แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: Daylan
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-06-07 03:04:28

Charles Pov

Naiinip na ako habang kausap ko ang mga kakilala ko sa party na pinuntahan ko. Wala sana akong balak na um-attend sa party na ito ngunit ipinaalala sa akin ni Linda, ang aking secretary, na a-attend daw sa party na ito ang CEO ng Wilson Company na si David Wilson.

Wilson Company a new built company at kahit last year lamang ito pumasok sa mundo ng business ay unti-unti na itong nakakaangat. May potensiyal ang kompanyang ito pagdating sa mga Artificial Intelligence kaya naman iminungkahi ni Linda na makipag-cooperate ako sa CEO ng Wilson Company. Kaya ako narito sa party para makilala ng personal ang CEO ng kompanyang ito

Nang hindi na ako makatiis sa pagka-bored sa usapan ng mga kaharap ko ay nag-excuse ako para magtungo sa comfort room. Ngunit hindi ako nagtungo sa comfort room sa halip ay nagtungo lamang ako sa area na konti lamang ang mga tao.

Nalukot ang noo ko nang makita kong palapit sa akin ang nakangiting mukha ni May. Iiwas sana ako ngunit alam na niyang nakita ko siya kaya wala akong choice kundi kausapin siya nang makalapit na siya sa akin.

"Hi, Charles. It's nice to see you again," matamis ang ngiti na bati niya sa akin, may lambing din ang kanyang boses kaya napailing na lamang ako.

May is beautiful socialite. Anak ito ng isa sa pinakamalaking textile company sa bansa. She's rich and spoiled. At sa tuwing magkikita kami sa party ay hindi niya pinapalampas ang akitin ako.

"It's nice to see you too," sagot ko sa malamig na boses. Ayoko sa mga babaeng halos itapon ang kanilang sarili sa akin. It's a big turn off for me. At isa sa mga babaeng iyon si May.

"Can we talk somewhere? Gusto ko iyong tayong dalawa lamang. O di kaya magpunta tayo sa bar," nang-aakit ang ngiti na tanong niya sa akin. Alam ko kung ano ang nais niyang mangyari ngunit mabilis ko siyang itinaboy.

"I'm sorry but I am waiting for someone important," walang kangiti-ngiti na sagot ko sa kanya. Ilang beses na niya akong niyayang lumabas at magpunta sa bar ngunit palagi ko siyang tinatanggihan. Hindi ko alam kung manhid siya o hindi lamang siya nakakaintindi na ayokong lumabas kasama siya.

"Bakit ba palagi mo akong tinatanggihan kapag niyaya kitang magtungo sa bar, Charles? Am I not beautiful in your eyes? Maraming kalalakihan ang nagkukumahog na maka-date ako pero ikaw, you always turn me down. And it hurts my ego," inis ang boses na wika ni May sa akin.

"I don't have time to go out for leisure," maikling sagot ko sa kanya. Wala akong balak na mag-explain sa kanya dahil kapag sinabi ko ang totoo ay mas masasaktan lamang siya sa kanyang maririnig.

"Lier," nakasimangot na saad niya. "Balang araw ay sa akin ka rin babagsak, Charles. Tandaan mo iyan," mariin niyang banta bago walang paalam na tinalikuran ako. Napailing na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin. Hindi mangyayari ang sinabi niya dahil matagal ng may babaeng nagmamay-ari ng aking puso. Bagama't hindi ka na ulit siya nakita at hindi ko alam kung magkikita pa kami ay nananatiling siya pa rin ang nasa isipan ko at nakaukit sa puso ko ang kanyang pangalan.

Ininom ang laman ng basong hawak ko at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Kaysa naman problemahin ko ang sinabi ni May ay inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at hinanap sa mga bisita ang mukha ni David Wilson na ipinakita sa akin ni Linda bago ako nagpunta sa party. Ngunit sa halip na mukha ni David ang aking makita ay ang babaeng matagal ko ng inaasam na makitang muli ang nahagip ng aking paningin.

"Erika," mahina ang boses na sambit ko sa pangalan niya. Automatic na bumilis ang tibok ng aking puso pagkakita ko sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin mula noon hanggang ngayon.

Erika looks stunning. She's every inch a lady. Wala na ang inosente nitong mukha at kilos na siyang nagpaakit sa akin noon unang beses ko siyang masilayan. She looks smart now. Although I like her innocent looks before, I also like the way she looks now. Mas lalo itong gumanda sa nakalipas na limang taon. Kaya hindi ko masisisi kung matagal na napapatitig sa kanya ang mga kalalakihang bisita kapag napatingin sa kanya.

Nakaramdam ako ng inis dahil hindi lamang ako ang nakakakita sa kanyang kagandahan. Gusto ko siyang hilahin palabas ng function room at ilayo sa humahangang mga mata ng mga kalalakihang nasa loob ng party.

Alam ko na wala akong karapatan na makaramdam ng ganito dahil sinaktan ko siya noon. Na-diagnosed ako na may tumor sa brain noong magpa-check up ako dahil madalas na sumasakit ang aking ulo. Ang sabi ng doktor ay ilang months na lang daw ang itatagal ko sa mundo dahil nasa stage 4 na ang aking tumor. Ayokong masaktan si Erika kapag namatay ako kaya naman mas pinili ko na lamang na saktan siya para magalit siya sa akin.

Ngunit nagkamali ako sa ginawa kong iyon. Dahil hindi lamang siya ang nasaktan kundi pati ako. At higit sa lahat ay nagkamali lang pala ang doktor sa pagbibigay sa akin ng result. Hindi pala sa akin ang result na may tumor sa brain kundi sa kasabayan kong pasyente na nagpa-check up din. Simpleng migraine lang pala ang dahilan ng pananakit ng ulo ko at kailangan lamang ng ilang araw na pahinga.

Huli na nang nalaman ko ang totoo. Wala na si Erika nang puntahan ko siya sa bahay nila para magpaliwanag at humingi ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Ang after five years, hindi ko akalain na muling magku-krus ang mga landas naming dalawa.

Patingin-tingin sa paligid si Erika na para bang may hinahanap ang kanyang mga mata. Hindi sinasadyang napatingin siya sa kinaroroonan ko at nagtama ang aming mga paningin. Bigla akong kinabahan kaya nang may dumaan na waiter sa harapan ko at may dalang inumin ay agad akong kumuha at nilagok ang lahat ng laman ng baso.

Nang biglang tumalikod si Erika ay nagmamadaling sinundan ko siya para kausapin. Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya ngunit mabilis siyang pumiksi na para bang napaso siya sa kamay ko.

"What do you want, Mister Evans?" malamig ang boses na tanong niya sa akin.

"Gusto lang naman kitang kamustahin, Erika," sagot ko sa kanya. "I just want to know if you're okay."

Tumaas ang isang kilay ni Erika nang marinig ang sinabi ko. "As you can see, I am fine. We're not close para kamustahin mo ako. And what makes you think that I am not okay?"

Tila tinutusok ng munting karayom ang dibdib ko sa malamig niyang pagtrato sa akin. But I deserved it.

"Erika. I want you to know something." Huminto ako sa pagsasalita at bahagyang niluwagan ang kurbata ko dahil pakiramdam ko ay bigla akong nasakal at nahihirapan akong huminga. Erika stares at me coldly. Parang hindi ko kayang ituloy ang nais kong sabihin sa kanya na alam ko namang hindi niya paniniwalaan.

"Anuman ang nais mong sabihin ay hindi ako interesadong malaman iyon, Mister Evans," she replied in the most business tone.

"Erika. What happened before was—" Naudlot ang sasabihin ko nang bigla na lamang may brasong humawak sa braso ni Erika. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking kasing-tangkad ko na siyang humawak sa braso ni Erika. Bigla akong naging possessive sa kanya. Ayokong may ibang lalaking humahawak sa kanya maliban sa akin. "Sino siya?" I asked her in a possessive tone.

"I am David Wilson. The CEO of Wilson Company and Erika's business partner." Ang lalaki ang sumagot sa tanong ko na walang iba pala kundi ang taong hinahanap ko. Hindi ko siya namukhaan dahil masyadong maliwanag ang picture na ipinakita sa akin ni Linda kaya akala ko ay maputi si David Wilson. Tan pala ang balat niya at malayo sa picture nito.

"Alam ba niya ang koneksiyon nating dalawa, Erika?" seryoso ang mukha na tanong ko ulit kay Erika. Gusto kong ipakita kay David na hindi lamang ako basta kakilala ni Erika kundi mas malalim pa sa iniisip nito ang ugnayan naming dalawa.

"Magmula nang kinuha mo ang shares ng mga magulang ko sa kompanya at noong niloko mo ako ay wala na tayong ugnayan sa isa't isa, Mr. Evans. Matagal ko nang pinutol ang kung anumang relasyon mayroon tayo," malamig pa sa yelo ang boses na sagot sa akin ni Erika.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS ME BACK   Chapter 95-END

    Erika Pov "Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi ka puwedeng lumabas ng bahay hangga't hindi ako ang kasama mo? Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko sa'yo?" galit na sita ni Jake sa akin pagkapasok namin sa bahay. "At hindi ba kabilin-bilinan ko naman sa'yo na huwag mong hayaang lumaba sng bahay si Erin, Daina? Pero ano ang ginawa mo? Hindi mo lang siya hinayaan kundi sinamahan mo pa siya!" galit na baling naman nito sa pamangkin nito. "I'm sorry, Tito Jake. Hindi na mauulit ang nangyaring ito," umiiyak na paumanhin ni Daina sa tiyuhin. Halatadong takot ito sa kanyang tito kapag nagagalit ang lalaki. Sa isang buwan kong pananatili rito at pakikisama kay Jake bilang asawa niya ay ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito katindi. At iisa lang ang aking na-realized ngayon. Hindi ko nga siya kilala. Wala akong familiarity na nararamdaman sa kanya kapag nagagalit siya, nagtatampo o naglalambing."Gusto mo akong nakakulong lamang sa loob ng bahay mo, Jake? Bakit? Dahil nag-aalala ka n

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS ME BACK   Chapter 94

    Erika Pov Habang nakatitig ako sa ama ng bata ay biglang kumislot ang aking puso at pagkatapos ay bumilis na ang pagtibok niyon. Mayamaya ay napahawak ako sa aking ulo dahil bigla itong sumakit. Para bang may mga alaala na nais lumabas sa aking isip ngunit hindi makalabas. "Let's go, Ate Erin. Sumasakit lamang ang ulo mo dahil sa kanila kaya umalis na tayo!" Hinawakan ulit ni Daina ang isa kong braso at hinila paalis. "Bakit gusto mong ilayo na kaagad si Erika, Miss? Dahil natatakot ka na bigla niyang maalala na anak at asawa niya ang mga taong nasa harapan niya?" Biglang kinausap ng lalaki si Daina kaya napahinto kami sa paglalakad. "Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, Mister. Ngunit natitiyak ko na hindi mo asawa si Ate Erin dahil unang-una ay hindi Erika ang pangalan niya kundi Erin at pangalawa ay asawa siya ng Tito ko. Kaya kung naghahanap kayo ng nawawalang asawa mo ay sa police station kayo magpunta," mataray na sagot ni Daina sa lalaki. "Really? Kung totoo ang sinas

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS ME BACK   Chapter 93

    Erika/Erin Pov Wala sa bahay si Jake dahil pumasok ito sa trabaho kaya mas lalo akong na-bored sa loob ng bahay. Gusto kong mamasyal sa labas ngunit mahigpit na ipinagbilin ni Jake na huwag na huwag akong lalabas ng bahay lalo na kung hindi ko siya kasama. Magmula nang lumabas ako sa hospital ay hindi pa ako nakakalabas ng bahay para mamasyal man lang. Para may kinakatakutan siya o di kaya iniiwasan kung kaya't ayaw niya akong payagan na lumabas ng bahay. Hindi na ako nakatiis sa sobrang pagka-bored kaya pinuntahan ko sa silid nito si Daina, ang teenager na pamangkin ni Jake at kasama naming nakatira sa bahay. Niyaya ko siyang mamasyal kami sa mall dahil bored na bored na talaga ako rito sa bahay ngunit tumanggi siya. Mahigpit daw kasing ipinagbilin sa kanya ng Tito Jake niya na huwag akong hayaang lumabas ng bahay. Para naman ito sa kaligtasan ko kung kaya't ayaw niya akong payagang gumala. Baka raw kasi bigla akong maaksidente ulit. "Sige na, Daina. Mamayang hapon pa naman uuw

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS ME BACK   Chapter 92

    Erika Pov Nanginginig ang buo kong katawan at parang hindi ko magawang igalaw ang aking mga kamay. Nasa harapan na ako ng manibela ngunit hindi ko pa magawang hawakan ito at paandarin palayo sa lugar na ito. "Mommy! Let's go!" Malakas na boses ni Rise ang tila nakapagpagising sa aking diwa. Para akong nagkaroon ulit ng lakas dahil sa takot na boses na iyon ng anak ko. Hindi ko na isinuot ang seatbelt sa baywang ko at inapakan ko na lamang ang pedal para tumakbo ang kotse. "Are we safe now, Mom?" "I-I think so," nanginginig ang boses na sagot ko sa kanya. Akala ko ay nakatakas na nga kami mula kay Edgar ngunit hindi pa pala. Dahil bigla na lang may sasakyan ang malakas na bumalya sa likuran ng minamaneho kong kotse. Sabay kaming napasigaw ni Rose ng malakas. "Mommy! I'm scared!" umiiyak na wika ng anak ko. "Don't worry, baby. Mommy is here. Hindi kita pababayaan. Mommy will protect you, okay?" pagbibigay-assurance ko sa anak ko para mabawasan ang takot na nararamdaman niya. T

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS ME BACK   Chapter 91

    Erika Pov Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ko ang pintuan ng storage room. Mabuti na lang nilagyan nila ng ilaw ang silid at hindi katulad sa ginawa nila sa akin noon na hinayaan nila akong mangapa sa dilim. Nang mabuksan ko ang pintuan ay tumambad sa aking mga mata ang nakakaawang hitsura ng anak ko na halos magpadurog sa aking puso. Nakahiga sa malamig na sahig si Rose habang nanginginig sa lamig at nakapamaluktot. Nakapikit ng mariin ang mga mata nito at bakas sa mukha ang matinding takot. "R-Rose. A-Anak ko." Hindi ko napigilan ang pagpiyok ng boses ko dahil sa matinding awa sa kanya. Agad namang nagmulat ng mga mata ang anak ko at bumakas ang kasiyahan sa mukha nang makita ako. "Mom—" "Sshh. Huwag kang maingay." Agad ko siyang sinaway na huwag lakasan ang kanyang boses dahil baka may makarinig aa amin at mabuko pa nila na nandito ako. Agad namang nakaintindi ang anak ko. Tahimik itong tumayo at tumakbo palapit sa akin.Mahigpit na niyakap ko ang anak ko habang

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS ME BACK   Chapter 90

    Erika Pov Nang masiguro naming ligtas na si Dario ay umalis din kami sa hospital. Nagpaiwan sina Bruce at Raven para siyang magbantay at mag-asikaso sa mga pangangailangan ni Dario samantalang isinama ko pauwi sa bahay si Adelina para makapagpahinga. Alam kong hanggang ngayon ay shock pa rin ito sa nangyari kaya kailangan nitong makapagpahinga. "Manatili ka na lamang dito sa bahay, Erika. Kami na lamang ni Tony ang maghahanap sa anak natin," sabi ni Charles nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. Nakababa na si Adelina at tanging ako na lamang ang at Tony maliban kay Charles ang nasa kotse. Sasama kasi ako sa paghahanap ni Charles sa anak namin. Hindi ako mapapakali kung nasa bahay lamang ako at naghihintay ng balita kung nahanap na ba ang anak ko o hindi pa. "No, Charles. Sasama ako sa inyo. Ayokong maiwan sa bahay habang kayo ay naghahanap sa anak natin," mariing tanggi ko sa kanya. "Please, Erika. Mas mapapanatag ang loob ko kung mananatili ka lamang dito sa bahay. Do

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status