Home / Romance / Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter) / Chapter 3: I never knew how hungry my heart was until I had one-night stand with you.

Share

Chapter 3: I never knew how hungry my heart was until I had one-night stand with you.

Author: Shakira29
last update Huling Na-update: 2023-04-25 09:21:16

Nakahinga ako ng maluwag, hindi niya siguro ako naaalala dahil lasing na lasing siya noong gabing iyon. Wala rin akong nakitang pagkagulat sa kanyang mukha noong humarap at nagkatinginan kami.

Papasok na ako ng kwarto ni Alexander at bitbit ang isang baso ng mainit na tubig. Pagkatok ko ay napansin kong bukas pala ang pintuan kaya dumiretso na ako sa loob. Nakahiga ito at nakapikit ang mga mata, hindi ko alam kung iiwanan ko nalang ba rito sa lamesa sa tabi ng kama niya o gigisingin ko siya para painumin, siguro ay gigisingin ko nalang siya at painumin, ganito rin kasi ang nakikita ko sa mga palabas ng telebisyon, wala naman sigurong malisya.

"Sir, ito na po ang mainit na tubig," saad ko habang bitbit ko pa rin ang baso at nakatayo sa tagiliran ng kanyang kama.

Hindi ito umimik kaya't naisipan kong ilapat ang aking kamay sa kanyang noo at baka nilalagnat ito. Paglapat ko ng kamay ay bigla naman itong nagmulat.

"Wala akong lagnat! Masakit lang talaga ang ulo ko!" wika nito na para bang nagalit pa sa akin.

"S-sige po Sir, pasensya na po. Tutulungan nalang kitang bumangon para makainom ka."

Ipinatong ko muna ang baso sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng lamp shade niya at saka tinulungan siyang bumangon. Kinuha ko rin ang bed trays food table para ipatong sa kama niya.

"Sir, kung wala na kayong kailangan ay lalabas na muna ako." sambit ko habang nakaturo sa pintuan. Nakahawak na ako sa door knob ng bigla itong nagsalita.

"Sandali lang..."

Bumangon ito at umalis sa kama niya, dahan dahan itong lumapit sa akin. Nakaharap pa rin ako sa pinto at hindi ako lumingon sa kanya.

"Ano ba naman 'to, ba't ang lakas ng kabog ng puso ko."

Nakahawak pa rin ang kamay ko sa door knob ngunit biglang nitong hinawakan ang pulsuhan ng kamay ko at sabay itinulak pasarado ang pintuan gamit ang aking kamay. Binitawan rin niya ako agad at biglang hinawi nito ang buhok ko na nasa aking balikat.

Hindi ako makahinga... bumibilis ang kabog ng dibdib ko... Nananatili akong nakaharap sa pinto at si Alexander naman ay nasa likuran ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang paghinga- bigla nalang niya akong inikot paharap sa kanya, inangat ang aking dalawang kamay at isinandal ako sa pader, halos maitulak pati ang aking kaluluwa dahil sa sobrang lakas ng pagsandal nito.

"Bakit mo ako iniwan noong gabing iyon?" pagtatanong nito habang nakatitig sa akin na tila ba'y galit na galit.

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa tanong niya. Hindi rin ako makaalis dahil nilapat niya ang dalawa kong kamay sa pader at kasalukuyang hawak pa niya ito at kulang nalang ay itatali niya ang dalawa kong kamay rito. Pinagpapawisan na ako dahil sa kaba, mahigpit ang pagkahawak niya sa aking mga kamay at sobrang lapit na ng kanyang mukha sa akin. Walang pumapasok sa aking isipan kung ano ang sasabihin ko sa kanya, nataranta naman kaming biglang...

"Thea! Thea! Nasaan ka?" may kalakasang boses na pagtawag sa akin ng mayordoma.

Kumatok ang mayordoma sa pinto ng kuwarto ni Alexander, may kasambahay kasing nakapag sabi sa kanya na napansin akong papunta sa kuwarto ni Alexander. Bigla niya akong binitawan at bumalik sa kanyang kama habang ang mga mata niya ay nakatingin pa rin sa akin. Narinig kong papalayo na ang hakbang ng mayordoma mula sa pintuan kaya't dali-dali kong binuksan ang pinto at lumabas, nakalampas na ng bahagya ang mayordoma ngunit lumingon itong muli noong marinig ang pagbukas ng pintuan.

"Nariyan ka lang pala Thea! kanina pa kita hinahanap, hindi mo pa natapos ang paghahanda ng agahan, buti nalang at may isang kasambahay na pumunta ng kusina at nakita ang naiwan mong niluluto!" pagalit ng mayordoma sa akin dahil bigla akong umalis sa kusina upang magdala ng tubig kay Alexander.

"Pasensya na po Ma'am, pumunta po kasi si Sir sa kusina at humingi ito ng tubig, dalhin ko daw po agad sa kuwarto niya kaya umalis po agad ako," pangangatwiran ko sa kanya.

"Bakit naman pawis na pawis ka paglabas mo ng kuwarto ni Sir Alexander?" tanong nito sa akin na mukhang may iniisip siya na may nangyari sa amin.

Dali-dali akong nagpunas ng pawis, "Tinulungan ko lang po si sir bumangon sa kama at pinainom ng mainit na tubig."

"Mag-ingat ka diyan kay Sir, Thea. Sinasabihan na kita, babaero 'yan. Puro gimik yan at iba't ibang babae ang nakakasama niyan. Maputi kapa naman at maganda ang hitsura, may iilang kasambahay narin ang umalis dito sa mansyon dahil sa kanya," pahabol na turan ng mayordoma

At sabay na kaming lumakad pabalik sa kusina upang ipagpatuloy ang pagluluto at paghahanda ng agahan.

Matapos maihanda ang agahan ay inutusan ako ng mayordoma na dalhan ng pagkain ang Ama ni Alexander sa kuwarto nito. May karamdaman ang kanyang Ama at palagi itong nakahiga sa kama o nasa wheel chair lamang niya. Pagdating ko sa kuwarto nito ay kumatok ako at nagpaalam na papasok sa loob, unti-unti kong binuksan ang pintuan ng kuwarto. Naka upo ang Ina ni Alexander sa tagiliran ng kama ng asawa nito at habang naka hawak sa kanyang kamay.

Lumingon siya sa akin at pinalapit ako. Sinabi niya sa akin ang kalagayan ng Ama ni Alexander, mahina na raw ang katawan nito dahil sa karamdaman at malapit ng mamatay.

"Nakakalungkot naman ang kalagayan ng Ama ni Alexander" kinakausap ko ang aking sarili sa isipan.

"Paano kaya kinakaya ni Alexander na mag liwaliw pa at gumawa ng kalokohan sa kabila ng mabigat na kalagayan ng kanyang Ama?"

Ini-abot ko na ang pagkain at nagpaalam na babalik na akong muli sa kusina. Tumango lamang ito sa akin at lumakad na ako palabas ng kuwarto.

Lumabas muli sa kwarto si Sir Alexander para mag agahan gayundin si Ma'am, ang kanyang Ina.

"Alexander, saan kaba galing kagabi? okay kana ba?" tanong ni Madam kay Alexander.

"Gumimik lang kasama mga tropa."

"Alexander, magtino kana. Kailan kapa ba magbago? Ang daddy mo mahina na ang katawan. Napag desisyonan namin na ikaw na ang mamahala sa isang kumpanya natin, sinabi ko naman na saiyo yan diba? Sana naman magbago kana sa buhay mo," pagpaliwanag ni Madam kay sir Alexander.

Umalis sila madam kasama si Alexander, pupunta raw muna ng ibang bansa para ipa-aral tungkol sa negosyo. Masaya naman ako dahil matagal tagal rin na hindi kami magkikita.

--------

Hindi ko napansin ang takbo ng panahon, isang buwan na pala ako rito. Si Alexander ay kakaalis lang, kakauwi nga lang nila galing sa abroad ay umalis nanaman. Sabi ni mayordoma ay gano'n parin ang gawain, laging nag aaksaya ng oras sa walang kwentang mga bagay.

Dalawang magkakapatid raw sila sir Alexander. Ang isa niyang kapatid na babae ay mas nakakatanda sakanya. May asawa na raw ito at parehong nasa abroad at may hinawakan ring malaking negosyo roon. Ganyan ka yaman ang angkan ng Fuentes, kaya si Alexander ay sobrang spoiled dahil rin sa yaman na meron sila. Si Madam naman ay laging busy sa negosyo ang kanyang asawa naman ay andito lang palagi sa kanyang kwarto.

Habang abala ang lahat ay bigla nalang sumigaw si mayordoma, si sir Fuentes raw ay nahirapan huminga. Ngayon lang ako naka nakaranas ng ganito kaya parang sasabog rin ang puso ko kung ano ang dapat gawin.

Nakatawag naman agad ng ambulansya at agad namang isinugod sa hospital. Tinawagan narin si madam at agad ibinalita ang nangyari.

Si Alexander ay walang pinagbago mahirap parin raw kontakin kahit na sa ganitong sitwasyon. Bigla nalang itong umuwi at sinabihan ko rin agad kung anong nangyari. Sinama niya rin ang mayordoma para raw ay may kasama siya.

Lumipas ang ilang oras ay tumawag naman ang mayordoma sa mansyon, stable na raw ang kalagayan ni sir Fuentes. Ibinilin niya rin na ako muna ang maglinis sa loob ng kwarto ni sir Alexander dahil umuwi raw ang isang kasambahay, ang ibang kasambahay naman rito ay sa iba nakatoka. Halos hindi na nga rin kami nagkakitaan dito sa sobrang laki ng mansyong ito.

Nilinis ko na boung kwarto ni sir Alexander lumabas muna ako dahil kukunin ko 'yong mga pinlantsa kong mga damit niya, pagpasok ko ulit sa kwarto nito ay na aktohan ko siyang n*******d, wala itong damit at pantalon kundi naka boxer lang.

Bigla kong isinirado ang pintuan, s***a! hindi ko namalayan na dumating pala 'tong lalaking to. Napalunok nalang ako bigla sa aking nasilayan, bago ko pa naisara ulit ang pintuan ay napatitig ako sa kanyang katawan. Sa abs niyang napaka hot tingnan at dahan dahang bumababa ang titig ko sa nakahulmang nakatago sa boxer nito. Biglang nag flashback lahat sa akin ang mga nangyari nung gabing iyon.

Nahimasmasan ako at dali daling isinarado. Nakasandal ako rito sa pintuan niya.

"Mag s-sabi ka lang kung nakabihis kana," pasigaw kong pagkasabi.

Bigla naman itong bumukas ang pintuan na siyang dahilan na muntikan akong matumba mabuti nalang ay nasalo niya ako agad. Nasalo ako ni sir Alexander. Nagkakatitigan kami ng ilang segundo. Hindi ito maari, Kaya tumayo ako agad.

"Pasensya sir."

Agad akong hinila at hiniga sa kama niya. Isinarado ang pintuan at pinatay ang ilaw.

"Huwag kang mag alala tayo lang ang andito. Hindi tayo makikita ng ibang kasambahay."

"Ayaw kong ma sisante."

"Bakit ka naman ma sisante?"

"Baka malaman ni madam may nangyari sa atin, paniguradong magagalit 'yon."

"Ipaglalaban kita!"

Hindi ko alam pero sa puntong ito ay natameme ako. Siguro ay na miss ko ang marinig ang katagang ganito. Hinalikan niya ako sa leeg na siyang dahilan na nanlambot ako pero hindi ko alam sa sarili ko naitulak ko siya, tumayo agad ako at inayos ang uniporme ko.

Tumalikod ako at biglang napaisip...

"Bakit ba ako na gi-guilty? Wala naman na akong jowa, niloko na nga ako, niloko nga nila ako. Si Alexander? Wala rin naman siyang asawa, bakit nga ba ako ganito?"

Binaling ko ang aking sarili paharap sa kanya. Isa isa kong hinubad ang aking sout, mula sa apron, hair net, palapit ng palapit ako muli sa kama. Bago ko pa mahubad ang aking pangtaas ay hinila ako ni Alexander, binalot niya ako ng kumot at niyakap ng mahigpit.

"No! No! It's okay, huwag mong pilitin ang sarili mo."

Nakaramdam ako ng pahinga sa kanyang bisig, tumutulo ang luha ko. Siguro ay napagod na ang utak at puso ko sa mga nangyari sa buhay ko. Naghahanap lang siguro ako ng kakampi, pagmamahal at pamilya. Ulila na kasi ako dahil parehong wala na ang mga magulang ko. Noon Kaya kong mabuhay mag-isa kaso no'ng dumating si Jordan sa buhay ko parang nasanay ba ako na may karamay ako sa lahat. Akala ko ay kaya ko, akala ko ay okay na ang puso ko. Kailangan ko rin pala ng pagmamahal.

"I never knew how hungry my heart was until I had one-night stand with you."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)   Chapter 37: The Revenge

    Chapter 37"Good evening everyone, thank you for celebrating with me," anito habang unti-unting tinatanggal ang kaniyang maskara. Halos nanlambot ang aking mga tuhod at kamay. Para akong sinalakay bigla ng kaba na hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. I felt betrayed! Hindi maaari!!! Ang babaeng top investor namin ay si Thea! Nang tinanggal nito ang kaniyang maskara ay napatingin na lamang rin si Katrina sa akin. Agad niya itong tiningnan ang profile ni Thea sa company, ibang pangalan ang ginamit niya para hindi namin siya makilala. "Meron akong special na bisita ngayong gabi," sambit niya habang ang mga mata niya'y klarong-klaro na sa akin nakatoun."Ms. Cathlyn" "M. Katrina" Of course hindi mawawala ang supportive husband ko na si Alexander. Napalingon ako sa likod at naroon nga si Alexander at mas lalo akong nagulat nang katabi pa niya si mommy. "What the hell is going on? Katrina!" "I don't know, Cath. Hindi ko talaga alam. Gulong-gulo rin ako. Wait, ibig-sabihin matag

  • Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)   Chapter 36: After 1 year

    Chapter 36 Namilog ang mata ko nang makitang kalong na ni Alexander si Andrea. "A...anong pakay mo?" tanong ko sa nalilitong tono."Wala! I just want to be with you and Andrea," saad niya sa kalmadong mukha.Really? Sa kabila ng lahat na nangyari, nagawa pa niyang magpakita sa harapan ko na parang wala lang? How insensetive he is! Hindi man lang niya inisip ang naramdaman ko. Patibong ba 'to? Huminga ako ng malalim."Can I talk to your dad, Andrea?" Ngumiti ako na parang walang tensyong namamagitan sa amin ni Alexander."Mommy, gagala po ba tayo with dad Alexander?" tanong ni Andrea na halos lumundag sa saya. Hindi ko alam pero nangilid bigla ang luha ko. Tinitigan ko saglit ang anak ko at niyakap ito saglit. "Usap lang kami ah? Iloveyou" Saka hinalikan siya sa noo.Hinili ko si Alexander sa labas at siniguradong hindi kami maririnig ni Andrea. "Nanadya kaba?" Diretsahan kong tanong.Bigla niya akong niyakap..."I'm sorry. I love you, Thea," anito habang yakap akong mahigpit. T

  • Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)   Chapter 35: Tunay na Apoy

    Bakas sa mukha ni Jordan ang kaniyang pagkagulat sa aking ginawa. Natulala ito sa aking pinakitang parang paglalandi sa kaniya. As if, totohanin ko naman. "Anong kondisyon ba ang sinasabi mo?" ani nito sa malamig na boses."Help me to get revenge." "Bakit kapa mag revenge? Dahil ba sa mga mana na sana ay para sa anak mo? O dahil mahal mo talaga ang ama ng iyong anak?"Napabuntong-hininga ako at napatigil saglit. "Gusto ko lang bawiin ang para sa akin," ani ko habang nakatingin sa kawalan.------------Umaga nanaman, pinagtimpla ko kaagad ng gatas si Andrea. Medyo marami akong iniisip ngayon dahil maglilipat-bahay nanaman kami. Bagong simula! Kung alam ko lang na ganito rin ang mangyari sana hindi nalang naglaan ng oras para kay Alexander pero masaya ako ngayon kahit sa kabila ng mga pagsubok na dumating alam kong makakaya namin to ni Andrea. Iniwan ko muna saglit si Andrea kay tyang Alice. Papunta ako sa mall ngayon, mayroon lang akong kailangan bilhin. Nakapack narin lahat ng amin

  • Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)   Chapter 34: Sa isang Kondisyon

    Agad akong umuwi ng bahay pagkatapos ang nangyari kanina sa opisina. Pinalitan nila ako sa aking posisyon. Katrina, is the girl that supposed to be maging ka arranged marriage ni Alexander ngunit hindi iyon natuloy. Baka ngayon na maglaho na ako sa buhay nila baka matuloy na, parang sunod-sunoran lang din naman si Alexander sa kapatid niya. I have trust in him pero ewan ko! Nawala na ang lahat ng iyon simula noong hindi niya ako pinagtanggol. Cathlyn, her sister was my client noong nasa canada ako. She sell her father's properties pero nalaman ko nalang na hindi pala alam iyon nila Alexander at donya Fuentes.--------- Abala ako sa aking pagtipa ng aking laptop habang nagkakape. Iniwan kong bukas ang telebisyon namin nang narinig ko ang balita na inanunsyo na raw ang tagapag mana ni donya fuentes. Kilala ng mga media ang pamilya nila Alexander dahil sa kilalang bilyonaryo sila at maraming negosyo. Nakita ko sa screen ang tamis ng ngiti ni Cathlyn. Hindi naman to tungkol sa pera lan

  • Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)   Chapter 33: GALIT

    THEA'S POV: Umaga ng ako'y nagising. Maga ang mata at parang nawalan narin ng gana bumangon. Mabuti nalang binigyan ako ng Panginoon ng unica ija na magpapatibay sa akin sa ganitong sitwasyon. Minsan nakakapagod na, ginawa ko naman lahat pero mayron parin talagang umaaligid sa buhay ko na mga demonyo. Akala ko'y magiging okay na kami Alexander. Ito na nga ang sinasabi ko na baka masaktan lang ulit si Andrea kapag malaman niyang hindi nanaman kami nagkakasundo ni daddy niya. Gagawin ko ang lahat maging safe lang ang anak ko sa mga taong may balak sirain ang buhay namin. Babalik din ako! Nagdusa man ako ngayon pero hinding-hindi ko hahayaan na sisirain pa nila ang mundo ko. Akala ni Cathlyn hindi ko alam ang totoo? Iyong binenta niyang ari-arian sa ibang bansa dati hindi pala alam ng mommy at daddy nila ni Alexander. At least meron na akong alas laban sa kaniya. Sa susunod pang manghimasok pa siya sa buhay ko, hinding-hindi ko na siya uurongan pa! Nagluto ako ng agahan at sinilip lan

  • Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)   Chapter 32: Traydor

    Nagulat ang mga tao rito sa biglang pagsalita ni Cathlyn. Mas lalo akong kinabahan ng tumingin siya sa akin na para bang kulang nalang ay kakainin niya ako sa demonyo niyang tingin. Wala akong pakialam sa yaman nila. Nakaya kong buhayin si Andrea na ako lang mag-isa even the 500,000 money na binigay ni Mr. Fuentes ay hindi ko iyon ginalaw dahil may sarili akong fund pero ang siraan ako sa harap ng mga tao ay baka hindi ko kakayanin. Marami na akong masasakit na karanasan kailan ba ito matatapos? Nangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba. Dahan-dahan kaming lumabas sa venue at hila-hila ko si Andrea ngunit bigla akong hinawakan sa braso... Ni Cathlyn. "Plan to escape?" saad niya sa mahinang boses. "How dare you to cross the line! You planned this, Cathlyn! Wala kang awa," madiin kong pagkasabi ngunit kami lang ang nakakarinig. Pakiramdam koy aatakihin ako sa kaba lalo na't nakatingin sa amin si Alexander. Dali-dali kong kinuha sa bag ang headset at inilagay ko sa tainga ni Andrea at i

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status