4TH UPDATE!
Sa pagbabalik nila, patuloy lang na nakatingin sa bintana si Roxanne, waring wala sa sarili at hindi alam kung ano ang iniisip.Ilang beses siyang tiningnan ni Devon, at sa huli ay hindi na ito nakatiis. “Anong problema? Naistorbo ko ba ang date mo kanina?”Lumingon si Roxanne sa kanya, saka ibinaba ang tingin. “Nakipaghiwalay na ako sa kanya.”Biglang prumeno si Devon, at sumayad ang gulong sa kalsada, naglikha ng nakakabinging tunog.Nagulat si Roxanne at dali-daling lumingon kay Lance sa likod. Nang makitang ayos lang ito, saka lang siya nakahinga nang maluwag.“Anong ginagawa mo? Paano kung mahulog si Lance sa upuan?”Tiningnan siya ni Devon at napakunot ang noo. “Bakit kayo naghiwalay?”Limang taon na silang magkasama ni Donovan, at sa mga nakaraang pagkikita nila, ramdam ni Devon na talagang mahal ni Donovan si Roxanne. Paano naging madali lang ang hiwalayan?Pumikit sandali si Roxanne at nagsalita, “Devon samin nalang ‘yun. Wala naman yata itong kinalaman sa’yo.”“Paano magigin
Dahil hindi niya talaga kayang mahalin ito, mas maayos nang umalis siya habang maaga.Tahimik lang silang dalawa. At parang nilamon si Roxanne ng pagka-guilty. Nasaktan niya ang taong walang pinakita sa kanya kung hindi kabutihan.“Roxanne, hindi mo kailangang ma-guilty. Kahit hindi tayo magkatuluyan, magkaibigan pa rin tayo. Yung nakaraang limang taon ay mahalaga sa’kin, ayaw kong basta nalang ‘yun itapon.”Isang malaking biyaya na nakasama niya si Roxanne at si Lance ng limang taon.Yumuko si Roxanne, ngunit namumula pa rin ang kanyang mga mata. “Donovan, I’m so sorry.”Habang mas mabait ito, mas nadaragdagan ang guilt na nararamdaman niya. Sana nga lang kaya niya itong mahalin.Napahinto si Donovan sa narinig, saka ngumiti at tumayo, “Tara na, ihahatid na kita pauwi.”Tahimik lang silang dalawa habang pauwi. Mabagal naman ang takbo ni Donovan, pero gaano man kabagal ang biyahe, may dulo pa rin ito.Pagdating sa tapat ng bahay ni Roxanne, lumingon si Donovan sa kanya at mahinang sin
Dahil makakasama na niya si Donovan, sinubukan talaga niyang seryosohin ito at alamin kung kaya ba talaga niyang tanggapin ito. Kung talagang hindi niya kaya, mas mabuting maghiwalay na sila agad, para na rin sa ikabubuti nilang pareho.Kinabukasan ng hapon, nakatanggap ng tawag si Devon mula kay Manang Lucille. “Sir, dinala po ni Miss Roxanne si Lance dito kanina.”Kalma lang ang ekspresyon ni Devon. “Sige.”Tahimik sa kabilang linya nang ilang segundo, saka muling nagsalita si Manang Lucille, tila may pagkaalangan. “Sir, hindi n'yo ba tatanungin kung bakit dinala ni Miss Roxanne si Lance ngayon?”“Ano bang meron?”“Narinig ko po kay Lance, manonood daw ng sine mamayang gabi sina Miss Roxanne at Mr. Donovan kaya dinala siya rito.”Napasingkit ang mata ni Devon at nagsalita sa malalim na boses, “Sige, naiintindihan ko. Salamat.”Pagkababa ng tawag, nag-isip siya sandali bago pinatawag si Secretary Kenneth.“Tingnan mo kung saan manonood ng sine sina Roxanne at Donovan, at bumili ka ng
Pagkatapos gamutin ni Roxanne ang kanyang sugat sa ospital, binuksan niya ang kanyang cellphone at nakita ang maraming mensahe mula kay Melissa.[Ate, ano ang meron sa inyo ni Devon? Kilala mo na ba siya noon pa?][Pagkaalis ninyong dalawa kanina, ang dami nang nag-uusap tungkol sa relasyon niyo. Kayo na ba?][By the way, nang pumasok si Devon sa laboratory at nakita ang kamay mong duguan, bigla siyang naging seryoso. Kitang-kita na nag-aalala talaga siya sa’yo!][Ahhh! Ano ba talaga ang relasyon niyo?]...Napakunot-noo si Roxanne habang binabasa ang mga mensahe ni Melissa.Hindi maginhawang mag-type gamit ang isang kamay, kaya nagpadala na lang siya ng voice message."Kilala ko siya, pero magkaibigan lang kami. May boyfriend na ako."Tungkol naman sa katotohanang si Devon ang tunay na ama ni Lance, hindi na niya kailangan pang sabihin iyon kay Melissa, at ayaw din niyang ipaalam sa iba.Pagkarinig ng voice message ni Roxanne, dali-daling nagtanong si Melissa kung siya ba si Donovan,
Pagkatapos sabihin iyon, kumaway si Roxanne sa taxi at umalis kasama si Lance, iniwan ang dalawang lalaking nakatayo roon na nagtititigan.Ngumiti si Donovan, "Devon, mauna na ako, hanggang sa muli."Lumamig ang mga mata ni Devon, "Donovan, mukhang wala ka nang masyadong ginagawa sa kumpanya ninyo kaya't kung anu-ano na lang ang pinagkakaabalahan mo.""Kung kaya mo, pabagsakin mo ang kompanya namin. Pero kapag ginawa mo 'yan, siguradong mas maaawa sa akin si Roxanne at lalo ka niyang kamumuhian." Tugon ni Donovan.Nakita niya na dumilim ang mukha ni Devon, lalong lumalim ang ngiti ni Donovan, sabay talikod papunta sa kaniyang sasakyan.Sa mga oras na iyon, sa isang restaurant sa hilagang bahagi ng lungsod na may mas pribadong espasyo.Matamang tinitigan ni Daphne ang lalaki sa harap niya, "Hindi ba't sinabi mong aasikasuhin mo si Roxanne para sa akin? Bakit hanggang ngayon ay ligtas pa rin siya?"Kalma ang lalaki habang humigop ng tsaa, "Daphne, hindi moito mapapadali. Kailangan ko ng
Lumapit sina Roxanne at Donovan, tsaka napansin ang pangit na ekspresyon sa mukha ni Devon.Tinaas ni Roxanne ang kilay, “Devon, matagal ka na bang naghihintay?”Pinilit ni Devon na itago ang pagkainis at ngumiti nang pilit, “Hindi naman masyado, tsaka mauna na kayo sa loob.”Sa sandaling iyon, biglang tumingala si Lance kay Roxanne. “Mommy, gusto kong magwiwi, puwede mo ba akong samahan?”Tumango si Roxanne, “Sige tara.”“O, sasamahan ko muna si Lance sa banyo, mauna na kayo sa loob.” Paalam niya rin sa dalawa.Pagkaalis nina Roxanne at Lance, biglang naging malamig ang mukha ni Devon. “Donovan, kami ng pamilya ko ay pumunta lang dito sa zoo, pero pilit kang nakikialam. Nakakatuwa ba para sa'yo 'yon?”Ngumiti si Donovan, ngunit malamig ang mga mata nito.“Devon, ikaw ba ang may kagagawan ng gulo kamakailan sa kompanya namin?”Walang pag-aatubiling umamin si Devon, “Oo. Kaunting leksyon lang ‘yon para sa'yo, para matuto kang huwag manghimasok sa pamilya naming tatlo.”May halong panun