Share

Chapter 4

Penulis: Zairalyah_dezai
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-08 09:01:40

Napabangon ako agad sa aking kama na maring kong may kumakatok sa may pintuan. Nangunot ang aking noo nang mapansin kong wala akong damit pang itaas at pang ibaba. Nakita ko na lang sa may sahig ang mga damit na nagkalat doon at dali dali ko itong dinampot at sinuot ko uli. Natataranta akong maisuot ang damit na suot ko pa kagabi. Hindi ko na din tinignan kung baliktad man ito o hindi basta maisuot ko lang 'to.

Nang matapos ko nang maisuot ang mga damit ko ay agad kong binuksan ang kanina pang kumakatok sa may pinto. Bumungad sa akin ang nakapameywang kong ante. Namilog ang aking mga mata dahil sa ngayon ko lang siya nakitang galit ang mukha.

"Magandang umaga po ante," bati ko na nakangiti sa kan'ya.

"Anong maganda sa umaga ha Kayrelle?" galit nitong tanong.

"Tanghali na, bilisan mo riyan at kumilos ka na. Marami pa tayong gagawin," sabay talikod nito sa akin.

Sinarado ko agad ang pinto pagka alis niya. Tinatamad ako ngayong araw at gusto kong matulog maghapon.

Naupo ako sa aking upuan at nakapalumbaba ako sa harap ng salamin. Napaisip na lang ako dahil dito na umiikot ang mundo ko. Napapagod na ko sa araw araw na gawain dito sa boarding house. Wala na kong ginawa dito kundi ang mamalengke, magluto, maglaba, maglinis at maglakad paroon parito. Hay buhay, wala nang katapusan ang pagiging manang ko rito. Gusto ko naman sanang maranasan na may manligaw sa 'kin kaso wala eh. Laging zero lovelife. Maganda naman ako at seksi ngunit hindi nga lang nailalantad ang kagandahan ko dahil sa ganito na ko magsuot ng mga damit. 'Yung tipong hindi ka lilingunin ng mga lalaki dahil sa hindi maganda ang pananamit ko. Paano kaya kung magsuot ako ng mga seksing mga damit. Pero hindi ko kayang magsuot ng mga ganung klaseng damit na nilalantad ang hita at 'yung tipong nakalitaw din ang dibdib.

Perfect! sabay tayo ko sa kinauupuan ko. Ang galing mo talaga mag isip self, turo ko sa harap ng salamin.

"Kayrelle!" sigaw na naman ni ante sa akin at panay katok pa sa pinto. Agad ko na naman itong tinungo ang pintuan upang pagbuksan si ante.

Nakangiti akong nakaharap sa kan'ya pagkabukas ko ng pinto pero siya ay kabaligtaran dahil sa galit na naman ng kan'yang mukha.

"Bakit hindi ka pa nakakapagpalit ng damit mo? Kayrelle naman, hindi mo ba alam na ngayon na mag uumpisa ang trabaho mo," galit niyang sabi.

"Po," kasabay 'yon ng paglaki ng dalawa kong mga mata. Hindi ko alam na may trabaho ako ngayon at ngayon na araw pa talaga ako mag uumpisa. Salamat na lang at nabago din ang aking trabaho. "Ano pong trabahong 'yon ante?" kunot noo kong tanong sa kan'ya dahil excited na kong malaman 'yon.

"Wala ka bang natatanggap na mensaheng pinadala ko sa cp mo kahapon?" paalala niya sa mensaheng hindi ko pa binabasa. Wala na ko sa huwisyo kahapon ng mag-text siya dahil sa lasing ako.

"Pasensya na po ante hindi ko po nabasa," nakagat ko ang kukong hinliliit ko dahil sa pagsimangot ni ante.

"Basahin mo na lang kaya Kayrelle 'yung mga tinext ko sayo. Napapagod na talaga ako sa paroon parito dito sa boarding house. Wala na kong ginawa maghapon kundi ang mamalengke, magluto, maglaba at maglinis. Hay! buhay, tumandang dalaga na ko. Wala na talagang pag asang magka love life kundi Zero," sabay talikod niya sa 'kin. Inis na umalis si ante sa harapan ko.

Natulala ako sa sinabi ni ante at narito pa din ako sa aking puwesto habang nakatingin sa papalayong likod niya.

Aba't! teka nga lang, linya ko 'yung linya ni ante eh. Sabi na nga ba't pati din siya ay gano'n din ang nararamdaman niya kagaya ng sa akin. Ito 'yung kinatatakutan kong mangyari ang magaya sa kan'ya. Kaya't habang maaga pa ay maghahanap na ko ng lalaking mabibihag. Ayoko magaya kay ante na tumandang dalaga.

Hinanap ko ang aking cp kung saan ko ito nailagay. Nang mahanap ko na ay agad kong binasa ang limang mensahe ni ante sa akin na dapat ay kahapon ko pa binasa.

Napahawak ako sa sariling bunganga ko nang mabasa ko ang unang mensahe.

Ano? As in ngayon na talaga at huli na ko sa una kong trabaho? Sayang din 'yon dahil makakaipon pa ko para sa itay ko. Kailangan kong magpursiging magtrabaho para lang makaipon.

Hindi ko na binasa pa ang ibang mensahe dahil sa pagmamadali ko ay dapat makarating ako agad doon. Saglit lang ako naligo at nagsuot ako ng magandang damit. Nakasuot ako ng isang bestidang hindi lalagpas ang haba hanggang tuhod kaya kita ang mapuputi kong hita. Wala ding pawad ang suot kong damit kaya litaw ang maputi at makinis kong braso. Medyo litaw na din ang aking dibdib ngunit konti lang naman at baka sakaling may makapansin na sa akin.

Sinuot ko pa ang mamahaling sandalya ko na may 2 inhces ang taas. Inayos ko din ang mahaba kong buhok at tinali ko ito paitaas kaya kita ang namumuti kong batok.

Nakangiti akong lumabas ng kuwarto nang matapos na kong mag ayos at pababa na ko ng hagdan. Wala 'yung mga boarders dito dahil gumala pa ang mga 'yon.

"Aba't bakit gan'yan ang suot mo?" takang tanong ni ante.

"Siyempre nag ayos po ako ante kaya ganito po ang suot ko saka first time ko kaya magkaroon ng trabaho kaya pinaghandaan ko para tumagal ako sa aking unang trabaho."

Humaba ang nguso ni ante at napasimangot pa. Akala mo eh nalugi ng kita sa canteen.

"Sigurado ka na ba diyan sa suot mo?" paninigurado niya sa akin.

"Opo naman saka excited na ko sa una kong trabaho," masaya kong sabi. "Maganda po ba ako ante? Ayos na ba ang suot ko?" tanong ko habang nakahawak ako sa aking bewang at umikot na parang prinsesa sa harapan niya.

"Ayos na sana kung hindi ka na sana nagtakong. Ano kaya ang magiging itsura mo kapag naroon ka na sa trabaho mo? Baka hindi mo kayanin at bumigay ka agad. Alalahanin mo, 20k a month ang sasahurin mo kaya magsipag ka. Kapag naman nagustuhan niya ang trabaho mo ay pwede pa niyang taasan ang sahod mo."

Nanlaki ang dalawa kong mga mata. 20K a month? Grabe ang laki pala ng sasahurin ko kapag gan'on nga kalaking halaga. Makakaipon at makakabayad na kami ng pagkakautang namin ni tatay. Hindi lang 20k ang sasahurin ko kundi instant 30k ang kabuuan kapag nagustuhan niya ang trabaho ko. Parang sahod lang ng pangangatulong sa ibang bansa.

Malaking tulong ito sa financial support namin ni itay. Dahil sa hirap ng aming buhay ay hindi na niya nagawang buhayin pa kami ni itay dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa isang krimeng hindi naman niya ginawa. Limang taon ng nakakulong ang aking itay kaya heto ako, narito ako sa aking ante para makatulong sa kan'ya at hindi sapat ang sweldong natatanggap ko mula sa kan'ya. Naiintindihan ko din naman siya dahil may tinutulungan din itong kamag anak.

Masaya ako sa unang araw ko nang makalabas na kami ng boarding house. Nilakad na namin ni ante kung saan ako magtatrabaho. Habang papalapit kami ng papalapit sa isang apartment kung saan umuupa ang isang binatang si Jero ay tila nag uunahan na sa kaba ang aking dibdib. Pero hindi ako sigurado na itong apartment na pupuntahan namin ay siya ang nakatira dahil may tatlo pang mga katabi ito.

May apat na magagarang kotseng naririto sa tapat ng apartment. Tila ba kay yaman ng mga taong umuupa rito. Napangiti ako ng husto dahil ang yaman ng magpapasweldo sa akin.

Nasa tapat na kami ng gate ni ante at pumasok sa loob ng bakuran.

Tamang tama lang ang lawak ng bakuran dito. Pero itong apartment na 'to ay tama lang din sa laki para sa dalawa o tatlong katao.

"Handa ka na ba sa unang sabak mo sa trabaho mo?" tanong ni ante na mukhang naninigurado pa sa akin kung tutuloy ako o hindi.

"Oo naman po ante. Sayang naman 'yung instant 30k na sasahurin ko kung uurong lang ako. Kayang kaya yan," sabay pakita sa aking muscle sa braso saka ko siya nginisian. Ngunit tinapik lang ni ante ang aking braso.

"Mahiya ka nga Kayrelle, alis!" Umalis ako sa tapat ng pintuan dahil nakaharang ako. Siya na mismo ang kumatok sa pintuan ngunit wala ni bakas na tunog na nagmumula sa loob para buksan ang pinto.

Nakatatlong katok na ito ngunit wala pang nagbubukas ng pinto. "Ikaw na nga lang kumatok baka sakaling bumukas na yan," utos niya sa akin. Nagpalit kami ng pwesto at ako na ngayon ang nasa tapat ng pintuan. Bum'welo muna ako at nang maitapat ko na ang aking kamao ay doon lang bumukas ang pinto.

"See? Bumukas po ante. Hindi ko pa nasasagi yang pintuan na yan ay bumukas na. Easy!"

Pagmamayabang ko kay ante ngunit wala man taong lumabas mula sa nakaawang na pintuan. Nakaawang lang ito ng konti at nanindig ang aking balahibo dahil sa lamig na naramdaman ng aking balat.

Hinarap ko si ante at nakatalikod ako mula sa nakaawang na pintuan ngunit walang taong lumabas o sumilip man lang.

"Parang may multo ante. Kasi wala man lang taong sumilip diyan sa pintuan na yan at tumaas pa ang mga balahibo ko," nasa boses ko ang takot. Hindi nagsasalita si ante habang kinakausap ko siya. Para siyang nasaniban ng piping ispirito dahil sa pananahimik nito. "Ante ano ba? Magsalita ka naman po. Anong nangyayari sayo at natulala ka po diyan?" Inis kong sabi kay ante dahil hindi man lang ito nagsasalita dahil nabato na siya sa kan'yang kinatatayuan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Manang, The Billionaire's Sweetheart   Chapter 91

    LINDSEYPagkauwe namin dito sa bahay galing sa bahay ng kaibigan ko ay hindi na ko tinigilan sa kakatext niya. Unang kita pa lang niya kay Jero ay crush niya na ito.Kinunutan ko siya ng aking noo. Pagkakuha niya sa mga damit niya ay dumiretso na ito sa loob ng banyo. Napaawang na lang ang aking ibabang labi dahil sa mga kinikilos niya. Hindi ko tuloy masabi kay Grace kung ano talaga ang pagkatao nito. Bakla ba talaga si Jero?Nahiga na ko rito sa aking kama habang katext ko siya. Gusto ko na yata maiyak ngayon dahil naguguluhan ako kay Jero. Lumabas siya ng banyo at nakita ko na lamang na nakabihis ito.Dahil sa hawak ko ang phone ko ay lihim ko siyang kinuhanan ng mga larawan saka ko sinend yung iba kay Grace para siya na ang humusga kung ano ba talaga si Jero kung bading ba siya o lalaki. "I saw your phone Lindsey," saka ito ngumisi. "Kinukuhanan mo ba ko ng larawan?" Sabay higa nito sa kan'yang kama. Inunan niya ang dalawang mga kamay nito habang nakatitig siya sa itaas ng kisame

  • Manang, The Billionaire's Sweetheart   Chapter 90

    JERO Umalis si Lindsey na ganun ang suot niya. Nagtataka ako at kung bakit bigla itong nagbago at ako naman ay tinatawanan lang niya. Parang tinapakan niya ang pagkalalaki ko dahil sa klase ng paninitig nito sa akin ay parang may ibig itong sabihin dahil nakita niya kong nagwawalis kanina. Ito naman yung utos sa akin ni tito. Pero parang may mali.Pumasok ako sa loob ng silid namin nang marinig ko ang pagtunog ng aking cp. Si kuya Lucio ang tumatawag kaya sinagot ko naman ang tawag."Kuya, napatawag ka?"Nahiga ako rito sa kama habang kausap siya."Kamusta na ang unang araw? May nangyari na ba?" Tanong ng tsismoso kong kuya. Paano ko ba ipapaliwanag sa kan'ya. Yung inaakala naming tomboy siya ay tunay pala itong babae."Babae siya kuya at mukhang may lalandiin siya ngayon."Tumawa siya. "Bakit ayaw ka ba niyang landiin? Maglandian na lang kaya kayo total nasa iisang kuwarto lang naman kayo eh," turo niya sa akin."Siraulo ka kuya. Puputulin nga daw ni tito itong akin kapag tinusok ko

  • Manang, The Billionaire's Sweetheart   Chapter 89

    LINDSEYUmuwe ako agad ng Probinsiya pagkatapos ng birthday celebration ng mga pamangkin ko. Hindi na ko nakapag-paalam pa kay ate at medyo nagkatampuhan na din kami. Alam kong nagtatampo din siya sa 'kin dahil hindi ko man lang sila binati ni kuya Jeho.Gabi na din nang marating ko ang bahay namin. Gagawing paupahan daw ito ni papa kaya sa kuwarto ng mga bata ako matutulog. Bale may dalawang kama ang kuwarto ng mga bata at may sariling banyo na din ito. Sa ikalawang palapag ay may tatlong kuwarto at iyon ang ipapaupa ni papa at siyempre ako na ang hahawak sa ipapaupang mga kuwarto rito.Kasalukuyang nag-aayos ako ng mga gamit rito sa kuwarto..Halos mga gamit ng mga bata ang narito kaya hahayaan ko lang ang mga ito rito bilang pang dagdag display ang mga ito rito sa magiging kuwarto ko. Pahiga na sana ako ng kama nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ni papa."Hello pa... Bakit napatawag ka pa?" Tanong ko mula sa kabilang linya."Nariyan ka na ba sa b

  • Manang, The Billionaire's Sweetheart   Chapter 88

    WEDDING DAYSumapit na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Natupad din ang kahilingan ng dalawa na makasal sa simbahan. Matagal-tagal din bago pa man ito dumating ang pinakaimportanteng araw para sa kanilang dalawa dahil na rin sa mga pagsubok na dumating sa kanila. Mga taong humahadlang sa pagmamahalan nila ay hindi kailanman matitibag dahil mas matibay pa rin ang pagmamahalan ng dalawa kahit anuman ang mangyari ay sila pa rin hanggang sa huli. Patapos na rin ang seremonya sa loob ng simbahan. Ang ibang mga bisita ay nauna ng nagtungo sa reception area. Pero bago pa man magtungo ang lahat doon ay nasa labas na ng simbahan nakaabang ang mga maids ng bride. "Ngumiti ka naman Ana," ani ng kan'yang katabi."Paano ako ngingiti. Ayaw kong magsuot sana ng ganito tapos yung kumag pa yung naging partner ko," inis na turan ni Ana. "Si Jero ba ang tinutukoy mo? Tsk! Ang guwapo kaya ng partner mo. Anong kinagagalit mo sa kan'ya? Kaloka ka," sabay paikot nito ng kan'yang eyebols. "Basta ayaw

  • Manang, The Billionaire's Sweetheart   Chapter 87

    Pauwe na ang dalawa ng mansyon. Nakangisi lang si Jeho habang si Kayrelle ay walang alam kung bakit ganun na lang kung makangiti si Jeho. "Bakit hindi ka pala nagpagupit sa mall kanina? Humahaba na ang buhok mo. Pero bagay mo pa din yung gan'yan," ani ni Kayrelle."Balak ko din magpagupit sweetheart.""Huh? Pero ayos na 'yan. Mas gusto ko na 'yung ganyan ang buhok mo. Ang cute ng pagkakulot ng buhok mo," ani nito. Napayakap siya kay Jeho habang nagmamaneho ito. "Sweetheart stop," mahinahong saad nito. "Nagdadrive ako... Later na lang okay." Pero hindi nakinig si Kayrelle. Gumapang ang kan'yang kamay sa hita ni Jeho paakyat sa maselang parte nito. Napaigtad siya sa kinauupuan habang nagdadrive ito dahil kinapa ni Kayrelle ang t*ti ni Jeho."Oh f*ck! mababangga tayo sa ginagawa mo sweetheart."Ngumisi si Kayrelle. "Magdrive ka lang mahal ko. Magdadrive din ako dito," ani nito sa nang-aakit niyang boses.Napailing na lang si Jeho. Wala siyang nagawa at hinayaan na lang niya ang kan'ya

  • Manang, The Billionaire's Sweetheart   Chapter 86

    Lumipas pa ang ilang mga araw, matagumpay ang facial plastic surgery kay Jeho. Bumalik na sa dati ang kan'yang guwapong mukha. Sa tulong ng kan'yang mga magulang, nalaman nila agad na siya nga si Jeho dahil sa lukso ng dugo ng kanilang anak. Salubong naman ang dalawang mga kilay ni Jero, parang siya pa ang tutol dahil may kambal siyang kaagaw sa mga bata lalong lalo na kay Kayrelle na lihim na din siyang nagkakagusto. Hindi magkasundo ang dalawang kambal dahil sa pagmamahal na ipinapakita ni Jero kay Kayrelle. Natutunan na din niyang mahalin ito at napalapit na din siya sa mga bata. Gusto niyang lapitan sana si Kayrelle ngunit nariyan palagi si Jeho na nakabantay sa magiging asawa niya. Malapit na din silang ikasal at sa nalalapit na kaarawan ng dalawang kambal na sina Johann at Joharra ay doon na nila isasabay ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Tanaw ni Jero mula sa terrace ng kan'yang kuwarto. Masaya ang mga ito habang minamasdan niya na may ngiti sa kanilang mga labi

  • Manang, The Billionaire's Sweetheart   Chapter 85

    Lumipas ang tatlong araw na pamamalagi nila sa Probinsiya ay agad na umuwe ang mga ito ng Maynila. Tawag kasi ng tawag ang mga anak niya kaya napilitan silang dalawa na umuwe agad kahit hindi pa ito ang araw para umuwe. Nakaset na kasi ang araw para sa kanilang pag-uwe kaya ngayon pa lang ay uuwe na si Kayrelle kasama si Jeho ang ama ng mga bata."Ihahatid lang kita sweetheart. Babalik din ako kapag naayos ko na ang ga dapat na ayusin," ani ni Jeho."Ha? Bakit aalis ka na naman? Huwag mong sabihin na iiwan mo na naman kami?" Ngumuso ito."Sweetheart, marami pang dapat na ipaliwanag na ako talaga si Jeho na buhay ako para mapaniwalang ako si Jeho," paliwanag nito."Jeho... May DNA test na pwedeng mong patunayan na ikaw si Jeho. Ano ba? Ayaw mo bang makita at makasama ang mga anak natin? Please Jeho, huwag ka ng umalis," sabay cross arm nito.Napakamot tuloy ng ulo si Jeho. Alam naman niya ang bagay na iyon. Gusto lamang niya na ipaayos ang nasirang mukha nito upang masigurado niya na s

  • Manang, The Billionaire's Sweetheart   Chapter 84

    Pinagpahinga muna ni Jeho si Kayrelle dahil maya't-maya ay itutuloy nila ang naudlot nilang pagta*****. Kayrelle was the only thing his body wanted. He also regretted whatever he had done before. So now that he's back, Kayrelle and the kids are his priority now. But now that Kayrelle is already with him, and after just happenned to them ay hindi niya na mapigilan ang sarili niya na paulit-ulit itong angkinin.Jeho is like a good, satisfying food that he keeps on craving. Hindi siya magsasawa rito kahit paulit-ulit niyang angkinin ito.Hindi na siya makapaghintay pa na makasama si Kayrelle habang buhay kasama ang mga anak nila.Marahang hinaplos niya ang hubad na katawan ni Kayrelle nang tabihan niya ito saka niya niyakap. Nagising ang mahimbing nitong pagkakatulog nang ipatong niya ang kamay sa malusog nitong dibdib. He missed massaging her boobs before sleeping. Ngayon, magagawa na niya iyon at hindi na siya makapagpigil na gawin ulit ang sumuso sa kan'ya.Nagmulat siya ng mga mat

  • Manang, The Billionaire's Sweetheart   Chapter 83

    JEHOPagkatanggal ko ng boxer short ko ay tila unti-unti naman ang pagpikit ng mga mata niya. Hindi ko alam kung nakatulog lang ito. "Sweetheart!" tawag ko. Kung kailan ready na ko ay doon naman niya ko tinulugan. Bahagyang nilapitan ko siya at ginising. Napamura ako. Tila nahimatay siya o baka tinulugan lang niya ko."Ang malas mo talaga Jeho!" sita ko sa isip ko. "Siya tuloy ang nasorpresa sa alaga ko."Humiga na lang ako sa tabi niya. Pinagmamasdan ko siya habang natutulog sa aking tabi. Magkadikit ang mga hubad naming katawan na may kumot na nakatabing sa amin."Goodnight sweetheart," sabay halik ko sa kan'yang noo.Kinabukasan, dinig ko ang pagbusina ni Harris sa labas ng bahay. Bumaba ako para tignan siya. Medyo may paulan-ulan pa kaya napasarap ang tulog ni Kayrelle. Bumungad sa akin na may ngisi ang labi niya. "Ano? Target locked na ba?" sabay halakhak niya. "Nakascore ka ba kagabi?" dagdag pa niya."Heto, gusto mo?" Ani ko sa kamao ko. "Sinasadya mong hindi ibigay ang mga

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status