Share

36 - New Life

4 YEARS LATER

“Are you ready, Tabitha?” tanong sa akin ni Augustos habang abala ito sa paghiwa ng steak n’ya. “Sa susunod na linggo na internship mo sa Lancaster Empire. Are you nervous?” sunod n’yang tanong.

Pinunasan ko muna ang gilid ng labi ko bago bumaling sa kanya. Sinalubong n’ya ang tingin ko ng malalamig at mga abo n’yang mga mata. Hanggang ngayon ay nai-intimidate pa rin ako sa matandang ‘to. Idagdag pa ang pilat n’ya sa kanan n’yang mukha na mas lalong nagpatapang sa itsura n’ya.

Apat na taon na ang nakakalipas nang maaksidente ako. Halos isang taon akong comatose dahil sa matinding tama ko sa ulo at nang magising ako ay ang pamilya Burton ang nalaman kong kumupkop sa akin.

Hinanap nila ang record ko at nang malaman nilang deceased na ang mga magulang ko ay doon sila nagpasyang panagutan ang kalagayan ko. Hindi nila alam na may asawa at pamilya ako kaya dinala ako rito sa ciudad para ipagamot.

Hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa akin ang mga naiwan kong pamilya at ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status