Share

Kabanata 28 : Luz POV

Nasa tapat ako ng VIP room at tinititigan ang pintuang iyon nang mapalingon ako sa aking paligid at napukaw ng aking atensyon si Roan na kasalukuyang nakatingin naman sa kinaroroonan ko.

Kaagad akong nagtago at sumilip ng bahagya sa kaniya. Laking pagtataka ko na lamang nang mapansin kong hindi pala siya sa akin nakatingi kundi sa VIP room.

Nasa first floor siya at mukhang may espesyal siyang taong kinakausap ngayon sa cellphone niya.

Pero, bakit ganoon na lamang siyang makatingin sa kwartong iyon?

Hindi kaya may nalalaman siya tungkol sa nagmamay-ari nitong club? o baka naman magkakilala talaga silang dalawa?

Sa kabila ng pagkausisa kong iyon ay sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makaakyat siya ng hagdan at magkasalubong kaming dalawa.

Sabi ko na nga ba, tama ako ng hinihinala na ang taong kinakausap niya kanina ay yung taong nasa loob ng VIP room.

"Anong ginagawa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status