Share

Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1
Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1
Author: AVANITAXX

CHAPTER 1: Sold!

Author: AVANITAXX
last update Last Updated: 2024-07-24 11:43:06

NAKAPIKIT ang mga matang nahilot ni Dark Silvestre ang gitnang noo. Sa mga oras na iyon ay kasalukuyan siyang bumabyahe pauwi. Sakay niya ang kanyang private plane para makaiwas sa matataong lugar.

He was bored, tired and broken. He flew to Mexico just for Julea, nagbabakasakali siyang makipagbalikan sa kaniya ang dati niyang kasintahan pero, inabutan niya itong ikinasal sa iba at sa kalaban niya pa. 

He has everything, power, fame, and wealth. Subalit, hindi niya kayang tapatan ng pera ang pag-ibig ni Julea sa lalaking ipinalit nito sa kaniya. 

“Lord Dark, Mister Akuzama, wants to meet you, tungkol sa anak nito ang pag-uusapan ninyong dalawa,” anang sekretarya niya.

He just nodded, just then by raising his left arm, it is a sign that his secretary needs to leave.

Tumunog ang mamahalin niyang Pro Max mobile phone, at isa sa mga katiwala niya ang nasa kabilang linya nang sagutin niya.

“Dark, we’re in the Cartel Gang nightclub, at dito pala nila ginagawa ang auction.”

“Keep your eyes on them, Azul. Lalo na si, Rosso.”

“Copy.” Tanging pagtugon ng kausap nito bago niya ito binabaan ng tawag.

Hinarap ni Dark ang nakasalin na delicate whiskey Glenlivet Founder. Tumiim ang panga niya nang masimsim ang alak dahil sa tapang n’yon. Bahagyang bumukas din ang ikatlong butones na suot niyang Solid Black Lapel Long sleeve.

SAMANTALA kahit tirik man ang sikat ng araw hindi ito binigyang pansin ni Anya, bukod kasi sa paglalako ng mga kakanin ang trabaho niya, nagtitinda naman siya ng mga rosas sa tuwing araw ng biyernes. Suot ng dalaga ang kulay dilaw na bestidang mabulaklakin na pinaresan niya lamang ng murahing sandalyas. At dahil, sa kalumaan na nito ay nagkasugat-sugat ang kanyang talampakan.

Tumigil siya nang makaharap ang matanda para bumili sa paninda niya bagay na ikinangiti niya.

“Magkano lahat ng ito, hija,” anang matandang lalaki nang lumapit ito.

“Three hundred fifty pesos na lang po ito, bagong pitas ‘yan, mabango at presko pa!” 

“Kukunin ko na lahat at sayo na ang sukli,” wika sa kaniya ng kaharap sabay inabot ang limangdaang-piso.

Umawang ang manipis na labi ni Anya, hindi tuloy siya makapaniwala sa kabaitan ng matanda.

“Naku, malaking halaga na po ito, manong. Sobra-sobra na rin po ang pinambayad mo.” 

Natawa nang mahina ang matanda, “Huwag mo ng isipin ang halaga ng pera, hija. Maliit na halaga lamang iyan kung ikukumpara sa pagod mo maglako. Siyanga, at ako ay aalis na,” naisaad ng matanda bagay na ikinangiti niya rito pagkatapos.

Limang-daan, sapat na para may maibigay siya sa kaniyang Tiyahin.

Mala-manika ang mukha kung ikukumpara si Anya. Subalit, tanging kapintasan niya lamang ay ang kakulangan niya sa edukasyon. Hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral dahil, maaga siyang naulila sa kaniyang ina, at naging obligasyon na rin niyang bigyan ng pera ang kaniyang tiyahin. 

Kahit sa murang edad ng dalaga ay natuto siyang magtrabaho para may maibigay na pera sa taong kumupkop sa kaniya. Kahit sobra-sobra na rin kung tratuhin siya ng Tiya Marites niya. At kailanman ay hindi siya nagtanim nang sama ng loob sa ginang, kahit pa na lagi nitong ipinagduldulan na, isa siyang anak ng mamatay-tao. Sa bagay na iyon, mas nanatili kay Anya, ang laging binilin ng kaniyang ina.

KINAGABIHAN, nadatnan ni Anya na nakaabang mula sa bakuna ng pintuan ang kaniyang Tyahin. Base sa pagmumukha ng ginang ay alam na niya na hindi naging maganda ang araw nito.

“Lintik na! Sinabi kong wala nga akong pera, Boyong! Bakit ba, ang tigas ng ulo mo!” naboryong singhal ng tiyahin niya sa binatang kalalabas mula sa loob ng bahay.

“Nay, naman may aktibidadis kaming gagawin sa paaralan bukas, kailangan kong makapagbayad ng dalawangdaan para sa school obligation! Bakit kasi, ayaw ninyong patrabahuin si Anya sa Maynila. Doon, mas malaki ang kikitain niyang pera!” malakas ang boses naisagot ng pinsan niya.

Humigpit ang paghawak ni Anya sa basket na bitbit, kapag kasi ganitong galit ang tiyahin niya ay siya ang pagdidiskitahan nito. Hindi kaagad siya tumuloy, hinintay niyang humupa ang galit ng tiyahin niya habang nakinig sa pagtatalo ng dalawa.

Kalaunan ay nagpasya na siyang humakbang palapit sa mga ito, bagay na siyang ikinakunot-noo ng tyahin niya nang mapansin siya nito at kaagad napunta sa hawak niyang supot ang matalim nitong tingin.

“Oh! Bakit ginabi ka ng uwi!” singhal nitong bungad sa kaniya.

“Pasensya na po, hapon na kasi bago naubos ang paninda ko. “Ma-magandang gabi nga po pala, Tyang Marites.” 

Umirap ang ginang at saka tinawag ang tamad na anak. “Hoy, Boyong! Narito na si Anya, sa kaniya ka manghingi. Dahil kahit kailan wala ka talagang silbi!” Tinalikuran siya ng kanyang tyahin, humakbang ito paloob ng bahay. 

Tinitigan siya ni Boyong, nakababata niyang pinsan. Kumunot-noo niya nang tumitig pa lalo ito sa kaniya at saka ngumisi.

“Narinig mo ang sinabi ni nanay…akin na! Ibigay mo na sa ’kin ang kinita mo ngayong araw.”

Hindi makaimik si Anya, gustuhin man niyang pumalag pero wala siyang sapat na lakas ng loob. Nang hindi niya iniabot dito ang pera ay sapilitan nitong kinuha mula sa kanyang kamay ang hawak na wallet.

Ngumisi si Boyong. “Angas ah! Mukhang malaki ang kinita mo ngayong araw. Akin na ’to… hayaan mo, at ibabalik ko rin sayo kapag makaluwag-luwag na ako.”

“Kuya Boyong, para kay tiya iyan. Ba-baka ako naman patayin n’yon kapag kukunin mo lahat,” naiiyak na pigil ni Anya sa pinsan niya.

Tinulak siya ng pinsan niya, at saka pinandilatan siya nito ng mata. “Bahala ka na magpaliwanag dun, kung ayaw mong basagin ko ’yang pagmumukha mo!” 

Hindi na nakapagsalita si Anya. Sinundan niya na lamang nang tingin si Boyong, hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Napahid ng dalaga ang luhang tuluyan nang pumatak, sigurado siya na mananagot na naman siya sa kaniyang tyahin.

Kalaunan ay maingat, at may pag-aalalang pumasok sa loob ng bahay si Anya. Naroon ang tiyahin niya, at ang Tiyo Berto niya, kasulukuyan din naghahain ng pagkain sa hapag sa mga sandaling iyon ang Tiya Marites niya.

“Oh, nasaan si Boyong?” Usisa nito.

“Umalis na po,” mahinang sagot niya sa takot na mapagalitan nito.

“Oh! Ano pa hinintay mo dyan? Kumain ka na, dalian mo.”

Bahagyang inangat ni Anya ang mukha, bago sa kaniya ang ganoong pagtrato ng tiyahin niya. Kahit paano ay, nabawasan ang takot niya. At kanina na rin kumakalam ang sikmura niya, natandaan niyang tanging tinapay, at noddles ang kinain niya kaninang umaga.

Habang kumakain sila ay napansin niya na panay bulungan ng mag-asawa. Na tila, nag-aalangan pa kung sino ang unang magsasalita. Nang tumingin siya sa mga ito ay siya namang pagtikhim ng Tiyo Berto niya.

“Anya, may nakausap akong tao. Kakilala ng ama mo,” seryosong anito.

Dahil sa sinabi ng Tiyo Berto niya ay natigilan si Anya, at bakas sa mukha ang kagalakan nito habang hindi naman maipinta ang mukha ng tiyahin niya.

“Nasa Maynila ang ama mo, Anya. Matapos niya kayong ibinandona ng ina mo, ayun… gusto kang kunin!” anang tiya niya at bakas sa boses ang pagkairita nito.

Nangilid sa mga mata ni Anya ang luha. Hindi naman kasi sila totoong iniwan ng kaniyang ama, at bago pa kasi malagutan ng hininga ang inay niya ay nagawa nitong ipagtapat sa kaniya ang totoong pagkatao nito at rason kung bakit sila nagkahiwalay.

“Tama na nga, Marites. Sinasaktan mo lang ang damdamin ng bata. Siyanga, mag-imapake ka na ngayon dahil, bukas isasama kita papuntang Maynila.”

Kahit paano ay nagawang ngumiti ni Anya. Labis din ang saya niya sa pagkakataong iyon. 

“Salamat po, tsong. Tatanawin ko po ng utang na loob itong ginawa mo.”

“Sige lang, kumain ka na.” 

Bumaling nang tingin si Anya sa tiyahin niya, napansin niya ang pananahimik nito.

“Si Tyang Marites nga po pala, at Boyong…isasama niyo po ba?” 

“Sila ba? Hindi muna, Anya. Dalawang ticket lang kasi ang nakuha ko pero, susunod naman din sila.” 

Hindi na umimik si Anya, kahit kasi masama at hindi maganda ang pagtrato sa kaniya ng tyahin niya ay gusto niya itong makasama. Alam niyang nag-aalala ito sa kaniya pero hindi lamang nito maipakita.

KINAUMAHAN din ay nakapag-impake ng kanyang mga gamit si Anya, kasama nito ang Tiyo Berto niya at tuluyan na niyang iiwan ang buhay sa probinsya para makipagsapalaran sa Maynila. Halos tatlong oras din ang itinagal nang narating nila ang destinasyon na pupuntahan nila.

Maingat at matao ang lugar nang igala ni Anya ang kaniyang paningin sa paligid. Namangha siya dahil, sa kagandahan ng syudad, malayo ito mula sa nakagisnan niyang lugar bagay na ikinangiti niya.

“Tsong, malapit po ba rito si itay? Makikita ko na po ba siya rito?” nakangiti niyang usisa sa kaniyang tiyuhin.

Kasalukuyan silang naglalakad sa mga sandaling iyon. At sa isang kilala at tanyag na club sila tumigil. Tumitig sa kaniya ang kaniyang tiyuhin ‘tsaka tumango.

“Oo, ang sabi ng kakilala ko, rito sa lugar na ’to, minsan dumadayo ang ama mo, at balita ko rin. . . yumaman na siya, kaya sana maalala mo kami ng tiyahin mo,Anya.” 

Lumapad ang ngiti sa labi ni Anya, at sa wakas ay makakasama na niya ang kaniyang ama. Dahil sa saya ay napayakap siya sa kaniyang tiyuhin habang naiiyak na pinapahiran ang luha. Subalit, ang hindi niya alam ay planado na ang lahat.

“Maraming salamat tsong, dahil sa inyo, makakasama ko na rin si itay,” naiiyak niyang sabi.

Pekeng ngumiti lang ang kausap, at may pagnanasa na humaplos ang magaspang nitong mga daliri sa braso ng dalaga. Sinimhot din nito ang mabangong amoy ng buhok ni Anya. Humiwalay din mula sa pagyakap sa tiyuhin si Anya, hindi man siya sigurado pero hindi niya gusto ang paghaplos nito.

Papasok pa lamang nila Anya sa loob, dinig na rinig niya ang ingay ng musika mula sa loob ng tinuluyan nilang club. Ang sinabi ng tiyuhin niya ay, dito muna siya pansamantalang tumira habang hindi pa nila nakita kung nasaan nakatira ang kaniyang ama. 

Nasa isang sulok siya nakaupo. Panay ang tingin niya sa mga taong naroon, bagay na ikinangiwi niya. Hindi siya komportable sa lugar na ito.

“Hi! Ikaw ba si Anya Suarez?” usisa sa kanya ng isang babae nang makalapit ito sa kinaroroonan niya.

Pagtitig niya rito ay hindi nakaligtas ang titig niyang mapanuri. Para kasing namamaga ang mukha ng babae sa kapal ng kolorete nitong inilagay sa mukha. Gulat na tumitig siya rito at saka tumango na lang bilang sagot. 

Ngumiti sa kaniya ang babae, “Halika, samahan kitang magpalit ng damit mo.”

“Sige po.”

Walang pagdalawang-isip siyang sumunod sa babae. Marahil ay, gusto lang ng may-ari na magpahinga na muna siya. Hinagilap niya nang tingin ang kaniyang tiyuhin ngunit, naroon lamang ito sa isang sulok, at may kinakausap na lalaki.

“Ako si Merry, ako ang magtuturo sayo,” naulinigan niya Ani ng babae bagay na ikinahinto niya mula sa paghakbang.

“Pa-para saan po? Anong maging trabaho ko?” inosenteng tanong niya.

Natawa nang bahagya ang babae na animo ay hindi pa ito makapaniwala mula sa tanong niya.

“Nagpapatawa ka ba? By the way, okay lang ’yan, ganyan din ako noong una. Mukha akong inosente pero, matinik!” pabiro nitong sabi.

Kinabahan na naikagat ni Anya ang daliri at ramdam niyang mayroong hindi magandang nangyayari.

“Hindi ka ba na-inform na pagiging stripper na ang magiging trabaho mo rito?” sabi ng babae bago ito pakag na tumawa. “Pumasok ka na, si Madam RR na ang bahalang magpaliwanag sayo,” aya nito nang pagbuksan siya ng pinto.

Nagsimulang bumigat ang pakiramdam na sinalubong ni Anya ng titig ang baklang nagngangalang Madam RR. Pakiwari niya ay hindi na maganda ang nangyayari sa paligid niya. Base kasi sa mga ayos ng mga babaeng nasilayan ng kanyang mga mata sa loob ng silid na iyon ay, ito ang tipo ng babae na mga mababa ang lipad.

“Ikaw ba si Anya?” 

Tango lang din ang naging tugon ni Anya.

Taas-kilay na tinitigan siya ng bakla. “Oh! What are you looking for? Kilos na! Ayaw ko nang patamad-patamad dito.”

Natigilan si Anya, at may kalituhan na napatanong sa kaharap.

“Ano po ba ang magiging trabaho ko? Sa pagkakalam ko kasi, pansamantala lang ako makikitira rito habang hindi pa namin makita ni Tsong Berto ang itay ko,” malumanay ang boses naisagot ni Anya.

“Trabaho?” natawang balik tanong ni Madam RR. “Oh! Sorry hija, Dear Anya pero, nagkamali ka sa iyong paniniwala. Bayad kana kasi, at sa ayaw at sa gusto mo. . .pagiging stripper sa club ang maging trabaho mo.” 

Nangilid ang luhang umiling si Anya. 

“Bago ka pa man, dinala rito. Bayad na ang kaluluwa mo dahil binenta ka na ng tiyahin mo.”

“Hindi po totoo ’yan,” pag-iling niya at tuluyan nang bumagsak ang kanyang luha. “Babalik na lang po ako sa probinsya namin. Nasaan po si Tsong Berto,” luhaang pakiusap niya.

Ngumisi ang kaharap, humakbang ito papalapit sa kaniya at mukhang sanay na ito sa pambubugaw na gawain. Umiiyak na tinakbo ni Anya ang nakasarang pinto at pilit itong buksan ngunit, hinayaan lamang siya ng kaharap.

“Wala ka ng mapagpipilian pa, hija. Kanina na nakaalis ang magaling mong tiyuhin.” Sabi ni Madam RR bago ito bumaling ng tingin sa nagpakilalang Merry.

“Bihisan ninyo siya, ikulong n’yo muna, alam mo na rin kung ano ang dapat mong gawin,” utos nito ‘tsaka humakbang paalis.

Mabilis na humawak si Anya sa kamay nito at nagmamakaawang palabasin siya. 

“Parang awa na po ninyo, palabasin mo po ako. Wala po akong naging kasalanan,” iyak niyang pagmamakaawa rito.

Subalit, hindi natinag si Madam RR. Bagkos, pagalit nitong winaksi ang kaniyang kamay sabay tulak sa kaniya.

“Huwag ka ng magtangkang tumakas pa, kung ayaw mong ipapatay kita!” asik nito bago tuluyang lumisan.

Takot at puno ng pag-aalala na inilayo ni Anya ang sarili habang yakap ang kanyang tuhod. Hilam na rin ng luha ang kanyang mukha nang iangat niya ang mukha upang magmakaawa sa babaeng nagpakilala bilang Merry.

“Tulungan po ninyo ako, ayoko rito. Ayoko!” hikbing pakiusap niya.

Agad na nag-iwas ng tingin si Merry, anumang oras kasi ay babagsak ang luha nito kaya hanggat maaari ay susundin niya ang inutos ng kaniyang amo at baka siya naman ang malilintikan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Zephyrine1991
wow ganda naman
goodnovel comment avatar
AVANITAXX
thank you po sa pagbabasa ...️...️
goodnovel comment avatar
Chase Ian Dotdot
Kawawa naman si Anya. Grabeng tiyuhin yan...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER CONTINUES: Leadership!

    ISANG larawan ng masayang pamilya kung ikukumpara sina Dark at Anya. Wala na ngang ibang maihihiling pa si Dark kundi makita sa araw-araw ang mag-ina niya. At sa mga sandaling iyon nasa picnic groove sila mula sa pakiusap ni Ericka, ang bunso nilang anak.Napangiti na lang si Anya nang pumwesto si Dark at nahiga ito sa kanyang hita. Suot ni Dark ang White Longsleeve Basic Shirts with Dress Pants. Habang suot naman ni Anya ang stripe jumpsuit. At kapwa masaya na pinapanood mula sa ‘di kalayuan ang kanilang mga anak. Naglalaro ang mga ito at sinusulit ang araw. “Gusto kong lumaki na malayo sa gulo ang mga bata, Dark. Balak ko sana, sa probinsya tayo tumira. Iyon ay kung gusto mo rin,” naisatinig ni Anya habang sinusuklayan ang buhok ni Dark. Hinuli ni Dark ang kamay ni Anya at saka dinala ito sa labi para halikan. “Sure, wife. Tatapusin ko lang ang misyon ko. Samahan ko muna ang daddy mo, saka na tayo aalis.” Napatingin si Anya at ngumiti na lang din kalaunan. “May tiwala ako sa

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 32: BAGONG YUGTO! 

    HABANG bumiyahe ay hindi maiwasan kabahan ni Dark. Wala siyang kinatatakutan but, this time. Ramdam na ramdam niya ang kaba. Pupunta sila ni Anya sa pamamahay ng ama nito kasama ang kanilang mga anak. Saglit niyang nilingon ang asawa nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at hinigpitan ito. “Sigurado ka na ba, Dark?” usisa sa kaniya ni Anya. “Oo naman. Ito na rin ang tamang pagkakataon, Anya. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa inyo ng mga anak ko.” Natawa sa kaniya si Anya, “Don’t worry, kapag ipabugbog ka ni, daddy. Siguraduhin niya lang na hindi ka masasaktan. Ako, makakalaban niya!” “Silly! Hindi ako natatakot, Anya. But, I will respect your father. Hindi ako lalaban, huwag niya lang kayong ilayo sa ‘kin.” Ngumilid kaagad ang luha ni Anya habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. At saka nito isinandal ang ulo sa kanyang balikat. “I want to be with you, Dark. I wanna grow old with you.” Tanging pagngiti nang malawak ang sumilay sa labi ni Dar

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 31: United!

    NAIHANDA na ang lahat at planado na rin. Mula sa idea ni Terrence ay nabuo ang surprise proposal ni Dark. Bagay na hindi naman nalaman ni Anya.Nasa outing sila sa pagkakataon na iyon. At sa pagmamay-aring resort ni Leiron ay doon nila napagpasyahan puntahan.Maaliwalas ang panahon sa mga sandaling iyon at sinasabayan nang paghampas ng hangin ang tuyong dahon. Sa pagbulusok niyon paibaba, hindi maiwasang sundan ito ni Anya nang tingin at damhin ang pagdampi niyon sa kaniyang palad.Napakaaliwalas ng mukha nito bagay para bahagyang mapangiti si Dark. Nasa kalagitnaan sila ng autumn forest, kung saan nakapalibot ang mga magagandang punong kahoy at naghalo-halo ang kulay ng mga dahon nito. Pinaghalong orange, red and gold.Dark stood still beside Anya. As they walked along a winding path carpeted with a mosaic of foliage, Dark's heart beat with a nervous anticipation that matched the rustling of the leaves above.

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 30: Pagpakilala!

    “Ma!” naisambit ni Zee nang mapansin nito ang ina.Biglang umalis mula sa pinagtataguan niya si Anya. At kita niya ang kaagad na pagkahiwalay ng dalawa mula sa pagyakapan.  Natuon din ang paningin sa kaniya ni Dark. Ngiting pilit naman ang ginawad ni Anya sa asawa. Habang nakatingin sa kinaroroonan niya ang kararating na mga bisita at saka lumapad ang ngiti ng mga ito.Hindi na rin kumibo pa si Anya nang humakbang papalapit sa kinaroroonan niya si Dark para puntahan at hulihin nito ang kamay niya para hawakan ito, bagay para titigan niya ito sa mukha.Umarko ang kilay ni Anya maging ang babaeng yumakap sa kaniyang asawa kanina ay nanlaki ang mga mata. Hanggang sa inagawa nito ang kamay niya mula kay Dark at saka ngiting-ngiting ipinakilala ang sarili.“Ate! Oh my Gosh. I’m Yviona Silvestre, natatandaan mo ba ako. Ako ’yung intern na hawak mo!” “Yve? Woah! Ma-magkapatid kayo?”“Aha! You're right! Ako

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 29: Dinner date, Silvestre!

    Habang nakasandal si Anya sa balikat ni Dark, napapangiti siya nang pinaglalaruan nito ang kanyang mga daliri. Nasa labas silang dalawa sa mga sandali na iyon habang nag-movie marathon. Habang nagbigay init sa malamig na gabi ang patuloy na pagsiga ng apoy sa may bandang bahagi. Agaw atensyon din ang mga magagandang ilaw sa paligid nila, na sa pagkakaalam niya, pinaglalaanan ayusin ng mga ka-grupo ni Dark. Isang linggo na rin mula nang maka-recover siya at inuwi siya ni Dark sa bahay nito. Noon niya lang talaga napagtanto na, marami itong bahay na pag-aari. Bantay-sarado rin ang bahay nito dahil, sa mga iilan na bodyguard. Sumilay sa labi niya ang ngiti at saka niya hinarap si Dark. Nangulila siya nang lubos sa lalaking ‘to at hindi niya napigilan ang sarili na kiligin na lamang bigla. Kahit kasi, malabo noon ang mukha nito kapag napapanaginipan niya, hindi niya maiwasan na mapaisip. Akala niya si Stewart talaga at sa kagustuhan niya; pinaniwalaan niya ang sarili noon na si Ste

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 28: Critical!

    TITIG na titig ang mga bata kay Dark. Wari’y kinikilatis ng mga ito ang lalaking nasa harapan nila. Naging kalmado man kung titigan sa mga pagkakataon na iyon si Dark subalit, hindi maipagkaila ang pagningning ng mga mata nito. Pigil na pigil na hawakan kahit isa man lang sa kanila. Mga bagay na napapansin ni Leiron na siyang ikinatalikod kaagad niya. Siya tuloy ang nasasaktan para sa kaibigan niya. Kung sana, may magawa man lang siya, gagawin niya. Tumungo siya sa hardin at doon nagsindi ng sigarilyo. Lately, nagiging malambot ang puso ng Pinuno nila, hindi na ito gaya nang dati. Alam niyang, kahit paano ay bumalik ang dating sigla at ngiti nito. At si Anya lamang ang makagawa niyon. “Leiron Nicholai Kiosk!” buong sambit ni Terrence sa kaniyang pangalan. Hindi na siya nagulat pa dahil, si Terrence lang naman ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. “Bakit ka umalis?” usisa nito. Hinarap niya ang kaibigan at saka ningisihan. Nakita niyang nakasuksok sa magkabilang bulsa n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status