Si Maria Chestine Salva–Selvestre ay isang butihing may bahay na mayroong masayang pamilya kasama ang anak niyang si Jonas at asawang si Johan Selvestre. Wala nang ibang mahihiling pa si Chestine dahil ang pangarap niyang masayang pamilya ay ipinagkaloob na sa kanya. Ngunit tila mababago ang lahat sa buhay nila nang dumating si Eunice Casson, ang kinuhang Nanny ni Johan para sa anak nilang si Jonas na may lihim palang pagtingin sa kanya. Kinalaunan ay may mamumuong lihim na relasyon sa pagitan nina Johan at Eunice na ikasisira ng buo at masayang pamilya ni Chestine. Malaman kaya agad ni Chestine ang lihim na pagtataksil ng mahal niyang asawa? Makaya kaya ng konsensya ni Johan na ipagpatuloy ang bawal nilang relasyon ni Eunice? Hanggang kailan maitatago ni Johan ang marumi niyang sikreto?
View More"Chestine, ayos lang ba sa 'yo na kumuha tayo ng taga pag-alaga para kay Jonas?" biglaang tanong ni Johan sa kanyang asawang si Chestine.
Kasalukuyan silang nasa living room habang inaayos ang ibang gamit na kakailanganin nila para sa panganganak ni Chestine sa susunod na linggo."Pag-isipan muna natin love, gusto ko kasi kapag lumabas na ang anak natin mula sa sinapupunan ko ay maging isa akong hands on na ina sa kanya," malumanay na sagot ni Chestine sa asawang si Johan na may ngiti sa labi habang hinihimas niya ang malaki niyang tiyan.Isang linggo na lang manganganak na siya at makikita na nila ang kanilang munting anghel. Labis ang saya nilang mag-asawa sa nalalapit na kapanganakan ni Chestine. Lalaki ang anak nila at pinangalanan nila itong Jonas malapit sa pangalan ng kanyang Daddy na si Johan."Sige, wala namang problema sa 'kin. Kaya ko lang naman natanong dahil ayokong mapagod ka sa pagaalaga sa baby natin," malambing na sabi ni Johan sa kanyang asawa."Thank you love, hayaan mo kapag hindi ko kinaya ay ako na mismo ang magsasabi sa 'yo. So don't worry," sabi ni Chestine sabay pisil sa pisngi ni Johan.Natigilan si Chestine at bahagya pang namula nang mapagtanto niyang titig na titig pala si Johan sa kanyang maganda at maamong mukha. Marahang hinaplos ni Johan ang pisngi ni Chestine at binigyan niya ito ng matamis na halik sa labi at kaagad din namang himiwalay."Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang asawa na kita Chestine. Ikaw ang nagbigay kulay sa mundo ko, kayo ng magiging anak natin. Salamat sa 'yo dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na maging ama ng anak mo," madamdamin paghahayag ni Johan kasabay ng paghalik niya sa kamay ni Chestine.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa magandang mukha ni Chestine habang pinagmamasdan niya ang asawa na emosyonal sa mga oras na 'to."Hindi ko pagsisisihang ikaw ang pinakasalan ko dahil alam kong responsable ka at higit sa lahat mahal mo 'ko at alam ko rin na hindi mo ako kayang lolokohin," sabi ni Chestine kay Johan sabay kinuha niya ang dalawang kamay nito at pinisil.Parehas silang natigilan nang sunud-sunod na tumunog ang door bell hudyat na may tao sa labas at nagtatakang tiningnan ni Chestine si Johan dahil wala naman silang inaasahang bisita."May inorder ka ba sa labas? O may bisita kang inaasahan?" tanong ni Chestine kay Johan ngunit nagkibit balikat lang ito.Akma namang tatayo na sana si Chestine nang bigla siyang pigilan ni Johan sa braso."Ako na. Umulan kanina sa labas kaya basa ang semento baka madulas ka pa," pigil ni Johan sa asawa.Tumango na lang si Chestine at hinayaan niya na lang si Johan ang tumayo para pagbuksan kung sino man 'yung taong nag-do-door bell sa labas ng gate.Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Johan kaya naman nagdesisyon na si Chestine na tumayo para puntahan ang asawa sa labas. Hirap na siyang tumayo dahil malaki at mabigat na ang tiyan niya. Idagdag pa ang kanyang pamamanas. Bago pa lang sana siya tatayo nang marinig niya na ang boses ng kanyang asawa na parang may katawanan habang papasok ng bahay.Naabutan ni Johan ang asawa na hirap tumayo kaya kaagad niya itong inalalayan. Dumako naman ang tingin ni Chestine sa kasama ni Johan at kaagad ding lumiwanag ang mukha niya nang mapagsino ito."Mama!" masayang bungad ni Chestine sa kanyang inang si Celeste sabay yakap dito.Hindi ito nagsabi na bibisita siya ngayong araw kaya naman ganu'n na lang ang gulat niya nang makita ang kanyang ina. Gumanti rin ng mahigpit na yakap si Celeste sa mahal niyang anak at halatang na-miss nila ang isa't isa. May isang taon na silang hindi nagkikita ng kanyang ina matapos ng naging kasal nila ni Johan."Dito muna ako hanggang sa makapanganak ka. Gusto kong nasa tabi mo ako paglabas ng apo ko," sabi ni Celeste habang hinihimas ang malaking tiyan ni Chestine."Bakit hindi man lang kayo nagpasabi na uuwi pala kayo? Edi sana nakapaghanda kami para sa pagdating niyo," may pagkadismayang sabi ni Chestine sa kanyang ina."Alam ng asawa mo na dadating ako pero bilin na bilin ko sa kanya na h'wag sasabihin sa 'yo dahil gusto nga kita surpresahin," nakangiting sagot ni Celestine.Sinamaan naman ng tingin ni Chestine si Johan sabay napakamot na lang ito sa ulo."Hey, don't blame me love. Si Mama ang may sabi na h'wag sabihin sa 'yo kaya wala akong kasalanan," pagtatanggol ni Johan sa sarili.Hindi na lang pinansin ni Chestine ang asawa at muli niya na lang pinagtuunan ng pansin ang kanyang ina na bagong dating."Ma, anong gusto niyong kainin? Ipagluluto namin kayo ni Johan," nakangiting sabi ni Chestine at sabay silang naupo sa sofa."Busog pa ako h'wag mo 'kong intindihin," sagot ni Celeste kay Chestine sabay nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng bahay."Mabuti napaganda ang buhay mo sa kamay ni Johan. Ma-swerte ka dahil nakatagpo ka ng lalaking responsable at mahal ka," nakangiting sabi ni Celeste.Kasalukuyang nasa kusina si Johan at abala sa paghahanda ng makakain para sa kanilang tatlo kaya hindi niya rinig ang pinaguusapan ng kanyang asawa at biyenan."Opo, Mama. Ma-swerte talaga ako dahil si Johan ang napangasawa ko. Wala na 'kong mahihiling pa sa itaas," pagmamalaki ni Chestine."Anong balak niyo kapag makapanganak ka na? Kukuha ba kayo ng taga pag-alaga ng bata?" tanong ni Celeste."Tinanong na rin ako ni Johan kanina tungkol diyan. Ang sabi ko pag-isipan na muna namin dahil gusto kong maging hands on sa anak ko at kapag naman hindi ko kinaya saka na lang kami kukuha," sagot ni Chestine."Maganda rin 'yung may kasa-kasama ka rito kapag wala ang asawa mo. Hindi porke't may nanny ang baby mo ay hindi ka na magiging hands on na ina sa anak mo," payo ni Celeste kay Chestine.Napaisip naman si Chestine sa sinabi ng kanyang ina. Kung tutuusin ay mahirap nga talaga kung mag-isa lang siya rito sa bahay kapag wala si Johan."Madali naman pong kumuha Ma, ang kaso mahirap pumili ng mapagkakatiwalaang tao sa panahon ngayon. Ayoko ipagkatiwala ang anak ko sa kung sino lang diyan," sagot ni Chestine."Kung sa bagay tama ka. Kung p'wede nga lang na ako na ang maging katuwang mo sa pagaalaga sa apo ko. Ang kaso hindi naman p'wede dahil walang makakasama ang Papa mo sa bahay," malungkot na sabi ni Celeste."Ayos lang po ako h'wag niyo akong intindihin. Para namang hindi niyo ko kilala, lahat naman kaya ko at walang bagay na hindi ko kinakaya." Nakangiting sabi ni Chestine sabay sumandig sa balikat ng kanyang ina."Hayaan mo kapag may kakilala akong tao na kailangan ng trabaho ay irerekomenda ko siya kaagad sa 'yo," sabi ni Celeste sa anak."Ma, inform lang kita na ayoko ng maganda o sexy, baka hindi lang ang anak ko ang alagaan niya baka pati asawa ko rin," seryosong sabi ni Chestine na ikinagulat naman ni Celeste."Ano ka ba naman! Bakit 'yan agad ang nasa isip mo? Wala ka bang tiwala sa asawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Celeste sa anak."Naninigurado lang po ako dahil lalaki pa rin ang asawa ko. May tiwala ako kay Johan pero sa ibang babae, wala. Ayokong makakilala pa siya ng higit pa sa akin," seryosong sagot ni Chestine habang diretsong nakatitig sa mga mata ng kanyang ina.Naudlot ang seryoso nilang usapan nang biglang lumitaw si Johan mula sa kusina habang may hawak pang spatula. Kapwa naman natigilan si Chestine at Celeste."The food is ready!" magiliw na sabi ni Johan.Kaagad na inalalayan ni Johan ang asawa sa pagtayo at naglakad patungo sa dining table sabay pinaghila pa sila ni Johan ng upuan at sabay-sabay nang naupo."Thank you love," malambing na sabi ni Chestine sa kanyang asawa."Salamat hijo," pasalamat din ni Celeste."Sana magustuhan niyo ang mga niluto ko," masayang sabi ni Johan sa asawa at biyenan."Tingin ko palang masarap na. Walang duda kapag ikaw talaga ang nagluto kahit na hindi ko pa natitikman." Nakangiting sabi ni Celeste."Naku, binola niyo pa 'ko Mama. Oh kain na tayo," sabi ni Johan sabay ipinagsandok niya ang mga ito at inilagay sa kani-kanilang mga plato."Ako na hijo, may kamay naman ako. Asawa mo na lang ang abyadin mo," nahihiyang sabi ni Celeste kay ngunit nginitian lang siya ni Johan at ipinagpatuloy pa rin ang paglalagay."Ngayon lang kayo napa-rito sa bahay kaya hayaan niyo na po ako na pagsilbihan kayo," magalang na sabi ni Johan kay Celeste."Gan'yan talaga si ka-sweet si Johan ko Ma, wala kayong magagawa kapag ginusto niyang gawin ang isang bagay. Gagawin at gagawin niya pa rin 'yan," pabirong sabi ni Chestine."Naniniwala na talaga ako na hindi kayang mag-loko nitong si Johan. Dahil kitang-kita ko kung kung gaano ka niya kamahal," nagagalak na sabi ni Celeste."Hinding-hindi talaga Ma, napaka-ganda na ng asawa ko ipagpapalit ko pa? Para sa akin ang anak niyo ang nag-iisang dyosa ng buhay ko," pagmamalaki ni Johan na ikinapula naman ni Chestine.(SPECIAL CHAPTER)_One Year Later_Masayang nilalaro ni Johan ang kanilang munting supling habang karga-karga niya ito sa labas ng mawalak na hardin at mayamaya lang lumapit si Chestine sa kanyang mag-ama nang may matamis na ngiti sa labi."Ang ganda-ganda naman ng baby namin na 'yan," magiliw na sabi ni Chestine sa kanilang baby girl kaya binalingan siya ni Johan sabay halik sa kanyang noo."Thank you for giving me another precious gift," naluluhang sabi ni Johan dahil sa labis niyang galak na ang tinitukoy ay ang kanilang pangalawang anak."Simula nang mailabas ko siya, parang ikaw 'tong naging mahabagin," biro ni Chestine kaya pagak na natawa si Johan."Masaya lang talaga ako dahil hanggang huli kasama ko kayo at may bonus pang maliit," sabi ni Johan sabay halik sa ulo ng anak."You proved your worth as a father and a husband, kaya hindi ako nagsisising bumalik kami sa 'yo," madamdaming sabi Chestine at niyakap ito ng mahigpit patalikod."Thank you Ches, and I love you so much," mad
(WARNING! IT CONTAINS HEARTBREAKING SCENES)"Bakit ba sa 'min mo isinsisi 'yang kinasadlakan mo? May nagsabi ba sa 'yo na kalantariin mo ang asawa ko? Sarili mo nang desisyon 'yan Eunice! Wala kaming kinalaman sa kahibangan mo!" bulyaw ni Chestine ngunit mas nagngingitngit lang ito sa galit."Shut up! Ako dapat ang naging asawa ni Johan hindi ikaw! Matagal ko na siyang gusto simula pa noon! Pero naunahan mo 'ko!" gigil na sabi ni Eunice kaya napaawang ang bibig ni Chestine at hindi makapaniwalang tiningnan ito."Baliw ka na nga! You're deadly obsessed with my husband! Ang dami-daming lalaki diyan na p'wedeng magmahal sa 'yo ng totoo pero mas pinili mo ang ganitong landas, nakakaaawa ka!" maanghang na sabi ni Chestine kaya sinamaan siya nito ng tingin."Wala kang pakialam! Gusto ko si Johan! Gusto ko! Mahal ko siya! Kaya dapat ka lang mawala para maging akin siya ng tuluyan!" giit ni Eunice habang nakatutok pa rin kay Johan ang baril ngunit ang atensyon niya ay na kay Chestine.Nagulat
"Jana, susunod ako kay Johan. Ikaw munang maiwan dito kasama ng anak ko," sabi ni Chestine ngunit umiling ito."No, sasama ako," hindi pagsangayon ni Jana kaya mariing napapikit si Chestine sabay hawak nito sa magkabilang balikat niya."Listen to me very carefully, ako at si Johan lang ang pakay ng babaeng 'yon. Pinain lang nila sina Troy at Kayden para gipitin kaming makipag-harap sa kanya, kaibigan ko rin si Troy mahalaga din siya sa 'kin pangako ko iuuwi namin si Troy sa 'yo ng ligtas," pagpapaintindi ni Chestine."Pero buntis ka ate, paano kung may mangyari sa inyo ng baby mo?" nagaalalang tanong ni Jana."Walang mangyayaring masama sa 'kin, okay? Mas hindi ko naman maaatim na si Johan ang sumusugal doon mag-isa kapalit ang buhay niya," sagot ni Chestine kaya wala na itong nagawa."Mag-iingat ka," bilin ni Jana."Oo, tinawagan ko na rin ang mga taong inutos sa 'kin ni Johan na tawagan ko, they are on their way, mabuti na lang iniwan sa 'kin ni Johan ang phone niya kaya alam ko kung
"Mayamaya lang nandito na ang tagapag-ligtas niyong dalawa," sabi ni Eunice habang nakangising aso kaya ganu'n na lang ng panlilisik ng mga mata ni Kayden."B*tch!!" sigaw ni Kayden na ikinatawa lang ng pagak ni Eunice habang nakaupo siya paharap sa sandalan ng silya katapat sila."Anong kinalaman ko sa inyo? Bakit pati ako dinakip niyo?" Naguguluhan tanong ni Troy habang patayo silang nakatali ang kamay."Malapit ka rin kasi sa mag-asawang gumawa sa 'kin ng pilat na 'to, naisip kong magagamit kita para pang-dagdag konsensya kay Johan gusto ko rin magalit sa kanya ang sarili niyang kapatid kapag tinapos kita, hindi ba buntis din ang girlfriend mong si Jana na kapatid nila? Mas exciting pala!" sabi ni Eunice sabay halakhak ng malakas na labis namang ikinagalit ng dalawang binata."Wala ka na sa sarili mo! Baliw ka na! Pati mga walang kinalaman dito dinadamay mo!!" sigaw ni Kayden sa dati niyang kasintahan ngunit nginitian lamang siya nito ng nakakaloko.Sabay-sabay silang napalingon nan
Paglabas nina Chestine at Jonas mula sa silid ay nakarinig sila ng malakas na hagulgol mula sa silid ni Jana kaya dali-dali silang pumasok sa loob upang alamin kung anong nangyayari.Hindi na nagabalang kumatok si Chestine at agad na binuksan ang pinto kaya bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Johan habang tila may kausap sa phone habang si Jana naman ay walang humpay sa pag-iyak, panay ang sigaw sa pangalan nina Troy at Kayden."K-Kuya Johan... si T-Troy... si K-Kuya K-Kayden... ano nang mangyayari sa kanila?" umiiyak na tanong ni Jana gamit ang boses na puno ng panginginig dahil sa takot habang nakahawak siya sa manggas ng damit nito at hindi na alintana ang presensya nilang mag-ina.Doon na umusbong ang kaba sa dibdib ni Chestine dahil kutob niya na may nangyaring hindi maganda kaya naman kaagad silang lumapit sa kinaroroonan nina Johan."J-Johan... anong nangyayari dito?" kinakabahang na tanong ni Chestine sa asawa niyang kasalukuyan may madilim na presensya sa mga ora
"Aasikasuhin ko ang pag-transfer ni Jonas sa private isang school," sabi ni Chestine habang kasalukuyan silang kumakain ng breakfast."Leave it to me, ako nang bahala," prisinta ni Johan."Are you sure? Magiging busy ka na ulit sa trabaho," sabi ni Chestine ngunit umiling lamang ito."Saglit lang naman 'yon hindi pa gugugol ng isang buong araw pati ayokong magpapagod ka," sabi ni Johan na tila hindi 'yon big deal sa kanya."Sige, ikaw nang bahala," sabi ni Chestine sabay binalingan niya ang anak na tahimik lang na kumakain."Jonas, si Daddy na ang sasama sa 'yon sa pag-transfer ng school," imporma niya sa anak na ikinatango lang nito."It's okay Mom, I hope I will make a lot of friends there," sabi ni Jonas sabay malawak na ngumiti sa ina."Of course you will, isa ka kaya sa mga most friendly sa school mo doon sa Nashville," sabi ni Chestine sabay pisil sa pisngi nito."I'm glad to be back here in the Philippines Mom, the place where I originally came from," sabi ni Jonas na ikinangit
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments