The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader

The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader

last updateDernière mise à jour : 2026-06-10
Par:  Maxellian AxtonMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
Notes insuffisantes
6Chapitres
5Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

"Kailangan ko ng may mataas na Yang energy para hindi ako pasabugin ng kapangyarihan ko, pero teka! Bakit ang pinakamakapangyarihang billionaire ang nabiktima ko?!" Si Celestia ay ang huling Alchemist ng mga White Witches. Sa modernong mundo, nabubuhay siya sa paggawa ng mga mahiwagang pildoras at gamot. Subalit dahil sa isang matinding sumpa, nag-overheat ang kaniyang mahika na mayroong yin. Ang tanging lunas? Ang kumuha ng Pure Yang Energy sa isang lalaki. Pumasok siya sa isang VIP hotel suite at doon naganap ang one-night stand nila. Ang hindi niya alam, ang lalaking kaniyang ninakawan ng enerhiya at iniwanan lang ng limang daang piso bilang 'tip' ay walang iba kundi si Alexander Vance—ang malupit at kinatatakutang billionaire CEO ng bansa. Limang taon ang lumipas. Pumasok si Celestia bilang isang simpleng empleyado sa kumpanya ni Alexander para itago ang kaniyang pagkatao. Ngunit ang kaniyang limang taong gulang na anak na si Basti—ang bunga ng gabing iyon—ay may ibang plano. Dahil sa halo ng mahiwagang dugo ng isang alchemist at ng Pure Yang ng isang billionaire, ipinanganak si Basti na may kakayahang makabasa ng isip ng tao. Sa unang araw pa lang ng trabaho ng dapat na trabaho niya, tumakbo na ang makulit na bata, niyakap ang binti ng supladong CEO, at sumigaw sa harap ng lahat: "Daddy! Sa wakas, nahanap ka na namin ni Mommy! Sabi ko sa'yo, huwag mo na kaming tataguan, eh!" Nakataas ang mga kilay at naguguluhan si Alexander sa batang kamukhang-kamukha niya, lihim namang bumubulong si Basti sa isip ng kaniyang nanay: 'Mommy, relax ka lang. Nabasa ko ang isip ni Rich Daddy. Type ka niya! Ako na ang bahala sa love life niyo!' Paano kaya niya matatakasan ang mapanuring tingin ng isang billionaire kung ang asungot niyang anak ang gumagawa ng paraan para sila ay paglapitin.

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1

(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 1)

CELESTIA'S POV

" Habaan mo pa ang pasensya mo, Celestia. Kaunting kembot na lang at matatapos na 'to," bulong ko habang ang aking kanang kamay ay nakatapat sa ilalim ng isang maliit na kaldero. 

Mula sa aking mga daliri ay lumalabas ang isang pino at purong puting apoy. Hindi ito isang ordinaryong apoy na basta makikita sa kalan ng LPG: ito ang Sacred Alchemical Flame na nagmula pa sa aking kaluluwa bilang huling Alchemist ng mga white witches sa aming mga ninuno pa. Sa modernong panahon na ito kung saan naglilipana na ang mga kumpanyang may mamahaling mga gamot, ako ay patuloy na nagluluto sa loob ng aking kusina upang makagawa ng mga pildoras na aking gagamitin para makapagpagaling ng sipon sa loob lang ng tatlong segundo. 

"Mommy! Amoy sunog na naman ang kusina natin! Nagluluto ka ba ng ulam o nagpapasabog ka na naman ng kung ano-ano?"

Biglang bumukas ang pinto ng kusina at iniluwa nito ang isang limang taong gulang na batang lalaki na may napakagwapo at napakaamong mukha. Sì, Basti. 

Nakapameywang ang bata habang nakasuot ng kaniyang paboritong Spider-Man na shorts. Sa isang tingin pa lang, mapagkakamalan mo siyang isang anghel na bumaba mula sa langit, ngunit ang totoo ay isa itong maliit na asungot na may kakaibang talento sa pang-aasar. Tss!

"Basti, huwag mo nga guluhin ang konsentrasyon ko. Ginagawan kita ng anti-sipon pill dahil nasinghot mo na naman ang lahat ng alikabok sa ilalim ng sofa kahapon." Bulyaw ko habang maingat na pinapatay ang puting apoy sa aking kamay. 

Dahan-dahan kong binuksan ang kaldero. Sa loob nito ay may tatlong maliliit, bilog, at kulay-pink na pildoras na naglalabas ng mabangong amoy ng strawberry. Kinuha ko ang isa at agad kong sinubo ito sa aking anak. Sa loob ng isang kurap, ang tumutulong na sipon sa ilong ni Vasti ay biglang naglaho na parang bula. 

"Wow, lasang kendi! Pero Mommy, bakit kailangan mo pang magpagawa ng ordinaryong encoder sa labas kung puwede naman tayong magbenta ng mga pildoras mo sa Shopee?" tanong ng bata habang kinakamot ang kaniyang ulo.

Napabuntong-hininga ako. "Basti, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na bawal malaman ng mga ordinaryong tao ang tungkol sa kapangyarihan natin? Ang mga white witches ay matagal nang nagtatago. At saka kailangan ko ng legal na trabaho para may maipakita akong source of income kapag nag-a-apply ako ng visa natin sa ibang bansa!" 

Habang tinitingnan ko ang mukha ng aking anak, hindi ko maiwasang mapakapit sa aking dibdib. Sa tuwing nakikita ko ang matangos na ilong, ang mapupungay na mata, at tila ang nakakalokong ngiti ni Basti, palaging bumabalik sa aking alaala ang gabing hinding-hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Ang gabi kung saan nagbago ang lahat. 

Five Years ago...

Noong gabing iyon, kasasapit lang ng aking ikadalawampu't isang taong gulang. Dahil sa matinding sumpa na iniwan ng isang kalabang maitim na mangkukulam sa aming angkan, ang aking mahika na mayroong Yin energy ay biglang nag-overheat. 

Ang aking katawan ay tila ba naging isang bulkang mayon na handa nang sumabog anumang oras.  Ang aking balat ay nag-aapoy sa init, at ang aking ugat ay tila mapuputol kung hindi ko mahahanap ang tanging lunas—ang kumuha ng pure Yang energy mula sa isang lalaki upang mabalanse ang aking kapangyarihan. 

Sa madaling salita, kailangan kong makatagpo ng isang lalaking may umaapaw na swerte, yaman at lakas upang hiramin ang enerhiya nito. 

Dinala ako ng aking tadhana sa isang marangyang at mamahaling star hotel sa buong lungsod. Gamit ang aking natitirang lakas at kaunting hipnotismo ng mahika, nakapasok ako sa isang VIP hotel suite. Doon sa ibabaw ng malaking kama ay nakahiga ang isang lalaking natutulog. Kahit sa ilalim ng madilim na ilaw, kitang-kita ko ang perpektong hubog ng mukha ng lalaki—ang panga nitong matalim, ang makapal na kilay, at ang katawang tila nilililok ng mga diyos sa sobrang ganda. 

Ngunit higit sa lahat, naramdaman ng aking mahika ang umaapaw na Pure Yang Energy mula sa katawan ng lalaki. Parang isang gintong liwanag na nag-aanyaya sa akin. 

"Pasensya ka na, Pogi. Kailangan ko lang ng mataas na Yang energy para hindi ako pasabugin ng aking mahika," bulong ko habang dahan-dahang gumagapang paakyat sa kama. 

Sa sandaling lumapat ang aking nanginginig na mga palad sa dibdib ng lalaki, tila ba nakuryente ang buong pagkatao ko. Habang ang lalaking nanakawan ko ng Yang energy ay biglang nagising. Nagtagpo ang aming mga mata—ang nagaapoy kong mga mata dahil sa labis na Yin energy at ang gulat na may halong mapanuring tingin ng lalaki. 

Bago pa man makasigaw o makatawag ng bodyguard ang lalaki, hinawakan ko ang mukha nito at hinalikan nang marahan ngunit may kasabikan. 

Ang natatanging amoy-bulaklak ng aking mahika ay humalo sa hangin, dahilan upang ang pagkabigla ng lalaki ay mapalitan ng isang malalim at mapusok na pagnanasa. Hindi na ito nakapalag. Hinawakan nito ang baywang ko at binaligtad ang aming posisyon upang ito na ang mamuno sa ibabaw.

Ang gabing iyon ay naging isang tila walang katapusang sayaw ng init at sensasyon. Ang bawat paglapat ng aming mga balat ay nagdadala ng kaginhawaan sa aking nag-o-overheat na mahika. Nararamdaman ko ang bawat mabigat na paghinga ng lalaki sa aking leeg, habang ang mga kamay ng lalaki ay buong sining na humahaplos sa aking baywang pababa sa aking balakang.

Walang preno ang bawat halik na pinagsaluhan namin—mabilis, malalim, at nag-iiwan ng kakaibang kuryente. Sa ilalim ng kumot, sumunod ang mas matinding pag-iisa ng aming mga katawan. Ang bawat galaw ng lalaki ay puno ng lakas at kontrol, na tila ba natagpuan nito ang katapat sa isang gabi ng bawal na atraksyon. Napaungol ako nang maramdaman ang tuloy-tuloy na pagpasok ng Pure Yang energy sa aking sistema, habang ang lalaki naman ay tila mas lalong nagugutom sa akin, mahigpit na nakakapit sa buhok habang isinusuko nito ang lahat ng lakas sa akin. 

Para silang dalawang magkaibang elemento na nagtagpo—apoy at yelo na nag-collapse sa isang marubdob, mabilis, at nakatutunaw na gabi ng pag-ibig.

"Shit, malapit na ako," bulong ng lalaking pawis na pawis. 

Sa bawat hawak, bawat halik, at bawat ungol na naganap sa loob ng kwartong iyon ay puno ng ligaw na enerhiya. Para sa akin, bawat sandali ng aming pagniniig  ay nagpapadala ng malamig na lunas sa nag-aapoy kong ugat. Habang ang lalaki naman ay tila sinasamba ang bawat sulok ng aking katawan na parang isang gutom na leon na ngayon lang nakatikim ng karne.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Pas de commentaire
6
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status