Share

Kabanata 110

Nakatanggap kami ng magandang balita ni Ivan mula sa ibang bansa, tungkol ito sa aking donor sa mata.

Nakumpirma rin namin mula sa pinakamahusay na doktor na may pag-asa pang maibalik muli sa normal ang mga paningin ko at buong puso akong nagpapasalamat sa maykapal dahil binigyan niya ako muli ng isa pang pag-asa para makita ang mga magagandang tanawin sa aking kapaligiran.

Kaya nagsagawa na rin kami kaagad ng plano na pansamantala na muna kaming maninirahan sa ibang bansa hanggang sa matapos ang operasyon ko at hanggang sa mailuwal ko ng maayos ang aking anak.

Wala pa ring kaalam-alam si Karlos tungkol sa anak naming dalawa. Pinili kong ilihim ito sa kaniya dahil ayokong angkinin niya ang aking anak, kagaya ng ginawa ng kaniyang ama sa tunay na ina ni Jake.

Kung saan puwersahan siyang sinama ng kaniyang ama at pinatay ang sarili niyang ina. Kung magkataon ay baka ikamatay ko rin iyon kung sakaling mawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status