“Okay, so, may oras din ang labas ng basura, dapat seven am, nailabas ko na, nang naka segregate. Gets ko to,” sabi ko sa sarili ko habang nag lilista ng mga kailangan gawin, kahapon ako nag simula sa paglilinis ng bahay, so far hindi umuuwi ang boss ko, ganon siguro siya ka-busy? Hindi ko alam.
“Psst!” napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglang pag sitsit ng kung sino mula sa likod ko, “Uyyy!” tumalikod ako agad at nakita ang isang babae na may suot katulad ng akin, “Bago ka dito, neng?”
Bahagya akong lumapit at tumango, sa tantya ko mga trenta mahigit na siya, “Opo, kakasimula ko lang po kahapon.”
“Ay, wow. Ang swerte mo naman dyan, madalang umuwi amo mo dyan, pero ang gwapo ng nakatira dyan, agree ka sakin?”
Tumango na lang ako, kahit sa totoo lang hindi ako makarelate sa kaniya, hindi ko pa kasi nakikita ang amo ko, baka assistant nya lang yung kahapon na nag instruct sakin kung anong gagawin ko, pati ang mini tour sa akin.
“Buti ka pa, ito kasing amo ko, araw araw umuuwi, nakakainis, tapos utos ng utos, minsan hindi naman kailangan, may ginagawa pa ko, uutusan nanaman ako, sisigawan pa ko minsan, eh, kasalanan ko ba na hindi ko alam paano gumamit ng laptop, tapos nabura mga files na gagamitin niya para sa presentation niya kinabukasan, pina-off sakin, malay ko ba na delete files yon, click lang kasi ako ng click.”
Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapa facepalm dahil sa ingay niya, pati na rin sa kwento niya, hindi ko rin naman siya masisi, sa edad niya nay an, hindi ko rin sure kung nakahawak na ba sya ng karamihan sa mga bagong gadget.
Pero siguro pwede naman magbasa? Pero baka hindi rin siya ganoon kasanay mag basa, hayaan na, hindi ko naman problema yon.
“Ano pala pangalan mo, neng?” pinunasan pa niya ang kamay niya kasi ay hawak siyang basura kanina bago ako makipag usap sa kaniya, well, nakipag usap ba ko? Ewan ko na rin.
“Naya po, pero pwede Naya na lang.” pakilala ko, at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
“Ako si Maritess, Tita Tess na lang, kasi, halata namanna mas bata ka sa akin, pag wala amo mo, labas ka, marami akong chismis sayo.”
Napangiwi ako ng marinig ko iyon, it makes sense, hindi lang pala sa probinsya may chismosa, pati pala sa mga high end building na katulad nito, may mga lowkey chismosa rin, mahilig talaga sila makielam sa buhay ng iba, Marites pa more.
“Ah, sige po. Minsan po, pasok muna po ako, may nililinis pa po kasi ako.” Paalam ko sa kaniya, pero sa totoo lang, ayaw ko na talaga siya kausap, naalala ko tuloy nanay ko, kaya nagkaroon ng kaso, chismosa kasi, nakasira ng relasyon, halos mabaliw yung asawa, dahil sa maling chismis.
Tapos itong nanay ko naman, pinandigan na nakita daw niya, kahit sa toto lang, ichinismis lang din naman talaga sa kaniya yon ng hindi ko rink ilala, bahala sila sa buhay nila, ayoko makisali sa ginagawa nila.
Pumasok na ko at inilock ang pinto. Nagsimula na akong mag vacuum, at pulutan ang mga damit na nasa sahig, idiniretso ko sa laundry, sunod akong naglinis sa kusina. Ibinaba ko ang mga gamit at isa-isa itog pinunasan.
Nang tignan ko ang ref, wala nang laman, naalala ko na binigyan ako ng credit card ni sir --, teka, anon ga pangalan non? Sinabi niya ba pangalan niya tapos hindi ko lag matandaan, o hindi niya talaga sinabi sa akin? Ygh, baka nakalimutan ko itanong.
Inayos ko ang laundry, pinag hiwalay ko base sa kulay, halos puro pangbahay lang naman ang mga nandito, nilagyan ko ng detergent, at tubig, hindi naman ako nahirapan dahil nandito naman ang ;ahat ng kailangan ko.
Halos trenta minutos din bago ako natapos, isinampay ko ang mga damit sa veranda, napansin ko kasi na maganda ang sinag ng araw doon, at maganda kung duon matutuyo ang mga damit, sandali lang naman to, nakadryer naman, kaya malagihay na rin.
Nang matapos ako, nagpahinga ako sandali, bago tinawagan si Cris, halos naka apat na tawa grin ako bago niya tuluyang sagutin, maingay na paligid ang bumungad sa akin nang mag open ang line niya.
May ano sa bahay?
“Hello, Cris?” narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya, “Hello?”
“Inom lang kayo dya, sagot ko lahaaat!” rinig ko sa kabilang linya, “Oh, hello? Bakit ka napatawag?!”
Kunot noo ako habang nakikinig sa kaniya, “May ano dyan? Nasa bahay ka ba? Bakit ang ingay?” dahil sobrang tahimik sa pwesto ko, halos marindi ako sa sigawan nila, iba’t ibang boses. “Nasaan ka ba? Bakit ang daming tao? Dapat nagpapahinga ka sa bahay, buntis ka, Cris!”
“Nasa bahay nga ako, nandito mga tropa ko, nag iinuman kami!” kaya pala parang tipsy ang boses niya.
“Maricris, buntis ka, tapos umiinom ka? Ano ba problema mo? At anong sagot mo lahat? Saan ka kumuha ng pera, ha? Binigyan ka ba ni tatay?”
“Tanga!” napaigtad ako dahil sa sigaw niya, “Bakit ako hihingi kay tatay? Eh mas mayaman pa ko kay tatay! Nandito nga siya, nakikiinom din samin, nilibre ko siya!”
Halata sa boses niya ang pagyayabang, proud pa na umiinom siya, “Teka, ginamit mob a yung binigay ko sa’yo para ibayad sa tuition fee mo?!”
“Ha?! Ahhh!! Oo! Ito nga yon, wag ka mag alala, may natira pa naman, dalawang libo! Pwede pa yon promisory na lang ako, may trabaho ka naman dyan, mababayaran mo rin yon.” Sabi niya at tumawa pa.
Wala sa loob na napakuyom ako, kung magsalita siya, akala mow ala kaming problema, akala mow ala kaming dapat bayaran, akala niya walang utang ang tatay, akala niya wala dapat bayaran para masettle si nanay.
“Maricris, twenty thousand ang binigay ko sa’yo, para ibayad mo sa isang sem mo, at ngayon sasabihin mo, dalawang libo na lang ang natira mo? Tatlong araw pa lang ako sa siyudad, sa susunod na lingo, exam mo na, anong ibabayad mo?! At hindi mo naman pera yan! Bayad yan sakin para sa pagtatrabaho ko ng ilang taon, ayan nan ga lang ang compensation sakin, ibinigay ko ng buo sa’yo, tapos gagastusin mo lang dyan?!”
“Tay! Inaaway ako ni ate! Gastador daw ako! Isinusumbat niya lahat ng binigay niya sakin!” sigaw ni Maricris, kaya nanlaki ang mata ko dahil don.
“Ano?! Akin nan ga yan!” rinig ko na sigaw ni tatay sa kabilag linya. “Hoy! Naya! Ang kapal naman ng mukha mo na sabihan ng gastador si Cris! At bakit isinusumbat mo lahat sa kaniya?! Ikaw ba sinumbat naming sa’yo na pinalaki ka naming, ha? P*****a ka! Porket ikaw na nagbibigay ng pera sa bahay ha! Animal ka! Tumawag ka pag magpapadala ka na ng pera! Kailangan ko bayaran si Don Dionisio! Ang nanay mo, kailangan na rin bayaran si Kopra, wala na rin pagkain dito sa bahay, magpadala ka ng pera!”
Nawala na sila sa kabilang linya, matapos niyang sabihin yon, napahawak ako sa dibdib ko, at nag umpisang tumulo ang mga luha sa mata ko, napakasakit na sa kanila manggaling yon.
Pinalaki nila ako? Eight years old pa lang, nag hahanap na ako ng pera, lagi akong working student. At nang malaman nila yon, inubliga na nila akong magbigay ng pera, pati pang inom at pang sugal nila, sakin hinhingi, at kung wala akong maibigay, sampal ang inaabot ko.
Kahit naman anong tago ang gawin nila alam ko naman, alam ko naman na mas mahal nila si Maricris kesa sa akin, pero sana naman, hindi ganito ang turing nila sa akin.
Pinunsan ko ang mga luha ko at tumayo bago huminga ng malalim. Wala na akong panahon umiyak, may trabaho ako na kailangan gawin, ayoko matanggal, dahil kakasimula ko lang.
Pupunta na lang ako sa supermarket, grocery muna, at magluluto ako, para may stocks sa ref.
[Lecille Zaira Feliciano-Alcantara—1st POV] Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ko. Maybe it was the way Mama smiled kanina habang tinititigan si Papa. O baka dahil narinig ko silang nagbubulungan kagabi sa balcony—soft voices, quiet laughs, forehead kisses. Parang luma na silang couple na hindi pa rin nagsasawa. Anniversary nila today. Seventeenth. Seventeen years of chaos, healing, and somehow… kilig pa rin. Kaya ngayon, habang nakatali ang buhok ko at may apron akong “Borrowed from Chef Nadine,” I’m standing sa kitchen ng beach house, holding a recipe card that says: Baked Salmon with Honey Glaze. Ambisyosa? Oo. Pero love ko sila eh. “Okay, preheat oven to—wait, paano ba ‘to buksan?” Hinila ko ‘yung oven door. Nawala ‘yung gloves. Nawala ‘yung confidence. Cut to fifteen minutes later: may mantika sa buhok ko, may honey sa sahig, at ang salmon—sunog na. “OH MY GOD.” Nadinig ko ‘yung footsteps. “Elle?” Si Ninong James. Of course. Wala siyang ibang timin
[Lecille Zaira Feliciano-Alcantara—1st POV]I used to think love was something people outgrew.Yung sobrang holding hands sa kitchen, titigan sa hallway, halik sa noo habang naghuhugas ng pinggan—akala ko, pang-bagong kasal lang ‘yon. Honeymoon stuff. Temporary.But then I look at my parents.And suddenly, I want that kind of love too.“Elle, bring the mango float!” sigaw ni Mama mula sa labas. “Baka matunaw na ‘yan!”I rolled my eyes playfully, tiningnan ‘yung tray na may nakapatong pang sticky note:“Wag mong kainin ang toppings, anak. Nakikita kita. – Mama 😎”“Grabe kayo, Ma,” bulong ko habang natawa, pero kinuha ko pa rin ‘to at lumabas ng lanai. It was late afternoon, the sky golden-pink, and Papa was busy lighting fairy lights habang si Mama, barefoot as usual, nag-aayos ng mga plato.They still act like teenagers.Like they don’t know the world has already hurt them once.And I love that.“Your mom’s gonna outshine the lights again,” Papa muttered, smirking as he glanced at Ma
(Kalix’s POV — High School Flashback) “Tol, ‘yun na yata ‘yung working student na laging napapagalitan sa Bio lab,” sabay tukod ni Marcus sa siko ko habang nakatingin kami sa may hallway sa tapat ng vending machine. I wasn’t really listening. I was staring. She was short—barely reached five-three, maybe. May dala siyang isang stack ng photocopied papers, a half-open backpack, at isang straw ng milk tea na wala nang laman. Her uniform was a little loose, hindi bagong laba, pero maayos. Yung buhok niya naka-bun, messy, but that makes her extr beautiful. May tinta pa ng ballpen sa gilid ng daliri niya. And she was talking to the vending machine. “Isa ka pa. Kasabwat ka rin nila sa buhay ko?” she muttered, giving it one last useless tap before she sighed and turned away. I chuckled. She heard that. Our eyes met—just for a second. Walang kilig. Walang dramatic background music. She just blinked… then walked away. Wala man lang, “Hi, pogi” o “Aren’t you that varsity guy?”
“Love, natapon ‘yung juice—”“Sa basahan?” Kalix called out from the kitchen.I peeked over the half-wall, holding the toddler-sized cup like it was a crime weapon. “Yup. Sa rug na handmade. Yung galing sa Ilocos. Na mahal.”He laughed, shook his head, and walked over with a cloth and spray. “A rug is just a rug, Naya. Ikaw at si Elle ang hindi ko kayang palitan.”“Ang drama mo,” I mumbled, though I smiled as I handed him the cup.Ganito na kami ngayon. Simple. Tahimik. Kakaiba sa lahat ng unos na pinagdaanan namin. Parang katahimikang hindi mo akalaing posible… pero napatunayan naming pwedeng abutin.Three years had passed since the last storm.At sa wakas, nasa dulo na kami.Kalix wiped the stain, tousled Elle’s soft hair, and kissed my cheek on his way back to the kitchen.Tahimik ang bahay ngayon. Ang tanong ko noon kung kailan matatapos ang gulo—nasagot na rin, hindi sa ingay ng tagumpay, kundi sa katahimikan ng paghilom.Maya-maya, napansin kong bukas ang studio door niya. Usual
Three Years LaterThe ocean breeze always smelled different in the morning—hindi katulad ng maalinsangang amoy ng siyudad. Dito, sa bagong bahay namin ni Kalix, may halong asin, sikat ng araw, at kapayapaan.I stepped barefoot onto the wooden porch, mug of salabat in hand, habang nakasilong sa banig si Kai, our youngest, nakahiga pa sa maliit niyang beanbag with a storybook open on his chest. Tatlong taon pa lang siya, pero para siyang laging nasa sariling mundo—katulad ni Elle noong kaedad niya.“Mommy,” he murmured, half-asleep, “where’s the moon go?”I smiled. “Natutulog din, baby. Para magbigay daan sa araw.”He hummed. “Okay.”From the hammock just a few steps away, naroon si Elle—now eight, mas mahaba na ang buhok niya at mas matalas ang mata. She was sketching with serious focus, hawak ang notebook na galing pa sa first exhibit ko years ago. Kalix had it customized for her, printed with tiny sunflowers at the bottom corner.“Anong ginagawa mo d’yan?” tanong ko, lumapit ako para
[Kalix—1st POV]I didn’t bring bodyguards this time. No convoy. No Renzo lurking nearby.Just me, my breath, and the sound of waves crashing distantly—parang paalala na buhay pa rin ang mundo kahit ilang beses na tayong nadurog sa gitna nito.I walked the short path toward the grave under a dusky sky. The clouds above looked bruised, almost like they, too, carried grief that never quite healed.Leslie Alcantara.Walang katawan. Walang proper goodbye. Just a stone I had made… para kahit papaano, may mahawakan ako. May mapuntahan ako tuwing hindi na sapat ‘yung paghinga.I knelt down slowly, the familiar ache crawling up my chest.“I always said I hated lilies,” I murmured, placing one on the base of the headstone. “Too fragile. Too white. Parang hindi bagay sa ‘yo. You were color, Les. Chaos and warmth and noise.”I stared at the carved letters. My fingertips brushed the name like I was afraid she’d disappear again.“You know, I’ve been running on this stupid idea that if I build enoug