Share

CHAPTER FIVE

ANGELA’S POV:

Nang malaman ko ang balitang iyon mula sa Hari ay kaagad akong umuwi sa HQ namin at magdamag na gising. Kaagad din naman sumunod ang mga kaibigan ko sa kadahilanang nag-aalala sila sa akin. Nang mag-usap kami kanina ay inabot niya sa akin ang letter na naglalaman noong sinasabi niya.

May iba’t-ibang codes doon pero ang mas naintindihan ko kaagad ay yung Morse Code. Yung iba ay Binary, Atbash and yung Dice Cipher pero kaagad kong nabasa iyong sa Morse Code.  

- -| . . -|-.|- -.|. .|-.-|. .

The code means Mungiki which means multitude. So marami talaga sila, marami silang may hawak sa kambal ko? Bakit ngayon lang sila nagparamdam at nagsabi na nasa kanila ang kakambal ko? Are they trying to fool me?

Walang katok-katok na pumasok si Kylie sa kwarto ko kaya napatingin ako sa kanya na nagtatanong ang mga mata. “Gel, I think they are just trying to fool us. I think this is just a trap.”

“There’s no reason to not try finding and locating them, Kylie. If it was just their trap then I’ll not think twice and ambush them. How dare they use my twin as a trap? Fck them!” nanggigigil kong untag at saka napabangon sa aking higaan. “Sabagay, let’s go to the control room? Let’s try to track that Org who is claiming that your twin is with them.”

Kylie suggested kaya napatango at napasang-ayon ako sa sinabi niya. Ang tatlong kaibigan ko ay tulog pa siguro dahil sa pagod kagabi. “Ky, hindi ka ba natulog?”

Habang naglalakad kami patungong elevator ay napakamot si Kylie sa kanyang batok saka napalingon sa direksyon ko. “Nakatulog naman ako. Mga dalawang oras lang siguro yung naging tulog ko saka nag-aalala rin ako sayo nang malaman ang balitang iyon mula sa Hari.”

Nang makapasok na kami sa elevator ay pinindot na ni Kylie ang second floor. “Sa tingin mo, ano kaya ang gagawin niya? May ginawa kaya siya para mahanap ang anak niya, ang kakambal ko?” tanong ko kay Kylie na ngayon ay nakatitig na pala sa akin.

“Para sa’kin, oo meron pero hindi mo at natin nahahalata. Masikreto siyang tao pero pinapakita niya naman sa inyo na mahal na mahal niya kayo, hindi ba?” Kylie has a point but I am not so sure about the love she’s talking. If He really love us then he should’ve left all those big responsibilities that he has been encountering para maiwasan ng pamilya ang mga kapahamakan, he should’ve ensured us the protection.

Okay we’re protected through his connections but that isn’t just enough, I just wanna feel the protection of a Father.

Bumuntong hininga ako bago lumabas sa elevator nang bumukas ito. “Don’t ever believe the saying “to see is to believe”, Gel. What you just need to do right now is to feel and not be numbed so you would be secured without worries.” Kumindat pa siya bago humarap sa scanner para sa face recognition.

Ba’t ang daming alam ng babaeng ito? May alam ba siya? Hm well, she’s always been a great help.

“Thank you, Kylie. Thank you for everything.” Pagpapasalamat ko sa kanya saka humarap na rin sa scanner. Hinintay niya muna akong matapos. “It’s my pleasure, Gel. Let’s start?”

Kylie is a professional hacker so I know that we could track this Mungiki Org with no time. Umupo kaagad si Kylie sa isang upuan saka sinimulan nang magtipa, kaya ko namang manghack kaso hindi ganoon kagaling kumpara kay Kylie. She’s fast when it comes to this, she even memorized every encryptions and every codes kaya bilib na bilib ako sa kanya pagdating dito.

Di umabot ng isang oras ay tumunog ang computer na para bang may nailocate ito, may isang arrow na pino-point ang isang location and when seeing the Philippine Map, malayo ito sa lokasyon naming dahil nasa Luzon ito, specifically in Manila at malayong-malayo ito sa kinaroroonan namin. Kaya nang mapagtanto ay napatingin si Kylie sa direksyon ko.

“Wala ba silang HQ na malapit sa atin dito? Try locating in any islands of Cebu baka nandoon sila o di kaya somewhere south?” suhestiyon ko na ikinatango ni Kylie. Nagtipa ulit siya ng nagtipa ng kung ano-ano hanggang sa nagpakita ulit yung green arrow katulad kanina kaso nagiging pula rin ito minsan at minsan nagiging green.

“You’re right, Gel. Their headquarters is somewhere south in this little island but I think dahil sa mahina ang signal nila doon ay nagiging red na lang minsan ang arrow.” Wika ni Kylie at mas lalo pang ini-zoom ang lokasyon ng Mungiki Org. “Could it be that they are undergrounf or underwater?”

“That’s possible, Gel. May tinatago siguro sila besides their group.” Sagot ni Kylie na ngayon ay nagsearch sa g****e ng location at ang tungkol sa island na kinaroroonan nila, sa Sumilon Island. Ayon sa research ni Kylie ay maliit nga lang talaga ang island na ito pero magandang-maganda, paano nila nagawang magtago sa magandang lugar na ito?

Hindi ba nila alam na ‘pag may a-ambush sa kanila na ibang grupo ay maaaring masira nila ang kagandahan ng islang ito? Kailangang mapatalsik sila kaagad sa lugar na iyon bago pa may mangyaring hindi maganda.

“Sa tingin mo ba’y may ginagawa silang illegal na transaksyon doon? Bali-balita daw kasi na malinis at walang masyadong kaso ang mga taong naroroon. Hindi kaya’y pinoprotektahan sila?” sunod-sunod na tanong ni Kylie na nakapagpatrigger ng mga iniisip sa utak ko. Ba’t hindi ko iyon naisip?

“Tama siguro ‘yang naisip mo, Kylie. Sa tingin ko rin ay kasali halos lahat ng politiko na nandoon sa Mungiki. Let’s find that out right now!” I am really eager to know things about this Org and I badly wanted to see my twin! I missed him so much..

Napatitig lang ako sa sahig ng ilang minute bago napabalik sa ulirat at nakita ang seryosong tingin na ipinukol ni Kylie sa akin. “What?” tanong ko sa kanya at sa ginawang paninitig.

“I think you still need to rest, Gel. Ako na muna ang bahala rito, umidlip ka muna dyan sa mini sofa at ‘pag may nahanap ulit akong impormasyon tungkol sa kapatid mo at sa grupo nila ay sasabihin ko kaagad sayo. Okay ba yun?” suhestiyon ni Kylie sa akin at makikita mo sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

“Paano ka?” tanong ko pabalik. “I’m okay, saka this is nothing new to me. Nakatulog din naman ako saglit kanina compared to you na magdamag gising. Magpahinga ka na muna, your system needs to rest.” I am assured dahil sa sinabi niya kaya tinanguan ko siya at inayos ang mini sofa na narito sa control room at kalaunan ay napahiga rin.

Hindi ako nakatulog kaagad dahil sa kakaisip ng mga posibleng mangyari sa kapatid ko at sa lahat ng nakapaligid ko. Maraming what-ifs at katanungan ang dumadaloy sa isipan ko pero maya-maya’y hinila na rin ako sa wakas ng antok.

Nagising ako bigla dahil sa ingay ng alarm ng emergency ng HQ namin, nagising din si Kylie na nakatulog sa harapan ng computer. Dali-dali akong bumangon at tinungo ang computer kung saan makikita ang kaganapan sa labas. Nakita kong may isang taong naka all black ang attire at balot na balot siya na pati ang mukha ay hindi makikita.

Naalarma ito nang marinig ang alarm kaya dali-dali nitong inilagay ang sobre sa mailbox naming saka tumakbo. Nang mapalingon ako para tignan si Kylie ay hindi lamang siya ang nakita ko, pati na rin ang tatlo kong kaibigan na parehong nagising dahil sa tunog ng alarm.

Hindi ko na sila kinibo pa at nagmamadaling pumunta sa elevator para kunin ang kung anong inilagay ng lalakeng iyon sa mailbox naming. Naramdaman ko naman na kaagad sumunod sa akin ang aking mga kaibigan patungong elevator kaya hinayaan ko na lamang sila. I am curious as hell! Baka kagagawan na naman ulit iyon ng Mungiki pero kung kagagawan nga nila ay bakit alam nila kung saan matatagpuan ang HQ namin?

Nang bumukas ang elevator ay napatakbo ako sa labas at sumunod din ulit ang aking mga kaibigan, nang mabuksan at makuha ko na ang sobre ay nakita kong may isang bondpaper na nakapaloob ng sobreng aking hawak-hawak.

Isa ngang sulat! Mas lalong lumapit ang aking mga kaibigan para makita ang nilalaman ng sulat. Sabi sa sulat na hindi na dapat kaming sumugod o makialam patungkol sa Mungiki Org dahil naaksyunan na kaagad ang problemang iyon ng Mafia King. Sabir in sa sulat na isa nga lamang iyong trap para patumbahin kami, dahil kailanman ay wala sa kamay ng Organisasyon na iyon ang aking kakambal.

I was fuming mad and at the same time sad dahil matagal pa bago ko makita ang aking kakambal. Pagkatapos naming mabasa ang nilalaman ng sulat ay kaagad kaming pumasok sa loob ng HQ namin.

“I suggest na maghanda at mag-impake na kayo ng inyong gamit dahil mamayang hapon ay uuwi na tayo sa ating bahay para makapaghanda rin sa papasok natin bukas.” Wika ko saka pumasok na sa loob ng aking kwarto. Narinig ko ang sari-saring pag- “oo” ng apat upang sumang-ayon sa gusto kong iparating.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status