Share

Kabanata 19

Author: Inked Snow
“Mommy! Ang romantic!”

Habang nakaupo siya sa Ferris Wheel, lumuhod si Nellie sa upuan at tumingin siya sa tanawin ng buong amusement park. Sabik siyang pumalakpak. “Hindi ko alam na malaki po pala ang amusement park!”

Nagsayaw ng masaya ang batang babae na sumakay sa Ferris Wheel ng unang beses. “Kapag tumaas pa tayo, kasing liit na ng mga langgam ang mga tao sa amusement park!” Nakaupo si Luna sa tabi niya at tinapik niya ng mahina ang likod nito, napuno ng emosyon ang puso niya.

Nagdusa ang tatlong anak niya, lalo na si Nellie.

Mabait ba bata siya, at kung hindi siya pinanganak sa ganitong pamilya, siya ay magiging isang Little Princess na minahal ng lahat.

Ang unang pagbisita niya sa amusement ay hindi sana nung anim na taong gulang na siya.

Hindi sana siya pupuntiryahin ng isang tao na tulad ni Aura.

Namuo ang kalungkutan sa lalamunan ni Luna habang iniisip ito.

Huminga siya ng malalim, tinaas ang kanyang kamay para yakapin si Nellie, at nilapag ang kanyang ulo sa leeg ng batang babae. “Pangako sayo ni Mommy na kapag natapos ang lahat ng ‘to, sasamahan kita hangga’t sa gusto mo, okay?”

Lumingon si Nellie at tumingin siya sa mga mata ni Luna. “Gagaling din po ang sakit ni Nigel, hindi po ba?”

Tumango ng seryoso si Luna. “Oo.”

“Mommy…” nilabas ni Nellie ang kanyang maliit na mga kamay at niyakap niya ng sabik si Luna. Nang magyakapan ang mag ina, napunta sa pinakataas na punto ang sinasakyan nilang car sa Ferris Wheel.

Crack!

May malakas na tunog, nanginig at tumagilid ang Ferris Wheel.

“Ah!” hindi nakahawak si Nellie sa handrail habang gumulong siya sa sahig, hindi makatayo ng matatag ang katawan niya dahil sa malakas na pag alog.

Nang makita ito ni Luna, natakot siya at halos tumalon ang puso niya mula sa dibdib niya. Inabot niya ang kanyang kamay para kumapit ng mahigpit kay Nellie.

“‘Wag kang matakot!”

Kahit na nakahawak sila sa handrail ng buong lakas, umalog pa rin sila sa loob ng car, at nung lumipas lang ang ilang saglit bago tumigil sa pag alog ang Ferris Wheel.

Pero, nakatagilid pa rin ang car.

Habang nakatagilid ang buong caar, nasa ilalim nila ang pinto, at gumewang ang pinto na para bang bibigay na ito.

Kapag nasira ang pinto, at kapag naubos na ang lakas nila, mabibitawan niya ang handrail at mahuhulog sila mula sa nakatabingi na car!

Nanginig sa takot si Nellie sa mga kamay ni Luna. Napuno ng lamig ang mga mata ni Luna.

Ito pala ang plano ni Aura!

Inisip niya na gusto lang saktan ni Aura si Nellie—para turuan ito ng leksyon—at para balikan lang siya. Hindi niya inaasahan na papatayin silang dalawa ni Nellie ni Aura!

Humigpit ang puso ni Luna habang iniisip ito.

Ginitgit niya ang kanyang ngipin, naglabas ng pinakamatatag na backpack strap, at ginawa itong safety belt. Tinali niya si Nellie sa isang window bar habang ginamit niya ang kanyang damit bilang isang tali at tinali niya ito sa kanyang braso.

“Mommy…” tila nanghihina ang boses niya at paiyak na siya. “Hindi po tayo malalaglag? Kasalanan ko po! Hindi ko na po dapat kayo niyaya sa Ferris Wheel… Mommy, natatakot po ako…!”

“Magiging ayos lang tayo.” hinimas ni Luna ang likod ni Nellie at nilabas niya ang phone niya gamit ang nanginginig niyang kamay.

Walang signal.

Mahigpit ang hawak niya sa phone, namumutla ang kamay niya sa kakulangan ng sirkulasyon ng dugo.

Ngayon, muli niyang minaliit ang kalupitan ni Aura at ang pagkagusto ni Joshua sa kapatid niya.

Boom!

May malakas na tunog, nasira ang pinto ng car at nalaglag ito sa ere. Sa taas ng 100 metro, ang nakita lang nila ay ang itim na anino sa ere nung nalaglag ang pinto.

“Mommy…” umiyak na si Nellie, hindi niya na pigilan ang sarili niya. Nalaglag na sana siya kung hindi siya tinali ng Mommy niya!

Huminga ng malalim si Luna habang pinagaan niya ang loob ni Nellie, ngunit kahit na nagisip siya ng mga salita, walang lumabas sa kanyang bibig.

Blanko ang utak niya.

Sa mga sandaling ito, nagkagulo ang mga tao sa amusement park.

“May taong nakulong sa taas!”

“Natanggal yung pinto ng car! Hindi mahuhulog ang mga tao sa loob, tama?”

“Kung nalaglag sila sa ganyan kataas, magiging parang meatloaf sila…”

Habang nakikinig sa boses sa paligid niya, naging mas komportable si Aura sa kanyang upo. Lumingon siya at tumingin siya sa bodyguard na nasa tabi niya. “Tawagan natin si Joshua. Sabihin mo na ang katulong, si Luna, ang nagpilit na sumakay sa Ferris Wheel kasama si Nellie, at nangyari ang aksidenteng ito.”

Nagdalawang isip ang bodyguard, “Pero…”

Gumulong ang mga mata ni Aura. “Pero ano? Sa tingin mo ba ay makakaligtas ang babaeng ‘yun? Magiging totoo ang kung anong sabihin natin. Pati, sabihin mo sa amusement park staff na ipeke ang pagliligtas. Aayusin na lang ang Ferris Wheel kapag nalaglag sila at namatay.”

“Opo, Ma’am!”

Pag alis ng bodyguard, pinaypayan ni Aura ang sarili niya habang nakatingin siya sa direksyon ng Ferris Wheel habang may malamig na ngiti sa kanyang mga labi.

“Luna, Luna… Sa tingin mo ba ay kaya mo akong hamunin sa pagpadala ng batang babae na tulad niya? Isang pagkakamali ang bwisit na batang ‘yan. Ngayon at pinauwi mo siya dito, ‘wag mo akong sisihin na hindi kita binigyan ng pagkakataon!”

...

“Mommy, Nellie.”

Sa Ferris Wheel, may kalmado na boses ng batang lalaki na nanggaling sa necklace sa leeg ni Nellie.

“Nigel?” lumaki ang mga mata ni Luna.

“Ako po ‘to. Pinakialaman ko po ang necklace ni Nellie. Pinalakas po ang signal para makapag usap po tayong tatlo kung sakaling may emergency.”

Matatag ang boses ng batang nasa phone. “Hinack ko po ang surveillance system ng amusement park, at nakikita ko po kayo.”

Sa kabilang dulo ng karagatan, may payat at maputlang bata na nakaupo sa hospital bed habang nakatingin siya sa computer screen sa harap niya na may maraming frames.

“Nag usap po kami ni Neil. Pumunta po siya ng control room sa sandali na mapunta po kayo sa aksidente. Hindi po magtatagal ng limang minuto bago pa maging matatag ang car, kumapit lang po kayo.”

Kinagat ni Luna ang kanyang labi at natuwa siya. “Baby, magaling ang ginawa niyo.”

Tahimik ng ilang saglit si Nigel.

“Mommy, umuwi po kayo dahil sa akin. Matagal ko na pong sinabi na wala po akong pakialam kung mabubuhay pa po ako ng maraming taon, pero pinilit niyo pa rin po na bumalik… kapag may nangyari po sa inyo…”

Kumirot ang puso ni Luna habang pinakinggan niya ang boses ng anak niya. “‘Wag mong sabihin ‘yan.”

“Nigel…”

Mahina si Nellie mula sa kakaiyak. Nakasabit lang siya sa bintana gamit ang strap ng backpack, ngunit matatag ang boses niya, “Kasalanan ko ‘to, hindi ikaw, Nigel. Hindi ako nagsisisi na bumalik para tulungan ka. Pero nagsisisi ako na dinala ko si Mommy dito…”

“‘Wag na nating gawin ‘to ngayon, okay?” narinig ang pagod na boses ni Neil sa loob ng necklace. “Nigel, nasa master control room ako ngayon, nasaan ang controls ng Ferris Wheel?”

Nang marinig ni Nigel ang boses ni Neil, bumalik sa siya sa sarili at nagpatuloy siya sa pag gabay, “Sa kaliwa.”

“May dalawang tao na nanonood ng video. Nakalock ang pinto at hindi ka makakapasok, pero sa sulok ng hagdan, may dalawang security guard na nagkwekwentuhan.”

“Okay!”

Huminga ng malalim si Neil, nilapag ang necklace, naglabas ng dalawang pulang ticket mula sa kanyang bulsa, at mabilis na umakyat ng hagdan. “Hello. Gusto niyo po bang mapromote at kumita ng malaki?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Liam Kyle Cansilao
bkit wala ang isang anak sabi sa kwento 3 sila neil at Nellie ang may ganap
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe ang kademonyuhan mo aura sana hindi sumunod yong bantay sa pinapasabi ni aura kay joshua
goodnovel comment avatar
Nagor
sobrang haba ng story at Naka lock ...ang Ganda pa nmn ng story, baka pweding ilibre mo Miss Author...please ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status