Share

Chapter 4

Author: manang_gapat
last update Last Updated: 2024-10-19 20:17:42

Gulat na gulat parehas pang napasigaw ang dalawa ng buksan ni Sofia ang pintuan ng banyo.

"What the hell are you doing?" sigaw ni Benedict sa kanya.

Napapikit at napahawak naman sa bibig nito ang dalaga.

"Eh bakit ba kasi hindi ka naglolock ng pintuan huh?" sigaw naman na sagot niya sa binata.

Biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nito ang inis na inis na binata.

"Ano ba? Hindi ka man lang ba marunong kumatok muna huh?" pagalit na tanong nito sa dalaga.

"Eh hindi ko naman alam na banyo pala ito eh, tsaka hinahanap ko kasi ang kusina kaya narito ako!" sagot ni Sofia.

"Grrrrrr!!!" inis na inis na si Benedict.

Nagtataka namang dumating si Belen sa kinaroroonan ng dalawa.

"Anong nangyayari dito? At bakit kayo sumisigaw?" tanong ng matanda sa dalawa.

"Ito kasing alaga nyo nay! Binuksan ang banyo na hindi man lang kumakatok!" bulalas na anas nito at pailing-iling na tumalikod.

"Ang yabang talaga!" bulong pa niya.

"Teka, bakit narito ka pala Sonia?"

"Hinahanap ko po kasi ang kusina, eh hindi ko naman alam na naliligaw na pala ako, tapos nabuksan ko itong pinto na hindi ko naman alam na nasa loob pala sya!" paliwanag niya sa matanda

Bahagya namang napangiti ang matanda sa paliwanag niya.

"Akala ko kong napaano na kayo dito? Pagpasensyahan mo na si Señorito Benedict, pero mabait na bata yan!" nakangiting sagot ng matanda.

"Mabait? Eh halos nga kainin na ako ng buhay, as if naman pagnanasaan ko sya, eh mas handsome pa ang mga boys sa bar!" sigaw ng isip niya.

"Hayaan mo, pag natapos na tayo sa almusal ay ililibot kita sa mansyon para naman hindi ka kung saan -saan sumusuot!" naiiling at natatawang wika ng matanda.

Sumunod si Sofia sa matanda patunggong kusina.

Magdadalawang buwan nang nawawala si Sofia at gabi-gabi paring umiiyak si Almira dahil sa pag-aalala nito sa kanyang anak.

"Nasaan kana ba kasi, hija!" umiiyak na anas ni Almira habang hawak-hawak ang litrato ng dalaga.

Habang si Armando naman ay wala pa ring tigil sa pagpapahanap kay Sofia.

"Damn, you! Sofia! Nasaan ka na bang bata ka? Hindi mo pwedeng gawin sakin ito, kailangan kita para isettle ang gusot ng company!" mariin na anas ni Armando.

Napatinggin si Aramando ng biglang magbukas ang pinto ng kanyang opisina.

"Don Facundo?" gulat na tanong ni Armando nang biglang pumasok ang matandang bilyonaryo.

"Kamusta na Armando?" tanong ni Don Facundo at nagpaikot-ikot pa ito sa opisina ni Armando.

"Ahmm! Mabuti naman Don Facundo, ikinagagalak ko ang pagbisita mo dito sa opisina ko!" sagot ni Armando.

"Na magiging opisina ko na Armando! Baka nakakalimutan mo na malaki ang pagkakautang ng kumpanya mo sa akin!" ani nito at bahagyang napangisi pa ito.

Napakuyom naman ang mga kamay ni Armando nang marinig ang sinabi ni Don Facundo. Humugot ng malalim na paghinga si Armando at iniaayos ang kanyang suot na kurbata tsaka nagsalita.

"Hindi ko 'yon nakakalimutan Don Facundo, at sana ay tanggapin mo din ang in-ooffer ko sayo na ipakasal ang anak kong si Sofia bilang kabayaran sa mga danyos ko sayo!" ani ni Armando.

Hindi naman agad nagsalita ang don at nilaro-laro lamang ang tungkod na hawak nito habang humihithit ng kanyang mamahaling tabako.

"Kailan ko ba makikilala ang anak mo Armando?" tanong nito.

"Ahmmm! Sa susunod na buwan ay dadalhin ko sa mansyon n 'yo ang anak ko, para makilala mo si Sofia." Si Armando.

"Sofia! Mukhang bagay na bagay sa anak mo ang pangalan nito!" puri pa ng matanda at tumayo na ito at walang sabi-sabing lumabas ng opisina ni Armando.

Napaupo naman si Armando sa kanyang upuan nang makaalis na ang don.

"Dammnn! Kailangan na kita makita Sofia! Nasaan kana ba?" napakuyom pa ang kamay nito habang kinakausap ang sarili.

Pati ang matalik na kaibigan ni Sofia na si Lesly ay pinasusundan na rin ni Armando sa kanyang mga tauhan para lamang malaman kung nasaan ang kaisa-isang anak nito.

"Manong, parang kanina pa po tayo sinusundan ng kotse na iyon?" tanong ni Lesly sa kanyang driver.

"Oo nga po, kanina ko pa rin ito napapansin!" sagot naman ng driver.

"Teka! Mga tauhan ng daddy ni Sofia ang mga iyon huh?" napakunot pa ang kanyang noo ng makilala ang isang bodyguard ng daddy ni Sofia.

Agad na kinuha ni Lesly ang kanyang celfone at idinial ang numero ng kaibigan.

"Shit! Bakit hindi kita makontak, Sofia?"

Muli niyang tinawagan ito pero wala pa rin. Nilingon niya ang kotse na kanina pa nakasunod pero wala na ito ng makapasok sila sa kanilang mansyon.

Habang sa mansyon naman ng mga Monteverde kung nasaan ang dalagang si Sofia, ay inis pa rin ang nararamdaman ni Benedict dahil sa kilos ng dalaga.

"Nay Belen was right; she's beautiful but also annoying!" pinilig pa ni Benedict ang kanyang ulo ng maisip iyon.

Naupo ang binata sa kanyang gaming chair at binuksan ang kanyang pc para magtanggal ng inis sa dalaga. Naglaro ito ng COC para makalimutan ang pagka-inis sa dalaga.

Nasa kusina naman ang dalawa at naghahanda ng kanilang almusal.

"Sonia, marunong ka naman siguro magtimpla ng kape diba? Magtimpla kana lang ng kape natin at ako na lang ang magpiprito ng itlog para ipalaman sa tinapay!" utos nito sa dalaga.

"A_ahhh, E_ehhhh! Sige po Nay Belen!" nauutal na sagot niya sa matanda.

Kinuha ni Sofia ang dalawang mug at inilapag sa lamesa. Nagpaikot-ikot pa ito kung nasaan nakalagay ang coffee ng mga ito.

"Nay, nasaan po nakalagay ang coffee machine ninyo?" tanong nito sa matanda.

Napakunot naman ang noo ni Belen ng marinig ang sinabi ng dalaga. Napailing na lang ito at kinuha ang dalawang bote na nasa cabinet at inilapag sa harap ni Sonia.

"Ano po ito Nay?"

"Anong ano yan? Eh diba magtitimpla ka ng kape? Kape at asukal yan!" may pagtataka sa mukha ni Belen.

"A_ahhh, oo nga po pala, Nay Belen, nasanay po kasi ako sa bahay na may coffee maker kami eh, ka___!" biglang natigilan ito ng makita na parang nagdududa na ang matanda sa mga sinasabi nya. "Kaya sa dati ko po kasing amo, gumagamit sila ng coffee machine kaya akala ko meron din po kayo nito dito sa mansyon!" pagsisinungaling niya.

"Ganoon ba? Hindi kasi mahilig ang señorito sa mga mamahaling gamit eh, tsaka dadalawa lang naman kaming narito, may sarili namang mansyon ang lolo nya kaya hindi na bumibili ng kung ano-anong kagamitan si señorito!" kwento pa ni Belen.

Nagulat naman si Sofia sa mga sinabi ng matanda, ang unang tinggin niya kasi sa binata ay mahilig sa maranggyang buhay, happy-go-lucky na lalaki, kaya napahanga siya na mali pala ang kanyang iniisip sa binata.

"Pero, Nay Belen, matanong ko lang po nasaan po ang mga magulang ni Señorito Benedict?" bulong na tanong niya sa matanda.

"12 years old palang siya ng mamatay sa isang car accident ang mga magulang niya kaya tanging ang lolo na lang niya ang nagpalaki sa kanya, at ako na ang nag-alaga sa kanya simula ng baby sya!"

"Ano po? Simula po baby ikaw na ang nag-aalaga sa kanya?" manghang tanong nito sa matanda.

Tumanggo naman ito at ngumiti.

"Sya tama na yang kakatanong mo, bilisan mo na ang pagtitimpla ng kape natin para makakain na tayo.

Hindi naman malaman ni Sofia ang gagawin kaya naman nilagay na lamang niya ang lahat ng ibinigay ng matanda sa kanya. Iniabot din ni Belen ang mainit na tubig sa dalaga para ilagay sa kape.

Naupo na ang mga ito ng biglang dumating si Benedict.

"Señorito, may kailangan po ba kayo?" tanong ni Belen rito.

"Kukuha lang po sana ako ng juice at sandwich nay, pero parang nagbago ang isip ko ng makita ko ang kape na ito!" nakangiting wika nito sa matanda.

Natawa naman si Belen sa inasal ng alaga. Ito kasi ang nagiging bonding nilang dalawa kapag natatapos na ng gawaing bahay si Belen, nagkakape silang dalawa ni Benedict sa sala.

Napamulagat si Benedict ng inumin nito ang kape. Puno rin ng pagtataka si Belen sa anyo ng binata. Samantalang kinakabahan naman si Sofia sa reaksyon ng binata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid for YOU   Chapter 20

    Hawak-hawak ni Sofia ang kanyang balakang nang matapos siya sa kanyang ginagawa. Napangiti siya nang makita niyang nalinis niya ang lahat ng cabinets sa kusina. "For real? I did all this?" manghang tanong niya sa sarili.Hinimas-himas pa niya ang kanyang balikat dahil sa sumasakit rin iyon. "Napagod ka ba?" tanong ni Belen na kakapasok lang sa kusina."Hindi naman po gaano, Nay Belen, pero masaya po ako kasi nalinis at natapos ko lahat ang inutos ninyo rito sa kusina." "pagpasensyahan mo na ako at hindi kita natulungan dito, inaayos ko kasi ang mga labahan ko sa laundry area kaya hindi na kita natulungan." "It's okay, nay! I can manage!" nakangiting anas nito sa matanda."Matalino ka sigurong bata ano? Ang galing mo kasi magsalita ng english parang galing ka rin sa isang mataas na antas ng pamilya."Bigla naman kinabahan si Sofia sa sinabi ng matanda. Hindi kasi minsan nito maiwasan na hindi makapagsalita ng english lalo't ito na ang nakasanayan niya sa mansyon." "Naku, nay! Simp

  • Maid for YOU   Chapter 19

    "Sa isang buwan ay pupunta tayo sa mansyon ng mga Del Mundo para makilala mo ang anak nila." "Ano pa bang magagawa ko?" bulong niya sa sarili."I think, magkakasundo kayo ng mapapangasawa mo, sabi ni Armando ay very charming daw ang anak niyang si Sofia kaya feeling ko perfect kayong dalawa." nakangiting ana ni Don Facundo."Ito lang ba ang reason, lo! Bakit pinapunta mo ako dito sa mansyon?" seryosong tanong niya rito."Yes, at gusto kong makasal na kayo sa lalong madaling panahon para naman makita ko pa ang magiging mga apo ko sa tuhod sa inyong dalawa." Hilaw na ngumiti si Benedict sa kanyang Lolo Facundo."Anak lang pala eh, bakit hindi na lang tayo maghire ng babaeng magdadala ng mga apo mo." naiiling na sigaw niya sa kanyang isipan.Nasa Hapag naman ang mag-asawang Armando at Almira. "May balita ka na ba sa anak mo?" tanong ni Almira sa asawa."Nothing, until now ay hindi pa rin siya nahahanap ng mga tauhan ko." "Anong gagawin natin? Baka kung napaano na si Sofia?" nag-aalal

  • Maid for YOU   Chapter 18

    Hindi na niya alam ang sunod na nangyari ng unti-unti na lang manlabo ang kanyang mga mata. Napabalikwas siya ng bangon ng makita niya na nasa kama siya. Agad niyang hinanap si Belen."Nay Belen!" tawag niya.Napatinggin siya sa pinto ng marinig niyang parang may naglalakad patunggo sa kanilang silid. "Gising ka na pala!" Natahimik si Sofia nang biglang pumasok ang binata na may dalang mainit na sabaw."Mabuti pa ay humigop ka ng mainit na sabaw, para mainitan yang sikmura mo." utos nito sa kanya.Naamoy naman niya ang aroma ng chicken soup na inilapag nito sa mesa."Teka, si Nay Belen po, señorito?" tanong niya sa binata."Nasa pharmacy si Nay Belen, bumibili ng gamot mo, kaya take your soup para mainitan ang sikmura mo bago dumating si Nay Belen," seryosong anas niya dito."Ayos lang naman po ako, pasensya na po kayo sa abalang ginagawa ko." "Next time huwag kang magmarunong, dapat sinabi mo kay Nay Belen na takot ka pala sa matataas na place, para hindi nag-aalala sayo si Nay B

  • Maid for YOU   Chapter 17

    Papaakyat pa lang ng entertainment room ang binata ng tumunog ang kanyang celfone."Hello, lolo!" sagot niya sa kabilang linya."Hello, Benedict! Please come to my mansion now; we need to discuss something." "But, lo! Hindi po ba bukas pa ang usapan natin na dadalaw ako dyan?" tanong niya rito."Ngayon na, sige na hihintayin kita dito!" Ibinaba na ng kausap nito ang tawag. Napabuntong hininga na lang ang binata. Naabutan niyang busy pa rin ang mga ito sa panunuod ng movie."Dude! Anong nangyari sayo? parang badtrip ka?" tanong ni Vince sa kanya."Hulaan ko, inaway mo na naman si Sonia ano?" natatawang tanong ni Arthur."Si lolo, kailangan kong pumunta ngayon sa mansyon ." sagot nito.Napailing na lang ang mga ito."Mabuti pa, sabay-sabay na lang tayo umalis, iisa lang din naman ang way natin eh!" mungkahi ni Jeric.Nagmadaling nag-ayos ng sarili si Benedict. Isang simpleng t-shirt at pants lang ang isinuot ng binata."Let's go, guys!" aya niya sa mga ito.Isa-isa ng bumaba ang mga i

  • Maid for YOU   Chapter 16

    Tumayo siya para kumuha ng tubig sa kusina."Dude! Saan ka pupunta?" tanong ni Jeric sa kanya."I'm going to grab a glass of water to the kitchen!" sagot niya rito."Okay, idamay mo na rin kami, dude!" wika pa ni Vince.Tumango naman siya at lumabas ng entertainment room. Nagulat pa siya ng makarating malapit sa kusina. Nakita niyang may sinisilip si Benedict at napapangiti pa ito.Malaya lang niya itong pinagmasdan habang naisipang magkubli sa isang haliging bato na naroon. Hindi rin naman nagtagal si Benedict sa labas ng kusina at palinga-lingang umalis ito."What's Benedict looking at inside?" tanong niya sa sarili.Palinga-linga rin siya at nang masigurado na niyang wala na si Benedict ay agad siyang nagdahan-dahang lumapit sa pinto ng kusina.Napailing at napatawa pa siya ng makitang, sumasyaw ang dalagang si Sofia habang nagpupunas ito ng sink."I feel you dude!" natatawang si Arthur.Aliw na aliw siyang pinanunuod ang dalaga sa loob ng kusina habang feel na feel nito ang ginaga

  • Maid for YOU   Chapter 15

    Halos maubos ni Sofia ang nasa kalderong sopas na niluto ni Belen."Sabi na sayo eh, makakalimutan mo lahat ng pagkain na paborito mo kapag natikman mo ang sopas na niluto ko." natatawang wika nito sa kanya.Hinamas pa ni Sofia ang kanyang tiyan at napakapit sa kanyang bibig ng dumighay ito nang napakalakas. Tawang-tawa naman si Belen sa ginawa ng dalaga."Nay Belen, the best among the rest talaga pala po ang sopas mo!" wika pa niya sa matanda.Napahinto si Sofia at napayuko nang pumasok ang mga binata at dala-dala ang kanilang mangkok."Bakit, kayo pa ang nagdala ng mangkok dito sa loob?" tanong ni Belen sa mga binata."It's fine, Manang Belen. This task is effortless." wika naman ni Jeric."Ang sabihin mo nagpapa-cool ka lang kay Sonia!" biro naman ni Vince."Naku, Manang since mga little boy pa kami eh ito naman po ang nakagawian namin sa tuwing bibisita kami rito sa mansyon!" nakangiting anas ni Arthur sa matanda."Hayaan nyo sila, Nay Belen, ang kakapal naman ng mukha nila kung i

  • Maid for YOU   Chapter 14

    Nagising si Sofia sa isang napakasarap na amoy. Nag-inat ang dalaga at nagulat pa ito nang makitang wala na roon si Belen at mas nagpalaki pa ng kanyang mga mata ay makitang nakahiga na siya sa kama. "Paano nangyari ito?" takang tanong niya.Bigla siyang napatakbo sa banyo at napatingin sa salamin ng biglang niyang maalala ang panaginip na binubuhat siya ng binatang si Benedict."Shocks! Was that just a dream or real? Did Señorito Benedict truly carry me?" Napatutop ang kanyang mga kamay sa bibig nito. Hindi niya maalala kung bakit siya nakahiga sa kutson na ibinigay nila ni Belen sa binata.Maya-maya ay narinig ni Sofia na may pumasok sa silid."Sonia?" Narinig niyang tawag ni Belen sa kanya. Agad siyang lumabas ng banyo at hinarap ang matanda."Gising ka na pala? Teka para kang nakakita ng multo?" takang tanong nito sa kanya."Mukhang minulto po talaga ako kagabi, Nay Belen!" "Huh? May multo rito kagabi?" "Eh kasi naman nay, hindi po ba inilagay natin itong kutson ko sa kusina

  • Maid for YOU   Chapter 13

    Isang pangyayari ang hindi inaasahan ng dalaga na mangyayari. Napalaki ang kanyang mga mata ng biglang maglapat ang mga labi nila ng binata ng madaganan siya nito."No freakin' way! He's ruining my first kiss!" bulalas niya sa sarili habang pilit niyang inaalis ang nakadagan na lalaki.Mas lalong nanlaki ang kanyang mata ng bigla silang makita ni Belen sa ganoong ayos."Diyos ko! Anong nangyayari sa inyo ni señorito?" gulat na tanong nito sa kanya."Nay, pwede po ba na makahinginng tulong ang bigat-bigat ng antipatikong ito!" daing niya sa matanda.Pinagtulungan nilang maisandal sa dingding ng kusina ang binatang si Benedict. Napasandal din at hinahangos ang dalaga sa bigat ng binata."Nay Belen, wala po ba kayong ibang nakita?" nag-aalaang tanong niya sa matanda.Kita naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo ng matanda sa kanyang tanong."Bakit? Ano bang nangyatir sa inyo ni señorito at nakasalampak kayo sa sahig?" Ikinuwento naman niya sa matanda ang nangyari kung bakit nasa ibabaw

  • Maid for YOU   Chapter 12

    Napatakbo si Sofia sa kanilang silid at nagkulong ito sa kanilang banyo."Kung hindi lang sana ako ipapakasal ng mga parents ko sa Don Facundo na iyan, eh hindi sana ako narito sa mansyon ng antipatikong Benedict na iyon!" umiiyak na sigaw ng isip niya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha."Sonia, pagpasensyahan mo na ang señorito, malamang ay nabigla lang iyon!" wika ni Belen na nasa harap ng pinto ng banyo."Ayos lang po ako Nay Belen, pasensya na rin po kung palpak na naman ang trabaho ko!" paghingi niya ng paumanhin sa matanda habang pigil ang kanyang pagiyak."Hayaan mo at kakausapin ko si señorito, ipapaliwanag ko sa kanya ang nangyari!" "Huwag na po nay, ayos lang po talaga ako!" Naawa naman ang matandang si Belen sa dalaga dahil alam nito na sobra itong napahiya sa mga harap ng bisita ni Benedict."This tastes great, even if it's slightly overcooked." seryosong anas ni Arthur habang kinakain nito ang fried chicken.Natawa naman ang dalawang binata sa ginawa ni Art

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status