Share

CHAPTER 2

Isang pulang dapit na hapit na hapit sa katawan ko na mas nag-palitaw sa makurba kong katawan. Lumilitaw rin ang kaputian ko na ewan ko ba kung saan ko ito namana eih hindi naman maputi ang magulang ko. Tinanong ko si mama eih sabi niya pinaglihi niya daw ako sa Amerikano. Sabi naman ni Joannah para daw akong si Snow White.

Nag-light make up lang ako since ayoko ng makapal na make-up tsaka hinayaan ko lang na nakalugay ang mataas kong buhok. Nag-suot ako ng heels na hanggang four inches.

Nang matanto na walang tao sa bahay ay hindi na ako nag-abala pang hanapin sila mama at papa nang makapagpaalam sana muna ako. Panigurado ay nandoon na naman sa sugalan si mama tsaka si papa ay nag-iinom na naman iyon kasama ang kanyang mga barkada. Ang mga kapatid ko naman panigurado din nasa computer shop ang mga iyon.

Ganito naman lagi at nakakapagod kung iisipin. Alam naman ni papa na sapat lang ang kinikita niya sa construction pero heto sila't winawaldas sa maling paraan. Nalulong na sa bisyo at minsan ko na silang kinumpronta sa bagay na iyon pero nainis lamang si mama sa'kin dahil anak lang ako. Wala akong karapatan pag-sabihan sila.

Mabuti na lamang at hinayaan nila akong pumasyal katulad ng mag-bar tsaka 'yong sweldo ko naman ay hinahati ko, para sa'kin at para kina mama. Nag-iipon kasi ako para makapag-tapos ng pag-aaral. Sayang man ay dapat nasa huling taon na ako sa college ay natigil pa. Hindi kasi namin kinaya ang gastusin lalo't si Zemuel ay nasa high-school at si Shane naman ay nasa first year college. Minabuti ko na lang na mag-give way para sa dalawa kong kapatid.

Chineck ko muna ang sarili sa salamin bago nilisan ang bahay. Nakatira kami sa squatter area kaya ang mga kapit-bahay kong chismosa at chismoso ay agad nag-sipaglingunan sa gawi ko.

Nag-kasundo kami ni Joannah na sa sakayan ng taxi kami mag-kikita pero nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

From: Bes Joannah

Message: 

Bes, mauna ka na sa bar at doon na lang ako magpapaliwanag sayo kung bakit malelate ako.

Isa na naman text mula sa kanya.

From: Bes Joannah

Message:

Sa FDS Bar tayo mag-kita. Bye, see you there.

Naku naman talaga, mukhang mag-isa akong tutungo sa bar na iyon. Baka kasi hindi pa nag-sarado ang gulayan store nila Joannah sa palengke eih. Mukhang ngayon ko lamang narinig ang pangalan ng bar, si Joannah kasi talaga ang namimili kung saan dapat kami mag-babar.

***

Bababa na sana ako matapos kung mag-abot ng bayad ng biglang mag-salita ang taxi driver.

"Naku ma'am, mag-ingat po kayo diyan," ani nito sabay tingin sa kaharap na bar.

"Sige, salamat." Nginitian ko siya saka tuluyan umalis.

Ganoon naman talaga, kailangan talagang mag-ingat at anytime pwede akong mapahamak. Ang bait naman ni manong driver at pinaalalahanan pa ako.

'FDS BAR'

Iyon ang naka-tatak sa harapan ng bar. Ano kaya meaning ng FDS? Matanong nga kay Joannah mamaya.

Napatingin ako sa paligid at kung bakit kakaiba ang bar na nasa harapan ko ngayon. Malaki ang bar kung titignan sa labas tsaka wala man lang ibang buildings na katabi o kaya'y kahit kabahayan man lang. Ito lang talaga ang nag-iisang gusali na nakatayo sa lugar na ito.

Tahimik ang paligid at iisang tao lang ang nakita ko, ang bouncer. Ang laki ng katawan tsaka nakakatakot ang mukha. Bakit ba pag-bouncer ay automatic malaki ang katawan tsaka nakakatakot ang mukha?

Natawa ako sa aking naisip.

Nang mapansing umalis ang bouncer upang umihi ay agad akong pumasok. Mabuti narin na hindi na ako dumaan sa bouncer at magtatanong 'yon panigurado lalo pa't hindi ako regular na costumer.

Pagka-pasok ko ay nalula ako sa aking nakikita. Kung anong ikinatahimik ng labas ay iyon naman ang ikinaingay ng loob. Nakaka-hilo ang disco lights, nakaka-bingi ang tugtog, tila mauubo ako sa usok na pumupuno sa silid at ang iba't-ibang amoy ng perfume na humahalo sa amoy ng alak ang naaamoy ko. Ang high-class ng bar, nakikita kong hindi ito mukhang cheap na parang lapitin ng gulo. Ang mga costumer ay halatang mayayaman, kung hindi lang dahil sa ayos ko ngayon ay mag-mumukha akong langaw na naligaw sa bar na ito.

Imbes na matakot ay tila na-excite pa ako, andito ako para mag-lasing at ang tagal naman yata ni Joannah. Mukhang mauuna yata akong malasing nito. Agad akong nakahanap ng pwesto at ang napili ko ay sa bandang hindi masyadong napapansin ng tao.

Habang nag-lalakad ay may napapalingon sa'kin, karamihan ay lalaki at ang iba naman ay tila walang pakialam sa paligid. Madami ding tao, ang iba ay busy sa chikahan at ang iba naman ay nakikipag-sayawan na sa dance floor.

Excited na akong sumayaw mamaya.

Agad akong umorder ng mojito at hindi nag-tagal ay sinimulan ko na ang orasyon este pag-inom. Ang unang baso ay mapait sa lalamunan hanggang sa hindi ko na mabilang kung naka-ilang baso nako.

***

Walang-hiya, nahihilo na ako at wala parin si Joannah. Tumigil muna ako sa pag-inom tsaka ko tiningnan ang aking cellphone mula sa dala kong pouch. Gayon na lamang ang panlulumo ko na naka-off ito. Na lowbatt pa. Paano ko matetext ang bruhang 'yon. Imbes na mamopreblema ay tumayo ako papuntang dancefloor.

Pasuray-suray ako kung mag-lakad at ang disco lights ay dumagdag lamang sakin pagka-hilo. Tila ang daan ay dalawa na sa aking paningin.

An erotic song filled my ears as if it was inviting me to dance and without thinking twice, I started swaying. This is so good, so calmed and relaxing.

Nakakawala ng stress at problema sa mundo. Promise, bukas kakalimutan ko si Klint at ang panloloko niya. I smiled seductively as if may kasama ako. Nadadala na ako sa kalasingan at pinag-igihan pa ang pag-indayog.

Naramdaman kong nahawi ang dancefloor at iniluwa roon ang isang anghel, ang gwapo niya. Sa tindig pa lang ay halatang magaling itong manamit. Papunta ito sa kinaroroonan ko pero hindi man lang ako natakot nang maklaro ko ang maitim na aura nito. Walang emosyon ang mukha pero nababanaag 'ko sa klase ng tingin niya'y parang kakainin niya ako ng buhay.

Nang tuluyan na siyang nakalapit sa'kin ay doon ko lang napag-tanto ang mala-adonis niyang mukha.

Mag-sasalita pa sana siya ng bigla ko siyang kinabig tsaka walang alinlangang hinalikan ko siya sa labi. Pumikit ako ng malasahan ang alak sa kanyang labi, gayunpaman ay kahit naka-inom ito ay mabango parin. Nakakaakit ang malambot niyang labi. Dala ito ng kalasingan kaya ko ito nagagawa ngayon na mas lalong nagpa-hilo sa sistema ko.

Naramdaman 'kong igagalaw na sana niya ang kanyang labi nang bigla akong nakaramdam ng panghihina. Sh*t, kapag ganitong lasing ako ay nawawalan talaga ako ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status