Share

Chapter 11

Maagang nagising si Chestine at dumako ang tingin niya sa asawang mahimbing pa rin na natutulog. Linggo ngayon kaya wala itong pasok sa office.

Hindi alam ni Chestine kung anong oras na natapos sina Johan at Kayden kagabi dahil nauna na siyang nakatulog matapos niyang ilipat si Jonas sa sarili nitong silid.

Tumayo na siya at sandaling pumasok sa banyo para mag-ayos ng sarili at mayamaya lang ay lumabas na rin siya at tumungo sa sa silid ni Jonas. Gising na ito nang maabutan niya.

Hindi muna lumapit si Chestine kay Jonas at naisipan niya muna itong panuorin. Halatang kamumulat lang ni Jonas habang nakaupo sa ibabaw ng kama at kinukusot ang mga mata. Dumako ang tingin ni Jonas sa tapat ng pinto nang mapansin niya ang nakatayong pigura ng ina.

"Mommy! Good morning!" masiglang bungad ni Jonas sa kanyang mommy at saka lang lumapit si Chestine sabay binigyan ito ng isang mahigpit na yakap.

"Good morning too, sweetie. How's your sleep? Did you sleep well?" Nakangiting sabi ni Chestine kay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status