang kakausap sa kanya pero kung nakalayas  na naman aba'y wala na tayong magagawa riyan kundi ang hintayin ang muling pagpapakita niya rito sa atin and hopefully in the near future na po iyan. And if about Mel and Tristan hindi ako sure kung dadaan pa sila dito but I'll  try to contact  them para makausap natin sila kung may oras pa lalo at mamaya na ang kanilang flight pabalik sa Nevada," muli ay paliwanag ni MJ.

Para namang nabunutan ng tinik ang mag-asawa dahil sa pahayag ng anak. May tiwala naman sila rito  kaya kampante silang gagawin nito ang  binitawang salita.

SA kabilang banda, nagkagulo ang  buong staff ng MARGARITA dahil sa babaeng nasa upper deck ng barko which is very dangerous and very privately. Walang ibang nadadako dito maliban sa boss  nila o ang may-ari ng  barko hindi nila alam kung sino.

"Lagot tayo ngayon dito kay boss. Naku kung sino  ba  naman kasi ang babaeng   iyan at unang  beses pa yatang sakyan si MARGARITA. Wala yatang alam sa  patakaran ng barko." Aligaga at hindi mapakaling wika ng kanang kamay ni Clarence.

"Ewan ko riyan. Mukha pa namang wala sa sarili eh. Siya  nga pala ikaw ang tatawag kay  boss dahil ikaw ang close  sa kanya mamaya'y kami pa ang malalagot  nito." Takot ang namamayani sa kanila dahil kilala nila kung magalit ang boss  nilang lingid sa  kaalaman nila ay siya ring kapitan ng barko..

"Natawagan ko na bro pero nasa Pilipinas siya  ngayon eh at tama ka  nagalit  na nga siya lalo at kabilin-bilinan niyang walang tatawag kapag nasa bakasyon siya." Napapakamot sa ulo  na sagot ng kanang kamay ng binata.

"Kayong dalawa ha magpasahan pa kayo riyan eh. Ano kaya kung lapitan  muna natin ang babaing iyan baka  maisipang tatalon  aba'y  mas  malalagot tayo niyan," sabad naman ng isa  pang crew member.

"Ikaw kaya, brod. Alam n'yo  namang ipinagbabawal ng may-ari ang umapak diyan eh lalo sa---"

"Kailan pa kayo natutung magpasahan ng trabaho? Aba'y hindi naman siguro bawal sa boss natin ang lalabag  ng isang beses lalo at kinakailangan? Hindi naman Diyos ang boss natin na hindi maaring salungatin eh," wika ng bagong dating na hindi nila namalayang dumating.

"Captain Mondragon!" sabayang sambit ng apat na nandoon.

Pero ang kanang-kamay ni Clarence  ay  hindi na nagsalita dahil ayaw niyang baka maibuko pa niya ito.

"Sabi ko naman kasi  sa inyo mga pare," aniya ng isa bago bumaling sa  bagong  dating.

"Eh, kasi naman, captain. Alam nating  lahat na ipinagbabawal ng may-ari ang pumupunta diyan," angal ng isa.

"Naku naman, brod. Hindi naman siguro  ganoon kakakitid ang ulo ng boss natin. Upang hindi maunawaan ang bagay na iyan at isa  pa paano na lang kung magpakamatay ang babaeng iyan, eh 'di mas madadali tayong lahat baka mawalan  pa tayo ng trabaho kapag nagkataon."

Pahayag na lamang ni Clarence. Tuloy ay napa-uno si Almazan o ang kanang kamay nito pero palihim lang itong  kinindatan ng binata dahil alam niya ang  dahilan nito sa pag-ubo.

"Eh, iyon na nga, captain. Pero bago pa mangyari iyan  total nandito ka na baka naman maaring ikaw na ang lalapit sa kanya." Suhestiyun ng isa.

"Okay, I will, brod. Let’s   just pray na makukumbinsi ko siyang huwag ituloy ang binabalak," tugon ng binata. But deep inside of him ay  inis na inis siya dahil sa pangahas  na babaeng umakyat sa teritoryo niya. Kung saan siya nagtatambay kapag wala siya sa harap  ng engine. Kumukulo ang dugo niya dahil sa babaeng mukhang wala sa katinuan ay mapipilitan siyang nagtatapat sa mga magulang niya.

As he step closer to the lady near the railings mas nagiging  malinaw sa kanya ang figura ng babae.

"Teka  lang parang nakita ko na siya ah. Anong ginagawa niya dito?" kunot-noong wika ng binata na pansamantalang napatigil.

"Captain, bilisan mo. She's going to jump  now!" Dinig  ni Clarence na sigaw ng mga kasamahan o mas  tamang sabihin na tauhan niya.

Nagulantang siya dahil dito. Hindi niya namalayang napatigil pala siya habang pinagmamasdan ang babaeng  hindi niya akalaing muli niyang makikita at sa mismong barko pa niya.

Tama naman kasi ang tauhan niya tatalon na ang babae!

Tinawid niya ang kanilang pagitan ng may pagmamadali kaya bago pa ito nakatalon ay  nayakap  na niya ito.

"Hoy, babaeng wala sa sarili huwag kang  magpakamatay  dito sa barko. Kung pagod ka  ng mabuhay sa mundo maari kang  magpakamatay kahit saan basta huwag dito!" gigil  na bulong ni Clarence ng nailayo sa may railings  ang babae.

Pero  laking  gulat niya ng bigla  itong umiyak. Ang  pinaka-ayaw pa naman niya sa  lahat ay ang nakakakita ng umiiyak.

"Bakit mo ako pinigilan sa pagtalon ko sana? Alam mo bang pagod na ako? Pasan ko ang mundo, marami na ang nangyari sa buhay ko kaya nais ko ng wakasan ang lahat para mawala  na ang sakit at pighating aking  nararamdaman," sabi  nito habang umiiyak.

"Captain, mukhang may pinagdadaanan sa buhay ah. Sales talk  mo," bulong  ni Almazan na siya  ring agad lumapit.

"Sana hinayaan n'yo  na lang akong  tumalon para mawala na ako rito sa mundo." Hikbi pa ng babae.

Bugso ng damdamin, niyakap  ito ni Clarence  ng walang malisya saka nagwika.

"Alam  mo, miss, kung ano man ang pinagdadaanan  mo ngayon  sa buhay ay hindi sulusyon ang pagpapakamatay mo. Kung nasaktan ka  man sa sinabi ko kanina ay ipagpaumanhin mo na lang dahil restricted  ang lugar  na ito. You can roam around the ship, but this part is forbidden. Now, if you can trust us, you may share your problem. Maybe  we can help you." Ayun at lumabas ang tunay  na pusong mamon.

But...

Imbes magsalita ang hindi nila kilalang babae ay  humagulhol ito ng napakalakas.

"Hey, lady, what's  happening? What's  the matter with you?" natarantang tanong ni Clarence dahil sa ginawi ng babae.

Pero  kagaya ng nauna'y wala itong sagot kundi ang pag-iyak.

"Captain, parang malaki ang problema  niya ah. Baka kailangan natin siyang dalhin sa consultant upang malaman natin kung ano ang mali. Hindi naman kasi siya nagsasalita para malaman sana natin kung ano'ng problema niya." Muli ay  mungkahi ni Almazan.

"I guess  you're right, brod kaysa naman manghula tayo dito." Sagot  ng binata.

Pero ang inis at gigil  na naramdaman niya bago niya ito nilapitan ay biglang naglaho't napalitan ng awa. Ilag sa kanya ang mga  tao  dahil bukod sa  siya ang  kapitan  ng barko ay siya pa mismo ang namamahala sa  kapayapaan ng buong barko. But this time, awang-awa  siya  dahil tahimik ng umiiyak ang babae sa  kanyang balikat.

Kaya  naman imbes na dalhin nila ito sa doctor ng barko ay  pinabalik na lamang  ni Clarence ang mga tauhan sa  kani-kanilang trabaho at siya  na ang naiwan para samahan  ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • MR SEA-MANLOLOKO    FIFTY ONE

    "WHERE is Engineer Saavedra now?" tanong ni Brian Niel.Alam niyang dumating na ang binata dahil sila ang sumalubong dito gamit ang bangkang de-motor. Sila rin ang nagdala sa mga gamit nito dahil pinanindigan ang pagiging maninisid. Naging diver ito mula hindi kalayuan ng barko. Inantabayan na lamang nila sa ground deck upang hindi makahalata raw ang dragona nito."Hindi na dapat tinatanong iyan, Boss. Aminin man natin o hindi ay si Ma'am Cassandra ang pinakamalaking dahilan kung bakit siya bumalik dito. And naturally, magkasama silang dalawa," nakangiting wika ni Engineer Rodrigo."Tama si Engineer Rodrigo, Boss. Parang nakita ko si Ma'am kanina sa engineer's deck. Surely nakatingala sa cabin ni Engineer Saavedra. Kaya't sang-ayun ako sa sinabi ni Kuya Rudy." Nakangiti ring lumapit sa kanila ang isa pa nilang kasama.Sa narinig ay hindi na napigilan ni Brian ang mapatawa. Totoo naman kasi silang lahat. Hindi maipagkakamaling kaya bumalik ang paborito niyang engineer sa barko dahil sa

  • MR SEA-MANLOLOKO    FIFTY

    DAHIL alam ng mag-asawang Clarence at MaCon na darating ang PI ay sinadya na itong hinintay."So, how did it go, Jerry?" tanong ni Clarence nang dumating ang PI."Tama nga kayo, Sir. Mahirap magalit ang taong tahimik. Huli ko siyang nakitang nagalit ng husto noong buhay pa ang kapatid niya. I mean ang nakalakhan niyang pamilya. Walang nakakaawat sa kaniya kung tungkol sa pang-aalipusta," pahayag nito."Ha? Nagkaaberya ba kayo sa pakikipagharap sa magulang niya?" hindi makapaniwalang anong ni MaCon."Opo, Ma'am. Mr and Mrs Arevalo is living all these years in poverty. Akala nga nila ay masasama kaming tao. The worst is may asthma ang kapatid ni Sir Tommy. Itinakbo namin ito sa pagamutan at kasalukuyang nandoon si Boss. About sa pang-aalipusta, Ma'am. Kasalanan ng nurse dahil binastos ang ama niya ayon siya na ang humarap. Pero naniniwala na ako ngayon na kung ano ang puno ay iyon din ang bunga. Alam ko na ang pinagmanahan ni Boss Tommy sa ugali, kahit pa sabihing pinalaki siya ng mga S

  • MR SEA-MANLOLOKO    FORTY NINE

    HERRERA-MONDRAGON RESIDENCE Makaraan ng halos dalawang oras na itinakbo ng jeep ay nakarating siya sa tahanan ng mga Mondragon. Mainit siyang tinanggap ng guwardiya kaya't dumiretso rin siya sa loob kung saan naroon ang mag-asawa. Kagaya ng mga nagdaang pagdalaw niya o pagkikita nila ay mainit din siyang pinakiharapan. Halatang bakas ang kasiyahan sa kanilang mukha nang nakita siya."You're here, Tommy. May hindi ka ba nasabi noong nagtungo kami sa rancho? Halika, maupo ka." Masayang salubong ni Clarence sa binata."Salamat po, Boss. About sa tanong mo po ay not really. Sinadya ko po talagang hindi binanggit ang bagay na iyon dahil ayaw ko po na masira ang kasiyahan ng bawat isa that day. Total nakaabala na po ako sa iyo ever since, lubos-lubusin ko na po. May kakilala ka po bang trusted private investigator?" patanong na sagot ng binata nang siya ay nakaupo."Ikaw talagang bata ka oo. We're family kaya't huwag mong isipin na nakakaabala ka." Napailing tuloy ang ilaw ng tahanan haban

  • MR SEA-MANLOLOKO    FORTY-EIGHT

    "WELL DONE, Mr and Mrs Mondragon. Pinatunayan n'yo na namang walang mahirap, walang mayaman sa batas natin," masayang wika ng judge nang sa wakas ay nadala na sa kulungan ang mag-asawang Saavedra."Hindi kami ang dapat ninyong pasalamatan, judge. Dahil lahat ng ito ay nasa kamay ng batang Saavedra I mean si Engineer Saavedra." Nakangiting tinanggap ni Clarence ang palad ng judge."Tama ang asawa ko, judge. Kahit nandito kaming lahat upang suportahan siya kung hindi siya nagdesisyon ay wala ring kinahantungan ang lahat. Masaya at malungkot kaming mag-asawa dahil alam naming mahirap ang desisyung ginawa niya but still we understand his situation." Kagaya ng asawa ay tinanggap ni Macon ang nakalahad na palad ng judge."He's really unfortunate child. But I salute how he handled his life. Alam pala niya ang tungkol sa pagkamatay ng tunay niyang pinagmulan ngunit inisip niya ang pamilya niya. Again, hindi nila pinahalagaan ang kabaitan ng batang iyon," wika ng judge."Yes, Judge. As I've sa

  • MR SEA-MANLOLOKO    FORTY SEVEN

    KUNG TUTUUSIN ay hindi pa sumisikat ang mahal na araw ay nakahanda ang mag-asawang Saavedra para sa lakad nila ng araw na iyon. Kailangan nilang magtungo sa City Hall upang harapin ang mag-asawang akala mo ay sino."Ano'ng sabi ng mga nasa rancho, Honey?" tanong ng Ginang sa asawa."Naging salitan din daw ang bantay na itinalaga ng mga Mondragon gaya ng mga tauhan natin. Kahit ang mga choppers na nakaantabay ay nandoon pa rin daw. Mukhang pinapahalagaan nila ng husto ang rancho ayun na rin sa mga kilos nila. Siya nga pala saan nila dinala ang bangkay ni Yaya?" sagot at balik-tanong ng Don."Sabi ko sa mga tauhan nating ilibing nila ng maayos sa sementeryo pero hinarangan daw sila ng mga tauhan ng mag-asawa. Sila na raw ang bahala kaya't hindi na raw sila umangal kaysa naman magpakapagod pa sila," sagot ng Ginang. Pupunta na sana siya sa kusina upang magpagawa ng kape nilang mag-asawa ngunit natigilan siya dahil sa buntunghininga ng asawa."Oh, Hon, what's on that deep sigh?" Muli niya

  • MR SEA-MANLOLOKO    FORTY SIX

    DAHIL na rin sa pakiusap ng mag-asawang katiwala ni Tommy sa kanila ay regular din silang bumibisita sa rancho nito. Kaso nang araw na iyon ay hindi mapakali si Clarence. Hindi pa naman sila bumisita roon ng araw na iyon dahil ang balak nila ay mas maganda kung hapon sila pupunta."Ano sa tingin mo, Honey? I mean, may ibig sabihin kaya itong pakiramdam ko? Tutuloy pa ba tayo ngayong araw o makikibalita na lang tayo sa mga tauhan nating nandoon?" hindi mapakaling tanong ni Clarence sa asawa."Pangitain iyan, Hon. If I were you, tawagan mo muna ang mga nandoon or si Tan-Tan o 'di naman kaya ay sila Nana Tina at Tata Andong ang sabihan mo na late na tayong makapunta ngayon doon. Mahirap na ang susugal wala pa naman dito ang may-ari." Hinarap ni MaCon ang asawa na halatang hindi mapakali."Kaya nga, Honey. Iba talaga ang pakiramdam ko---"Kaso hindi na natapos ni Clarence ang pananalita dahil tumunog ang mobile phone niyang nasa lamesa. Agad niya itong dinampot saka sinagot kaso halos mab

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status