KABANATA 23
Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto kung saan naroroon sina Catalina, Azelea at si Rostam. Natutulog na ang mag-ama habang ang isa ay dilat na dilat pa rin ang mga mata. Hindi siya dinadalaw ng antok at pakiramdam niya, hindi talaga siya makakatulog dahil sa takot na baka magtuloy-tuloy ito.Patay ang ilaw sa buong kwarto ngunit may liwanag sa lampshade na nasa gilid ng kama nila. Unti-unti siyang umalis sa pagkakahiga saka nilingon ang dalawa sa tabi niya. Mukhang himbing na himbing ang mga ito sa pagtulog samantalang siya, hanggang ngayon namomroblema. Paano kung may biglang kumuha sa kaniya? Paano kung bigla na lang siyang takpan ng unan sa mukha ni Rostam kapag nakatulog siya? Ang dami niyang naiisip na posibleng mangyari pero ni isa sa mga 'yon, wala namang nangyari.
Umalis siya sa kama at maingat na naglakad palabas ng kwarto. Kailangan niyang mak
KABANATA 24Bumaba mula sa isang magarang sasakyan ang mga lalakeng may dala-dalang mga armas para salakayin ang loob ng Hacienda. Wasak ang harapan ng kotseng kanilang sinasakyan dahil noong di sila pinayagang papasukin sa loob ng gate, wala silang ibang choice kundi ang sapilitang pumasok sa loob para hanapin ang isang taong pinapakay nila." Halughugin niyo ang bawat sulok ng lugar! " wika ng isang lalake na tumatayong kapitan sa organisasyong kaniyang kinabibilangan. " Dalhin niyo sa harap ko ang ulo ng bastardo na 'yon! Hangga't wala kayong ipinapakita saakin, wala kayong karapatan para huminto! "" Masusunod! " sagot ng kaniyang mga kasama bago mag hiwa-hiwalay para hanapin ang taong kanilang sinadya. Naglabas naman ng sigarilyo ang kanilang kapitan para sana ito'y sindihan pero nabitawan niya ito bigla nang maramdaman ang pamamanhid ng palad at doon, kumawala ang kaniyang palahaw
KABANATA 25" Catalina anak, isa ka ng ganap na dalaga sa linggo nito. Anong gusto mong regalo sa birthday mo? " tanong ng isang matandang lalake habang abala sa pagluluto ng paborito nilang ulam tuwing linggo. Ang adobong sitaw. " Gusto mo ng bagong cellphone? Iyong nauuso ngayon? "" H'wag na po Papa, ang mahal kaya non! " aniya sa Ama habang naglalagay ng mga pinggan sa mesa sa kanilang kusina. " Ayos na po ako sa cellphone ko ngayon. Gumagana naman tsaka malinaw ang camera, okay na ako dito. Huwag na po kayo gumastos. "" Naku ganoon ba? Sayang naman pala ang binili ko kung di tatanggapin ng anak ko, " bakas ang panghihinayang sa boses nito saka pinatay ang kalan hudyat na tapos na siyang magluto ng ulam. Naglakad ito patungo sa sala at kinuha ang isang paper bag. " Paano 'yan? Nakabili na ako ng pan-regalo sayo. Sayang naman kung di mo tatanggapin 'to. "
KABANATA 26Nagising sina Esteban at Dario mula sa mahimbing na pagkakatulog nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa bintana sa labas ng kotse. Nakita nila si Baron na kanina pa nangangawit at naiinip sa labas dahil sa tagal magising ng dalawang kasama." T*ngina, himbing ng tulong niyo mga tukmol kayo, " bati ni Baron nang lumabas yung dalawa sa kotse. Inabutan niya ito ng dalawang kape na nabili niya sa isang coffee vendor machine malapit dito sa kanilang pwesto. " Kanina ko pa kayo tinatawagan, di niyo sinasagot. Ano pang silbi ng mga earbuds niyo? "" Siraulo, ikaw kaya magbantay dito twenty-four hours? Kapagod kaya, magdamag ka ba namang nakaupo sa loob, " ani Esteban saka sumimsim sa kape na dinala sa kanila ni Baron. " Anong oras na ba? "" Alas-singko nang umaga, " sagot ni Baron saka pinagmasdan ang kulay asul na kalangitan. Walang paramdam ang ar
KABANATA 27 Maingat na inilapag ni Manang Cora ang ilang tasa ng kape sa mesa para sa dalawang bisita na nasa loob ng opisina ni Rostam. Ramdam niya ang nakakailang na tensyon sa pagitan ng mga Serrano at Lombardi. Tanging ang buhos ng ulan lang ang gumagawa ng ingay sa ngayon at hinihiling niya na sana walang putok ng baril ang marinig sa paglabas niya. " Ang tagal na rin pala noong huli kong kita sayo, " wika ng isang matanda na pinuno ng Serrano Clan, si Roberto Serrano. " Wari ko'y nasa kinse anyos ka pa lang noong mga panahon na 'yon. Kasama mo pa si Alessandro, ang iyong ama noong dumalaw kayo sa bagong bukas kong restaurant noong araw. Naalala mo pa? " " Malinaw na malinaw, " tugon ni Rostam, " Naalala ko rin noon ang ginawang pamamahiya sainyo ng asawa n'yo sa kalagitnaang ng inyong pagsasalita sa harap ng maraming tao. " Hindi inasahan ni Roberto na m
KABANATA 28 Mabilis ang pagpapatakbo ni Lorenzo ng kotseng kaniyang minamaneho kasama si Rostam na walang imik subalit maraming tumatakbo sa isip. Madilim ang kaniyang mukha at ang mga mata niya ay tila isang mata ng tigre anumang oras, handang umatake. Bumaba ang kaniyang tingin sa loob ng suit nang maramdaman ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Kinuha niya ito at may natanggap na mensahe mula sa isang di kilalang numero. Noong ito'y buksan, isang litrato ang natanggap niya, litrato ni Catalina na puno ng pulang likod mula ulo hanggang paa. Napatiim bagang si Rostam, mariing napapikit at binaba ang hawak na cellphone. Mula sa rearview mirror, napansin ni Lorenzo ang pagiging aburido nito kaya di niya napigilan ang mag tanong. " Boss, may problema ba? " tanong nito pero wala siyang nakuhang sagot. Hindi na siya nagtangka pang umulit ng tanong, sa halip a
KABANATA 29Nakatayo si Catalina sa harap ng pinto ng kwarto ni Rostam, nagtatalo ang isip kung tutuloy ba siya o aatras na lang at sa ibang araw na lang bumisita. Ilang oras na ang nakalipas matapos ng gulong nangyari sa abandonadong gusali at hindi pa sila nakakapag usap ni Rostam mag mula noong makabalik sila dito sa Hacienda. Ligtas naman ito pati ang ilan niyang mga tao, may ilang sugatan pero walang binawian ng buhay, pwera kay Mario Lombardi na hinayaan na ni Rostam na ang mga Serrano ang umasikaso sa bangkay nito." Bakit parang nagdadalawang isip ka pumasok sa loob? " Napatingin siya sa gilid nang madinig ang boses ni Savannah. May dala itong tray na may lamang isang baso ng tubig at ilang medisina. Lumapit ito sa kaniya at inabot ang tray na dala. " Oh ito, ikaw na ang magpainom sa kaniya tutal may kasalanan ka rin naman sa nangyari. "Hindi na magawang magsalita ni Ca
KABANATA 30" Tita, pwede po ba mamaya na tayo umuwi? Punta pa tayo doon sa may horse, sakay pa po tayo, " rinig ni Tiffany mula sa batang nasa gilid niya kausap ang babaeng kasama na tinatawag nitong tita." Hindi, next time na lang. Pagod na si tita at gutso na niyang mag pahinga, " anito habang abala sa pagtitipa sa hawak na cellphone. " Mama at Papa mo na lang ang isama mo next time. Maghapon kayo dito kung gusto niyo. "" Talaga po? Pwede po kaming matagal dito? " hindi makapaniwalang wika ng batang si Azalea na nagtatatalon sa tuwa bago kumaway para magpaalam sa mga bata na naging kaibigan nito ngayon lang. Naglakad na ang dalawa palabas ng zoo, naunang pinasakay ni Savannah ang pamangkin niya sa kotse para sagutin muna ang tawag mula sa cellphone na hawak niya.Maingat namang pumuslit si Tiffany sa compartment ng sasakyan na ipinagpasalamat ni
KABANATA 31Mabigat ang hawak ni Catalina sa pistol na hawak niya. Pilit niyang itong itinututok sa shooting target na ilang distansiya lang ang layo nito mula sa pwesto niya pero hirap pa rin siya patamaan ang gitna nito." I-relax mo lang ang balikat mo, " rinig niya kay Rostam na nasa kaniyang likuran saka siya nito hinawakan sa balakang upang alisin ang naka-kuba niyang likuran. " Huwag mo rin masyadong higpitan at bigatan ang hawak sa baril. Hindi 'yan makakatulong sa'yo. "Huminga siya nang malalim at sinunod ang sinabi nito. Wala pa namang bala ang baril na hawak niya pero kabado pa rin siyang kalabitin ang gatilyo na hindi naman niya naramdaman noong una siyang nagpaputok." Alisin mo na rin ang kaba at takot sa loob mo para makapag start na tayo. Hangga't di ko nakikitang relax ka, mananatiling walang bala ang magazine ng baril na hawak mo. "