Share

Kabanata 3054

Tumaas ang kilay ni Tara nang marinig niya ang sagot ni John.

Kilala niya kung sino si John, kaya naman inimbitahan niya ito para uminom at makisama. Tutal, kailangan niyang gumanap sa tungkulin niya para makumbinsi ito. Kung pumayag siya na tumulong kay John sa oras na humingi ito ng tulong, maghihinala si John na may kakaibang nangyayari.

“May anak ka sa bahay at isang taong may malalang sakit?” Ang tanong ni Tara. Tumitig siya kay John habang nakataas ang mga kilay. “Sino naman ‘yun? Siya ba ang asawa mo?”

Naalala niya base sa pag research niya kay John na ang asawa nito ay pumanaw na. Hindi lang ‘yun, ang pagkamatay pa ni Anne ang rason kung bakit pumatay si Luna at nakulong ito.

Kaya naman, malamang ay isang tao lang ang inaalagaan ni John, at ito ay ang anak nila ni Anne.

Sino pa ba ang inaalagaan niya? Buhay pa ba si Anne?

Hindi inaasahan ni John na interesado si Tara sa buhay niya. Uminom siya ng mabagal para lumipas ang oras, pagkatapos ay sumagot siya ng nagdadalawang i
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status