2nd update!
Tahimik si Roxanne sandali bago marahang nagsabi, "Devon, kailangan ko munang pag-isipan ito. Tatawagan kita kapag nakapagdesisyon na ako."Pagkababa ng tawag, napabuntong-hininga si Roxanne na may halong komplikadong emosyon sa mukha. Mahalaga ang kaligtasan ni Lance, ngunit ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit anong koneksyon kay Devon.Simula nang mangyari ang insidente ng pagdukot, hindi na siya makaramdam ng kapayapaan tuwing maiisip si Devon. Kaya ang dapat niyang gawin ay lumayo sa kanya.Pagkatapos mag-isip sandali, nakapagdesisyon na si Roxanne sa kanyang puso.Kinagabihan, dumating si Donovan pagkakatapos lamang ni Roxanne magluto."Naamoy ko agad ang ulam paglabas ko pa lang ng sasakyan. Sigurado ka bang ayaw mong magtayo ng sariling kainan?"Ngumiti si Roxanne at tiningnan siya, sabay taas ng kilay, "Ang galing mo talagang magsalita, sige, para sa’yo, kainin mo lahat ng niluto ko mamaya. Walang matitira.""Sige!"Narinig ni Lance ang boses at lumabas mula sa kanyang kwarto
Nagningning ang mga mata ni Roxanne ng may halong panlalait. “Pinagtatanggol mo pa rin ang anak mong baliw?”Kung hindi si Madame Julie ang tagalinis ng mga kalokohan ni Jameson sa likod ng kanyang likuran, hindi sana ito naging ganoon ka-walang pakialam sa mga ginagawa niya—hanggang sa umabot sa puntong nangidnap na siya ng tao.“Roxanne...parang awa mo na...”Pinutol siya ni Roxanne, “Hindi ko siya patatawarin. Nasa presinto siya ngayon. Kriminal ang kidnapping, at hindi na ito puwedeng bawiin o iatras.”Napailing-iling si Madame Julie, “Maawa ka, Roxanne. Wala na siya sa katinuan. Kailangan ko siyang dalhin sa mental, hind isa kulungan.”“Kahit saan mo ilagay ang anak mo, hinding-hindi siya titino dahil sa pangungunsinti mo!”Nanigas ang ekspresyon ni Madame Julie. Ilang segundo siyang tahimik bago siya nauutal na nagsalita, “Roxanne... minahal niyo naman ang isa’t isa noon, naging mag-asawa kayo ng ilang taon... bakit kailangan mong maging ganito kalupit...”“Tama na! Walang ng kw
Tiningnan siya ni Henry ng malamig, “Kahit magising pa si Lola, hindi ko kayo hahayaan na bigyan siya ng stress!”“Wala kang pakialam!”Hindi na muling nagsalita si Uncle Hudson at tumalikod.Makalipas ang ilang oras mula nang dinala sa ward, sa wakas ay nagising si Lola Ofelia.Agad na lumapit si Henry pero agad siyang inunahan ni Madame Julie, “Lola, sa wakas nagising ka rin!”Sa pagdilat niya at makita ang malalapit na mukha nito, muntik na naman siyang himatayin.“Lumayas ka! Lumayas kayong lahat, lumabas kayo!”“Lola, sabi ng doktor kailangan ninyong magpahinga at iwasang magalit.” Ani ni Henry.Dahil hindi niya sila mapaalis, pinikit na lang ni Lola Ofelia ang mga mata at nagkunwaring walang naririnig.May bakas ng lamig sa mga mata ni Madame Julie, pero kunwari ay nagpakita pa rin ng pag-aalala. “Lola, magpahinga po kayo ng maayos. Narito lang ako sa tabi ninyo. Tawagin mo lang ako kung kailangan niyo ng kahit ano.”Pagkakasabi niya’y biglang narinig ang malamig na boses ni Hen
“Devon! Bakit mo ba kami pinapahirapan ng ganito?!”Nanginginig ang mga labi ni Madame Julie sag alit.“Hindi niyo rin naman ako anak, bakit ako maaawa sa inyo?” Sarkastikong sabi ni Devon na walang emosyong nakatingin sa kanya.Napakurap si Madame Julie at ang iba pa sa loob sa narinig.“P-paano mo nalaman?” Pagtataka niya.Ngunit hindi na sumagot si Devon sa tanong niya at pinaalis sila. "Kailangan kong magpahinga. Umalis kayo rito sa kwarto ko. Ngayon din."Pilit tumayo na nagmakaawa ni Madame Julie, tumingin kay Devon at sinabi, "May mahigit sampung milyong piso pa ako. Ibinibigay ko na sa'yo lahat ng pera. Basta patawarin mo lang si Jameson."Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Devon, at may bakas ng pagkainis sa kanyang mga mata."Sa palagay mo ba may karapatan ka pang makipagkasundo sa akin ngayon? Ang mga bagay na hawak mo ay wala nang halaga para sa akin. Hindi ko maaaring patawarin si Jameson."Sa malamig niyang ekspresyon, tuluyang naunawaan ng dalawa na kahit anong paki
"Salamat, Daddy!"Tumigil ang tingin ni Devon mula kay Lance patungo sa mukha ni Roxanne sa tabi niya. Isang komplikadong liwanag ang sumilay sa kanyang mga mata, bago siya muling kumalma."Roxanne, kamusta na ang paggaling mo?"Natigilan si Roxanne nang magtama ang tingin nila ni Devon na malamig at walang emosyon.Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya, pero kanina lang ay parang naramdaman niyang may sandali na tila bumalik ang alaala ni Devon.Mabilis niyang pinigilan ang kakaibang pakiramdam sa kanyang puso."Devon, mas mabuti na ako ngayon. Nakalabas na rin ako sa ospital. Maraming salamat sa tulong mo noong araw na iyon. Kung hindi dahil sa inyo, baka patay na ako ngayon."Hindi niya inakala na si Devon mismo ang magmamadaling sumagip sa kanya, hindi alintana ang sarili niyang kaligtasan. Ngayon habang inaalala ang eksenang iyon, hindi pa rin mapigilan ni Roxanne ang pagkabog ng kanyang dibdib.Ibinaling ni Devon ang tingin pababa at malamig na sinabi, "Ikaw ang pinakamaha
Gumulong ang dalawa sa isang lugar na may mas patag na lupa. Agad na kumapit si Roxanne sa mga damuhan sa tabi. Kahit na tinusok ng mga tinik ang kanyang mga kamay, hindi siya bumitaw at mahigpit ang kapit. Sa wakas, tumigil din ang kanilang pagkatumba.Huminga ng malalim si Roxanne at agad na lumingon kay Devon. Nakita niyang nakapikit ang mga mata nito, maputla ang mukha, at pawis na pawis ang noo. Biglang lumubog ang kanyang dibdib."Devon... gumising ka, ayos ka lang ba?"Walang tugon si Devon kahit ilang ulit siyang tinawag ni Roxanne, ngunit ang kamay na nakayakap sa kanyang baywang ay lalong humigpit.Nanlaki ang mga mata ni Roxanne sa kaba at dali-daling hinanap sa katawan nito ang cellphone.Buti na lang at nasa kanya pa ang telepono, kaya agad niya itong kinuha at tinawagan si Secretary Kenneth.Nagising muli si Devon makalipas ang tatlong araw. Wala ni isang parte ng katawan niya ang hindi masakit, at pati ang paghinga ay tila napakahirap.Nang makita ng mga nasa tabi niya
Walang anumang ekspresyon ang makikita sa mukha ni Devon. "Bibigyan kita ng tatlong segundo. Kapag hindi mo sinabi, personal kitang ipapadala sa ibang bansa para pulutin ang bangkay ng anak mo."Nagpanik ang mukha ng lalaki at nanginginig ang boses. "Sasabihin ko na... nasa bundok silang lahat!""Mas mabuti pang huwag kang magsinungaling sa akin, kung hindi pagsisisihan mong isinilang ka sa mundong 'to."Pagkasabi niyon, iniwan ni Devon ang ilang tao para bantayan ang lalaki, habang siya naman ay pinangunahan ang karamihan sa mga tauhan papunta sa bundok.Mabigat ang mukha ni Devon, tila nababalot ng maiitim na ulap. Ang buong katawan niya ay naglalabas ng nakakakilabot na lamig.Samantala, matagal nang hinahanap ni Roxanne si Lance sa loob ng abandondanong building, ngunit hindi pa rin niya ito natatagpuan. Sa halip, may nakasalubong siyang mga tauhan ni Devon."Ma’am.. bakit po kayo nandito?""Nasaan si Devon?""Kakalapag lang po namin ng isa. Si Sir Devon ay kasalukuyang..."Hindi
Narinig ito ni Roxanne at bigla siyang kinabahan, namutla ang kanyang mukha.Tumalon pala si Lance mula sa ikatlong palapag ng gusali!Hindi niya maisip kung gaano siya naging desperado para gawin iyon. Habang lalo niyang iniisip, lalong nadudurog ang puso ni Roxanne at kusang tumulo ang kanyang mga luha.Hindi siya sinagot ng nasa kabilang linya, at biglang naging alerto ito. "Bakit hindi ka sumasagot?! Hindi ikaw si Jameson, ano?!"Mariing kinagat ni Roxanne ang kanyang ibabang labi, hindi nangahas magsalita, at agad na ibinaba ang tawag.Diretso siyang pumasok sa banyo, kumuha ng palanggana ng tubig, at bigla itong ibinuhos sa ulo ni Jameson.Mabilis nagising si Jameson at napansin niyang nakatali siya, habang si Roxanne ay nakatayo sa harap niya, nakatingin pababa sa kanya. Sandali siyang natigilan, tapos ay ngumiti.“Roxanne, hindi ko inakala na pagkatapos ng limang taon, mas matalino ka na kaysa noon.”Malamig siyang tinitigan ni Roxanne. “Wala akong oras para makipagbolahan sa'y
Pagkagising muli ni Roxanne, napansin niyang nakatali ang kanyang mga kamay at paa habang nakahiga sa kama, at wala si Lance sa tabi niya.Base sa ayos at kasangkapan ng silid, malinaw na siya ay nasa isang kuwarto. Ngunit ang kuwartong ito ay tila pamilyar sa kanya.Napakunot ang kanyang noo, at bago pa siya makapag-isip nang maayos, bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang isang lalaking naka-amerikana at leather shoes.Pagkakita niya sa lalaking pumasok, ang pagkabigla sa mukha ni Roxanne ay napalitan ng galit.“Jameson, hayop ka! Nasaan si Lance?! Nasaan na siya ngayon?! Kapag may nangyari sa kanya, hindi kita palalagpasin, pati na rin si Devon!”Sumingkit ang mga mata ni Jameson, lumapit siya sa kama at naupo, sabay tingin kay Roxanne na tila puno ng lambing.“Roxanne, ang tagal na nating hindi nagkausap nang maayos, lalo na’t lagi tayong pinanghihimasukan ng ibang tao.”“Nasaan na si Lance?!”Tinitigan ni Roxanne si Jameson, puno ng galit at pagkasuklam ang kanyang mga mata. “