Share

Kabanata 20

Author: Inked Snow
Screek!

May nakakabinging ingay ng mga brake.

Dumaan ang itim na Maserati sa amusement park sa special passageway. Bumukas ang pinto ng kotse at may matangkad na lalaki na lumabas ng mabilis.

“Bayaw—!" ang luhaan na Aura ay tumakbo patungo kay Joshua nung lumabas siya at pumunta siya sa mga braso ni nito. “Anong gagawin ko? Nasa loob si Nellie! Kasalanan ko ang lahat!”

“Hindi ko dapat hinayaan na dalhin ng katulong na ‘yun si Nellie sa taas! Sinabi ko na sa kanila na delikado sa Ferris Wheel, pero hindi pa rin nakinig sa akin ‘yung katulong. Para matuwa si Nellie, sinundan niya ang hiling niya.”

Nalilito si Joshua, hindi niya alam kung totoo ang mga sinasabi ni Aura. “Gaano katagal na silang nasa taas?”

“Sampung minuto na.” pinunasan ni Aura ang kanyang mga luha, sa sobrang lungkot niya ay tila naghihingalo siya. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Nellie! Kung nalaman ko lang na mapupunta siya sa panganib, ako na lang sana ang kasama niya kahit na masama ang pakiramdam ko! Kung ako sana ang kasama ni Nellie, hindi sana ako magiging guilty…”

“Tama na.” kumunot ang noo ni Joshua at nairita siya sa pag iyak ni Aura. “Hindi pa ba ito inayos ng staff sa amusement park?”

“Inaayos na nila simula pa nung nangyari ‘ang aksidente, pero hindi nila alam kung ano ang problema…” tumuro si Aura sa maintenance staff sa ilalim ng Ferris Wheel. “Paano nangyari ‘to…”

Tumingala si Joshua at napansin niya ang nag iisang car na walang pinto ay nakatabingi.

Lalong humigpit ang mga noo ni Joshua.

Sa ganitong matarik na anggulo, ang mga tao sa loob ay hindi makakatagal. Habang iniisip na nasa loob pa rin nito si Nellie, lumubog ang puso ng lalaki sa kanyang tiyan.

Kahit na hindi pa matagal ang pagsasama nila, alam niya na mahinang bata lang si Nellie. Paano niya matitiis ang ganitong paghihirap?

Napuno ng alala at pagkabalisa ang mga mata ng lalaki.

“Lucas.” tinanggal niya ang kanyang jacket at hinagis niya ito sa sahig. “Aakyat ako. Pumunta ka sa control room at tingnan mo ang nangyayari.”

Lumaki ang mga mata ni Aura sa gulat. “Joshua, ikaw… Aakyat ka sa taas?”

Naghintay ng matagal si Aura, at ngayon ay nasa taas pa rin sila pati aakyat si Joshua?

Hindi dapat mangyari ‘to!

Nagmadali si Aura at hinawakan niya ang braso ni Joshua. “Joshua, masyadong delikado. Hayaan mo na sa mga propesyonal ang ganitong mga bagay. ‘Wag na tayong sumugal.”

Lumingon si Joshua at tumingin siya ng malamig sa mukha ni Aura. “Minsan nang nawala sa akin si Luna.”

Nasa South City si Joshua noong noong naaksidente si Luna. Nalampasan niya na ang huling pagkakataon niya. Binigyan siya ng Diyos ng isa pang pagkakataon sa pagtanggap niya kay Nellie, kaya’t bakit siya tatayo lang at walang gagawin?

Habang iniisip ito, hinila niya ang kanyang kamay mula sa pagkahawak ni Aura at naglakad siya sa direksyon ng Ferris Wheel.

“Joshua!”

Tumayo si Aura habang pinapanood ang lalaking palayo, pumadyak siya sa kanyang galit.

Pumunta sa ilalim ng Ferris Wheel ang matangkad na lalaki, at pagkatapos ipaliwanag ang kanyang intensyon sa staff, sinuot niya ang kanyang safety harness at nagsimula na siyang umakyat patungo sa pinakamataas na car.

Habang pinapanood sa malayo, nakatitig si Aura sa likod ni Joshua habang kinagat niya ang kanyang labi.

“Ms. Gibson.” ang bodyguard sa tabi niya ay napagtanto na seryoso na ang mga bagay. “Dapat… na po ba tayong sumuko?”

Lumingon ang babae at tumingin siya ng malamig. “Sa tingin mo ba ay pwede tayong sumuko?”

Walang palya sa plano niya.

Hindi lang niya inaasahan na kakapit ng ganito katagal sina Luna at Nellie!

Wala na ang pinto ng Ferris Wheel car, at nakatabingi ito. Ang kahit sinong normal na tao ay mapapagod na tumayo sa ganyang anggulo ng wala pang sampung minuto! Paano nila kinayang kumapit ng ganito katagal?

“Hindi natin sila hahayaang bumaba sila...” humigpit ang mga kamay ni Aura sa kanyang gilid. “Hindi natin sila hahayaang bumaba sila!”

Tinulak niya na ang lahat ng sisi kay Luna sa harap ni Joshua, at hindi niya hahayaan na mauwi ito sa ganito!

Kahit na mismong umakyat si Joshua para iligtas sila, hindi hahayaan ni Aura na bumaba sila dahil lang nag aalala siya kay Joshua!

“Sabihin mo sa kanila,” huminga ng malalim ang babae. “Ayusin lang nila kapag nahulog na sila.”

Baka bumitaw na sila sa mga susunod na segundo!

...

Sa loob ng master control room, nakaupo si Neil sa harap ng computer at inaral niya ang code symbols na tumatakbo sa computer. “Nigel, nakuha mo na ba?” ang tanong niya habang nag aalala.

Kahit na kaya niyang pasukin ang maraming simpleng firewalls, umaasa pa rin siya kay Nigel kapag may naharap siyang bagay na masyadong teknikal.

“Malapit na.” kalmado lang ang boses ni Nigel sa kabilang linya ng phone. “Na-decipher na ang system, pero wala pa akong karanasan sa control ng amusement park facilities dati. Naghahanap ako ng paraan.”

Sa malayong hospital ward sa kabilang dulo ng karagatan, may batang lalaki na nakaupo sa kama ng hospital at nagbabasa ng isang guide book, nakatingin siya kila Luna at Nellie sa sulok ng mga mata niya.

Kahit na malabo, nakita niya ang isang matapang na lalaki na umakyat sa metal frame ng Ferris Wheel.

Matangkad at matino ang itsura ng lalaki, nakasuot ng black pants at white shirt. Hindi siya mukhang propesyonal, ngunit mabilis ang kilos niya. Sa mga sandaling ito, malapit na siya sa car kung saan nakakulong sila Luna at Nellie.

“Neil.” sumimangot ang batang lalaki. “Sino ang lalaking ‘yun?”

Tumingin si Neil sa screen ng surveillance camera at malamig siyang suminghal, “Siya ang loko nating tatay.”

Tinikom ni Nigel ang manipis niyang mga labi. Siya …ang tatay niya?

Natatakot na baka naabala si Nigel, pinaalala ni Neil, “Nigel, ‘wag mo siyang pansinin at dalian mo na, okay?”

“Okay.”

Bumalik ang pokus ni Nigel, nag type siya ng mga command, at kinontrol niya ang Ferris Wheel. Mabagal na bumalik ang anggulo ng car sa dati.

Sa loob ng car, gumaan na ang pakiramdam ni Luna at nakahinga na siya ng maluwag.

“Nellie, tingnan mo! Hindi tayo malalaglag.” sabik niyang niyakap ang maliit na katawan ni Nellie.

Hindi kumilos ang maliit na bata sa kanyang mga kamay.

May masamang kutob na namuo sa kanyang dibdib...

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana malaman ni joshua na si aura ang may kagagawan ng lahat
goodnovel comment avatar
Darius Tajaran
Unlock naman po
goodnovel comment avatar
Zoe Yeon
pa unlocked please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status