"Shaina! mag-usap nga tayo!" ani ni Karlos sa dalaga habang sinusundan niya ito palabas ng club.
"Shaina!" nahinto na lamang siya sa paglalakad nang pigilan siya ng binata at hinawakan sa braso niya."Bitawan mo ako," mahinang turan niya sa kaniyang nobyo.Hindi naman siya pinakinggan ng binata bagkus ay hinatak siya nito sa pulsuhan at siyaka pinasandal sa pader sabay kinulong niya ito sa kaniyang mga bisig."Ano bang ginagawa mo? lubayan mo nga ako!" pilit siyang nagpupumiglas sa lalaking nasa harapan niya ngayon at tinutulak sa dibdib niya subalit hindi siya pinapakawalan nito."Sabihin mo nga sa akin, ano yung mga nakita ko kanina? sino ang lalaking iyon? may relasyon ba kayong dalawa?" mahina ngunit mariin niyang turan sa dalaga na magkasalubong ang dalawang kilay niya."E ikaw? ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" ani ni Shaina habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik.Nakas"Long time no see, Alona." Ang binulong nito sa kaniyang tenga.Halos balot na balot ang buong katawan nito ng itim na kasuotan at maging ang kalahating mukha niya ay natatakpan ng itim na maskara, kahit may makakita sa kaniya ay wala namang makakakilala sa tunay niyang pagkatao."Sino ka?" usisa ng dalaga sa kaniya.Ayon sa tono ng boses niya at sa tamis ng pabango na ginagamit niya ay mukhang isa siyang babae. Pero, sino siya? at bakit niya ito ginagawa sa akin? at papaano niya nalaman ang buong pangalan ko?Paglalayag ni Alona sa kaniyang isipan."Hindi mo ba ako natatandaan? ilang beses na tayong nagkita at nagkasalubong noon. Halos hindi ko na nga makalimutan 'yang maganda mong mukha, tapos kakalimutan mo lang pala ako? sabagay, wala ka nga palang pakialam sa paligid mo at tangging 'yang sarili mo lang din ang iniitindi mo, kung kaya't pati ang sarili mong mga magulang ay pinatay mo na rin. Tama ba ako, Alona?" mahina nguni
"Shaina? Shaina, naririnig mo ba ako?" ang pulit-ulit na tawag ni Roan sa dalaga ngunit tila may malalim itong iniisip habang nakatanaw siya sa malayo. "Uy, Shaina!" tinabig na siya nito sa kaniyang balikat kaya bigla rin siyang natauhan at napatunghay sa kaniya. "Ano kasi ulit iyon?" ani ng dalaga na may pag-iling sa kaniyang ulo. "Ano ba talaga ang iniisip mo riyan? kanina pa kitang napapansin na balisa at parang ang layo-layo naman ng tinitignan mo." Ang tinuran niya sabay napahigop sa mainit na kape. "Pasensya na, Roan. Pero mamaya na lang tayong mag-usap. May mahalaga lang akong pupuntahan." Sabay tumayo siya at lumabas ng silid nito. "Teka, Shaina! saan ka pupunta? Shaina!" pahabol na tawag sa kaniya ng dalaga ngunit hindi siya nito pinapansin o nililingunan man lang. Hanggang sa nahinto na lamang siya sa paglalak
Pagkarating ni Shaina sa masikip at maliit na eskinita ay wala na siyang naabutan pa roon. Kahit anong lingon niya sa paligid ay hindi na niya ito nahagilap pa. Kaya napabuga na lang siya ng malalim na paghinga at napasapo sa kaniyang noo gamit ang sariling kamay.Hapong-hapo siya sa paghinga at pawisan ang buo niyang mukha dahil sa kakatakbo at kakahabol sa kaniya kanina, subalit nabigo lamang siya na maabutan ito at tila bigla na lang din itong nawala sa isang iglap.Napalingon naman siya nang marinig ang pagdating ng ambulasya at binalikan na lamang ang sina Karen at Troy sa loob ng pinagtatrabauhan nila.Pagkapasok siya sa loob ay naabutan na lamang niyang tinatakpan ng puting tela ang buong katawan ng dalaga habang binubuhat naman sa stretcher lift si Troy nang ilang paramedics."Sandali lang, bakit niyo tinatakpan ang mukha niya? buhay pa siya. Humihinga pa siya, tignan niyo ng maigi." Ani ni Shaina sa isang paramedic."I'm sorry but she pass
Nang makarating na si Shaina sa kasalukuyang tinutuluyan ng kaniyang mga kapatid ay apurahan itong pumasok sa loob at hinanap kaagad si Aubrey, ang ika-apat niyang kapatid."Nasaan si Aubrey? bakit wala siya rito sa loob ng bahay?" ang bungad niyang tanong nang makapasok na siya sa loob."Ate Shaina? napadalaw ka?" usisa naman ng isang kapatid nito sa kaniya ang pangalawa sa pitong magkakapatid."Si Aubrey? nasaan si Aubrey?" ang paulit-ulit niyang tanong habang nililibot ang bawat silid roon sa loob.Nakasunod naman sa likuran niya si Marie ang sumunod kay Mira."Ate Shaina, bakit mo hinahanap si Aubrey? may kailangan ka ba sa kaniya? may nagawa na naman ba siyang kalokohan?" ang itinanong ni Marie sa kaniya.Natigilan naman saglit ang dalaga at napatunghay sa kaniya na may guhit ng kunot sa sariling noo."Ano ang ibig mong sabihin?" usisa niya."Nitong nakaraang araw lang ay pinatawag ako ng guro niya. Ang
Magmula noong kumalat sa buong campus ang tungkol sa sakit na ikinamatay ng aking ina ay nagsimula na ring maging impyerno ang sarili kong buhay. AIDS o acquired immunodefiency syndrome, ang sanhi ng pagkamatay niya na nalikom niya mula sa iba't-ibang lalaki na nakatalik niya.Nang dahil doon kaya naging tampulan ako ng tukso, away o gulo sa aming paaralan. Kung minsan pa nga ay tinatawag nila akong anak ng bayarang babae o GRO. Dumidilim kaagad ang aking mga paningin sa tuwing nariring ko ang mga salitang iyon mula sa kanila at madalas ay hindi ko napipigilan ang aking sarili kung kaya't parati ding nauuwi sa gulo ang lahat.Dinala ako sa isang tahimik at makipot na eskinita ng isang grupo ng mga babaeng estudyante, habang pinagtatadyakan, sinusuntok at ginugulpi nila ako ng sabay-sabay.Subalit natigilan na lamang sila at natahimik nang may isang lalaki ang biglang nakisingit sa eksena. Nakasuot siyang formal attire at may nakakatakot na maskarang nakatakip sa
Natuklasan ni Aubrey ang pinakatatagong sikreto ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Shaina. Nasaksihan din niya ng harap-harapan kung paano ito umasikaso ng guest o paano niya pinagseserbisyuhan ang mga nagiging customer niya sa loob ng night club. Nang dahil doon kung kaya't nagtanim siya ng matinding poot mula sa kaniyang dibdib at kinamumuhian niya ang trabahong pinasukan ng kaniyang kapatid. Magmula noong natuklasan niya ang tungkol doon ay madalas na siyang lumiliban o hindi pumapasok sa kanilang klase. Tila mas lalong nabawasan ang kumpiyansa niya sa sarili, lalo na ng matuklasan niya na hindi pala nagkakalayo ang propesyon ng kaniyang kapatid sa namayapa nilang ina. Pakiramdam niya ay mas lalo lamang siyang tutuksuhin ng mga kamag-aral niya at mas lalo lamang siyang magiging marumi sa paningin nilang la
"Natapos mo na ba ng malinis at maayos ang pinapagawa ko sa'yo?" ani ng ginoo kay Aubrey, pagkapasok na pagkapasok pa lamang nito sa loob ng sasakyan niya. Binaba naman ng dalaga ang suot niyang itim na antipas na ginagamit niyang pantakip sa kaniyang bibig."Dumating na ang mga pulisya. Natagpuan na rin nila ang bangkay ng babae sa loob." Ang tinugon ni Aubrey sa kaniya habang pasimple siyang sumisilip sa may side mirror."Siniguro mo ba na wala silang mahahanap na kahit anong ebidensya sa loob?" muling usisa nito sa dalaga.Lumingon naman si Aubrey sa kaniya at tumango na lang sa kaniyang ulo, pagkatapos ay nilisan na nila ang lugar na iyon."Nga pala, boss. Ano ang balak mong gawin sa mga natira mong empleyado? may nahanap ka na bang bagong malilipatan?" pagkasabi nito ay saglit namang niliko ng ginoo ang manibela at saka itinabi sa isang gilid ang kaniyang sasakyan.Nabigla na lamang si Aubrey at napalingon sa kaniya na may bakas ng
Alas tres y medya ng madaling araw ng maalimpungatan sina Shaina at Lou, nang makarinig sila ng malakas na pagkalabog mula sa labas ng kanilang pintuan."Ano 'yon? narinig mo ba 'yon?" usisa ni Lou sa kaniya. Bigla naman napabangon si Shaina at pasimpleng kinapa ang kaniyang baril mula sa ilalim ng kaniyang unan."Shaina, saan mo nakuha ang bagay na 'yan?" gulat na gulat na sambit ni Lou, habang tinuturo nito ang hawak niyang baril."Hindi mo na 'yon kailangan pang malaman. Basta diyan ka lang, huwag kang lalabas sa kwartong ito. Nagkakaitindihan ba tayo?" aniya at tumango na lamang ito sa kaniyang ulo.Dahan-dahan at maingat niyang inihakbang ang kaniyang mga paa patungo sa tapat ng pintuan. Tahimik at nakasilip naman si Lou mula sa loob ng silid habang nakaawang ng kaunti ang pintuan nito.Saglit na huminto sa paglalakad ang dalaga nang makarinig siya ng malakas na pagkatok mula sa kanilang pintuan."Tulong! tulungan niyo ako!" ang paulit-