“Oh, Castro! Castro! Aandar na! dalawa pa, punuan na!” kanina pa ko nahihilo sa usok, at sa dami ng tao na nakikita ko, hindi ko alam nag anito pala talaga ang itsura ng siyudad.
Ito ang unang beses na lumuwas ako, nagbabaka sakali na may makuha akong trabaho para matustusan ang pamilya ko. Hindi na rin ako nakapag tapos nang pag aaral dahil maaga ko sila sinuportahan. Nalulong sa sugal ang tatay ko, ang nanay ko ipapakulong na, dahil nagpapakalat ng mga mali na impormasyon na halos makasira sa relasyon ng mag-asawa sa kabilang kanto namin. Ang kapatid ko naman na akala ko todo aral, ayun, nabuntis sa edad na sixteen years old.
“Oh, neng, sasakay ka ba? Kasya ka pa dyan, para makaalis na kayo.” Sabi nang caller sa akin, tinignan ko ang loob ng jeep, mukhang kalahati na lang ng puwet ko ang makakaupo dito, pang siyaman lang ang upuan, pero sampu na ang nakaupo.
“Oho, sasakay ho.” Pinili ko na lang sumakay, dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito, hindi ko alam kung anong oras ulit dadaan ang mga ganitong jeep na pumapasada.
Gaya ng inaasahan ko, halos nakaluhod na lang ako dahil wala na akong pwesto, yung katabi ko pa, akala mo manganganak sa laki ng pagkakabuka ng mga hita, pinili ko na lang na hindi magsalita at tiisin ang pwesto ko.
Tinignan ko ang 3310 ko na cellphone at hinanap ang text ni Charlotte sakin, nandoon kasi ang address nang dapat ko puntahan. Kapit bahay ko yon sa probinsya, dito rin sa siyudad nagtrabaho, pwede niya daw ako ipasok bilang isang maid dito, naghahanap daw kasi yung kaibigan ng amo niya, buti na lang.
Humawak ako sa railings, at pinilit sumiksik sa pagitan ng isang babae at lalaki na nasa magkabilang gilid ko, para akong palaman dito. Nasa ganoon akong pag-iisip nang may maramdaman ako na gumagapang sa kaliwang binti ko pataas sa hita ko, nakasuot lang ako ng leggings, kaya ramdam na ramdam ko ang kamay niya.
Tinignan ko agad ang lalaki para siyang walang siyang ginagawang katarantaduhan, at nakatingin lang sa labas ng jeep.
“Putangina mo, hayop ka, manyak!” malakas na sigaw ko, at sinampal siya! Natulig yata siya dahil hindi siya nakagalaw agad, “Ano ha, gusto mo, putulin ko yang malikot mong kamay? Ha! Tarantado ka!”
Nakatingin na rin ang ibang sakay samin at ang iba ay nakatutok ang cellphone sa amin, nang huminto ang jeep, ay diretso siyang lumabas at tumalon.
“Putangina mo! Huwag kita makikita ulit! Papatayin kita!” sigaw ko muli, at huminga ng malalim, para pigilan na ang galit sa dibdib ko, walang ni isa sa kanila ang nagsalita at nagtanong sa akin, nakatingin lang sila, at kapag tinitignan ko ay umiiwas sila ng tingin.
Halos bente minutos din ako sa posisyon ko bago ako nakarating sa address na sinabi sakin. Pagbaba ko, mataas na building ang sumalubong sa akin, “Putek, nakakalula, s***a.” Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko at pumasok sa building, hinanapan ako ng ID for safety protocol lang daw. Sinabi na rin naman sakin ni Charlotte to, hindi na ko nagulat.
Sikat at exclusive ang building na ito, at kadalasan mga matataas na tao ang kumukuha ng condo dito, dahil sila lang ang may afford, well, sanaol. Matapos nila mai-verify ang identity ko, sinabihan ako na dumiretso sa twenty sixth floor, dahil nandoon daw ang mag a-assist sa akin.
Pag bukas ng elevator, isang matangkad na lalaki ang nakatayo malapit sa hallway, panay siya tingin sa wristwatch na suot niya, sya ba magiging boss ko? Sobrang formal niya sa suot niyang black three-piece suit, na tinirnuhan pa ng kumikinang na black shoes at clean cut na buhok, baka nga siya na boss ko. Mukha siyang masungit.
“You are three minutes late, Miss Feliciano.” Bungad niya nang makita ako na lumabasa ng elevator, habang hila hila ang maliit ko na maleta at bag.
“Ah, sorry po sir, medyo nahirapan po kasi ako hanapin yung address.” Sagot ko na lang at bahagyang yumuko, medyo nahihiya rin ako na na-late ako, naniniwala kasi ako sa first impression’s last.
“Okay, come with me now.” Tumango lang ako, at sumunod nang mag umpisa siya na maglakad papunta sa isang malaking pinto. Binuksan niya iyon, at bumungad sa akin ang napaka laki na living area.
“Wow,” hindi ko napigilan na masabi, mas Malaki pa sala niya sa bahay namin, grabe.
“Obviously, this is the living room,” nang maglakad siya ulit ay sumunod ako, “This is the dining area, good for four to five person,” tinignan ko ang dining nya, ang ganda rin, puno ng magagarang utensils sa pagkain, “This is the kitchen, usually may cook na pumupunta, especially if there will be a guest or any special occasion,” tumango ako kahit hindi niya nakikita, “This is his bedroom, don’t open it, until he say so.” He? So hindi siya ang magiging boss ko? Wew, ano sya? I mean sino sya? “You can tour yourself, it’s not really big as a mansion, I bet you won't get lost, this condo is too small.”
Nagpapatawa ba siya? Ang laki kaya, triple na ng bahay namin to, kasama pa yung garden ko sa likod bahay.
“For you salary, fifteen and thirty, you can give me your bank account so I can send it to you, but if you want cash, then you can say so, about your day off, every two weeks, you can take your off, Mondays, so there won’t be any possible schedule.”
Buti na lang natatandaan ko lahat ng sinasabi niya sakin ngayon, “How about other incentives po, sir?”
“Oh, right.” He looked at me, “You have your 13th month pay, if possible, you will have a 14th and 15th, but that’s a performance based, so do well. You will also be compensated for any holidays that you have to stay here, don’t worry, that would be triple pay.”
Seryoso ba siya? Mukhang tama si Charlotte, magkakapera nga ako dito, makakaipon ako agad, at mababayaran ang mga dapat ko bayaran. Mukhang hindi naman ako nagkamali na maniwala sa kaniya. Mukha kasi siyang p****k sa siyudad sa klase ng pag bibihis niya, kaya wala siya masyadong kaibigan, ayaw sa kaniya.
Hindi na rin masama na naniwala ako sa kaniya, grabe, ang daming compensation na pwede ko makuha dito.
“Do you have any other concern?” tanong niya, kaya agad akong nag angat ng tingin.
Umiling ako at ngumiti, “So far, wala na po sir, pero can I contact you po ba, just in case something bad happen? Hindi naman sa iniisip ko, baka lang, hehe.” Pagak akong tumawa, minsan talaga bastos bunganga ko.
“No worries,” inabot niya sa akin ang card niya, “That’s my personal number. I’m warning you. You will just give me a call if it’s a life and death situation, okay?”
“Yes po.” Tanging sagot ko.
“Okay good,” tumingin siya ulit sa mamahalin niyang wristwatch, “I will take my leave now, good luck and congratulations, I hope you will do well.”
Nang makaalis siya, tinignan ko ang paligid. Sobrang tahimik, malayo sa kinagisnan ko na maingay na probinsya, alas kuwatro pa lang, maingay na, may nagbebenta na ng umagahan, may nag lalaba na, may nag kukwentuhan na.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, kailangan ko gawin to, ako lang ang inaasahan nila nanay, at hindi ko sila bibiguuin, “Aja, Naya!”
[Lecille Zaira Feliciano-Alcantara—1st POV] Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ko. Maybe it was the way Mama smiled kanina habang tinititigan si Papa. O baka dahil narinig ko silang nagbubulungan kagabi sa balcony—soft voices, quiet laughs, forehead kisses. Parang luma na silang couple na hindi pa rin nagsasawa. Anniversary nila today. Seventeenth. Seventeen years of chaos, healing, and somehow… kilig pa rin. Kaya ngayon, habang nakatali ang buhok ko at may apron akong “Borrowed from Chef Nadine,” I’m standing sa kitchen ng beach house, holding a recipe card that says: Baked Salmon with Honey Glaze. Ambisyosa? Oo. Pero love ko sila eh. “Okay, preheat oven to—wait, paano ba ‘to buksan?” Hinila ko ‘yung oven door. Nawala ‘yung gloves. Nawala ‘yung confidence. Cut to fifteen minutes later: may mantika sa buhok ko, may honey sa sahig, at ang salmon—sunog na. “OH MY GOD.” Nadinig ko ‘yung footsteps. “Elle?” Si Ninong James. Of course. Wala siyang ibang timin
[Lecille Zaira Feliciano-Alcantara—1st POV]I used to think love was something people outgrew.Yung sobrang holding hands sa kitchen, titigan sa hallway, halik sa noo habang naghuhugas ng pinggan—akala ko, pang-bagong kasal lang ‘yon. Honeymoon stuff. Temporary.But then I look at my parents.And suddenly, I want that kind of love too.“Elle, bring the mango float!” sigaw ni Mama mula sa labas. “Baka matunaw na ‘yan!”I rolled my eyes playfully, tiningnan ‘yung tray na may nakapatong pang sticky note:“Wag mong kainin ang toppings, anak. Nakikita kita. – Mama 😎”“Grabe kayo, Ma,” bulong ko habang natawa, pero kinuha ko pa rin ‘to at lumabas ng lanai. It was late afternoon, the sky golden-pink, and Papa was busy lighting fairy lights habang si Mama, barefoot as usual, nag-aayos ng mga plato.They still act like teenagers.Like they don’t know the world has already hurt them once.And I love that.“Your mom’s gonna outshine the lights again,” Papa muttered, smirking as he glanced at Ma
(Kalix’s POV — High School Flashback) “Tol, ‘yun na yata ‘yung working student na laging napapagalitan sa Bio lab,” sabay tukod ni Marcus sa siko ko habang nakatingin kami sa may hallway sa tapat ng vending machine. I wasn’t really listening. I was staring. She was short—barely reached five-three, maybe. May dala siyang isang stack ng photocopied papers, a half-open backpack, at isang straw ng milk tea na wala nang laman. Her uniform was a little loose, hindi bagong laba, pero maayos. Yung buhok niya naka-bun, messy, but that makes her extr beautiful. May tinta pa ng ballpen sa gilid ng daliri niya. And she was talking to the vending machine. “Isa ka pa. Kasabwat ka rin nila sa buhay ko?” she muttered, giving it one last useless tap before she sighed and turned away. I chuckled. She heard that. Our eyes met—just for a second. Walang kilig. Walang dramatic background music. She just blinked… then walked away. Wala man lang, “Hi, pogi” o “Aren’t you that varsity guy?”
“Love, natapon ‘yung juice—”“Sa basahan?” Kalix called out from the kitchen.I peeked over the half-wall, holding the toddler-sized cup like it was a crime weapon. “Yup. Sa rug na handmade. Yung galing sa Ilocos. Na mahal.”He laughed, shook his head, and walked over with a cloth and spray. “A rug is just a rug, Naya. Ikaw at si Elle ang hindi ko kayang palitan.”“Ang drama mo,” I mumbled, though I smiled as I handed him the cup.Ganito na kami ngayon. Simple. Tahimik. Kakaiba sa lahat ng unos na pinagdaanan namin. Parang katahimikang hindi mo akalaing posible… pero napatunayan naming pwedeng abutin.Three years had passed since the last storm.At sa wakas, nasa dulo na kami.Kalix wiped the stain, tousled Elle’s soft hair, and kissed my cheek on his way back to the kitchen.Tahimik ang bahay ngayon. Ang tanong ko noon kung kailan matatapos ang gulo—nasagot na rin, hindi sa ingay ng tagumpay, kundi sa katahimikan ng paghilom.Maya-maya, napansin kong bukas ang studio door niya. Usual
Three Years LaterThe ocean breeze always smelled different in the morning—hindi katulad ng maalinsangang amoy ng siyudad. Dito, sa bagong bahay namin ni Kalix, may halong asin, sikat ng araw, at kapayapaan.I stepped barefoot onto the wooden porch, mug of salabat in hand, habang nakasilong sa banig si Kai, our youngest, nakahiga pa sa maliit niyang beanbag with a storybook open on his chest. Tatlong taon pa lang siya, pero para siyang laging nasa sariling mundo—katulad ni Elle noong kaedad niya.“Mommy,” he murmured, half-asleep, “where’s the moon go?”I smiled. “Natutulog din, baby. Para magbigay daan sa araw.”He hummed. “Okay.”From the hammock just a few steps away, naroon si Elle—now eight, mas mahaba na ang buhok niya at mas matalas ang mata. She was sketching with serious focus, hawak ang notebook na galing pa sa first exhibit ko years ago. Kalix had it customized for her, printed with tiny sunflowers at the bottom corner.“Anong ginagawa mo d’yan?” tanong ko, lumapit ako para
[Kalix—1st POV]I didn’t bring bodyguards this time. No convoy. No Renzo lurking nearby.Just me, my breath, and the sound of waves crashing distantly—parang paalala na buhay pa rin ang mundo kahit ilang beses na tayong nadurog sa gitna nito.I walked the short path toward the grave under a dusky sky. The clouds above looked bruised, almost like they, too, carried grief that never quite healed.Leslie Alcantara.Walang katawan. Walang proper goodbye. Just a stone I had made… para kahit papaano, may mahawakan ako. May mapuntahan ako tuwing hindi na sapat ‘yung paghinga.I knelt down slowly, the familiar ache crawling up my chest.“I always said I hated lilies,” I murmured, placing one on the base of the headstone. “Too fragile. Too white. Parang hindi bagay sa ‘yo. You were color, Les. Chaos and warmth and noise.”I stared at the carved letters. My fingertips brushed the name like I was afraid she’d disappear again.“You know, I’ve been running on this stupid idea that if I build enoug