Halos di ako makatulog simula kagabi pagka uwi ko dito sa apartment. Hindi ko makalimutan ang nangyari kagabi sa club. Hindi naman ako interesado at sadyang nag init lang ang aming mga katawan kagabi pero ewan ko ba, hindi ko alam na kahit kagabi lang kami nagkakilala ay sobrang gaan agad ng loob ko sa kanya.
Tumawag na sa akin nitong umaga ang ina-applyan kong trabaho. Sa mansyon ako nag apply bilang isang kasambahay. May job experience naman ako sa mga mall bilang sales lady pero naisip kong mag apply rito sa mansyon, malaki kasi ang offer nilang sahod saka at least hindi na ako mamomroblema pa sa pangbayad ng renta sa apartment. Kailangan ko narin makapag ipon, gusto kong mag travel kahit saang lugar para mas makalimutan ko ang lahat ng masalimuot na nangyari. Hindi biro ang mga pinagsamahan namin ni Jordan para makalimutan ko kaagad, pero bakit parang sa kanya ay madali at mabilis niya lang akong ipinagpalit sa matalik kong kaibigan.Papunta na ako sa may ParaƱaque, naroon ang mansyon na ina-applyan ko, tumawag sa akin kanina ang mayordoma ng mansyon, nagtanong ng ilang basic questions at sa personal background ko, mabuti naman at wala ng interview sa personal, lahat daw ay phone interview lang at agad akong pinapapunta para makapag simula na agad sa trabaho.Nakarating na ako ngayon dito sa mansyon, mataas ang tarangkahan at di matanaw ang nasa loob nito, sa may maliit na tarangkahan na pasukan ng tao ay may doorbell at agad ko itong pinindot. Bumukas ng bahagya ang silipan sa may tarangkahan at may sumilip at nagsalita."Sinong na riyan? Anong kailangan niyo?" sambit nito. Tumapat ako sa maliit na tarangkahan upang matanaw ako ng taong nasa loob."Si Thea Reyes po ito." Pakilala ko sa kanya. "Ako po ang natanggap bilang bagong kasambahay dito sa mansyon," dagdag kong tugon sa kanyaDahan dahan itong bumukas, agad kong natanaw ang malawak na loob ng bakuran at ang mansyon ay nasa dakong malayo mula rito sa kanilang malaking gate."Pumasok ka na iha, naghihintay sa iyo ang mayordoma sa may entrada ng mansyon," saad ng gwardiya habang nakaturo sa daan papuntang mansyon."Salamat po, tutuloy na po ako," tugon ko.Agad akong lumakad papunta sa entrada ng mansyon, at sa di kalayuan ay natanaw ko ang mayordoma na nakatayo sa mismong pintuan papasok ng mansyon, nakatingin siya sa akin na parang may pagtataka."Magandang umaga po, ako po si Thea Reyes," pagbati ko sa kanya. "Ako po ang bagong kasambahay na natanggap po ninyo kaninang umaga," dagdag kong paliwanag."Ikaw pala yan Thea? Maganda at makinis pala ang kutis mo sa personal, sigurado ka ba sa desisyon mo na dito magtrabaho sa loob ng mansyon?" pagtatanong nito sa akin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "Ilang taong gulang ka na ba iha?""27 years old na po ako, at opo, siguradong sigurado po ako na gusto ko po magtrabaho dito sa mansyon," sagot ko sa kanya. Nabigla ang mayordoma sa aking sagot, akala niya ay bata pa ako, sakto lamang ang aking tangkad, maputi at makinis ang kutis at may balingkinitan na pangagatawan, may katangusan ng kaunti ang aking ilong, bilugan at makinang ang mga mata at mapupula ang labi."Kung sigurado ka na talaga ay sige at ililibot na kita sa loob at labas ng mansyon."Nagsimula na kaming pumasok sa loob, inikot at pinuntahan ang bawat sulok ng mansyon, manghang mangha ako sa aking nakita, halos di ko na naintindihan ang mayordoma sa kanyang mga paliwanag dahil sa pagkamangha ko sa laki at ganda ng mansyon. Nagpatuloy kami at nilibot din ang hardin at swimming pool sa likuran ng mansyon. Puno ng magagandang halaman ang hardin at malinis ang tubig sa pool."Thea, naintindihan mo ba ang lahat ng pinaliwanag ko sayo tungkol sa gawain sa mansyon, sa mga bawal at dapat gawin?" tanong nito sa akin.Hindi ko naintindihan ang lahat ngunit wala na akong nagawa kundi ang tumango at sumagot sa kanya,"Opo Ma'am, naintindihan ko po ang lahat ng sinabi ninyo," aking wika habang kinakabahan dahil di ko talaga alam kung ano ang mga sinabi niyang rules."O sige, tapos na ang paglibot ko sayo sa mansyon, pumunta ka na sa kuwarto mo at magbihis." Utos nito sa akin at iniabot ang tatlong balot ng uniporme sa akin.Nagpunta na ako sa aking kuwarto at nagbihis ng aking uniporme bilang kasambahay, inayos ko muna ang aking mga gamit sa may aparador at umupo sandali upang ihanda ang sarili sa trabaho. Maya maya ay may kumatok sa aking kuwarto, ang mayordoma pala na kanina pa ako hinahanap."Thea! Lumabas ka na at magpunta sa kusina, ihanda mo na ang hapunan para sa ating mga amo!" pautos na sambit nito."Opo! Papunta na po ako!" dali-daling pagsagot ko.Gabing gabi na kung sila ay maghapunan dahil sa kabi-kabilang pagka busy sa kanilang negosyo. Nagmamadali na akong nagtungo sa may kusina at ihinanda ang hapag kainan, inilagay ang bawat kubyertos at ang mga pagkaing pagsasaluhan.Dumating ang aming boss, ang mismong may-ari ng mansyon at ang butihing may bahay nito. Umupo na sila at magsisimula na sanang kumain ng biglang..."Sir. Madam. Nandito na po ang inyong anak," sambit ng mayordoma."Sige, salubungin na ninyo at papuntahin dito sa dining area para sabay-sabay na kaming maghahapunan," tugon ng ina."Mukhang naka-inom po muli ang inyong anak, madam, hirap po siyang bumaba ng sasakyan at hindi makausap ng maayos," paliwanang ng mayordoma. Napa-iling na lamang ang aming boss at inutusan ang mayordoma na tulungan ang anak nito na maihatid sa kuwarto.Lumingon sa akin ang mayordoma at sa dalawa ko pang kasama na kasambahay at sinabi..."Sumunod kayo sa akin."Agad naman kaming sumunod papunta sa labas ng mansyon, pagtutulungan daw naming tatlo ang lasing na anak na ipasok sa mansyon at dadalhin sa kanyang kuwarto. Paglabas ko ng pintuan ay nagulat ako sa bumungad sa akin, ang lalaking ito pala ay ang naka one-night stand ko sa club at anak ito ng aking boss."Shit! Paano na ito? Paano kung mamukhaan niya ako? Paano kung maalala niya ang lahat ng nangyari noong gabing nasa club kami at sa loob ng sasakyan niya sa parking area?" tarantang pagkausap ko sa aking sarili habang kinakagat ang aking daliri.Natulala ako at pinagpapawisan, nag-aalala ako na baka makilala niya agad ako at kung ano ano ang sabihin dahil siya ay lasing. Pinakalma ko ang aking sarili at nag-isip ng puwedeng mai-dahilan para maka-alis agad sa sitwasyon."Ahhhmm, ma'am, kailangan ko po bumalik sa may kusina, naiwan ko po pala na naka buhay ang kalan at may niluluto pa po akong pagkain..." paliwanag ko sa mayordoma habang akmang tatalikod at lalakad na paalis."Ha?! Pero kailangan ka dito para matulungan si Sir!" wika nito. Nagbingi-bingihan ako at tumuloy na pabalik sa loob ng mansyon, mabilis ang aking paglakad kasabay sa bilis ng kabog sa dibdib ko. Napakamot na lamang ng ulo ang mayordoma at dalawang kasambahay."Sige, sige, tayo na lang ang magtulong na madala si Sir sa kuwarto niya" pautos na sabi ng mayordoma sa dalawa pang kasambahay kasunod ang pagbugtong hininga.Mabilis akong nagtungo sa aking kuwarto, isinara ang pintuan at umupo sa may kama, nakayuko ako at nakahawak sa aking ulo habang nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin. Nagsabi nalang ako kina madam na masakit ang ulo ko kaya kung puwede ba ay magpahinga lang ako saglit. Mabuti naman ay pumayag rin sila.---------Nagising ako sa lakas ng katok ng aming mayordoma at sa kanyang pagtawag sa akin. Hay... umaga na pala, nakatulugan ko na ang pag iisip kung ano ang dapat kong gawin sa sitwasyong ito, pero hindi naman niya na siguro maaalala ang mga nangyari noong gabing iyon kasi lasing na lasing siya. Mabuti rin at nakatulog agad si Sir Alexander kagabi.Bumangon na ako at mabilis nagtungo sa kusina, ako kasi ang nakatoka ngayon sa pagluluto at paghahanda ng agahan para sa aming mga amo. Kumakanta ako habang nagluluto dahil mahilig rin talaga akong kumanta saka pakiramdam ko ay masarap ang magiging resulta ng aking niluluto kapag may kasamang tinig. Sa kalagitnaan ng pagluluto ko ay may biglang nagsalita."Ate, may mainit na tubig po ba? Sobrang sakit kasi ng ulo ko."Paglingon ko ay si Alexander pala. Muntikan ko ng mabitawan ang siyanse na hawak ko. I can't stand anymore here. Nakakahiya kasi ang nangyari sa amin noong gabing iyon dahil bigla nalang akong umalis. Naaalala pa kaya ako nito? Humarap ako at kunwaring walang nangyari sa aming dalawa at parang ito ang una naming pagkikita."M-magandang umaga po sir. Mainit na tubig po ba? kuha po muna ako sir," pautal na pagsagot ko sa kanya dahil sa aking kaunting kaba"S-sorry. Bagong kasambahay ka ba dito? Sige, paki hatid nalang sa kwarto ko." pagtatakang sambit nito at lumakad paalis pabalik sa kanyang kuwartoNakahinga ako ng maluwag, hindi niya siguro ako naaalala dahil lasing na lasing siya noong gabing iyon. Wala rin akong nakitang pagkagulat sa kanyang mukha noong humarap at nagkatinginan kami.Papasok na ako ng kwarto ni Alexander at bitbit ang isang baso ng mainit na tubig. Pagkatok ko ay napansin kong bukas pala ang pintuan kaya dumiretso na ako sa loob. Nakahiga ito at nakapikit ang mga mata, hindi ko alam kung iiwanan ko nalang ba rito sa lamesa sa tabi ng kama niya o gigisingin ko siya para painumin, siguro ay gigisingin ko nalang siya at painumin, ganito rin kasi ang nakikita ko sa mga palabas ng telebisyon, wala naman sigurong malisya."Sir, ito na po ang mainit na tubig," saad ko habang bitbit ko pa rin ang baso at nakatayo sa tagiliran ng kanyang kama.Hindi ito umimik kaya't naisipan kong ilapat ang aking kamay sa kanyang noo at baka nilalagnat ito. Paglapat ko ng kamay ay bigla naman itong nagmulat."Wala akong lagnat! Masakit lang talaga ang ulo ko!" wika nito na para bang
Nagising akong katabi si Alexander akala ko ay tuluyan ng may nangyari sa amin iyon pala ay nakasout na ako muli ng aking damit. Agad akong lumabas mula sa kuwarto niya at lumingon kaliwa't kanan baka may makakita sa amin. Sa nangyari kagabi napaisip ako na mabuti rin pala ang puso ni sir Alexander pero bakit kaya lagi siyang naglalasing at parang ayaw niyang mamahala sa negosyo nila? Teyka, ano ba ang pakialam ko? Naiinis ako sa sarili ko."ayan ka nanaman Thea, paano kung masasaktan kana naman?" turan ko sa isip ko. Kakauwi lang ni mayordoma ngayong umaga, nasa hospital pa ang Ama ni Alexander. Sabi nito, kung puwede ay ako raw muna doon magbantay. May caregiver naman raw si Mr. Fuentes kaso pinaalis rin daw dahil mapili daw itong Ama ni Alexander sa mag aalaga sa kanya. Baka naman ma sisante ako nito kapag hindi rin niya ako magustohan. Ngayon alas-diyes y medya ng umaga raw ang alis ko papuntang hospital. Ano ba naman 'to si manang violy, iyan kasi raw ang pangalan niya huwag na
Nakatulog pala ako dahil sa mga sinabi ni Mr. Fuentes sa akin. Nakakabigla naman 'yong mga sinabi niya. 8:30 in the evening na pala, sabi ng nurse ay pinakain na raw nila si Mr. Fuentes, mabuti naman ay hindi ako pinagalitan ni boss kahit nakatulog ako. Naghilamos muna ako dito at paglabas ko ng c.r ay naka abang na si sir Alexander. Nanggugulat naman ito, akala ko ay sino na itong multong naka abang sa akin. "Naparito ka sir?" "Why are you asking me like that? syempre, Dad ko ang na hospital." kunot-noong sagot nito sa akin. "May dala akong pagkain, mabuti pa ay kumain ka muna." Umupo kami rito sa sofa ng room ng dad niya, since VIP room ito halos magkasing laki narin siguro ito ng boung apartment ko. May kitchen na nga rin, grabi ano? Ganito talaga kapag mayayaman. Nanood kami ng tv habang kumakain sa pizza na dala niya. Ewan, bigla nalang kami naging comfortable sa isa't-isa, kahit laging na uudlot ang tamis ng gabi pero hindi parin nagbago ang trato ni Alexander sa akin, ipina
Pagdating dito sa mansyon ay hindi ako nagpahalata sa nangyari sa akin. Hindi ko pa sinabi kay Alexander. Umalis sila Mr. Fuentes kasama si madam, naiwan dito ay si Alexander at ibang kasambahay. Nag message si Alexander na mag-usap daw kami saglit sa may garden. May mga upuan kasi doon at presko ang hangin sa labas, hindi rin masyado kita doon ng ibang kasambahay dahil sa laki ng mansyon ay halos hindi na nga kami nagkikita dito. Tanaw ko palang sa malayo si Alexander ay tumakbo na ito papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Na miss kita ga." sambit nito. "Hmm.. Ako din naman ga." "Are you okay?" "Yes, okay lang ako.""Ang tipid mo naman sumagot ngayon, may problema ba?" Sa totoo lang ay ayaw ko pa sabihin sa kanya ngayon, gusto ko sa lugar kung saan hindi namin iisipin na baka mahuli kami. Wala naman problema kay Mr. Fuentes at kay madam pero ewan ko, may nararamdaman akong kakaiba. Siguro dahil may masakit akong alaala 1 year ago. Halos mag 2 years narin simula noong na
"Mommy, are you done na ba with your team meeting?" Nagising si Andrea habang hinimas ko ang kanyang buhok. "Yes, my Princess. Tapos na kami, you know na kapag sunday-" "It's church day." Pagputol niya sa sinabi ko. Alam na niya na kapag sunday ay church day saka bonding narin namin 'to ni Andrea. As usual gusto niyang magka terno kami palagi ng sosoutin. We are wearing a below the knee pink floral dress at sinoutan ko narin siya ng gloves dahil malamig rito sa Canada. Pagkatapos namin magbihis ay nakaharap kami sa salamin gusto raw niyang mag mirror selfie kami. "Mommy, you look so pretty," wika nito habang manghang mangha ang mukha. "Thank you nak, you look so pretty too. O siya! Labas kana, sumakay kana sa kotse, baka ma late pa tayo." "Andrea, What do you need to do first kapag aalis tayo?" "Hmm... Fasten your seatbelt po tapos i-check kung naka lock na ang car door, and then mag pray po kay Papa God." "Very good! Okay, aalis na tayo. Don't use your cellphone ah? Just beh
I was certain. I knew it, sure ako siya talaga ang sister ni Mr. Alexander. She was telling her information to me but what caught my attention is when she told me that her Dad was died 5 years ago that's why i-bebenta na nila itong property ng daddy nila. I was shocked about it. Mr. Fuentes has been good to me no'ng namasukan akong kasambahay sa kanila. Iyong binigay niya na 500,000 ay nandito pa sa akin. Nasa savings bank account ni Andrea. Simula no'ng naka received ako ng message mula sa kanya ay wala na akong balita tungkol kay Mr. Fuentes. After ko humingi ng tawad at nagpasalamat na dapat ay hindi ko sana tanggapin pero He insisted talaga na tanggapin ko dahil para raw naman iyon sa magiging apo niya. Iyon ang last na conversation namin, even Manang Violy wala narin akong contact sa kanya kasi pinutol ko lahat ang connection ko roon, nagpalit ako ng number, nag deactivate ako ng facebook. Sinubukan kong kalimutan ang lahat, mabuti ay nakaya ko naman. Noong nanganak ako kay And
Nasa Quezon City na kami, sa wakas nakarating din. I'm Originally from Cagayan De Oro City talaga, naroon din ang aking mga relatives pero dahil kailangan ng trabaho, nakipag sapalaran ako dito sa Manila. Mabuti ay nakaya namin ang Long travel ni Andrea. Bukas naman ang luwas ng aking tiyahin kasama ang anak ng pinsan ko para may kalaro raw si Andrea. Papasundo ko narin iyong sasakyan namin, mabuti ay nagawan ng paraan na madala rito sa Pilipinas. Nanibago raw si Andrea sa Klima dito medyo mainit daw compared doon sa Canada. Sa wakas raw ay hindi na siya palaging mag jacket at naka leggings. Gustong gusto niya na raw soutin ang mga skirt na kulay rainbow na binili ko sa kanya. Maranasan na raw niyang walang leggings na nasa ilalim nito dahil sa sobrang lamig. Tuwang tuwa ang makulit na bata sa pagdating namin dito sa ni rentahan naming apartment, kasi naman ang daming batang naglalaro dito sa loob ng subdivision. Gusto niya narin daw makipag laro. Nag away pa kami niyan dahil na
Pagmamadali kong hakbang patungo kung saan kami kakain. Pakiramdam ko sobrang init na ng mukha ko ngayon. "Bakit kaya hindi ako naalala ni madam?" tanong ko sa sarili habang nagmamadaling maglakad. Impossible talagang hindi niya ako nakilala, o baka nag bulaglagan lang dahil baka nalaman niya ang relasyon namin dati ni Mr. Alexander. To be honest, nagulat rin ako sa laking pinagbago ni madam, ang payat na niya saka marami na siyang puting buhok. May sakit kaya siya? Dire-diretso lang ako sa aming paroroonan at hindi ko na naisipan pang lumingon pang muli. Nag order na ako ng pagkain namin saka umupo na rito. Tahimik lang si Andrea parang nagtataka na siguro ito bakit gano'n na lamang ang aking reaction kanina. "Anong pakiramdam mo ngayon mamsh?" tanong ni Nico habang sumusubo ng pagkain. Tinititigan ko si Nico, pinangdilatan ko ng mata. Baklang 'to, alam naman niyang ayokong pag uusapan namin ang tungkol diyan kapag kasama namin si Andrea. Isa 'to si Nico sa nakakaalam sa lahat