Share

CHAPTER 7: Traitor!

Penulis: AVANITAXX
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-06 00:00:20

KINABUKASAN, tinanghali nang gising si Dark, pagmulat ng kaniyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang kulay ng  kisame. Paglinga niya ay kaagad niyang naiharang sa mukha ang sariling kamay nang tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw na nagmula sa nakabukas na bintana. 

Bumangon siya ngunit, bahagya siyang napainda dahil, sa sakit. May benda ang beywang niya nang tingnan niya ang sarili.

Bumaba siya sa kanyang higaan at isinuot ang puting longsleeve na nakasabit lamang sa may stool, iniisa-isa nitong sinara ang mga butones pagkatapos. Bakas sa mukha ang kaseryosohan ngunit, pansin ang pagputla nito. Nilingon niya ang lamesita, may note na nakadikit doon, galing ito kay Terrence at nagpapasabing nauna na silang umuwi at hindi siya nahintay magising.

Tinupi niya ang sulat saka isinuksok sa bulsa ng suot niyang pants. Taas-noo na hinakbang ang loob ng bahay.

Sa mga sandaling iyon, nadatnan niyang nagluluto si Anya. Sa isip-isip niya ay maaga itong nagising.

Itunulak niya ang pinto, alam niyang hindi siya napansin ni Anya. Napakaseryoso kasi nito na para bang may malalim itong iniisip. Hinayaan niya ito at sinubaybayan ang bawat kilos ng dalaga.

He smirked, sumilay sa gilid ng labi ang ngiti. Isang pagtikhim ang ginawa niya saka ito tumayo upang lapitan si Anya.

“Mukhang gusto mo pa yatang sunugin ang kusina ko, Anya.” 

Gulat at kaba ang nasilayan nitong ekspresyon ng dalaga. Kunot-noo, tinitigan niya ito lalo. Mukhang balisa kasi si Anya nang makita siya.

“Sir Dark?”

“Did I—natakot ba kita, Anya?” 

Napalunok si Anya, umiling ito saka dali-daling pinatay ang stove.

Sinundan nang tingin ni Dark ang bawat galaw nito. Hindi man siya umiimik ngunit, seryoso ang mga mata nitong nakatitig.

“Sige, ipagtimpla mo na lang ako ng kape,” utos niya rito.

Sumunod kaagad si Anya, doon napansin ni Dark na nanginginig ang kamay nito. Mabilis niyang hinuli ang kamay ni Anya habang seryoso ang mukha niyang tinitigan ito.

“You're stammering? May masama bang nangyari sayo?” mahina ngunit, buo ang boses nitong tanong.

“Wa-wala po, Sir Dark. Na-nagulat lang ako sa boses mo, pa-para ka kasing mu-multo na bigla-biglang lumilitaw!” Nauutal naisagot ni Anya.

Gusto niyang matawa sa sinabi ng dalaga. Ngunit, naroon ang pagpipigil niya. 

Mabigat na paghinga ang pinakawalan ni Dark, masyadong malapit sa kaniya si Anya bagay na ikinabitaw niya mula sa paghawak sa kamay ng dalaga.

He cleared his throat. 

Inilihis na lamang niya sa ibang bagay ang paningin niya. Hanggat, wala pa siyang gustong gawin sa dalaga ay hahayaan niya muna itong manatili sa pamamahay niya Napaka-inosente kasi ng dalaga. Nahihiya siya sa sarili sa hindi malamang dahilan. Nahihiya siya kahit siya pa ang tipo ng taong walang kinatatakutan.

KALAUNAN, nasundan nang tingin ni Dark ang inihaing ulam ni Anya sa kaniyang harapan. Agad na naagaw ng paningin niya ang piniritong isda ng dalaga na kinulang naman sa apoy para maging uling na ito nang tuluyan.

Tinusok ito ni Dark gamit ang tinidor habang nakalukot ang noo at hindi mabasa ang kaniyang mukha dahil, sa sama. Napalunok si Anya, nakangiwi ito at bakas sa mukha ang nerbyos.

“What is this, Anya?” hindi na napigilang naitanong ni Dark.

“Isda pa ba ito o ano?” pagpapatuloy niya.

Napalunok si Anya, habang kinakamot ang leeg nang nakangiwi.

“Ano kasi—na-nasunog, pe-pero makain pa ’yan. Iyon nga lang, hindi na masarap!” Sagot sa kaniya ni Anya sa mahina nitong tinig.

Dark, trying to calm himself. 

Naikuyom niya ang kamao dahil, sa pagtitimping hindi niya masigawan ang kaharap. May short-tempered siyang pag-uugali kaya hanggat kaya niyang pigilan ang sarili ay gagawin niya.

“May iba pa bang uulamin ko, beside of this fried fish, Anya?” kalmado ang boses niyang tanong sa dalaga.

Ngumiti sa kaniya si Anya, maaliwalas ang mukha nito sabay kuha at lapag ng scramble egg sa kaniyang harapan. 

He clenched his jaw, “May kaalaman ka ba sa pagluluto, Anya?” mahinahon nitong usisa at muling pagsambit sa ngalan ng dalaga.

Tumango kaagad si Anya, “Oo po, kaso hindi ko magawa-gawa dahil, hindi ko kabisado ang lutuan mo, Sir Dark. Alam ko pong palpak ang ginagawa ko. Pasensya na po,” nangingilid ang luhang saad ni Anya.

Iniwas ni Dark ang kaniyang paningin. Naging malambot siya sa pagkakataong makita ang pangingilid ng luha ng dalaga.

“Sit! Samahan mo akong kumain,” utos nito at hindi na umimik pa.

Napalunok, kaagad din sumunod si Anya. Kahit yata simpleng scramble egg, hindi niya magawang lutuin nang maayos. Kasalanan ito ng stove, ayaw makisama sa kaniya.

“Samahan mo ako mamaya, we do shopping and you need to wear something elegant clothes too. Isasama kita sa pupuntahan ko,” seryosong sabi ni Dark.

Napangiti, pinahiran kaagad ni Anya ang luha nito saka sinimulang isubo ang kanin. Nakakapagtaka din ang naging kabaitang pinapakita sa kaniya ng binata. Samantalang kagabi ay halos patayin siya nito. Gusto man niyang tanungin ito ngunit, naroon sa puso niya ang takot.

“Maghunos dili ka, Anya. Pasalamat ka na lang, kinupkop ka ng lalaking ’yan at hindi ginawang alipin!” Sikmat niya sa sarili.

MEANWHILE, at TOWIE SHOPPING MALL

Suot ni Anya ang isang simpleng white t-shirt na pinaresan niya ng mahabang palda. Dahil, wala siyang ibang maisusuot na sandalyas ay ang lumang sandal ang sinuot nito, bigay pa iyon ni Merry sa kaniya.

Hindi naman siya kinahihiya ni Dark, bagkos ay pinuri pa siya nito kanina dahil, maganda daw siya. Dala-dala ang malapad na ngiti niya habang nakasunod sa binata.

“Good morning, Sir! Welcome too, Ma'am!” Nagsiyukuang pagbati sa kanila ng mga staff na nandoon pagkapasok nilang dalawa.

Humanga si Anya, bakas sa mukha ang tuwa at hindi mailarawang saya nito. 

“First time mo pa lang ba nakapunta sa Mall, Anya?” bulong sa kaniya ni Dark.

Saglit siyang tumingin sa binata habang tumatango.

“Oo po, kahit noong buhay pa si nanay, hanggang sa palengke lamang niya ako pinapasyal. Hindi po ganito kalaki!”

“Lahat pala first time mo,” naisatinig ni Dark.

Ngumiti lamang si Anya, habang si Dark ay aliw na aliw ngunit, hindi nahahalata sa mukha nito ang tuwa dahil, laging siyang seryoso na animo’y walang pakiramdam.

Sakay ang elevator ay narating nila ang ikatlong palapag ng mall. Pansin sa mukha ng dalaga ang nerbyos nito dahil namutla ito. 

Dark, cleared his throat. Pasimple niyang hinuli ang kamay ng dalaga saka ito pinisil.

“Calmed down, masasanay ka rin, Anya.”

Pilit na ngiti ang sumilay sa labi ni Anya. 

“Oo po, pero ang sarap sa pandinig kapag tinatawag mo ako sa ngalan ko, parang anghel ang tinig mo, Sir Dark.”

Natigilan si Dark, bigla itong napabitaw mula sa pagkapisil sa palad ng dalaga bago tumikhim. Kakaiba sa kaniya ang pinapahiwatig ng dalaga. Wala man iyong malisya para kay Anya. Subalit, iba ang dating niyon para sa kaniya.

SA DRESS section dinala ni Dark si Anya, at nang makita siya ng mga sales clerk ay kaagad silang sinalubong ng mga ito upang i-entertain.

“Get her a dress that something fit to her,” utos ni Dark sa babaeng nakaharap nito.

“She can’t understand English, so speak with her in the nicest way,” he added.

Yumuko ang babae saka ito ngumiting tumango. Lumapit ito kay Anya saka ngumiti rito.

“This way po, Ma'am. Susukatan ka namin ng isusuot mo,” magalang na pagyaya sa kaniya ng babae.

Walang nagawa pa si Anya nang kaladkarin siya ng dalawang babae. Iniikot-ikot siya ng mga ito nang tuluyan silang nakapasok sa isang malapad na silid. Pagtitig ni Anya sa buong paligid, purong magagandang mga damit ang naroon.

“Heto po, Ma'am. Bagay na bagay sayo ito,” nakangiting sabi ng chinitang babae sabay pakita sa hawak nito.

Napangiwi si Anya, sigurado siyang labas ang kaluluwa niya sa damit na ito.

“Naku po, ayoko niyan! Masyado pong kinulang sa tela!” Paghindi niya.

Natawa ang isang ginang, may bangs ito at nakasuot ng makapal na eyeglass.

“Kailangan mong magsuot ng magagandang damit, hija. Hindi naman yata maganda sa katulad ng isang Dark Silvestre na magkakaasawa ng kagaya mong ignorante!” 

Natahimik si Anya, nahiya siya sa sarili. Nainsulto rin siya sa binigkas ng babae. Napakahalaga ba ni Dark para tratuhin ng mga ito na parang sikat.

“Hayaan mo na,” tawang sabi ng babaeng chinita ang mga mata.

“Ayos lang po, iyan na lang po ang susuotin ko, ma-maganda naman siya,” sabi niya at kinuha mula sa kamay ng babae ang damit.

Sinukat niya ito at halos manlaki ang kaniyang mga mata nang humarap siya sa whole body mirror. Bagay na bagay iyon sa kaniya. 

Isa iyong black v cut spaghetti lace. Manipis ang tela niyon at hanggang hita niya lamang. Tuloy, lumantad ang mapuputing hita niya.

“Ang ganda ko,” puri niya sa sarili habang napapangiti.

Nang lumabas siya mula sa silid na iyon para matingnan siya ni Dark ay nadatnan niya itong abala sa katawagan. Pansin niya rito ang pagsama ng mukha nito.

Hinayaan niya ito hanggang sa matapos. Nakuha nito ang atensyon ni Dark nang magsalita ang ginang na kanina ay masama ang nilalabas ng bibig nito tungkol sa kaniya.

“Mr. Dark Silvestre, narito na po siya!” 

Lumingon ang binata, agad din nitong ibinaba ang tawag habang hindi inaalis ang titig kay Anya. Bumaba-taas ang paningin nito at hindi niya mapagkailang na maganda ang dalaga, mag-ayos man ito o hindi.

“You're beautiful!” Nakangiti niyang puri kay Anya.

Kinuha nito ang black card saka ito iniabot sa babae.

“Hanapan ninyo siya ng magandang sapatos, iyong mahal!” Utos niya sa mga ito.

Nang umalis ang mga ito ay inilahad ni Dark ang kaniyang braso kay Anya para maalalayan ito.

“Salamat po, Sir Dark. Sobra-sobra na po ito. Nakakahiya ngang magsuot ng gaya nito!”

Natigilan mula sa pagyakap ng kaniyang sarili si Anya nang hubarin na ni Dark ang kaniyang suot na gray coat sabay ipinatong ito sa kaniyang balikat.

“You're too skinny, Anya. Don't take it off. Parang gusto ko na lang ipasuot sayo ang mahabang palda mo.”

Hindi malaman ni Anya kung tatawa ba siya o mahihiya sa inasal ng lalaki. Minsan, mabait ito, minsan masungit at minsan mabangis.

SAMANTALA, naroon sa mahabang mesa ang dalawang taong nag-uusap sa madilim sa silid. Nakangising hinithit ng matandang lalaki ang tobacco nito saka ito ibinuga sa mukha ng lalaking kausap.

“Dark Silvestre, is really dump.  He is lazy as you are. Buong akala niya ay tapat sa kaniya ang mga taong nakapaligid sa kaniya.” 

Kuyom ang kamao, naiyuko lamang ng lalaki ang ulo nito.

“Do you expect he will forgive you, once he knows you are a traitor?” laugh the oldman said and gently slap the guy cheeks.

“My dear son, gawin mo ang nararapat. Alalahanin mong pinaslang niya ang kapatid mo!” Asik nito saka nagngangalit ang bagang ng matanda saka nagpatuloy.

“I will wringed that Silvestre's neck! Ipapalasap ko sa kaniya kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay!” Pagalit nitong sabi.

Lalong tumindi ang sama ng loob ng binata para kay Dark. Ngunit, naroon pa rin sa puso nito ang puwang ng pagkakaibigan.

“Kill him, or else I will kill your lover!” Pagbabanta ng matanda.

Nangangalit ang bagang ng binata saka mahigpit na napakamao. Hawak ng matanda ang nobya nito at ito rin ang ginawa nitong panakot sa kaniya para gawin niya ang inuutos nitong patayin si Dark.

“Siguraduhin mo lang na wala kang ginawang masama sa nobya ko. Oras na may mangyari sa kaniya. Alalahanin mong, kaya kitang patayin!” Gigil nitong banta.

Tumawa lamang nang malakas ang matanda. Saka nito kinuha ang tobacco at walang awa nitong dinurog sa braso ng binata ang hawak habang nakasindi pa ito.

“That's why I loved to play with you all! Hanga din ako sa tapang mo! Pag-igihan mo lang.”

Umalis ang matanda habang naiwang napaluhod sa malawak na silid ang lalaki. He silently cried and asking for Dark's  forgiveness.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 34: Thoughts

    NAPANGIWI at iniinda ni Demon ang paghapdi ng sugat sa braso niya habang tinatahi ni Terrence. Sa clinic kasi ng kaibigan siya dumeretso pagkatapos siyang sugurin ng babaeng nakasiping. Nakabalot pa ng puting sapin ng higaan si Demon dahil wala itong suot kahit ni ano. “I think, she wants you to be dead in pleasure, Dem. Next time kasi, safety before kalibugan. Look at you, para kang suman.” Natatawang saad ni Terrence. “Tsk! Gamutin mo na lang ang sugat ko, mamaya mo na ako sermonan, doktor.” Umiling si Terrence, bahagya itong natigilan nang may kung anong mapansin sa puting tela. Maya-maya ngumisi ito. “Ikaw yata ang nakauna sa nakalaban mo, tingnan mo…nag-iwan ka pa ng ibidensya.” Kaagad na tinitigan ni Demon ang tinuro ni Terrence. Naglaro kaagad sa isip niya kung paano bumaon ang kuko ng babae sa likuran niya pagkatapos noon, ramdam niyang may napunit at sigurado siya. Berhen pa ito. “Too risky. I don’t know what’s got on to her, bigla na lang siyang sumugod at balak

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 33: Demon's Secret

    MULA SA loob ng madilim na Underground, sa isang arena na nakarehas na bakal. Patuloy na nakipagbasagan ng mukha si Demon sa kaduwelo nito. Halos maligo na sariling dugo ang lalaking kalaban ni Demon habang si Demon naman ay pumutok ang labi pati na ang kilay.Nakangisi lamang si Demon habang tinatanggap ang paggawang sipa at suntok ng kaharap. Walang suot na gloves, tanging manipis na puting tela lamang ang siyang pansapin nila sa bawat kamao. Dumugo ang kamao niya pero hindi niya ito pinagtuonan nang pansin. Ang tanging hangad niya lamang ay muling maipanalo ang laban at makuha ang premyo. Babae, pera, at mamahaling kotse.Humigpit ang kamao ni Demon sa muling pagsugod ng kaharap. Tumitibok ang dibdib niya…hindi sa takot, kundi sa adrenalinang matagal nang nakakulong sa kanyang mga ugat. Sumilay ang nakakalokong ngisi niya. Walang babala. Sumugod ang kalaban, habang mabilis ang kamao at isang right hook ang pinukol nito. Pero hindi nagulat si Demon, bahagya siyang kumiling pakanan,

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER CONTINUES: Under Dark’s Leadership!

    SAKSI si Demon kung paano magmahal ang kakambal na si Dark. Naging malambot ito mula nang dumating si Anya. Si Anya, na siya rin bumihag sa puso ni Demon. Ngunit, sadyang malihim si Demon kumpara sa kakambal niya. Sa kabila ng maamong mukha nakatago ang misteryosong katauhan. Demon smirks, and a devilish smile trace on his lips. He was sitting on the couch, busy staring at the pictures stuck on the wall. It’s all Anya’s stolen shot where he was stolen. Weird. Pero naging stalker siya ni Anya, without his twin brother knowing. “Why do I been so obsessed to you like this, Anya. I know, this is a dampness I ever done in my entire life. Masakit lang isipin na minamahal kita kahit mahal ka ng kakambal ko.” Tinitigan ni Demon ang nakangiting larawan ni Anya na noon at nakadikit sa pader. Hindi lamang isa kundi marami. Marahan siyang tumayo at itinukod ang magkabilang braso sa lamesita, at marahan na tinitigan ang mga nakapaskil na kuhang larawan ni Anya. Bumakat ang nagmamasel niyang br

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 32: BAGONG YUGTO! 

    HABANG bumiyahe ay hindi maiwasan kabahan ni Dark. Wala siyang kinatatakutan but, this time. Ramdam na ramdam niya ang kaba. Pupunta sila ni Anya sa pamamahay ng ama nito kasama ang kanilang mga anak. Saglit niyang nilingon ang asawa nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at hinigpitan ito. “Sigurado ka na ba, Dark?” usisa sa kaniya ni Anya. “Oo naman. Ito na rin ang tamang pagkakataon, Anya. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa inyo ng mga anak ko.” Natawa sa kaniya si Anya, “Don’t worry, kapag ipabugbog ka ni, daddy. Siguraduhin niya lang na hindi ka masasaktan. Ako, makakalaban niya!” “Silly! Hindi ako natatakot, Anya. But, I will respect your father. Hindi ako lalaban, huwag niya lang kayong ilayo sa ‘kin.” Ngumilid kaagad ang luha ni Anya habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. At saka nito isinandal ang ulo sa kanyang balikat. “I want to be with you, Dark. I wanna grow old with you.” Tanging pagngiti nang malawak ang sumilay sa labi ni Dar

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 31: United!

    NAIHANDA na ang lahat at planado na rin. Mula sa idea ni Terrence ay nabuo ang surprise proposal ni Dark. Bagay na hindi naman nalaman ni Anya.Nasa outing sila sa pagkakataon na iyon. At sa pagmamay-aring resort ni Leiron ay doon nila napagpasyahan puntahan.Maaliwalas ang panahon sa mga sandaling iyon at sinasabayan nang paghampas ng hangin ang tuyong dahon. Sa pagbulusok niyon paibaba, hindi maiwasang sundan ito ni Anya nang tingin at damhin ang pagdampi niyon sa kaniyang palad.Napakaaliwalas ng mukha nito bagay para bahagyang mapangiti si Dark. Nasa kalagitnaan sila ng autumn forest, kung saan nakapalibot ang mga magagandang punong kahoy at naghalo-halo ang kulay ng mga dahon nito. Pinaghalong orange, red and gold.Dark stood still beside Anya. As they walked along a winding path carpeted with a mosaic of foliage, Dark's heart beat with a nervous anticipation that matched the rustling of the leaves above.

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 30: Pagpakilala!

    “Ma!” naisambit ni Zee nang mapansin nito ang ina.Biglang umalis mula sa pinagtataguan niya si Anya. At kita niya ang kaagad na pagkahiwalay ng dalawa mula sa pagyakapan.  Natuon din ang paningin sa kaniya ni Dark. Ngiting pilit naman ang ginawad ni Anya sa asawa. Habang nakatingin sa kinaroroonan niya ang kararating na mga bisita at saka lumapad ang ngiti ng mga ito.Hindi na rin kumibo pa si Anya nang humakbang papalapit sa kinaroroonan niya si Dark para puntahan at hulihin nito ang kamay niya para hawakan ito, bagay para titigan niya ito sa mukha.Umarko ang kilay ni Anya maging ang babaeng yumakap sa kaniyang asawa kanina ay nanlaki ang mga mata. Hanggang sa inagawa nito ang kamay niya mula kay Dark at saka ngiting-ngiting ipinakilala ang sarili.“Ate! Oh my Gosh. I’m Yviona Silvestre, natatandaan mo ba ako. Ako ’yung intern na hawak mo!” “Yve? Woah! Ma-magkapatid kayo?”“Aha! You're right! Ako

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status