Nagising akong katabi si Alexander akala ko ay tuluyan ng may nangyari sa amin iyon pala ay nakasout na ako muli ng aking damit. Agad akong lumabas mula sa kuwarto niya at lumingon kaliwa't kanan baka may makakita sa amin. Sa nangyari kagabi napaisip ako na mabuti rin pala ang puso ni sir Alexander pero bakit kaya lagi siyang naglalasing at parang ayaw niyang mamahala sa negosyo nila? Teyka, ano ba ang pakialam ko? Naiinis ako sa sarili ko.
"ayan ka nanaman Thea, paano kung masasaktan kana naman?" turan ko sa isip ko.Kakauwi lang ni mayordoma ngayong umaga, nasa hospital pa ang Ama ni Alexander. Sabi nito, kung puwede ay ako raw muna doon magbantay. May caregiver naman raw si Mr. Fuentes kaso pinaalis rin daw dahil mapili daw itong Ama ni Alexander sa mag aalaga sa kanya. Baka naman ma sisante ako nito kapag hindi rin niya ako magustohan.Ngayon alas-diyes y medya ng umaga raw ang alis ko papuntang hospital. Ano ba naman 'to si manang violy, iyan kasi raw ang pangalan niya huwag na raw ako tawag ng tawag ng mayordoma. Bakit naman biglang ako ang pupunta ng hospital. Inihanda ko na ang mga kailangan kong dalhin sa hospital at nagdala narin ako ng pamalit ko na damit. Sisiguraduhin lang nilang may bonus akong matatanggap sa pasko kun'di talagang... talagang wala akong magawa.Bitbit ko ang bag para ipasok sa sasakyan, ang maghahatid sa akin ay ang driver dito sa mansyon ngunit biglang lumabas si Alexander na nakabihis na at tila ay aalis rin. Inagaw sa akin ang bag at sinabing siya nalang maghatid sa akin. Sinalakay ako ng kaba na baka ay mapansin ni manang violy kung ano ang namagitan sa amin ni Alexander. I mean, wala naman talagang kami ni Alexander pero natatakot lang rin talaga ako na baka mahalata nila na magkakilala na kami ni Alexander bago pa ako na hired dito."Sa akin kana sumabay Thea, pupunta lang rin naman ako sa hospital.""Ay, hindi sir. Sabi ni manang kay kuya raw ako sasabay.""Ay, hindi sir." pag ulit ni manang violy sa sinabi ko habang nakangiwi ang mga labi nito, iyong bang boses na nang-aasar.Napatingin ako kay manang, loko to si manang ah! Tinulak niya ako papuntang sasakyan ni sir Alexander."Sige na, sige na, Thea, aba'y sumabay kana para makarating ka ng maaga roon," wika niya.Aba'y manang violy baka kako may gusto karin kay sir Alexander, magsabi ka lang magpaubaya naman ako.Pinaandar na ni sir Alexander ang kanyang sasakyan at papunta na kami ng hospital. Sa sobrang traffic ay hindi maiwasan magtanong ni Alexander sa akin."Are you okay?" Sabay kinuha ang kamay ko.Kagabi pa itong si sir Alexander, akala ko ay lagi nalang kaming mag aaway dahil hindi kami magkakaintindihan. Mali pala ang nasa isip ko."Okay lang naman ako, why?""W-wala, nagtatanong lang, bawal ba?"Ngumisi lang ako at sabay binitawan ang kamay niya."Ano kaba, nagtatanong lang rin naman ako."Hindi ito umimik at nagpahurorot na ng sasakyan. Sabi niya ay dadaan lang raw muna kami ng supermarket. Nag-usap kami na hiwalay kaming mamili dahil ayaw kong masabi ng iba na jowa ko siya lalo na't kilala pa naman ang pamilya nila.Naglalakad ako rito sa loob ng supermarket sa mga chocolates section, mahilig rin kasi ako sa mga tsokolate. Marami naman sana doon sa ref ng mansyon kaso nakakahiya kasing kumuha. Abala ako sa pamimili ng ibat-ibang klaseng tsokolate na bibilhin ko, biglang nahulog ang isang piraso sa may paa ng taong nakatayo malapit sa akin. Pinulot ko ito at agad akong tumayo ngunit pagtingala ko ay dalawang taong nag traydor sa akin ang nakita ko ngayon, magkahawak ang kanilang kamay habang ang babae ay may tulak tulak na grocery basket. Nasilayan ko ang laman nito. Mga kagamitan sa kusina."Ah, magkasama na pala sila sa isang bahay."Ang nagpabasag sa aking damdamin ay pareho silang nakasout na ng wedding ring. Nakatayo ako sa kanilang harapan ngayon, nanginginig, namamawis, kinakabahan. Gusto kong sabunutan ang kaibigan ko pero hindi ko magawa, gusto kong sampalin si Jordan pero hindi ako makagalaw. Biglang nagsalita ang babaeng minsan kong naging kaibigan."Oh, Thea? Kumusta?"Mas lalong gusto ko ng manghila ng buhok sa puntong ito. Nakaya pa nila akong harapin at kumustahin sa nagawa nila? Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa hanggang sa napagtanto ko na naka uniporme pala akong pang kasambahay. Sa tingin ko ay minaliit nila ako sa oras na'to."Ah, so kasambahay ka? Saang mansyon?" tanong ni jordan.Magsasalita na sana ako ng biglang..."Love, kanina pa kita hinanap. Binilhan kita ng mga damit, tara sukatin mo. Sino sila?"Nagulat ako sa pinakita ni Alexander. Mas lalo akong naguluhan ngayon. Teyka, alam ba niya? Paano niya nalaman? Bahagyang hinawakan niya ang aking bewang sa harapan ng dalawa."Soon to be husband ako ni Thea," pagpakilala niya sa dalawa. "And, yes. Kasambahay siya pero mahal ko siya kasi marangal naman ang trabaho niya hindi katulad sa iba- walang ginawa kun'di mang agaw, mang-traydor at mang maliit sa kapwa."Binigyan ni Alexander ng pera ang dalawa at hinulog ito sa basket nila."Treat 'yan ni Thea sainyo. Sige, mauna na kami."Wala akong masabi sa lahat ng pinakita ni Alexander ngayon. Hindi ako pumalag sa kanyang paghawak sa bewang ko, hinawakan ko rin siya sa likuran nito hanggang sa makarating kami sa parking area.Nasa sasakyan na kami pero hanggang ngayon hindi ko alam paano ako mag react. Magpasalamat ba ako? Itatanong ko ba kung bakit niya nalaman?"Huwag ka ng magsalita, may chocolate diyan. Kumain ka saka may tubig din diyan sa paper bag," sambit nito habang iniikot ang sasakyan sa parking area.Nakatulog ako sa biyahe kaya hindi ko namalayan nandito na kami sa hospital.Grabi, ang laki naman nitong pribadong hospital na ito. Ngayon lang ako makakapasok sa VIP room ng mga mayayaman. Pagpasok palang namin sa entrance ay parang mall narin ang loob sa sobrang luwag nito. Lalo na ng pagdating namin sa mismong VIP room ni Mr. Fuentes. Ang kuwarto na ito ay parang bahay na namin dati. Kahit man ay namangha ako sa aking nakikita rito ay nakabaon parin sa isip ko ang pagtanggol ni Alexander sa akin kanina.Kung hindi siya dumating baka kung ano na ang nagawa ko. Kahit kasinungalingan lang iyon ay nagpapasalamat parin ako sa kanya. Kapag may pagkakataon ulit na makausap ko siya ay tatanungin ko kung paano niya nalaman, sa ngayon ay kailangan ko muna i-focus ang isip ko sa pag t-trabaho."Magandang umaga po," bati ko kay Mr. Fuentes.Sakto naman na gising na ito at nagbabasa ng dyaryo. May sakit si Mr. Fuentes sa puso, anytime daw ay puwede itong atakihin. Ngumiti naman ito sa amin ni sir Alexander pero mukhang nagtataka ang kanyang mukha ng nakita niyang si sir Alexander ang may dala ng bag at mga binili namin kanina. Tarantang inagaw ko naman ito mula sa kamay niya at itinabi sa gilid. Napansin kong malapad ang ngiti ni Mr. Fuentes habang nakatingin sa aming dalawa ni Alexander, para bang naaliw siya sa amin kahit wala naman kaming ginawa na mapangiti siya."Buti ay napabisita ka Lex?"Ah, so Lex for ALexander, ngayon ko lang kasi narinig na nag-uusap silang dalawa kaya ngayon ko lang nalaman na Lex pala tawag nito sa kanya. Sakto ay tinawag ako ng nurse para bigyan ng instruction sa mga dapat gawin, iniwan ko muna sila mag-usap. Nandito kami sa labas ng room ni Mr. Fuentes, pinalawanag lang na kailangan itong bantayan at alalayan.Dumating naman si Madam at kumaway lang ito sa akin bago pumasok ng room. Lumipas ilang minuto ay pumasok narin ako sa loob kaso pagbukas ko ng pintuan ay narinig kong malakas ang tono ng pag-uusap ni sir Alexander at ng kanyang Ina, mabigat ang hakbang nito palabas ng room at dinaanan lang ako. Maya maya ay sumunod din si Madam sa kanya.Pagpasok ko ay humingi ng pasensya si Mr. Fuentes sa nangyari."Pag pasensyahan mo na ang mag ina, hindi lang sila nagkakasundo sa isang bagay.""Ay, okay lang po.""Ikaw ba Thea, may jowa kana ba?"Nagulat naman ako sa tanong nito."A-ay wala po, mahirap pa pong umibig sa panahon ngayon. Meron naman isang taong medyo interesado ako pero hindi ko alam kung bagay ba kami," pagpapaliwanag ko sa kanya."Malapit na akong mawala, gusto ko sanang nasa tabi ka ni Alexander hanggang sa maging mabuting tagapag mana siya ng kumpanya."A-ano? Anong ibig-sabihin ni Mr. Fuentes?Nakatulog pala ako dahil sa mga sinabi ni Mr. Fuentes sa akin. Nakakabigla naman 'yong mga sinabi niya. 8:30 in the evening na pala, sabi ng nurse ay pinakain na raw nila si Mr. Fuentes, mabuti naman ay hindi ako pinagalitan ni boss kahit nakatulog ako. Naghilamos muna ako dito at paglabas ko ng c.r ay naka abang na si sir Alexander. Nanggugulat naman ito, akala ko ay sino na itong multong naka abang sa akin. "Naparito ka sir?" "Why are you asking me like that? syempre, Dad ko ang na hospital." kunot-noong sagot nito sa akin. "May dala akong pagkain, mabuti pa ay kumain ka muna." Umupo kami rito sa sofa ng room ng dad niya, since VIP room ito halos magkasing laki narin siguro ito ng boung apartment ko. May kitchen na nga rin, grabi ano? Ganito talaga kapag mayayaman. Nanood kami ng tv habang kumakain sa pizza na dala niya. Ewan, bigla nalang kami naging comfortable sa isa't-isa, kahit laging na uudlot ang tamis ng gabi pero hindi parin nagbago ang trato ni Alexander sa akin, ipina
Pagdating dito sa mansyon ay hindi ako nagpahalata sa nangyari sa akin. Hindi ko pa sinabi kay Alexander. Umalis sila Mr. Fuentes kasama si madam, naiwan dito ay si Alexander at ibang kasambahay. Nag message si Alexander na mag-usap daw kami saglit sa may garden. May mga upuan kasi doon at presko ang hangin sa labas, hindi rin masyado kita doon ng ibang kasambahay dahil sa laki ng mansyon ay halos hindi na nga kami nagkikita dito. Tanaw ko palang sa malayo si Alexander ay tumakbo na ito papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Na miss kita ga." sambit nito. "Hmm.. Ako din naman ga." "Are you okay?" "Yes, okay lang ako.""Ang tipid mo naman sumagot ngayon, may problema ba?" Sa totoo lang ay ayaw ko pa sabihin sa kanya ngayon, gusto ko sa lugar kung saan hindi namin iisipin na baka mahuli kami. Wala naman problema kay Mr. Fuentes at kay madam pero ewan ko, may nararamdaman akong kakaiba. Siguro dahil may masakit akong alaala 1 year ago. Halos mag 2 years narin simula noong na
"Mommy, are you done na ba with your team meeting?" Nagising si Andrea habang hinimas ko ang kanyang buhok. "Yes, my Princess. Tapos na kami, you know na kapag sunday-" "It's church day." Pagputol niya sa sinabi ko. Alam na niya na kapag sunday ay church day saka bonding narin namin 'to ni Andrea. As usual gusto niyang magka terno kami palagi ng sosoutin. We are wearing a below the knee pink floral dress at sinoutan ko narin siya ng gloves dahil malamig rito sa Canada. Pagkatapos namin magbihis ay nakaharap kami sa salamin gusto raw niyang mag mirror selfie kami. "Mommy, you look so pretty," wika nito habang manghang mangha ang mukha. "Thank you nak, you look so pretty too. O siya! Labas kana, sumakay kana sa kotse, baka ma late pa tayo." "Andrea, What do you need to do first kapag aalis tayo?" "Hmm... Fasten your seatbelt po tapos i-check kung naka lock na ang car door, and then mag pray po kay Papa God." "Very good! Okay, aalis na tayo. Don't use your cellphone ah? Just beh
I was certain. I knew it, sure ako siya talaga ang sister ni Mr. Alexander. She was telling her information to me but what caught my attention is when she told me that her Dad was died 5 years ago that's why i-bebenta na nila itong property ng daddy nila. I was shocked about it. Mr. Fuentes has been good to me no'ng namasukan akong kasambahay sa kanila. Iyong binigay niya na 500,000 ay nandito pa sa akin. Nasa savings bank account ni Andrea. Simula no'ng naka received ako ng message mula sa kanya ay wala na akong balita tungkol kay Mr. Fuentes. After ko humingi ng tawad at nagpasalamat na dapat ay hindi ko sana tanggapin pero He insisted talaga na tanggapin ko dahil para raw naman iyon sa magiging apo niya. Iyon ang last na conversation namin, even Manang Violy wala narin akong contact sa kanya kasi pinutol ko lahat ang connection ko roon, nagpalit ako ng number, nag deactivate ako ng facebook. Sinubukan kong kalimutan ang lahat, mabuti ay nakaya ko naman. Noong nanganak ako kay And
Nasa Quezon City na kami, sa wakas nakarating din. I'm Originally from Cagayan De Oro City talaga, naroon din ang aking mga relatives pero dahil kailangan ng trabaho, nakipag sapalaran ako dito sa Manila. Mabuti ay nakaya namin ang Long travel ni Andrea. Bukas naman ang luwas ng aking tiyahin kasama ang anak ng pinsan ko para may kalaro raw si Andrea. Papasundo ko narin iyong sasakyan namin, mabuti ay nagawan ng paraan na madala rito sa Pilipinas. Nanibago raw si Andrea sa Klima dito medyo mainit daw compared doon sa Canada. Sa wakas raw ay hindi na siya palaging mag jacket at naka leggings. Gustong gusto niya na raw soutin ang mga skirt na kulay rainbow na binili ko sa kanya. Maranasan na raw niyang walang leggings na nasa ilalim nito dahil sa sobrang lamig. Tuwang tuwa ang makulit na bata sa pagdating namin dito sa ni rentahan naming apartment, kasi naman ang daming batang naglalaro dito sa loob ng subdivision. Gusto niya narin daw makipag laro. Nag away pa kami niyan dahil na
Pagmamadali kong hakbang patungo kung saan kami kakain. Pakiramdam ko sobrang init na ng mukha ko ngayon. "Bakit kaya hindi ako naalala ni madam?" tanong ko sa sarili habang nagmamadaling maglakad. Impossible talagang hindi niya ako nakilala, o baka nag bulaglagan lang dahil baka nalaman niya ang relasyon namin dati ni Mr. Alexander. To be honest, nagulat rin ako sa laking pinagbago ni madam, ang payat na niya saka marami na siyang puting buhok. May sakit kaya siya? Dire-diretso lang ako sa aming paroroonan at hindi ko na naisipan pang lumingon pang muli. Nag order na ako ng pagkain namin saka umupo na rito. Tahimik lang si Andrea parang nagtataka na siguro ito bakit gano'n na lamang ang aking reaction kanina. "Anong pakiramdam mo ngayon mamsh?" tanong ni Nico habang sumusubo ng pagkain. Tinititigan ko si Nico, pinangdilatan ko ng mata. Baklang 'to, alam naman niyang ayokong pag uusapan namin ang tungkol diyan kapag kasama namin si Andrea. Isa 'to si Nico sa nakakaalam sa lahat
Sobrang sakit ng ulo ko ng nagising ako nitong umaga, sumobra yata ang inom ko kagabi dapat sana ay pang relax lang sana iyon. Napagtanto kong nilagay ko pala muli ang dati kong simcard sa cellphone ko kaya agad agad akong nagtungo sa sala dahil naroon ang cellphone ko. Paglabas ko ng kuwarto ay hawak hawak na ni Andrea ang cellphone."Mommy, bakit ang dami mong messages? Sino po si Boss baby A?" Nataranta ako bigla at inagaw ko kaagad ang cellphone mula sa kamay ni Andrea, agad tinanggal ang simcard at itinapon sa basaruhan na nasa kuwarto ko. Napagalitan ko pa, pero humingi rin ako ng pasensya sa anak ko, siguro nadala nanaman ako ng emosyon ko. Nagluto na ako ng agahan namin dahil maya maya ay magsimula na ang meeting namin. Kasulukuyang kumakain na kami, si Andrea ay nasa gilid ko while si Nico ay nasa tapat namin. Ngumunguso si Nico paturo kay Andrea, ibig niyang sabihin ay bakit raw nakasimangot at parang malungkot. Niyakap ko rin agad at sinabihang huwag na magtampo dahil
Alexander's Fuentes Pov: Damn! Bakit ba ganoon siya kagalit sa akin? Kahit ilang beses pa niya akong pagtabuyan, hinding hindi ako magsasawang pabalikin ang pagmamahal at tiwala niya sa akin kaso may anak at asawa na pala siya. Hanggang dito nalang ba ang aming relasyon?Mas lalong gumanda at tumapang si Thea ngayon. Hindi ko maiwasan mamangha sa kanya, she's wearing a black skirt na may slit kaunti and white office top at naka heels pa ito. She walk like a fierce woman, palaban at mukhang hindi na siya ang Thea na nakilala ko dati.Mukhang hindi niya alam na hindi ko pinakasalan ang babaeng pinili ni Mom para sa akin. Hinding hindi ko siya kayang ipagpalit kahit kanino man, kahit na masakit, lalo na ngayong natunghayan mismo ng dalawa kong mata na may lalaki siyang kasama noong una naming pagkikita sa Mall. Bahala na, ang sa akin magkaroon nalang kami ng closure. Hindi ko kayang isipin na nagtatanim ng galit si Thea sa akin pero inaamin ko naman, kasalanan ko rin kung bakit sumam