3rd UPDATE! Pambawi ko ito hihi goodnight!
Sa gabi, nakatanggap ng tawag si Roxanne mula kay Grace, inaanyayahan siyang maghapunan kasama nito. Pagdating ni Roxanne sa restaurant, hindi pa dumarating ang kaibigan. Habang nakaupo siya, biglang lumitaw ang isang pamilyar na pigura sa pintuan. Napatingin si Roxanne sa babaeng kasama ni Devon. Ang babae ay nakasuot ng puting tube top na bestida, may bahagyang make-up, at may kaaya-ayang ngiti sa mukha. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda at may dating ito. Bagama't hindi pa niya nakikita si Daphne, nahulaan niya ang pagkakakilanlan nito sa paraan ng pagkakapit nito kay Devon. Agad niyang iniwas ang tingin at yumuko, parang walang nakita. Hindi niya napansin na sa sandaling yumuko siya, tumingin din sa kanya si Devon. Napansin ni Daphne na sandaling tumigil sa paglalakad si Devon kaya't nagtatakang tumingala siya. Sinundan niya ang direksyon ng tingin nito at hindi namalayang lalong humigpit ang hawak niya sa braso nito. Bago pa siya bumalik sa bansa, nakita na niya ang
Kumislap ang panunuya sa mga mata ni Henry. "Wow? Malakas kang mang-insulto ng iba tapos kapag sayo ginawa, galit ka?”Tumayo si Irene at ngumiti nang may panlilibak. "Naging pamalit ka lang na CEO sa Genetech at umaasa ka ng ganyan? You’re nothing but a replacement of your cousin!" Bagamat ganoon din ang iniisip ni Henry, napahiya siya nang ipahayag iyon ni Irene sa harap ng publiko, kaya't biglang sumama ang kanyang itsura. "I think you're just too desperate because you can't get the love you want, so now you're picking fights with anyone you can.""HOW DARE YOU!" Sa sobrang galit ni Irene, namutla ang kanyang mukha. Tumayo siya at malamig na sinabi, "My father will hear about this!" Pagkatapos noon, mabilis siyang umalis sa silid. Mula pa kanina, si Devon ay nanatiling walang emosyon habang pinapanood ang kaguluhan. Wari bang wala siyang pakialam. Habang si Daphne ay hindi na mapakali. Noon, kahit may nagsasalita ng masama sa kanya, agad itong pinapagalitan ni Devon.Ngunit ngayo
Hindi nagkaroon ng pagkakataong ipagtanggol ni Roxanne ang sarili, at ang kanyang ibabang likod ay tumama nang malakas sa marmol na gilid ng lababo. Napakasakit nito kaya't namutla ang kanyang mukha. Mabilis naman na sinalo ni Vincent si Daphne, na siya ring natumba. Pero sinasadya niya lang iyon. "Daphne, ayos ka lang ba?" May pasa na sa noo ni Daphne, ngunit pinilit niyang ngumiti nang mahina. "Vincent, ayos lang ako. Hindi naman sinadya ni Roxanne... At saka, naghiwalay sila ni Devon kaya natural lang na ako ang sisihin niya..." Nagdilim ang mukha ni Vincent at tiningnan niya nang malamig si Roxanne. "Roxanne! Kahit hindi mo matanggap, wala ka nang magagawa. Kung sasaktan mo pa si Daphne, hindi kita patatawarin!" Labis ang inis ni Roxanne sa ginawang panlilinlang ni Daphne, lalo na nang itinulak siya ni Vincent, dahilan upang sumakit ang kanyang likod. Hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang sakit. Nang marinig niya ang mga sinabi nito, hindi na siya nakapagpigil at napangis
"Hindi ko gustong pumili sa kanila. Itigil mo na ang sasakyan, gusto kong bumaba." Kalmadong pinaandar ni Devon ang sasakyan. "Dahil ayaw mong pumili, ako na ang pipili para sa'yo." Sa sobrang inis ni Roxanne, muntik na siyang matawa. Alam niyang kahit ano pang sabihin niya, hindi siya pabababain ni Devon. Wala na siyang gana pang magsalita, kaya tumingin na lang siya sa labas ng bintana.Makalipas ang wala pang kalahating oras, nakarating sila sa harap ng ospital. Binuhat siya ni Devon papasok. Wala rin namang silbi ang paglaban, kaya nanatili na lang si Roxanne na walang reaksyon at hindi nagsalita. Matapos siyang suriin, sinabi ng doktor na wala namang malalang pinsala sa kanya at nagreseta lang ng ilang gamot na iniinom at ipinapahid. Habang palabas ng ospital, tinangka siyang buhatin ni Devon, pero agad siyang umatras para umiwas. "Maraming salamat sa gabing ito, pero kaya ko nang umuwi mag-isa." Pagkasabi niyon, tumalikod na siya at naglakad papalabas ng ospital, dala ang ga
"Salamat, pero hindi na kailangan. Dapat hindi tayo madalas na nagkakasama. Ayoko nang masermunan ng nanay mo dahil dito." Matapos sabihin iyon nang malamig, akma nang lalampasan ni Roxanne si Miles para makapasok sa loob, pero hinawakan siya nito sa braso. "Roxanne, humihingi ako ng tawad. Kinausap ko na siya, at nangako siyang hindi ka na niya guguluhin. Huwag ka nang magalit, pwede ba?" Nagpakawala si Roxanne ng mapait na ngiti. "Kung talagang pinagsisisihan niya ang mga sinabi niya, hindi ikaw ang nandito ngayon." ***Pag-uwi ni Miles sa bahay, nasalubong niya si Martha na dumaan lang para kunin ang ilan sa kanyang mga gamit. Napansin ng babae ang hawak niyang thermos box at agad na kumunot ang noo nito. "Saan ka galing?" Kalma lang ang ekspresyon ni Miles. "Nagpadala ng pagkain kay Roxanne." Agad nagdilim ang mukha ni Martha at napataas ang boses, "Hindi ba sinabi kong bawasan mo na ang pakikitungo mo sa kanya?" "Hindi ko naman iyon sinang-ayunan. At isa pa, pinsan ko siya
May malalakas na tunog ng busina mula sa likuran. Naputol ang iniisip ni Roxanne at dali-dali niyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang damputin niya ang cellphone. Naka-connect pa rin ang tawag, at mula sa kabilang linya ay narinig niya ang nag-aalalang boses ni Grace. "Roxanne, anong nangyari sa’yo? Ayos ka lang ba? Nasa daan ka ba papunta sa trabaho? Ang tanga ko, hindi ko dapat sinabi ito sa'yo sa ganitong oras!" Pinahid ni Roxanne ang luha sa gilid ng kanyang mga mata at mahina niyang sinabi, "Ayos lang ako, nabitawan ko lang ang cellphone ko kanina." "Buti naman… pero hindi ko talaga dapat itinawag ito sa’yo ngayon…" Puno ng pagsisisi ang boses ni Grace. Masyado siyang nagalit nang makita ang balita kaya agad niyang tinawagan si Roxanne nang hindi man lang pinag-isipan. "Kailangan ko nang magmaneho, tatawag na lang ako ulit mamaya." Ibinaba na ni Roxanne ang tawag. Malalim siyang huminga, binuksan ang browser at naghanap ng bal
Pagbalik ni Secretary Kenneth agad siyang nag-report sa kanyang amo. "Boss Devon, kaninang umaga, nagkaroon ng pagtatalo si Roxanne at isang empleyado sa may elevator. Tinulak si Roxanne at natumba siya. Dinala siya ni Miles sa ospital." Kumunot ang noo ni Devon. "Anong nangyari? Bakit sila nagtalo?" Sandaling nag-alinlangan si Secretary Kenneth bago maingat na sumagot. "Mukhang may kinalaman ito sa pagkakabalikan ninyo ni Daphne... Narito po ang surveillance video, pakiusap panuorin ninyo." Kinuha ni Devon ang tablet na inabot sa kanya at pinanood ang video. Habang lumilipas ang mga segundo, unti-unting sumama ang kanyang ekspresyon. "Palayasin ang empleyadong gumawa ng gulo." "Boss Devon, hindi po ba masyadong mabigat ang parusa? Matapos siyang itulak, sinampal din naman ni Roxanne ang empleyado." Nanlamig ang ekspresyon ni Devon. "Kung tama ang pagkakaalala ko, naglabas na ako ng pahayag noon na ipinagbabawal ang pagtalakay sa aking personal na buhay sa loob ng kumpanya." Na
Napuno ng inis ang mga mata ni Roxanne. "Wala akong gustong sabihin sa'yo, at hindi kita itinuturing na isang salot. Isa ka lang estranghero para sa akin."Walang magawa si Jameson. "Bakit ang tigas ng ulo mo? Minahal natin ang isa't isa. Kahit na magkaiba na tayo ng landas ngayon, gusto ko pa ring makita kang masaya. Pero hindi talaga bagay sa'yo ang kapatid ko."Kumunot ang noo ni Roxanne at malamig na sumagot, "Ayoko nang makinig sa mga kalokohan mo. Lumayas ka na!"Maganda ang araw niya matapos makita si Zach, pero hindi niya inasahan na makakasalubong niya si Jameson, na agad sumira sa kanyang magandang pakiramdam.Napangisi si Savannah sa gilid. "Jameson, huwag mo na siyang pansinin. Kung gusto niyang maging kabit, hayaan mo siya. Sa huli, siya rin ang mapapahiya."Ayaw na sanang patulan ni Roxanne ang dalawa, pero nang marinig niya ang sinabi ni Savannah, hindi niya napigilan ang sarili."Kung tungkol sa pagiging kabit ang pag-uusapan, mukhang may alam kang mas marami diyan, Sav
[Miss Paris, sinabi sa akin ni Chris na may anak ka na.]Nanlumo si Paris. Tinitigan niya lang ang mensahe nang walang imik. Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapag-reply kay Secretary Kenneth.Bandang alas nuwebe ng gabi, matapos niyang tiyaking tulog na si Lance, pinakiusapan ni Paris ang yaya nito na bantayan ito sa kwarto. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit at naghanda nang umalis."Miss Paris, gabi na. Saan ka pupunta?""May aasikasuhin lang ako sa laboratory. Susubukan kong makauwi bago mag-alas dose."Tumango naman ang yaya. "Sige, mag-ingat ka."Halos alas diyes na nang makarating si Paris sa lugar na napagkasunduan nila ni Secretary Kenneth.Pagpasok niya sa restaurant, tumayo si Secretary Kenneth at kumaway sa kanya.Dumilim ang mga mata ni Paris habang papalapit siya at naupo sa tapat ng lalaki."Secretary Kenneth, nandito na ako. Sabihin mo na ang pakay mo."Sandaling natigilan si Secretary Kenneth habang pinagmamasdan si Paris, na ngayo'y ibang-iba na sa Roxanne lima
Nang makita ni Devon ang gilid ng mukha ni Lance, tila may naramdaman siyang pamilyar na pakiramdam, ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.Bago pa niya ito mapagmasdan nang maigi, naisuot na ni Paris ang mask kay Lance.Tumayo si Paris at hinarap sina Devon at Chris, pilit na kalmado ang tono. “Mr. Devon, Secretary Chris, what a coincidence.”Tumango si Devon. “May proyekto kasi ang kompanya sa amusement park, kaya pumunta kami para inspeksyunin ito.”Habang nagsasalita siya, napatingin si Devon sa batang hawak ni Paris sa harap niya.Tinitigan din siya ng bata. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, may kakaibang pakiramdam ang biglang sumagi sa dibdib ni Devon.Hindi siya mahilig sa mga bata. Para sa kanya, abala lang ang mga ito. Pero sa unang sulyap pa lang sa batang ito, hindi niya maramdaman ang pagkainis.“Sino ang batang ito…”Awtomatikong itinago ni Paris si Lance sa likuran niya. Nang mapagtanto niyang masyado iyong halata, pinilit niyang panatilihin ang isang m
Malamig ang ekspresyon ni Devon sa narinig mula sa pinsang si Henry, "Baka nagkamali ka lang ng tingin.""Talaga! Nagmamadali ako noon kaya hindi ko na nakuhanan ng litrato. Pero makakapagsumpa ako, kung ikaw mismo ang makakakita, siguradong magugulat ka. Sa totoo lang, pinaghihinalaan kong baka anak mo sa labas iyon na naglalakad-lakad lang sa labas, ano?" Natatawa pang sabi ni Henry."Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na ang tawag.""Uy, sandali lang… May pag-asa pa bang makakuha ng parte sa amusement park project na balak pagbidahan ng Pharmanova?""Pumunta ka sa branch bukas para pag-usapan natin."Pagkasabi nito, ibinaba ni Devon ang tawag.Kakatapos pa lang niya ilapag ang telepono nang bigla ulit itong tumunog.Nang makita niyang si Irene ang tumatawag, nanlabo ang kanyang mga mata. Pagkaraan ng ilang segundong pag-iisip, sinagot niya ito."Ano'ng problema?""Ah Devon, kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko nung isang araw. Kung ayaw mo pa ring magpakasal ngayon, hind
Nanlaki ang mga mata ni Paris sa gulat, pagkatapos ay tumingin kay Devon."Hindi...Bakit ko naman sasabihin 'yan Mr. Devon?"Tinitigan siya ni Devon gamit ang kanyang malalim na mga mata, puno ng mga emosyon na mahirap basahin."Kung hindi, bakit ka lumalayo sa akin?"Nanigas ang katawan ni Paris saglit bago siya mabilis na umayos ng upo, ibinaba ang tingin at mahinang nagsabi, "Kasi... ayokong makaistorbo sa trabaho sayo, Mr. Devon."Pagkaupo niyang tuwid, mas naging malapit ang distansya nila sa isa’t isa. Maayos niyang inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang hita, ang tingin ay nakatuon lang sa harapan.Ibinaba ni Devon ang mga dokumento at biglang naalala ang eksena noong nakita niya itong si Paris na masayang nakikipag-usap sa loob ng kotse sa may bintana. Nakangiti ito noon, pero kapag siya ang kaharap, parang ayaw niyang mapalapit sa kanya.Tahimik silang dalawa habang papunta sa opisina ng Pharmanova branch. Pagkababa ni Paris sa kotse, napalalim siya ng hinga. Kanina pa kas
"Sige, alamin mo kung ano ang nangyari kay Roxanne nitong mga nakaraang taon at kung sinu-sino ang mga nakasalamuha niya!"Hindi siya pwedeng kumilos nang personal, ganoon din ang mga taong malapit kay Roxanne."Opo, Ma'am."Pagkaalis ng tao, matalim na tumitig si Irene sa bintana, puno ng galit ang kanyang mga mata.‘Kung patay na siya, bakit kailangan pa niyang magpakita sa kanila? Hindi ba mas mabuting manatili na lang siyang patay?’ Isip niya.Sa kahit anong paraan, ngayong pagkakataon ay hindi na niya hahayaan na may sinuman pang sumira sa relasyon nila ni Devon!Dahil natagalan sila sa mall, bandang alas-singko na sila nakarating sa bahay ni Paris, kaya nagdesisyong maghapunan na rin si Donovan sa kanila.Habang nagluluto si Paris, tumutulong si Donovan sa gilid.Habang pinagmamasdan niya si Paris na nakasuot ng apron, nakatali lang ng simpleng itim na goma ang kanyang mahabang buhok, at tahimik ang kanyang kilos, biglang lumambot ang puso ni Donovan.Ang simpleng buhay na ganit
"Oo, hindi niya nga ako makilala. Mabuti na rin ‘yun at para na rin sa kaligtasan ng anak ko.”Matatag ang kanyang tingin, at wala ni kaunting bakas ng pananabik kay Devon. Sa wakas, nawala na ang pagkabahala ni Donovan na matagal na niyang kinikimkim.“Don’t worry, Paris. Nandito naman ako para tulungan kang protektahan si Lance.""Salamat, Donovan."Pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan, nagsalita si Donovan na may bahid ng pag-aalala, "Pero nasa Manila na ngayon si Devon. Baka hindi mo na maitago ang mga nangyayari sa'yo roon nang matagal."Hindi nagulat si Roxanne sa sinabi niya. May kutob na siya noon pa man nang makasalubong niya si Irene sa isang restaurant. Ngunit ngayon, si Devon ang nawalan ng alaala. Hindi siya ang dapat matakot, kundi si Irene.Pagkatapos ng lahat, si Irene ang fiancée ni Devon ngayon. Kahit pa nawalan ng alaala si Devon, siguradong nababalisa siya na baka isang araw ay maalala ng lalaki ang lahat at kanselahin ang kasal nila.Ang isang tao, kapag mas
Napangiti si Melissa at mabilis na nagsalita, "Salamat, Miss Paris!"Ngumiti si Paris. "Sige, simulan na natin ang paghahanda para sa experiment."Sa tulong ni Paris, naging maayos ang takbo ng eksperimento.Bandang alas-sais ng umaga, tiningnan ni Melissa ang data sa computer at napabuntong-hininga ng may gaan sa pakiramdam. Lilingon na sana siya para ibalita kay Paris ang magandang resulta nang mapansin niyang nakatulog ito sa mesa.Hindi na niya itinuloy ang sasabihin at kusa na ring naging mahina ang kanyang paghinga.Kagabi, salitan silang nagpahinga, pero si Paris ay tutok na tutok sa eksperimento. Malamang ay sobrang pagod ito dahil hindi talaga ito nakatulog buong gabi.Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na ibang tao."Mr. Devon, ito po ang aming laboratory, silipin niyo po..."Pagkapasok na pagkapasok ni Devon, agad na napako ang tingin niya sa mahinang pigura na natutulog sa mesa. Biglang lumalim ang ekspresyon sa kanyang mga mata.Tumayo agad sina Melissa at kasa
Habang nakatitig siya sa kalmadong mga mata nito, sandaling natigilan si Irene. Naalala niya kung paano tumingin si Devon noon kay Roxanne—may lambing at pagtitimpi. Ngunit ngayon, wala ni kaunting bakas ng ganung damdamin.Tatlong taon na silang magkasintahan, pero kahit kailan, hindi siya tiningnan ni Devon ng ganoon ka-giliw, gaya ng tingin niya kay Roxanne. Kapag nakatingin ito sa kanya, palagi na lang kalmado, malamig, at walang emosyon.Minsan ay napapaisip si Irene, baka naman pinili lang siyang maging kasintahan dahil akala nito’y siya ang pinakaangkop na ipareha?Pinilit niyang itaboy ang magulong kaisipan at mahina niyang sabi, "Wala naman, siguro napagod lang ako sa biyahe."Lumapit siya at naupo sa tabi ni Devon. Kinagat niya ang ibabang labi, saka buong tapang na nagsalita, "Devon, bakit hindi na lang tayo magpakasal ngayong taon? Hawak mo na ang kumpanya, wala namang masyadong problema ngayon. Gusto ko nang magpakasal."Hindi siya sinagot ni Devon, sa halip ay malamig nit
Tumango si Lance. "Yes po, Uncle Lance."Mas lalong lumambot ang ngiti ni Donovan at naging banayad ang kanyang mga mata. "Miss na miss ka na ni Tito. May dala akong regalo para sa’yo."Habang nagsasalita, parang mahikang inilabas ni Donovan mula sa likod ang isang set ng English books at iniabot ito kay Lance."Huling beses na nakita kitang nagbabasa ng ganitong libro sa bahay. Kaya ngayong nagpunta ako sa ibang bansa para sa business trip, binili ko na ang original na version para sa’yo. Gusto mo ba ito?"Napangiti si Lance sa tuwa. "Thank you po, Uncle Donovan!"Kinuha niya ang libro at sabik na binuksan ito. Sa wakas, lumabas din ang inosenteng ngiti ng isang bata sa dati’y seryoso niyang mukha.Tiningnan ni Paris si Donovan na may bahid ng pagkaasiwa. "Huwag ka nang gumastos sa susunod. Mahal ‘yan."Limang taon na ang nakalipas mula nang dumating siya sa Maynila. Hindi rin nagtagal ay natagpuan siya ni Donovan. Malaki ang naitulong ni Donovan sa kanya nitong mga nakaraang taon—par