KABADO ako ng binalik ko ang aking cellphone. Sana lang mabasa agad ni Night kung sakaling wala silang misyon ngayon. Sana din mauna siya sa amin sa Cafe para maabisuhan niya ang lahat ng tauhan ko doon… Night, ikaw na lang ang pag asa ko para hindi ako mabuko at masira ang mission ko.. Nagpapasalamat na lang din ako dahil medyo traffic ngayon, malaking tulong ito para patagalin ang oras. Piping nagdadasal na lang ako habang tinatapik tapik ang manibela. Pasilip-silip din ako sa aking cellphone kung nagreply na si Night pero wala pa rin. Shet, sana naman mabasa niya ang mensahe ko at wala siya sa misyon ngayon. PAGDATING namin sa S.L coffee and sweet house, Dumagundong ang kaba sa aking dibdib sa dami ng naging misyon ko na halos buwis buhay na, ngayon lang talaga ako nakaramdam ng takot at kaba! Ngayon pang ka-simple lang ng misyon ko. Damn it! Pinarada ko sa medyo dulo ang sasakyan, sinadya kong bagalan ang kilos habang ino-obserbahan ang tao sa loob ng C
SCARLETT ARAW NG LINGGO MASAYA ako habang pababa ng hagdan, day off ko ngayon kaya free akong gawin ang gusto ko ngayong araw. Wala naman pasok si Lucien sa kompanya kaya no worries ako. Gusto ko mag relax dahil sa mga nakalipas na araw puro stress at sakit ng ulo ang binibigay sa akin ni Lucien. Hindi ko alam kung kailan ba kikilos ang nagbabanta sa buhay niya para mapatay kona at matapos na ang mission ko dito. Hindi ko kakayanin kung aabutin pa ako ng ilang buwan dito sa mansion ng mga Saavedra. Kapag hindi ko na talaga kayanin baka kausapin ko si Boss tapos makipag palit na lang ako sa ibang high rank assassin. “Magandang umaga, Manang! Ano po ang almusal natin?” Masaya kong tanong habang papalapit dito. “Magandang umaga rin, Iha. Gising kana pala. Nag sangag ako at nagluto ng scramble egg, bacon, sausage at spam. May toasted bread din akong ginawa. Kumain kana. Si Señiorito Lucien kumakain na doon sa Teresa.” Sagot ni manang habang abala sa pag hihiw
PAGDATING namin sa rooftop humahangang nilibot ko ang tingin sa paligid. Napakaganda naman pala talaga dito. Hindi na ako magtataka kung ganito karami ang tao. “Let's go in that way, Louise. nandoon ang VIP room for us.” Tumango naman ako bago sumunod kay Ace habang ginagala pa rin ang tingin sa paligid. Sisiguraduhin kong babalik talaga ako dito para makapag relax at enjoy. Pagdating namin sa silid. Mas lalo akong namangha dahil glass window ang kalahating pader ng kwarto kung saan kitang kita ang buong city! Ibang klase mag isip ang isang Ace, Hindi talaga magsisisi ang mga pupunta dito. Sulit na sulit ang lahat. “Louise! Dito!” Masayang tawag ni Isaiah sabay turo ng upuan na malapit sa glass window. Meron din palang veranda ang kwarto na ito kung saan may mga upuan din, kung gusto mag inom doon ay pwede din. Masayang lumapit naman ako at hindi pinansin ang presensya ng boss ko na abala na sa pag inom ng rum. Nakasunod naman sa akin si Ace. “Sala
“Ano gising ka na ba?” Maangas kong tanong dito. Sa sobrang lakas ng suntok ko ay nabaling ang mukha niya sa kabilang side. Putok din ang labi nito. Gusto ko pa nga sana sundan kaso pinigilan kona ang sarili. Unti-unti itong lumingon sa akin. Kitang kita ko ang nag-aapoy niyang mga mata sa galit. I don't care, He deserve it! He's asshole! “Hermosa, why did you punch me?!” Galit na sigaw nito. Ngumisi naman ako saka namewang sa kanyang harap. “Tinatanong mo talaga bakit kita sinuntok? Gago ka rin talaga ano? Maang-maangan? Feeling walang ginagawang mali?” Sarkastiko kong sagot.. Napansin ko ang pagtayo nila Isaiah saka Ace pero tinaas ko ang isa kong kamay para pigilan sila sa balak na paglapit. Ayokong mangialam sila sa amin. Kailangan maturuan ng leksyon ng kaibigan nila. “H'wag kayong lalapit, 'wag kayong makialam. Kailangan ko lang alugin ang utak ng kaibigan niyo dahil nawawala na ata sa sarili.” Seryoso kong turan. Sumunod naman sa utos ko ang da
LUCIEN point of view Nang makalabas si Hermosa, katahimikan ang namayani sa amin. Hindi ako makapaniwala na nagawa akong suntukin ng babaeng `yon. Tsk, ang lakas at sakit. Babae ba talaga siya? Hinawakan ko ang gilid ng aking labi na pumutok. “Hey, Lu. Are you ok? Let me see your lips.” Lumapit sa akin si Crystal halatang nagaalala ang itsura nito, Nang akma niyang hahawakan ang aking labi na sugatan iniwas ko agad ang aking mukha saka umatras. “Don't touch me, Crystal. Leave me alone.” Seryoso kong turan. Ayoko na palalain ang nangyari. Napatigil naman siya at hindi inaasahan ang ginawa ko. Paulit ulit ang boses at itsura ni Hermosa sa aking isip. Baka bigla itong bumalik at makita na naman ang tagpong magkalapit kami ni Crystal at mapuno na ito ng tuluyan. I need to talk to her. Hindi niya pwedeng sabihin kay Claire ang kagaguhan ko. Ayokong masaktan siya. “Don't tell me natatakot ka sa pagbabanta ng babaeng ‘yon? Seriously, Lucien?” Galit na binaling
SCARLETT THREE DAYS LATER.. SA nakalipas na tatlong araw hindi pa rin kami masyado nagpapansinan ni Lucien. Kinakausap ko lang siya kapag may katanungan siya o di kaya may itatanong ako, pero kapag wala naman mahalagang sasabihin nanahimik ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari doon sa Bar ni Ace, Isa pa, bakit ko siya papansinin? In the first place siya ang may kasalanan. Hindi dapat ako ang mag first move at humingi ng sorry. Kung mataas ang pride niya, mas mataas ang pride ko. Isa pa, alam ko rin naman na hindi ito magtatagal ng isang linggo, hindi makakatiis ‘yon dahil may kailangan siya sa akin. May alas kaya akong hawak. Naglalaro ako sa aking cellphone ng biglang lumapit ang secretary ni Lucien. Maarte itong tumigil sa aking harap saka nagsalita. “Pinapatawag ka ni Sir, pumasok ka raw sa loob.” Turan nito sabay irap sa akin saka tumalikod na at bumalik sa kanyang table. Ano naman kaya ang kailangan niya? Wala pa namang lunch time. Tumayo
LUCIEN point of view PAGKALABAS ni Hermosa agad kong binalingan ng tingin si Crystal. “What the fvck, Crystal? What are you doing here? Ipapahamak mo pa ako! Sisirain mo pa ang lahat!” Galit na sigaw ko dito. Hindi naman siya nasindak at nagpatalo bagkus mas lumapit pa siya sa aking table at humalukipkip. “I'm asking you, Lu! What was that? Bakit nandito si Louise sa opisina mo? Don't tell me she's one of your bitch? Baka naman kaya ka niya sinuntok nung nasa bar tayo dahil nagselos siya? Oh, well hindi nga malabo mangyari.” Inis niyang tanong. Napailing na lang ako habang hawak hawak ang aking noo. Pati si Hermosa pinag isipan na niya ng kung ano-ano. She's my personal maid! Kung alam lang niya kung gaano ka-amazona ang babaeng ‘yun, sa tingin niya magugustuhan ko ang kagayan no'n? Baka puro bugbog abutin ko don. Noong hinalikan ko nga galit na galit na at grabe ginawa sa kamay ko. Minsan nga nagiging mas bossy pa siya kesa sa akin. Parang hindi maid
SCARLETT PAGSAPIT ng uwian ay agad na akong tumayo sa kinauupuan at naghintay sa paglabas ng boss ko. Naging ok naman na ang lahat matapos ang nangyari, muli akong kinausap ni Lucien at pinaliwanag ang dahilan ng pag punta ni Crystal sa opisina niya. Kinuwento rin niya ang nangyaring paguusap nilang dalawa. Naging payapa naman ang maghapon ko at hindi mabigat sa pakiramdam. Feeling ko nga nag bago na talaga si Lucien. Pero syempre kailangan ko pa rin mag ingat baka pinapaikot lang ako ng lalaking ‘yun, Maganda ng sigurado. Umayos ako ng tayo ng bumukas ang pinto ng opisina ni Lucien. Agad napatingin sa akin ang lalaki saka bahagyang tumango tapos lumapit. “Hermosa, ayos lang ba sayo kung dadaan tayo sa Bar ni Ace sa BGC? Gusto ko lang humingi ng tawad sa dalawa at para makausap kona rin sila ng maayos. Nandoon daw sila ngayon sabi ni Isaiah.” Mahinahong turan ni Lucien. Aba-aba, improving siya ha? Hindi ako sinungitan. Gusto ko ‘yan, kapag ganyan siya ng ganyan.