Share

Kabanata 6

Kabanata 6

SIGURADO si Gie na mukha na siyang bruha kakasabunot niya sa kanyang sarili magmula pa kanina. Nakailang ikot na siya sa higaan pero hindi talaga siya dinadalaw ng antok. God, she still feels the hype, and she isn't sure if she's liking it. Patuloy na pumapasok sa kanyang isip ang nangyari sa banyo ng clinic at nahihiya siya na kusang bumigay ang katawan niya kay Gresso.

She was like a lost explorer who gave in to the call of lust. Nagpadaig siya sa kadarangang dulot ng mga halik at haplos ni Gresso, at ngayon binabagabag siya ng matinong bahagi ng kanyang isip.

What happened? Or she should say, how did it happen? Paano siyang tumiklop nang ganoon kabilis? His kisses, his sultry kisses against her skin drove her mad. So mad she thought she'll completely go insane already and she knew she hasn't moved on yet.

Naiwan pa sa mga labi niya ang bakas ng mga halik, ang init ng hagod ng palad, at ang pakiramdam na maabot ang rurok. Those sensations she never thought she'd experience before she get wedded to the man of her dreams, she felt it with Gresso. Isang kriminal, at nangyari iyon sa kulungan.

Uminit na naman tuloy ang kanyang mukha. Bakit naman kasi parang salamangkero ang lalakeng iyon na tila kaya siyang pasunurin anumang gustuhin nito? What's with his touch and kisses that make it hard for her to resist him? Ni ang itulak yata palayo ay hindi kaya ng katawan niya oras na mahawakan na siya nito at senswal na mahalikan.

Nahagod niya ang kanyang dibdib nang tila may bumara sa kanyang lalamunan. Does she regret it? Sinubukan niyang halukayin ang pagsisisi sa kanyang puso ngunit hiya lamang ang natagpuan niya.

Nahihiya siya bilang babae, ngunit wala siyang makapang anumang bakas ng pagsisisi.

She...liked the feeling to be honest.

The fire inside her earlier felt so beautiful. She saw colors as she reached her first ever climax and the warmth that clawed her heart as she stared at his prominent eyes, it was all worth keeping in her memory.

Talagang nahihiya lamang siya at iyon ang hindi nagpapatulog sa kanya ngayon.

Bumuga siya ng hangin at tuluyang bumaba ng higaan. Balak niyang kumuha ng tubig sa sariling kitchen para sa medical workers na malapit sa kanilang clinic ngunit nang mapansin niyang lumabas ng clinic si Dr. Zinc at Ysiah na tila nagmamadali, hindi niya naiwasang magtaka.

She immediately ran towards them. May ingay na nagmumula sa lower left wing at nang tanawin niya ang ibaba, may buhat nang stretcher ang mga gwardya at sakay ang isang presong tila pininturahan ng sarili nitong dugo.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Alas dose na ng gabi at nasa selda na ang lahat ng preso ngunit sa lagay ng inmate, parang kakagaling lamang nito sa isang ingkwentro.

Pinanood niyang dumalo sa inmate ang dalawang kasamahan nilang doktor ngunit dahil masyadong mahina ang tinig ng mga ito ay wala siyang naintindihan sa pinag-usapan. Nang maglakad na ang mga ito kasama ang mga gwardya bitbit ang stretcher, hindi na napigilan ni Gie ang pag-atake ng kyuryosidad niya.

That's the thing about her. She is always curious, and sadly her curiosity often leads her to places and situations that can put her on the line.

Napatingin si Gie sa mga gwardyang paakyat ng hagdan. Nakilala niya ang isa sa mga ito. Galing ito sa Pilipinas at kasabwat nila sa misyon. Sinenyasan niya itong pumasok ng kitchen nang matanong, nagbabaka-sakaling maliwanagan man lamang siya nito kahit papaano.

"Anong nangyari sa inmate?" Bungad niya nang mai-lock nito ang pinto.

The jail guard removed its helmet. Bata pa ito kung tutuusin, halos matanda lang siguro siya ng isa o dalawang taon kung tatantyahin.

"Talo sa sabong, Dra."

Ngumiwi ang mukha niya sa sobrang pagkalukot ng noo. "Ha? Sabong?"

He nodded. "That's what I think is the most appropriate term for what happened, Dra. Madalas mas malala pa riyan ang nangyayari lalo kung big night kaya huwag mo nang intindihin."

"Okay, I am lost. What big night? What cock fight are you talking about?"

The guard sighed heavily. Nilapag nito ang helmet sa mesa at seryoso siyang tinignan. "Sa underground block, may arena kung saan pinagsasabong ang ilang inmates. If you're familiar with UFC, ganoon, mas madugo lamang. Madalas tuwing araw ng Martes, Byernes, at Sabado. Saturday is considered the big night. Kung Martes at Byernes kasi ay man to man combat lamang. Kung Sabado, they have their toys. Mostly, deadly weapons for close combats."

Napakurap si Gie. "What?! Bakit may gano'n?"

"Some people are paying. Parang pusta. Mostly, high profile business tycoons who like to gamble for money and of course, pleasure of seeing dangerous fights like that."

Sumikip ang dibdib niya. "I—Is that even legal? Bakit hinahayaan ng Warden?"

"We are in Italy, Dra. They have a different system here. Hindi lang ang Warden ang may kapangyarihan sa kulungang ito. That underground fight gives tons of money to those people placing bets, and of course, may kinikita rin ang kulungan."

"That's insane! Bakit nila ilalagay sa ganoong sitwasyon ang mga preso?! Hindi porket nahatulan sila ng batas ay mga hayop na silang maaaring paglaruan! This is ridiculous and doesn't make sense in any way."

Nakamot ng gwardya ang patilya. "Ah, ang totoo niyan, Dra. walang pumipilit sa mga preso na sumabak sa labanan. It is them who are voluntarily joining."

"A—Ano?"

"You see, those fights, if they will win, they earn money which they can give to their families. Hindi lang iyon. They can also ask anything from the Warden basta pasok sa limitations ng kulungan at ng laro. For example, if the fighter wins the big fight or two consecutive wins during Tuesday and Friday fights, he can request a comfy bed, an espresso machine of his own, TV, or even freedom to roam around without any chains in a given span of days, not more than three usually. Basta sa loob lamang ng premises."

Natigilan bigla si Gie. "F—Freedom to roam around?" Parang bumigat ang kanyang dibdib. Ibig bang sabihin, si Gresso ay bahagi ng mga labanang iyon? Is that why none of the guards were trying to send him back to his cell? Kaya rin ba hindi man lang ito pinatulan ng gwardya nang magtapon ito ng sigarilyo sa sahig?

At iyong banta nito kay Ysiah, ang underground arena bang sinabi ni Gresso ang tinutukoy ng gwardya?

Kung oo, baliw nang talaga ang lalakeng iyon! Why would he even get into a fight just so he could roam around the prison? Wala man lamang ba ito ni katiting na pagpapahalaga sa sariling buhay?

Napakuha bigla ng tubig si Gie. Bakit ba siya nagagalit? Buhay iyon ni Gresso. Wala naman siyang pakialam doon, pero hindi. Sumasama ang loob niya dahil ginagawa ng kapatid nito ang lahat para matulungan itong makalaya habang ito, nagpapakamatay pala sa loob ng kulungang ito.

He is treating death as a joke and that feels like an insult for doctors like her.

Naipikit niya ang kanyang mga mata habang humuhugot ng malalim na hininga. Hihintayin niya sa clinic bukas si Gresso nang matanong kung bakit wala man lamang itong pakialam sa sarili nitong buhay.

HINDI siya nabigo, dahil nang sumapit ang umaga, pumasok ng clinic si Gresso ngunit agad niyang napansing putok ang ibabang labi nito at may pasa ang sulok.

Her hands clenched. Huwag nitong sabihing isa ito sa mga presong lumaban kagabi?

Gresso, wearing his devilish smirk she's getting familiar with, walked towards her with flicker in his eyes.

Pamilyar na siya roon, ngunit ngayong badtrip siya, walang epekto sa kanyang sistema. Good. Ligtas ang apdo, puso, at katinuan niya ngayon.

"Hey, Doc. You look...restless. Still cute of course but your eyebags are kinda bothering me. Did I keep you up all night, hmm?"

She gulped and slightly quenched her eyes. "What were you doing last night?"

Damn, she sounded like a mad wife. Bakit ganoon ang tono niya? Huli na nang mapagtanto niya dahil lumawak na ang ngisi nito kasabay ng pag-upo sa mesa, paharap sa kanya.

"Thinking of you, obviously. Would you like to hear the details? I was imagining us—"

"I am asking you a serious question, Gresso so please." She frustratingly sighed with gritted teeth. "Just answer me. What were you doing last night?"

"Ah, what's with the angst, Sweetcake?" He made a tss. "Did my finger got you pregnant?"

Namilog ang mukha niya sa salitang binitiwan nito. Dinampot niya ang record na nasa mesa at hinampas sa braso nito ngunit ang loko-loko, tinawanan lamang siya bago inagaw ang record.

"Ouch." He sarcastically said that made her grit her teeth.

"Just tell me what you're doing last night!" Napatayo na siya sa inis. "Were you one of the fighters? Is that how you got your bruises? How long have you—"

"Ah, now I know my married life would be miserable if I won't learn to answer properly." Nagulo nito ang buhok saka tila luging-luging bumuntong hininga. "Yeah. I was one of the fighters and by the way I won so," he opened his arms and smiled widely at her. "You have me for three days."

Nahampas niya ang balikat nito habang naniningkit ang kanyang mga mata. "You risked your life so you won't get bored in your freaking cell and so you can play around here?! Jesus, Gresso you have no idea how many people are trying their best to keep living while you—" napabuga siya ng hangin at nasapo ang kanyang noo habang hopeless na nakatitig dito. "Your brother is doing his best to help you and the least you could do is keep yourself alive."

Lumamig ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Gresso. Unti-unting napawi ang kurba sa mga labi at ang mga kamay ay tuluyang bumaba.

Umigting ang panga nito at umiiling na kinunot ang noo. "That would take years." Seryoso nitong sabi habang wala sa kanya ang tingin.

"What?"

"I said that would take years. My brother might not be able to free me for more than a few months." Muli siya nitong tinignan, ngayon ay madilim na ang ekspresyong mababakas sa mga mata. "And you will just be here for like a month or something and I'm sure once you're out of here, you won't even be allowed to visit."

Natulala si Gie at ang galit sa puso niya, biglang napalitan ng pagkalito. Anong...sinasabi nito?

Hindi siya nakakibo. Tumayo ito at may dinukot sa bulsa saka padabog na inilapag sa kanyang mesa. Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan at napatitig sa chocolate bar na iniwan nito bago nagtungo sa pinto. Parang may init na yumakap sa puso niya nang makita ito.

Nang inangat niya ang tingin sa palabas na so Gresso, gusto niya itong tawagin ngunit masyadong malakas ang tibok ng kanyang puso. Kahit nang ibuka na niya ang bibig niya, wala man lang kahit kakarampot na tinig ang lumabas.

He paused when he held the knob. Pinanood niya itong bumuntong hininga bago binuksan ang pinto saka walang lingon-lingong nagsalita.

"I fought not because I am not giving a fuck about my life. I fought because I want the freedom to come here and see you. If that doesn't make sense to a professional like you who thinks she understands how life really works, then fine. Have a good day, Doc Virgielyn."

With that, he walked out of the door and slammed it. Naiwan si Gie na tulala, nagwawala ang dibdib, at hindi alam kung papaanong ipoproseso ang lahat ng narinig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status