Share

CHAPTER FOUR

ANGELA’S POV:

Nagulat ako nang lumapit ang kanang kamay ng Hari sa amin at naghatid ng mensahe na tinatawag daw kami. Syempre ayaw kong iwan kaagad ang battle, kapag kasi hindi ako mananatili rito ay mawawalan ako ng gana. Napatango na lang ang matanda at kaagad umalis, alam kong nirerespeto niya yung desisyon ko at alam ko ring alam niya kung bakit ayaw ko pang pumunta sa itaas.

“Ang mean mo talaga, Gel!” malungkot na saad ni Tiffany habang naka-crossed arms kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “What’s wrong with what I’ve said, Tiffany?”

Nang makita niya ang seryosong tono ng pananalita ko ay tumingin siya kaagad sa battle grounds kung saan ay may naglalaban na ngayon. “Wala po, wala.”

Ang labanang ito ay hindi lamang natatapos ng isang araw, may possibility na maitutuloy ang susunod na labanan sa susunod na lingo dahil na rin sa pagiging marami ng gangs na kasali. Hindi lang kasi natatapos ang lahat sa isang round, kung sinong mananalo sa first round ay siyang makaka-proceed sa second round at doon magkakala-kalaban ang naging panalo sa first round.

Sa third round ay ganoon din, kumbaga paubos ng paubos ang mga maglalaban. Siguro sa last round ay apat na lang ang maglalaban at ang posibleng gang na makakasali sa organization ng Mafia King ay nasa mga dalawa.

Ngayon ay dalawang gang naman ang magkakalaban at puro babae, ang sakit lang sa mata nung mga sinuot ng mga babae, masyadong maikli na animo’y sasali sa isang paligsahan ng paiklian. Tsk.

Sigurado akong ngayong gabi kami makakapaglaban, bukas naman ay absent pa rin kami dahil kailangan din naming magpahinga at relax ang sarili namin bago ulit sumailalim sa matinding labanan sa paaralan. Not literally but yung pakikipaglaban academically. Sa aming limang magkakaibigan ay walang ni isa ang nakakakuha ng grado na 85 pababa, siguro dahil sa mga kaalaman namin sa maraming bagay ay nai-aapply na namin ito sa paaralan namin.

Alas nuwebe na at ngayon ay ika- labing syam na gang na ang nakikipaglaban. Hiling ko lang na sana kami na ang isusunod nito. Hindi ako makafocus sa labanan dahil sa ginawang paninitig ng ibang tao sa amin, lalo na mula sa isang lalakeng myembro ng X Lethal.

Hindi ako sigurado kung myembro ba siya o lider, basta sa akin, nakakainis na ang kanyang pabalik-balik at pasulyap-sulyap na titig sa amin kaya nang mahuli ko ang kanyang paninitig ay binigyan ko siya ng masamang titig kaya ito napaiwas ng tingin kaagad.

Inanunsyo na ng emcee ang panalo at ang nanalo ay ang Young Threats. I don’t know them and I don’t intend to. Ngayon naman ay iaanunsyo na ng emcee ang sunod na maglalaban. “Ngayon ay mula sa mga babae naman tayo tumungo! Ito ang ika-dalawampong labanan ngayon, maglalaban ang Phantom Ladies at ang pinaka-inaabangan ninyong… Deadly Royalties!”

Halo-halong sigaw, singhap at bulungan ang siyang bumungad sa amin pagkatapos ianunsyo iyon ng emcee, maraming tao ang napatingin sa aming direksyon na para bang naaawa sila sa amin.

“They really thought that we’re faking our own identities, huh?” nakangisi kong wika. “Mga bobo, tignan lang natin ngayon kung sino ang kakaawaan nila.” Natatawang saad ni Kylie saka tumayo.

Tumayo na rin kaming apat at sinundan si Kylie na nangunguna na ngayon patungo sa Battle Ground. “Kaawa-awa ba tayo tignan guys?” napahinto si Kylie na nasa harapan ko sa paglalakad dahil sa sinabing iyon ni Tiffany. “Isa ka rin eh!” naiinis niyang untag at tumalikod saka nagpatuloy sa paglalakad patungong battle ground.

Nakita na namin na nasa gitna na ang limang babaeng aming makakalaban. Habang papalapit kami ay kita naming mula pa sa aming lokasyon ang kanilang mapaglarong ngisi. “Kita niyo ‘yang mga ngisi nila? Mawawala rin yan mamaya. Hahaha!” natatawang wika ni Bea na tinuturo ang limang babae.

Nang makarating at makatungtong kami sa battle grounds ay nakita namin ang nakataas na kilay ng lider yata nila. “What are you doing?” she said pertaining to what Bea did.

“Tinuro kayo, hindi ba yun obvious, miss?” mataray at pilosopang sagot ni Tiffany kaya ang tatlo kong mga kaibigan ay nagpigil sa kanilang mga tawa. Kita ko naman ang inis na ekspresyon ng limang babae.

“Why are you still standing? You afraid to move first?” nakangising  wika ng isa sa myembro nila. “Are you dumb? Hindi pa nga nagsisimula gusto niyo na kaagad kaming sumugod sa inyo? Tss.” Galit na wika ko saka sila tinitigan ng mariin.

What kind of brain do these girls have? It’s plainly obvious since hindi pa tumunog at kinasa yung baril. Dahil sa inis ay napa- ‘step backward’ sila at naghanda sa kanilang posisyon. Ilang segundo ang nagtagal ay tumunog na ang baril hudyat na sisimulan na namin ang aming labanan.

“Here we will witness an intense fight within these two groups of gangsters!” sigaw ng emcee na ngayo’y nakatuon na ang atensyon sa amin at sa aming gagawin.

Unang sumugod ay yung leader nila, nagtangka siyang lumapit sa akin kaya hinayaan ko na lang. Bale isa-isa kami ng kalaban ngayon, at dahil bigla akong nawala sa aking ulirat ay malayang naisipa ng kaharap kong babae ngayon ang aking binti kaya napaluhod ako ng kaonti.

I didn’t saw that coming. Sa pagluhod ko ay sari-saring reaksyon ang natanggap ko mula sa madla, na hindi daw talaga ako yung lider ng grupo at hindi daw kami yung totoong “Deadly Royalties” kaya kaagad akong napatayo at tumakbo ng mabilis patungo sa kalaban ko.

Akma niya akong suntukin pero nakailag at napayuko ako kaya nagkaroon ako ng tyansa na sikuhin ang kanyang tagiliran at pagkatapos ay tinadyakan ang kanyang tuhod. Napahiyaw siya dahil sa sakit at nginisihan siya.

“It’s too early to have a feast, darling. Hindi na yun mauulit ang ginawa mo kanina.” Seryosong saad ko saka hinila ang dulo ng kanyang buhok at pinatayo siya ng matuwid. Mas matangkad pa ako sa kanya kaya madali lang para sa akin na gawin iyon.

Pinaharap ko siya sa mga madla, tinapakan ko ang isa niya paa para hindi makagalaw.

“If you don’t believe us, that we are the Deadly Royalties, then watch me.” Pasigaw kong sabi at kapagkuwa’y hinablot ang kutsilyo na nasa bewang niya at tinutok sa kanyang leeg. “This would hurt, tiisin mo na lang. Remember, you dared on provoking me.”

Napasinghap ang lahat sa ginawa ko and with their reactions, I was satisfied. Binitawan ko ang paghawak sa kanyang buhok pero mas diniinan ko pa ang pagtapak sa kanyang paa para hindi talaga makawala. I tore a small portion of cloth in her attire at kitang-kita na ang kanyang leeg hanggang sa kanyang balikat.

I carved the letter R on her skin, napahiyaw ulit siya dahil sa sakit at hapdi na dulot ng ginawa ko. “Shh, where are your guts now?”

Pagkatapos ko yung gawin ay inihagis ko ang kutsilyo ko sa sahig at kitang- kita roon ang bahid ng kanyang dugo. “She is breaking the rules!”

May isang lalakeng napasigaw at napatayo mula sa madla kaya noong napatingin ako sa direksyon niya ay dahan-dahan siyang napaupo na para bang natakot sa ginawa kong paninitig. “I just marked her, I didn’t kill her. It’s not breaking the rules, right?”

Nang napatingin ako sa emcee ay napatango-tango ito sa pagsang-ayon dahil sa sinabi ko. Kita ko na nakahandusay na ngayon ang babaeng katapat ko kanina, hawak-hawak nito ang sugatang braso at patuloy na dumadaing sa sakit.

Tinawag ko ang isang tagapagbantay at sinabihang ipadala ang babae sa medic at walang pagdadalawang-isip ay tumango siya saka tinawag ang kasamahan niya at humingi ng tulong sa pagkarga ng babae.

Ngayon ay napaupo ako sa gilid dahil tapos na ang aking trabaho, ramdam ko ulit ang paninitig ng ibang tao sa akin kaya binalewala ko na lang iyon. Tutok na tutok ako sa labanan ng mga gangmates ko, hingal na hingal na sila pero kahit na ganoon ay alam kong magagawa nila iyon at malalagpasan nila ang labanang ito kasama ko.

Nilabas ng mga kalaban nila Nicole ang kanilang iba’t- ibang klaseng kutsilyo pero alam nila ang gagawin at ginawa ng kalaban kaya bago nila makuha ng tuluyan ang kanilang mga kutsilyo ay naisipa na nila ang mga iyon kaya napunta ito sa ibang direksyon. Luckily, walang tao ang natamaan.

After 6 minutes and a half ay sumuko ang kanilang mga kalaban, sari-saring mga hiyawan ang narinig naming pagkatapos naming manalo laban sa aming kalaban. Tsk.

“Iyon lang pala ang makakapagpaniwala sa inyo na sila talaga ang Deadly Royalties. Hahaha!” natatawang wika ng emcee. Tumayo ako at nilapitan ang aking mga kaibigan, bago naming nilisan ang Battle Grounds ay yumuko kami ng kaonti saka umalis na.

“How was it?” tanong ko habang naglalakad pabalik sa aming upuan. “It was totally fun, Gel! Lalong- lalo na yung ginawa mo, it was super intense!” masayang untag ni Nicole.

Habang pabalik kami sa aming mga upuan ay pinagtitinginan ulit kami ng mga gang na nakakasalubong naming papunta sa aming patutunguhan kaya napahinto kami sa pag-uusap saglit pero nang makaupo na ay napabuntong hininga ako at tinitigan ulit sila nang magsimulang magkwento.

“Ang sakit nung ginawa mo ah! Brutal as always.” Wika ni Kylie na ngayon ay nasa tabi ko. “Kinakailangan kong gawin iyon, ayokong palagi na lang tayong pagsasabihan na impostor.”

“Sabagay tama ka nga naman, boss. Buti at kaonting marka lang yun ano?” pagsang-ayon ni Bea sa akin. “Pumunta na tayo sa itaas?” nagsitayuan kaagad sila nang sabihin ko yun at nagsimula ulit maglakad at tinungo ang elevator.

Pupuntahan naming ang Mafia King ngayon since pinatawag niya raw kami kanina. Okay lang naman na hindi kami present doon sa Arena ng panandalian since may maglalaban pa naman at alam kong matagal pa bago matapos.

It’s passed 12 already and I still can’t feel any signs of me being tired, siguro nagising pa ako lalo dahil sa labanan kanina. It’s just too sudden that the Mafia King called us. Anong meron at ipinapatawag niya kami? To welcome us because of our comeback or maybe because may ipapagawa siya? Nakakalito at nakakapanghinayang.

Nang makarating kami ay kumatok muna si Tiffany sa pintuan at binuksan naman ito kaagad ng kanang kamay ng Hari. Pumunta kami sa harapan ng Hari at kita kong masaya ito dahil sa aming pagbabalik. “It’s been years since you entered this Arena, Royalties and I’m so grateful that you have thought to come back and join this battle again. Shall I say, welcome back?”

Napatawa ng saglit at napatingin sa akin kaya nginitian ko na lang siya, “Thank you, our King. You know that it was always our goal to join your Mafia Organization.” Napangisi ito dahil sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

“Is it? Well, again, you did a great job on the Battle Grounds. Wala pa ring ipinagbago, magagaling pa rin talaga kayo. It surely runs in the blood, eh?” napatawa naman ang aking mga kaibigan dahil sa sinabi ng Hari habang ako ay seryoso pa ring nakatingin sa kanya. Okay let’s say that I hate him, but not too much.

There is just a part of him that I hated, him being so hypocrite.

Napatigil sila sa pagkwekwentuhan nang magsalita ako. “Bakit mo nga pala kami ipinatawag dito? I think welcoming us isn’t the reason, right?” agarang tanong ko sa Hari. Napangiti naman ito dahil sa tinanong ko. “You’re right. Actually, we have received a mail coming from anonymous yesterday.”

“And?” naiiritang tanong ko dahil ayaw pa niyang diretsuhin ang kanyang sasabihin.

“Are you really sure that you want to know?” naniniguradong tanong ng Hari. So I rolled my eyes at him, it was surely obvious that I really wanted to know! I’m really curious as hell!

“Yes! Of course.”

“It was said in the letter that your twin is with them.” At napatulala ako sa sinabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status