Dala-dala ni Sofia ang kanyang nakuhang gamit nang tumakas ito sa kanilang mansyon. Narinig kasi nito na kailangan nyang makasal sa isang biyudong matandang bilyonaryo na kaibigan ng pamilya nito kaya naman sa takot nito ay naisipan nyang maglayas na lamang. Namasukan bilang maid si Sofia sa mansyon ng mga Monteverde, at naitago nito ang kanyang katuhan bilang isang heredera ng pamilyang Del Mundo. Pero habang naroon si Sofia sa mansyon ay unti-unting nakikilala nito ang pagkatao ng binata at hindi inaasahan ay nagkamabutihan ang dalawa at minsan pang nagsalo sa isang mapusok na tagpo. Lumipas pa ang buwan ay mas nakikilala ni Sofia ang kasintahan na si Benedict. Dumating ang kinatatakutan ni Sofia nang malaman nito na ang lalaking mahal nito ay apo ng matandang bilyonaryo na nakatakdang ipakasal sa kanya kaya agad itong umalis sa mansyon. Lumipas pa ang ilang buwan ay hindi pa rin natatagpuan ni Benedict ang babaeng kanyang pinakamamahal, ilang mga detectives na rin ang inutusan nito para hanapin ang dalaga, maging ang pamilya ni Sofia ay hindi na rin mapakali kung nasaan ang kanilang nag-iisang heredera. Hindi na malaman ni Benedict kung makikita pa ba niya ang dalaga o mananatili na lang isang masayang alaala ang pag-iibigan nilang dalawa?
Lihat lebih banyakNasa harapan ng salamin ng kanyang silid ang dalagang si Sofia, iniisip pa rin nito ang kanyang narinig na pag-uusap ng kanyang mommy at daddy tungkol sa pagkalugi ng kanilang negosyo.
"Are you sure Armando na si Sofia ang gagawin mong kabayaran sa malaking utang natin, kay Don Facundo?" tanong ni Almira sa asawang si Armando. "Almira, listen, kapag nakasal si Sofia kay Don Facundo ay mababayaran na natin ang lahat ng pagkakautang natin sa kanila, ayaw mo ba nun?" naiinis na tanong ni Armando sa asawa. "Pero Armando, kaligayan ng anak mo ang kukunin natin sa gagawin mo!" naiiyak na wika ni Almira. "Damn you Almira... don't be too stupid! Mas malaki ang mawawala sa 'tin kapag patuloy na bumagsak ang kumpanya natin, kaya wala na tayong magagawa kung iyon ang gusto ni Don Facundo," mariing anas ni Armando. Napatulo na lamang ang mga luha ni Sofia sa mga naririnig nito. Ayaw nitong makasal sa isang matanda at mawala ang kanyang kalayaan kaya agad na umisip si Sofia ng paraan para hindi matuloy ang pinaplano ng daddy nito. Kinuha ni Sofia ang kanyang backpack at kumuha ng mga ilang importanteng gamit sa kanyang cabinet at isinilid ito sa kanyang bag, maging ilang pirasong damit ay kumuha rin ito. Tiningan ni Sofia ang paligid mula sa bintana ng kanyang silid. Nakita nitong pinalilibutan ng mga bodygurads ang buong mansyon. "Go girl, mag-isip ka kung paano ka makakalabas ng mansyon," anas ni Sofia sa sarili. Maya-maya pa ay naalala nito ang sekretong lagusan sa garden ng mansyon kaya naman agad itong nag-isip ng paraan paano makakatakas sa bodyguard na naroon. Itinago ni Sofia ang kanyang backpack sa mga halaman at nagkunwaring namimitas ng bulaklak. "Magandang umaga po Ms. Sofia!" bati ng bodyguard na naroon. "Good morning din po, kuya! Ahmm by the way kuya pwede ba akong makahingi ng favor sa 'yo?" tanong nito. "Yes Ms. Sofia, ano po ba ang maipaglilingkod ko sa 'yo?" tanong agad nito. "Okay lang po ba na ikuha mo ako ng gunting sa kitchen para makakuha ako ng mga roses sa garden?" nakangiting tanong nito. "Sige po, wala pong problema, pero huwag po kayong masyadong lalayo hangga't hindi pa ako nakakabalik," pakiusap naman nito sa dalaga. "Yes kuya!" sagot ni Sofia at kunyari pang nagtitingin-tingin ng mga roses. Agad na kinuha ni Sofia ang kanyang backpack nang makaalis na ang bodyguard at agad na tumakbo sa sekretong lagusan. "I'm so sorry kuya, sana hindi ka mawalan ng trabaho," paghingi ng tawad nito sa bodyguard habang nagmamadaling tumakbo papalabas ng mansyon. Lakad takbo ang ginawa ng dalaga para makalayo sa mansyon dahil sa oras na malaman ng mga ito na nawawala sya ay maaari itong maabutan ng mga bodyguards. "Sofia, honey!" tawag ni Almira sa labas ng kwarto ni Sofia. "Donya Almira, nakita ko po si Ms. Sofia kanina na bumaba at may dala-dalang bag," sagot naman ng isang maid ng mga ito. "Bag?" takang tanong nito. "Yes po, pero nakita ko po ito na nagpunta sa garden," sagot ulit nito. "Okay! Thank you!" sagot ni Almira at bumaba na ito para hanapin sa garden ang anak. Napalinga-linga si Almira sa kanilang garden pero wala doon ang anak na si Sofia. Agad naman nakita nito ang bodyguard na naroon. "Nakita mo ba ang Ma'am Sofia mo?" tanong nito sa lalaki. "Ahmm kanina po narito lang at humingi pa nga ng gunting para sa pagkuha ng roses sa garden, pero pagbalik ko po galing sa loob ay wala na po dito si Miss. Sofia," sagot nito at kakamot-kamot pa. "Sige at hahanapin ko na lang ito baka nasa library lang or sa loob ng bahay," paalam nito sa bodyguard. Nagtunggo si Almira sa loob ng mansyon pero walang bakas na naroon ang nag-iisang anak na dalaga. "Sofia...! Hija, nasaan ka?" tawag pa nito at nakisuyo na rin sa mga katulong na hanapin ang dalaga. "Anong nangyayari, Almira?" takang tanong naman ni Armando sa asawa. "Hindi ko makita ang anak mo, wala din sa kwarto at kahit saan pang parte ng mansyon," sagot ni Almira. Pinatawag ni Armando ang mga tauhan nito at pina-review ang cctv sa buong mansyon. "What if narinig ni Sofia ang tungkol sa pagpapakasal nito kay Don Facundo?" tanong ni Almira sa asawa. "Kung umalis man sya dahil sa narinig nya ito, I will make sure na hindi nya matatakasan ang pagpapakasal kay Don Facundo," mariing wika ni Armando. Ipinanuod ng tauhan nito ang cctv footage kung saan tumatakbo palabas ng mansyon ang dalagang si Sofia. Napakuyom naman ang mga kamao ni Armando nang makita ang pagtakas ng kanyang anak na si Sofia. "Kayo..! Go and get here...!" pagalit na utos ni Armando sa mga tauhan nito. "Yes Sir..!" sabay-sabay na wika ng mga ito at isa-isa nang nagsialisan ang mga ito. "Armando, huwag mo sasaktan ang anak mo!" pagmamakaawa naman ni Almira sa asawa. "I'll teach her a lesson na ang isang Del Mundo ay may isang salita, kailangan niyang magpakasal kay Don Facundo, sa ayaw at gusto nya!" pagalit na anas nito at pumasok na sa kanyang opisina. Napadpad sa Tomas Morato ang dalaga at nadaanan nito ang iba't ibang klase ng restaurant kaya naman mas lalo pang kumulo ang tiyan nito nang maamoy ang usok ng barbeque. "Hindi ko na kaya talagang gutom na ako!" anas nito pero nasa pintuan pa lang ito ng restaurant ay agad na napaatras ito, tanging credit cards at atm lamang ang kanyang dala-dala at walang cash kaya natakot ito na ma-detect ng daddy nito kung nasaan siya. Laglag ang balikat na umalis si Sofia sa harap ng restaurant at naglakad palayo, napasigaw pa si Sofia nang biglang may isang kotse na pula ang muntik nang makasagasa sa kanya. "OMG! Hoy bumalik ka rito..!" sigaw ni Sofia nang hindi huminto agad ang kotse kaya naman inis na inis ang dalaga. Maya-maya pa ay huminto ang pulang sports car at bumaba ang isang lalaking matangkad na nakasuot ng simpleng t-shirt na puti at jogging pants. Agad namang lumapit si Sofia sa lalaki para sermunan ito pero mas naningkit ang mga mata ni Sofia nang abutan lamang nito ng calling card ang dalaga at agad na umalis ang lalaki na wala man lang sinabi na kahit ano. "What? Ganun-ganon na lang ba 'yon? Muntik na akong mamatay pero calling card lang ang ibibigay mo sa 'kin?" sigaw na tanong ni Sofia rito habang matinding inis ang nararamdaman. Sumakay ng kotse ang lalaki at paharurot na umalis ito. Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki nang makitang inis na inis ang babae habang papadyak-padyak pa sa sahig at sumisigaw. "Cute!" nakangiting anas nito. Naiwan namang pulang-pula ang mukha ni Sofia dahil sa pagkainis sa lalaki na muntik nang makabangga sa kanya. "BENEDICT MONTEVERDE!" anas ni Sofia nang mabasa ang calling card. Nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalaga kahit na naiinis pa rin ito, gutom na gutom na kasi ang dalaga kaya naman nang makita nito ang isang maliit na mall sa kabilang kalye ay napangiti ito. Napalinga-linga muna ito at isinuot ang sumbrero at sunglasses papasok ng mall para walang makakilala rito.Hawak-hawak ni Sofia ang kanyang balakang nang matapos siya sa kanyang ginagawa. Napangiti siya nang makita niyang nalinis niya ang lahat ng cabinets sa kusina. "For real? I did all this?" manghang tanong niya sa sarili.Hinimas-himas pa niya ang kanyang balikat dahil sa sumasakit rin iyon. "Napagod ka ba?" tanong ni Belen na kakapasok lang sa kusina."Hindi naman po gaano, Nay Belen, pero masaya po ako kasi nalinis at natapos ko lahat ang inutos ninyo rito sa kusina." "pagpasensyahan mo na ako at hindi kita natulungan dito, inaayos ko kasi ang mga labahan ko sa laundry area kaya hindi na kita natulungan." "It's okay, nay! I can manage!" nakangiting anas nito sa matanda."Matalino ka sigurong bata ano? Ang galing mo kasi magsalita ng english parang galing ka rin sa isang mataas na antas ng pamilya."Bigla naman kinabahan si Sofia sa sinabi ng matanda. Hindi kasi minsan nito maiwasan na hindi makapagsalita ng english lalo't ito na ang nakasanayan niya sa mansyon." "Naku, nay! Simp
"Sa isang buwan ay pupunta tayo sa mansyon ng mga Del Mundo para makilala mo ang anak nila." "Ano pa bang magagawa ko?" bulong niya sa sarili."I think, magkakasundo kayo ng mapapangasawa mo, sabi ni Armando ay very charming daw ang anak niyang si Sofia kaya feeling ko perfect kayong dalawa." nakangiting ana ni Don Facundo."Ito lang ba ang reason, lo! Bakit pinapunta mo ako dito sa mansyon?" seryosong tanong niya rito."Yes, at gusto kong makasal na kayo sa lalong madaling panahon para naman makita ko pa ang magiging mga apo ko sa tuhod sa inyong dalawa." Hilaw na ngumiti si Benedict sa kanyang Lolo Facundo."Anak lang pala eh, bakit hindi na lang tayo maghire ng babaeng magdadala ng mga apo mo." naiiling na sigaw niya sa kanyang isipan.Nasa Hapag naman ang mag-asawang Armando at Almira. "May balita ka na ba sa anak mo?" tanong ni Almira sa asawa."Nothing, until now ay hindi pa rin siya nahahanap ng mga tauhan ko." "Anong gagawin natin? Baka kung napaano na si Sofia?" nag-aalal
Hindi na niya alam ang sunod na nangyari ng unti-unti na lang manlabo ang kanyang mga mata. Napabalikwas siya ng bangon ng makita niya na nasa kama siya. Agad niyang hinanap si Belen."Nay Belen!" tawag niya.Napatinggin siya sa pinto ng marinig niyang parang may naglalakad patunggo sa kanilang silid. "Gising ka na pala!" Natahimik si Sofia nang biglang pumasok ang binata na may dalang mainit na sabaw."Mabuti pa ay humigop ka ng mainit na sabaw, para mainitan yang sikmura mo." utos nito sa kanya.Naamoy naman niya ang aroma ng chicken soup na inilapag nito sa mesa."Teka, si Nay Belen po, señorito?" tanong niya sa binata."Nasa pharmacy si Nay Belen, bumibili ng gamot mo, kaya take your soup para mainitan ang sikmura mo bago dumating si Nay Belen," seryosong anas niya dito."Ayos lang naman po ako, pasensya na po kayo sa abalang ginagawa ko." "Next time huwag kang magmarunong, dapat sinabi mo kay Nay Belen na takot ka pala sa matataas na place, para hindi nag-aalala sayo si Nay B
Papaakyat pa lang ng entertainment room ang binata ng tumunog ang kanyang celfone."Hello, lolo!" sagot niya sa kabilang linya."Hello, Benedict! Please come to my mansion now; we need to discuss something." "But, lo! Hindi po ba bukas pa ang usapan natin na dadalaw ako dyan?" tanong niya rito."Ngayon na, sige na hihintayin kita dito!" Ibinaba na ng kausap nito ang tawag. Napabuntong hininga na lang ang binata. Naabutan niyang busy pa rin ang mga ito sa panunuod ng movie."Dude! Anong nangyari sayo? parang badtrip ka?" tanong ni Vince sa kanya."Hulaan ko, inaway mo na naman si Sonia ano?" natatawang tanong ni Arthur."Si lolo, kailangan kong pumunta ngayon sa mansyon ." sagot nito.Napailing na lang ang mga ito."Mabuti pa, sabay-sabay na lang tayo umalis, iisa lang din naman ang way natin eh!" mungkahi ni Jeric.Nagmadaling nag-ayos ng sarili si Benedict. Isang simpleng t-shirt at pants lang ang isinuot ng binata."Let's go, guys!" aya niya sa mga ito.Isa-isa ng bumaba ang mga i
Tumayo siya para kumuha ng tubig sa kusina."Dude! Saan ka pupunta?" tanong ni Jeric sa kanya."I'm going to grab a glass of water to the kitchen!" sagot niya rito."Okay, idamay mo na rin kami, dude!" wika pa ni Vince.Tumango naman siya at lumabas ng entertainment room. Nagulat pa siya ng makarating malapit sa kusina. Nakita niyang may sinisilip si Benedict at napapangiti pa ito.Malaya lang niya itong pinagmasdan habang naisipang magkubli sa isang haliging bato na naroon. Hindi rin naman nagtagal si Benedict sa labas ng kusina at palinga-lingang umalis ito."What's Benedict looking at inside?" tanong niya sa sarili.Palinga-linga rin siya at nang masigurado na niyang wala na si Benedict ay agad siyang nagdahan-dahang lumapit sa pinto ng kusina.Napailing at napatawa pa siya ng makitang, sumasyaw ang dalagang si Sofia habang nagpupunas ito ng sink."I feel you dude!" natatawang si Arthur.Aliw na aliw siyang pinanunuod ang dalaga sa loob ng kusina habang feel na feel nito ang ginaga
Halos maubos ni Sofia ang nasa kalderong sopas na niluto ni Belen."Sabi na sayo eh, makakalimutan mo lahat ng pagkain na paborito mo kapag natikman mo ang sopas na niluto ko." natatawang wika nito sa kanya.Hinamas pa ni Sofia ang kanyang tiyan at napakapit sa kanyang bibig ng dumighay ito nang napakalakas. Tawang-tawa naman si Belen sa ginawa ng dalaga."Nay Belen, the best among the rest talaga pala po ang sopas mo!" wika pa niya sa matanda.Napahinto si Sofia at napayuko nang pumasok ang mga binata at dala-dala ang kanilang mangkok."Bakit, kayo pa ang nagdala ng mangkok dito sa loob?" tanong ni Belen sa mga binata."It's fine, Manang Belen. This task is effortless." wika naman ni Jeric."Ang sabihin mo nagpapa-cool ka lang kay Sonia!" biro naman ni Vince."Naku, Manang since mga little boy pa kami eh ito naman po ang nakagawian namin sa tuwing bibisita kami rito sa mansyon!" nakangiting anas ni Arthur sa matanda."Hayaan nyo sila, Nay Belen, ang kakapal naman ng mukha nila kung i
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen