Share

THREE

last update Last Updated: 2025-08-22 12:02:32

"ANAK, bakit? May problema ka ba? May masakit  ba?" may pag-aalalang tanong  ni  Yaya sa dalagang sumigaw  ng pagkalakas-lakas na kahit nasa pangalawang palapag  ito ay  dinig na dinig ito sa unang palapag.

"Y-yaya, bakit ganoon? Bakit? Tell me, yaya, bakit?" balik- tanong nito.

"Ano'ng bakit, anak? Hindi ko alam ang sagot diyan dahil hindi ko naman alam kung ano ang tinatanong mo," nahihiwagaang sagot  ng butihing yaya.

Pero hindi sumagot  ang dalaga bagkus ay yumakap siya ng mahigpit dito na para bang bata na may kinatatakutan.

"Anak, kung ano man ang nais mong sabihin ay magsalita ka, anak. Alam  kong  may nais kang ilabas sa iyong kalooban. Kung ang pag-iyak mo ang makakagaan  sa  pakiramdam mo ay sige lang anak nandito lang si yaya," wika pa nito habang hinahaplos-haplos ang maitim pa sa gabi  nitong buhok na may pagkaalun-alon.

Ganoon  na ba siya kawalang kuwentang anak? Lahat ng akala niya ay  naglaho! Mga maling akala ay iginugupo siya  ngayon samantalang buong akala niya ay kaya na niya.

After a while...

"Yaya, masama  ba  akong anak?" tanong ni MaCon ng sa wakas ay nahamig ang sarili.

"Anak, kailan man ay hindi ka naging masamang anak. Lahat ng bagay na nangyayari sa mundo ay may dahilan kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. Kung ano ang alam mong tama gawin mo habang maaga pa. Huwag mong ipagpaliban ang paggawa nito dahil hindi natin alam ang mangyayari  sa mga susunod na araw," makahulugang wika  ni yaya.

"Yaya, sa loob ng ilang taon kong  pagkawala dito sa bansa natin, may mga bagay bang nangyari na hindi ko nalaman?" may bikig sa lalamunang tanong ni MaCon  na para bang takot na takot  sa maaring  isagot ng yaya.

"Nais mong malaman ang totoo, anak? Ang  totoo niyan o  ang  sagot sa tanong mo ay  oo, anak. Sa loob ng halos pitong taon  mong pagkawala ay  marami na ang mga bagay-bagay na nangyari. Pero nanatiling tikom ang bibig ko dahil nais kong ikaw ang makatuklas kung ano ang nais mong malaman. Hindi ka  man nanggaling mismo sa aking  dugo pero hindi na kayo iba sa akin ni M kasama na ang mga magulang ninyo. Kaya't ang nais  ko lang naman ay mapabuti ka at huwag kainin ng galit ang buong pagkatao mo," muli ay makahulugang pahayag ni yaya.

"Yaya?" sambit ng dalaga sabay tingala rito.

"Alam kong pagod ka sa biyahe, my dear pilot. Kaya't magpahinga ka na. Kung ano man ang mga gumugulo sa isipan mo ay bukas na iyan," sagot ng may edad ng yaya saka ito h******n sa noo.

"Pero, yaya---"

"Hayaan mo lang yaya kong iyan ang gusto niya. Marami na siyang hindi alam sa bahay na ito  kaya dapat lang na malaman niya kung gusto niya." Pamumutol ng boses at ng lingunin nila ito ay walang iba kundi si Don Evaresto na nabulabog din sa sigaw ng dalaga pero pagkatapos nagsalita ay agad ding tumalikod.

"Kayo din  ang dahilan kung bakit hindi ako  umuwi ng ilang taon---"

"Bakit, MaCon? Inalam mo ba ang lahat? Sige, ulitin ko ang  tanong ng kapatid  mo  sa iyo kung gusto mo, bukod sa kasal niya ano'ng  dahilan mo at bakit ka umuwi? Oo, inaamin kong malaki ang pagkukulang ko sa iyo bilang ama mo pero alam ng Diyos na hindi ako nagpabaya. Sige nga, MaCon, ano'ng alam  mo?" singpait ng alak na wika ng Don, wala naman siyang balak kamuhian ang anak. Nais lamang niya itong imulat sa katotohanan.

Pero kagaya lang ng yaya nila at ni MA na wala itong maisagot. Ano nga  ba ang maisasagot nito  kung pilit  inilayo ang sarili sa mga taong dapat pinakamalapit  dito. Singtaas nang pinapalipad na eroplano ang pride?

"Oh 'diba wala kang maisagot dahil wala ka naman talagang alam sa  mga  nangayari dito. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya pero  kagaya mo lang ang mommy mo na namatay  na puro maling akala. Pumanaw siya mundong  ibabaw na  hindi man lang nalaman na walang katotohanan ang lahat ng hinala na wala akong babae na pilit  niyang ipinapaamin sa akin. It's  been long time since you built  the thick wall  between us. Kaya wala na rin akong  dapat alalahanin pa kung  magagalit ka sa akin, MaCon. Kung gusto mong malaman kung saan nakalagak ang labi ng mommy mo ay gawan mo ng paraan dahil wala ka namang pakialam  sa  lahat kaya ikaw  na and bahalang tumuklas," mahabang  pahayag ng Don saka lumabas sa kuwarto ng bunsong anak.

Lalaki siya, isang ama sa dalawang  anak niya pero lamang siyang may damdamin na puweding masaktan at sa paglabas niya sa kuwarto ni MaCon ay  muling namalisbis ang  luha sa kanyang pisngi.

"Sorry, anak, sa mga nasabi  ko kahit wala naman akong planong sumbatan ka. Ang nais ko lang ipaunawa sa iyo na mali ka  sa lahat inaakala mong tama," pipi niyang sambit saka pinunasan ang pisngi na dinaanan ng luha.

SAMANTALANG nakaalis na ang kanyang ama pero hindi pa rin tumino sa isipan ang mga sinabi nito. Walang kahit ano'ng salita ang nais lumabas  sa bibig  niya ng oras na iyon. Hanggang saunti-unti siyang napaupo sa mismong sahig ng kuwarto niyang  ni  minsan  ay halatang  hindi napabayaan pero siya na punong-puno  ng pagpapabaya ay heto siya at nasampal sa katotohanan.

But it hurts  her so bad!

It's kills her!

The truth strikes her specially the fact that her  mother was gone!

Ang  masakit pa ay  walang nakapagsabi sa kanya tungkol sa pagkamatay nito.

"Si m-mo-mommy w-wa-wala na-na. B-bakit walang nakapagsabi sa akin? Na-pa-napakasama ko  pa lang anak. Nagpabulag ako sa maling akala kaya pala hindi ko---" ang katotohanang sumampal sa kanya ay naging dahilan upang maumid ang  dila  niya at halos walang matinong nasabi dahil naging pautal-utal ang panalita  hanggang sa tuluyan siyang napahagulhol.

Ang dakilang yaya ay walang nagawa kundi ang yakapin siya't patahanin at tuluyan na ring napaiyak dahil sa dami ng mga pinagdaanan ng pamilyang pinanilbihan ng napakaraming taon. Ito ang naging saksi at higit sa lahat ito ang nanatiling loyal sa buong pamilya kahit sariling kaligayahan ay  isinantabi para sa pamilya Herrera.

"Oo, anak. Tama lahat ang sinabi ng daddy mo. Pero wala kang kahit anong narinig mula sa amin  ng kuya mo. Dahil ayaw ng Daddy mo na madisturbo ka sa anumang plano  mo sa buhay. Kahit ang nangyari o ang pagkamatay ng mommy mo ay  hindi namin sinabi dahil ganoon ang bilin ng daddy mo," umiiyak na ring paliwanag ng yaya.

"Yaya," She uttered emotionally as she hugged so tight her.

"I'm so sorry, Hija. Kung wala kang narinig kahit ano mula sa akin. Pero nais ko lang naman na mamulat ka sa  katotohanan at maibalik ang dating ikaw na malapit sa mga tao,m. Pare-parehas kayong mahalaga sa akin, anak. Kayat nais kong maging maayos lahat ang buhay n'yo," dagdag wika pa nito.

"Kung may dapat mang kamuhian ay ako iyon, Yaya. Dahil naging pipi, bulag, bingi ako sa katotohanan. Saan ko matatagpuan ang puntod ni mommy, yaya?" may bikig sa lalamunang sabi ng dalaga.

"Kaya mo na ba, anak? Alam kong hindi  ka okay kaya hindi na kita  tatanungin kung kumusta ka. Ang tanong ay kung kaya mo na bang makita ang mommy mo kahit  ang puntod lang niya?" sunod-sunod na tanong ng Yaya.

"Please, yaya." Instead, she answered.

Dahil  nasa bahagi  ng mansion ang puntod ni Donya Esmeralda ay  hindi na nagsalita ang yaya bagkus ay inakay niya ang dalaga patungo sa paboritong tambayan ng namayapang ginang noong nabubuhay pa ito. Ang mini-garden nito ay ito rin ang nagsilbing libingan nito.

As she saw the  grave inside the mini-garden, she wailed once again, but this time  instead of hugging the person next to her, she embraced the grave  of  their mother. Ang mga taong inakala niyang umabandona sa kanya siya pala ang gumawa sa pag-aabanduna.

"I never meant to insult you but my worlds let me down. I never meant to be rude, but my actions did. Mom, I know it seems that I hate you. I know it seems that I want to do everything you tell me not to. But deep down inside, I know that you mean the best for me and my heart knows that no matter how much we fight, I will love you forever. I’m so sorry, Mommy," umiiyak na sambit ni MaCon habang nakayakap sa halatang alagang-alaga sa linis dahil kahit gabi na ay  makintab pa rin itong  tingnan.

And as she said those words, a cold wind embraced her as she saw her mother smiling while floating on top of the grave as she uttered a word.

"I admire you, honey, for  being  strong lady, and  you achieved  your dream in life without  using our  connection as you live your life alone and far from us. You dreamed high as you drive high the airplane up in the sky. I'm so proud of you, honey. Just keep up what you are as who you are, and I'll be watching you. I love you, honey, baby." Nakangiti ito habang kausap siya.

Yayakapin na sana ito pero biglang naglaho kaya naman mas naghinagpis ang  kalooban ng dalaga.

"Tahan na anak at sana ngayon  maging  bukas na isipan mo. Huwag kang mag-alala, anak, dahil hindi galit ang daddy mo sa iyo. Tara na sa loob dahil lumalamig na ang simoy  ng hangin," masuyong wika ng butihing yaya.

"Hindi ko alam, yaya. Hindi ko alam," sumisinok na sambit ni MaCon.

"Step by step, anak, matatanggap mo rin ang lahat. Alam kong mahirap pero kagaya ng sabi ko unti-untiin mong pag-aralang tanggapin ang lahat," sagot ng matanda.

Hindi na sumagot ang dalaga bagkus ay muli niyang  hinarap ang puntod ng ina saka nagwika.

"Things will never be the same without you, mom, and you leaving us has left a deep void in our hearts. We all miss you and wish you did not have to leave us so soon. Time is supposed to heal wounds, mom, but it seems as though all it does is make me miss you even more each day that you are gone. Sweet memories of you keep us going even when the pain of losing you is still so fresh in our hearts. Mom, we miss you so much. I have wept, I have cried, and I have grieved for you. My heart is in pain, and I miss you so much, mom. Oh, mom, why did you have to leave so soon? Just when I was finally beginning to really enjoy being with you, death took you away. I miss you so much, Mommy, and I'm  really really sorry, Mommy, for everything." Muli ay bumalong ang luha sa mata niyang bughaw.

Hindi ns nakapagtataka! Dahil may dugo silang European!

Lumipas pa ang ilang minuto pa bago tuluyang umakyat sa kabahayan ang dalawa dahil na rin sa kahilingan ng yaya.

A FEW days later...

Dahil  ilang buwan  ding hindi umuwi  si  Clarence, ganoon din ang inilagi sa tahanan nila.

Isang araw sa kalagitnaan ng kanilang hapunan, tumunog ang cellphone ng binata pero  hindi iyon pinansin ni Clarence at nagpatuloy sa pagkain.

"Anak, ang cellphone mo aba'y  kanina pa iyan ah, answer  it baka naman importante iyan." Pukaw ni Mheljhorie sa anak.

"Hayaan n'yo  na muna, Mommy. Aba'y kayo rin malapit na ang departure ninyo sa airport ah." Paglilihis niya sa usapan.

Hindi naman sa  ayaw niyang sagutin ang tawag. Ngunit dahil alam na alam niya kung sino ang tumatawag sa ganoong oras ay binabaliwala.

"Anak,  ayaw kong maniwala na babaero ka  as your cousins always says to you. Ngunit kung hindi mo pa iyan sagutin no choice, Clarence, parang pinatunawan mo na ring  babaero ka nga." Pangungunsensiya pa ng ama.

Tuloy!

Napaubo siya! Hindi lang iyon! Nabulunan na yata siya!

"Relax Clarence drink water mamaya niyan eh mapaano ka pa," kantiyaw tuloy  ng ina.

Kaya  naman walang nagawa ang  binata kundi  ang sagutin ang pesteng  disturbo  este kung sino  mang  poncio pilatong tumatawag. ( sabi mo kilala  mo😂😂😂).

"Hello! I told you...What? Are you sure  of that? Okay, just take over until I come... Make sure  that no one of you will  get hurt, okay?" sagot ni Clarence sa tumawag.

Ang magana niyang pagkain ay parang biglang nawala dahil sa ibinalita ng caller, nais niyang liparin ang pagitan samantalang over seas ito?  Paano niya tatakasan ngayon ang mga magulang  niya na paalis din ng bansa, pabalik ng Nevada?

"What a fuckin' sh*t! Kung bakit ngayon  pa nagkaganito eh." Piping mura ng binata dahil  bigla siyang naipit sa  bagay n

a hindi niya inaasahang mangyayari.

But...

"Hey, man, what on that curse?" tanong  ni  Mheljorie dahil narinig ang pagmura ng anak.

Bukod  sa walang maisagot ang binata sa  ina ay  mas pinili na lang niyang manahimik dahil hindi nila alam kung ipagtatapat niya ang tungkol sa  totoong siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MR SEA-MANLOLOKO    FOUR

    "I know you owe me an explanations, Mommy, Daddy. But, I'm running out of time. Don't worry after this mess, bibisitahin ko po kayong lahat sa Nevada para sa magtapat where I'm going now. Take care, Daddy, Mommy, have a safe trip."Labag man sa kalooban ni Clarence ang iwanan ang mga magulang na walang maayos na pamamaalam pero wala siyang nagawa lalo at may aberya sa barkong pag-aari niya pero ito ay lingid sa kaalaman ng lahat. He was the captain of his own ship!Pero kapag nasa kapatagan siya ay ang katiwala niya ang nakahalili sa kanya. Sa mga panahong wala siya sa piling ng pamilya niya at nasa laot naman siya, ganoon din kapag wala silang world tour ng mga pinsan at kambal niya but still ang lahat ng iyon ay walang nakakaalam kundi siya at kanang-kamay niya.Hanggang sa nakaalis siya ay nanatiling nakanganga ang mga magulang ni Clarence dahil pagkasabi nito sa binitawang salita ay naglaho na itong parang bola."Mukhang may lihim na naman ang anak natin. honey, a

  • MR SEA-MANLOLOKO    THREE

    "ANAK, bakit? May problema ka ba? May masakit ba?" may pag-aalalang tanong ni Yaya sa dalagang sumigaw ng pagkalakas-lakas na kahit nasa pangalawang palapag ito ay dinig na dinig ito sa unang palapag."Y-yaya, bakit ganoon? Bakit? Tell me, yaya, bakit?" balik- tanong nito."Ano'ng bakit, anak? Hindi ko alam ang sagot diyan dahil hindi ko naman alam kung ano ang tinatanong mo," nahihiwagaang sagot ng butihing yaya.Pero hindi sumagot ang dalaga bagkus ay yumakap siya ng mahigpit dito na para bang bata na may kinatatakutan."Anak, kung ano man ang nais mong sabihin ay magsalita ka, anak. Alam kong may nais kang ilabas sa iyong kalooban. Kung ang pag-iyak mo ang makakagaan sa pakiramdam mo ay sige lang anak nandito lang si yaya," wika pa nito habang hinahaplos-haplos ang maitim pa sa gabi nitong buhok na may pagkaalun-alon. Ganoon na ba siya kawalang kuwentang anak? Lahat ng akala niya ay naglaho! Mga maling akala ay iginugupo siya ngayon samantalang buong akala niya ay

  • MR SEA-MANLOLOKO    TWO

    "MABUTI naman at naalala mo pa ang umuwi, MaCon?" malamig na wika ng taong kahit hindi niya lingunin ay kilalang-kilala niya. Dahil ang may-ari sa boses ay walang iba kundi ang kaniyang ama."Bakit, ayaw mo? Sabagay, talaga namang hindi sana ako umuwi kung hindi dahil sa kasal ni Kuya MA," tugon niyang hindi man lang ito pinagkaabalahang lingunin.Marahil kapag nagkataon na ibang balik-bayan ang nasa katayuan ng dalaga ay baka nag-iiyakan silang mag-ama dahil sa tuwa lalo at mahigit limang taon na ang nakakaraan simula ng nagtapos siya kaniyang kurso bilang isang piloto at nag- OJT sa Swedish Airlines ay hindi na siya umuwi ng bansa."Hindi ko alam, anak, kung paano ko ipakiwanag sa iyo ang lahat. Dahil wala ka namang---""I didn't came home to hear your dramas. Kaya't kung wala ka rin namang iba at mahalagang sabihin ay hayaan mo na lang akong pumasok sa loob. Dahil nandito ako para sa kasal ni Kuya MA." Kabastusan man siguro pero pinutol ni MaCon ang pananalita ng ama sabay pindo

  • MR SEA-MANLOLOKO    ONE

    "TWIN sister, abay nasaan ng anak mong kambal? Hah! Matatawag ba itong family gathering kung kulang tayo? Alalahanin mong hindi basta-basta gathering ito kundi golden wedding anniversary nina Mommy at Daddy," kunot-noong wika ni MJ sa kakambal o si Meljhorie Kieth."Twin brother, aba'y mukhang hindi ka pa nasanay sa mga pamangkin mong lagalag ah. Natural, ang mga taong kiti-kiti ay hindi mapermi sa isang tabi. Kaya't sigurado akong gumagala na naman silang magpipinsan." Kibit-balikat ng Tigresa the original."Pero, kambal, kailangan ninyo pa ring alamin kung saan-saan nagsusuot ang mga anak ninyo. God forbid but what if something is wrong? Paano kung may nangyayari na pala na hindi natin nalalaman? Kung sa banda naman nilang magpipinsan ay huwag n'yo ng isali si Whitney. Nasa Baghdad iyon dahil sa giyera. At isa pa ay may asawa na iyon na taga-pigil," giit pa rin ni MJ.Dahil dito ay hindi na rin napigilan ni Allien Grace ang sumabad sa usapan mg hipag at asawa."Iyakin ko, kahit nama

  • MR SEA-MANLOLOKO    PROLOGUE

    "PASOK ka na, anak. Malamig na ang simoy ng hangin. Masama iyan sa inyo ni baby."Sa kaniya nakatira ang Yaya nila ng kambal niyang si Marc Joseph. Labis-labis naman niya itong ikinatuwa. Dahil isa siyang modelo at kung saan-saan napapadpad."Sige, Yaya. Mamaya kaunti ay papasok na rin ako. Pakikuha na lang po ang jacket ko."Subalit imbes na sundin siya ay naupo ito sa kaniyang tabi saka hinaplos-haplos ang kaniyang may kalakihang tiyan."Anak, huwag mo sanang masamain. Ngunit bakit kasi ayaw mong ipaalam sa iyong mga magulang ang kalagayan mo? Kay Tristan? Siya ang ama ng nasa iyong sinapupunan kayat may karapatan siyang malaman. Tama, mas bata siya sa iyo ng ilang taon ngunit alalahanin mong may amnesya siya noong nagkakilala kayong dalawa. Hindi sa lahat ng oras ay maililihim mo iyan sa lahay lalo na ang mga magulang mo."Sa tinuran ng kaniyang Yaya ay napahinga siya ng malalim. Dahil lahat ng sinabi nito ay pawang katotohanan. At isa pa ay hindi ito magsasalita kung kalokohan lam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status