Chapter 1 (4) Beauty Queen
(Sera POV)
Pagbaba ko pa lang sa eroplano, agad sa akin sumalubong ang mga batang babae na may mga hawak na maliliit na watawat. Saka naman sa akin isinuot ang kwintas na gawa sa bulaklak. Mapapangiti ka na lang sa makikita mo. Napahalik sa pisngi ng mga bata at sinabi ng isa…
“Balang araw ako na din ang susuot ng Korona ninyo.” Kaya naman naupo ako sa harapan nito para maging kalevel ko ang taas nito.
“Oo, darating ang panahon na yan.”
“Ako din!” Saka di ko inaasahan na makakatangap ako ng group hug galing sa kanila. Mga bata na makikita sa kanilang mga mata ang kanilang mga iba’t-ibang pangarap at sana nga matupad ang mga yun.
Sa paglabas ko sa Airport, napakaraming tao ang nag-aabang sa akin. Namalayan ko na lang nagsi-sulputan ang mga tauhan ng pamilya ko, at nagtaka lang ako kung bakit may ibang pin sa damit akong nakikita. Phoenix? Ganito na din ba ang pin ng mga tauhang ipinadala galing sa autoridad. Mas marami sila kesa nga sa tauhan ng aking pamilya.
Tumampad sa aking paningin ang tatlong lalaki na nakangiti. Yung dalawang mukha hindi sa akin pamiliar, ngunit yung isa Secretarya ni Papa, si Secretary Feng. Ngumiti naman kaagad ako dito, o halos di nga mawala sa aking labi ang mga ngiti ko. Ang hinahanap ko talaga yung pamilya ko, nagbabakasali na sasalubungin nila ako pero andito si Secretary Feng na ibig sabihin hangang ngayon abala parin sila. Nakakalungkot ngunit bata pa lang ako nauunawaan ko na ang ginagawa nila para sa bayan.
“Congratulation Miss Sera.” Masiglang ngiti ng matandang Secretarya ni Papa.
“Maraming salamat po Secretary Feng. Sina Dad?”
“Napagdesisyunan na lang nila na hintayin ka sa Mansion. Hindi namin kasi aakalain na napakaraming tao ang sasalubong sa inyo.”
“Ganoon po ba. Mas nakakabuti ngang sa bahay na lang kami magkita-kita. Masaya akong malaman na naghihintay sila sa akin.” At napalingon ako sa dalawang kasamahan nito. Nakuha naman ni Secretary Feng ang ibig sabihin ng titig ko.
“Miss Sera, si Executive Secretary Taki,” Tukoy niya sa katabi nitong parang isang Japanese. Inilahad nito sa akin ang kamay.
“Nice to meet you Miss Sera.” Di naman ako nagdalawang-isip na abutin ang kamay niya.
“Executive Secretary Ethan,” Pakilala naman ng katabi nito na bata pa, ngunit bakas sa mukha niya na maayos nitong ginagawa ang trabaho niya. Gaya ng kay Secretary Taki, kaagad na inabot nito ang kamay sa akin, at nakikamay na lang din ako. Ang tanong kaninong mga secretary sila? Bakit sila pinapakilala sa akin ni Secretary Feng?
Hindi ko magawang tanungin, pero siguradong may kinalaman ito sa mga tauhan na mayroong phoenix na pin. Mga tauhan nga talaga siguro sila na ipinadala ng autoridad.
Sa pangunguna ni Secretary Feng, nakalabas kami ng maayos sa Airport at nag-aabang na ang mga sasakyan. Ang dami… Tahimik na lang akong sumakay. Ang akin lang, nanabik na akong makita ang aking pamilya.
Agad na sumilay ang ngiti ko sa labi ng maging pamiliar na sa akin ang daan pauwi ng bahay. Ang mayayabong na puno at sariwang hangin na nalalasap ko simula noong bata pa ako. Di nga sa kalayuan natatanaw ko na ang bahay namin. Malawak ang bakuran, at dahil riyan nagkaroon nga ako ng masiglang kabataan. Tumatakas sa mga bantay ko at nakikipaglaro sa mga batang hindi naman masyado kalayuan ang mga bahay nila. Ang hindi ko makakalimutan yung naligo ako sa sapa kasama sila. Sa tuwing tumatakas ako, palagi akong napapagalitan ng mga magulang ko lalo na si Papa. Noong bata ako, ang pinaka-ayaw ko sa kanila yung sobrang OA ang concern nila tungkol sa security ko lalo na sa kalusugan. Sa totoo nga mas masigla ang batang malayang maglaro sa bakuran kesa naman yung mga batang hawak lang gadget at nagkukulong sa loob ng bahay. Bad yun.
Sa huli kahit napapagalitan, heto, masaya parin talaga ako. Sa tingin ko nga napaka-adnormal ko. Ahahaha.
Tumigil na ang sinasakyan ko sa tapat ng bahay namin. Nakahelerang katulong ang naghihintay sa paglabas ko, at ako na ata ang napakasayang babae sa mundo ng makita ko si Papa. Ngumiti pero mangiyak-ngiyak ng makita ako. Hindi na nakapaghintay na makalapit ako, sinalubong na ako nito at niyakap ng mahigpit. Ang Daddy kasi napaka-emotional niyang tao.
“Congratulation Sera.” Bulong ni Papa. Sa wakas nasuklian ko din ang lahat ang supporta nila sa akin.
Napayakap ako kay Mama, at halik sa pisngi din. “Congrats Iha.”
Si Kuya Ruel nakatayo lang at naka-cross arm. Tipong hindi niya ako binati kagabi. Ngumiti na lang ako sa kanya. Napatango ito saka tuluyan na ngang tumalikod.
Lumapit naman sa akin si Ate Wilma na naka-cross arm din. Sa totoo lang terno-terno sila ni Mama, at pareho na naman nga ang damit nila. Ang sabi napaka-Daddy’s girl ko, at si Wilma naman napaka-Mommy’s girl. Si Kuya nagpapagitna na lang ata. Pero alam ko na pantay-pantay ang paningin ng aking mga magulang sa aming lahat.
“Congrats Sis.” bati ni Wilma na parang nangaling sa lagusan ng ilong niya. Hihi. Actually, ni minsan hindi ako nagparetoke, pero itong kapatid ko… sa daming pinabago sa kanyang katawan, parang hindi na siya tao, nagmumukhang barbie doll. Maganda naman… Pero para sa akin, mas maganda parin yung natural. “Di mo talaga inalis ang korona mo. Natulog ka siguro, suot mo pa yan.”
“Ahhhh. Gusto mong subukan?”
“If you don’t mind.” Pangisi niyang sabi. Kaya inalis ko sa aking ulo saka nga inilahad sa kanya. Kinuha naman niya at tinitigan. Ngunit hindi ko inaasahan ng bigla nitong hinagis sa sahig at naputol yung…
“Wilma!” si Papa. Pero nakatitig lang talaga sa akin si Wilma. Pupulutin ko na sana yung Korona ng inapakan nito.
“Talaga bang magbubulagbulagan ka na lang Sera? Di ka nakakatulong sa amin. Gusto mo lagi yung palagi kang sinusuportahan. Tss. Kala mo ba may maitutulong yang korona mo sa pamilya natin? Sa bagay malaki ang papel ng korona mo kung bakit ikakasal ka na. Congrats Sis sa darating mong kasal. And Goodluck.”
“Wilma!”
“Ay sorry Dad. Naunahan kita na iinform siya. Pasensya na.” At tuluyan na ngang tumalikod si Wilma. Si Mama naman siya na itong pumulot ng korona kong nasira…
“Pasensya ka na sa Ate mo Sera, dinaratnan ata ng anxiety niya plus yung kabuwanan.”
“A-anong ibig sabihin ni Ate Wilma, Dad, Mom?”
@Death Wish
Chapter 1 (5) Beauty Queen(Sera POV)Sanay na ako sa ugali ni Ate Wilma. Maarte siya at medyo nga maldita. Pero di ko inaasahan ang narinig ko sa kanya. Ako ikakasal? At dahil yun sa koronang naipanalo ko? Hindi ko maintindihan.Nasa sala kami ngayon at kaharap ko nga ang mga magulang ko. Nakapikit lang si Papa at hinihilot ang kanyang sintido. Habang si Mama naman abala sa pagtimpla ng Tsaa.“Totoo po ba ang sinabi ni Ate Wilma?” Naglakas loob na akong magsalita. Sobrang hindi ko talaga inaasahan na ganito ang sasalubong sa akin. Akala ko talaga magiging masaya sila, pero bakit ganito ang mukha ni Papa. Para bang napakabigat ng pasanin nang koronang naipanalo ko.“Hindi kami pumasok ng trabaho at nilinis namin ang lahat ng schedule at appointment sa araw na ito para nga ipaliwanag sayo ang tungkol sa bagay na yan.” Mahinahon na sinabi ni Mama. Ngunit ngumiti ako…“Usap-
Chapter 2 The King of Arrogance (Secretary Taki)Kinaloskos ko ang aking sleeve matapos nga matangap ko ang mensahe ng Executive Secretary ng ama ni Master Nathaniel. This is the seventh arrange marriage proposal settled by the Chairman to his son. Such a waste kung paglalaruan lang naman ni Master Nathaniel ang buhay ng babaing to gaya ng pakikipaglaro niya sa mga nagdaang proposal.Well, kailangan ko ipaabot ang tungkol dito sa kanya.Nadatnan ko siya sa loob ng kanyang Robotics lab na halos ang sobrang oras niya iginugol sa paggawa ng mga devices at makumpleto ang pinu-program nitong robot. He is a freaking genius sa mga ini-imbento niya at mag-isa lang niya itong ginagawa. Meron naman siyang grupo ng mga scientist at inventor, ngunit malayong gugustuhin niyang maki-alam ang mga ito sa kanyang ginagawa. He is one of the famous and bachelor elite Multi-billionaire Tycoon pagdating sa larangan ng negosyo. Pi
Chapter 2 (2) The King of Arrogance (Secretary Taki POV)Malakas na umuulan nang makaabot ng kami sa family date na hinanda ng pamilyang Mendevil. We are late, ngunit hindi namin aakalain na kakarating di ng sasakyan ng Mafia Boss. Kaagad na pumaligid ang mga tauhan nito at hinintay na nga namin na makalabas ng sasakyan ito.Nang makita nito ang kanyang anak, ngumiti ito, saka nilapitan si Master Nathaniel. “Dapat lang na pinaghintay natin sila.”Sala sumilay ang ngiti ni Master Nathaniel dito. Pareho sila, like father like son. Ngunit kahit kailan hindi pa nadudungisan ng dugo ang mga kamay ng anak niya. Masasabi parin na mas malala ang stratehiya ng kanyang ama. Hindi makatao kung minsan at nawawala rin ang karapatang pangtao ng mga kalaban niya.Nang pumasok sa restaurant, bumungad sa paningin namin ang apat na katao na kaagad ding tumayo sa kanilang kinaka-upuan.“Di na sana kami tutul
Chapter 2 (3) The King of Arrogance (Sera POV)Kanina pa akong ginigising ng katulong ngunit mas pinili kong magtengang-kawali. Pabalik-balik dito, at sinasabing kailangan ko kumain ng agahan. Simula ng umuwi ako kasi dito hindi pa ako kumakain. Nakakawalang gana lang talaga. Dalawang araw na akong ganito. Sinubukan man akong kausapin ni Papa, pero mas pinili kong hindi muna siya kausapin. Si Mama, nagpupumilit at sinasabing kailangan ko yun gawin. Bakit?“Ayaw parin ba niyang bumangon?” Si Mama. “Ipa-akyat mo dito ang agahan niya.”Saka ko nga naramdaman na may naupo sa tabi ng kama ko. “Sera anak, magkakasakit ka sa ginagawa mo. Hindi lang sarili mo ang pinapahirapan mo, pati din kami ng Papa mo. Kumain ka na please. Pinag-aalala mo kami.”“Mama, talaga bang ikakasal na ako?” At nais kong magising sa bangungot na yun. Pakiramdam ko talaga binabangungot ako. P
Chapter 2 (3) The King of Arrogance (Sera POV)Paglabas nga namin sa tarangkahan ng compound na kinatitirikan ng bahay namin marami ang naghihintay. May taga-supporta, taga-media at higit sa lahat ang ipinadalang tauhan ng Miss Universe Organization.Oo, balak nga ng mga magulang ko na itapon na lang ng basta ang koronang naipanalo ko naman ngunit useless sa kanila. Akala ko talaga magiging masaya sila. Iba pala ang magdadala ng kasiyahan nila kundi makasal ako, at magkaroon sila ng apo. Haist.Wala pa sa isipan ko ang mag-asawa at magkaroon ng anak. Walang-wala pa talaga. Siguro mas nagising ako sa kalayaan na meron ako bilang isang dalaga. Nagagawa ko yung mga gusto ko na wala akong iisiping asawa at anak. Ano ba kasi ang pumasok sa isipan ng mga magulang ko at bigla silang nagka-interest na magkaroon ako ng asawa. Worst, it is a plain and obvious arranged marriage.Iniisip ko kung paano matatangihan ang proposa
Chapter 2 (4) The King of Arrogance (Nathaniel POV)Naimulat ko ang aking mga mata. Isang paulit-ulit na bangungot ngunit alam ko naman na nangyari. Mga mata ng aking ina ang huli kong nakita bago pa man nga ito barilin ng aking ama. Yun na nga ang huling pagkakataon na tinitigan niya ako bilang isang ina.Narito na nga ako sa bundok kung saan matatagpuan ang puntod ni Mama. Nagpahinga lang ako saglit dahil malakas ang ulan at pinatila ko. Ngayon binabati ang mga mata ko ng mga crystal na namumuong tubig sa mga dahon ng talahib.Agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin, may hamog na kasama. Masyado nang mataas ang mga damo at tanging ang dinaraanan ko lang ang makikitang humihiwa sa mayabong na talahib. Tinawagan ko kanina ang secretarya ko na magpadala ng maglilinis sa bundok na ito.Kinuha ko sa likod ng sasakyan ang isang bouquet ng bulaklak at basket. Nilalapagan ko ng makakain ang puntod nito at kumak
Chapter 2 (4) The King of Arrogance (Nathaniel POV)“Makiki-jingle muna ako. Saan ba pwede mag-jingle? Ah diyan. Wag kang sisilip!” Saka nga siyang pumunta sa likuran ng puntod ng Mama ko. Pipigilan ko sana ito, pero nakita ko nang napatawad at seryoso nga siyang… F*ck.Inilayo ko na lang ang paningin dito. Kinuha ko ang phone ko dahil nga may trespassing dito. Tss. Malilintikan sa akin si Secretary Taki. Nang mapapikit ako dahil… naiwan ko sa sasakyan ang phone ko. F*ck!“Success! Muntikan na yun. Buti na lang talaga isa akong girls scout na parating alam ang gagawin. Opss. Sakto lang, may dala kang tubig. Sobra na talaga akong inu-uhaw.” Dampot niya ng isa sa canister na dala ko. Para yun kay Mama.May mga tao ba talagang ganito na hindi man lang pinapakiramdaman ang paligid nila? Inalis nito ang kanyang facemask, at base sa suot nito… Parang hindi yun ang damit niya.
Chapter 2 (5) The King of Arrogance(Sera POV)Nang makababa ako sa bundok, nagulat na lang ako kasi ang nasa harapan ko na ngayon si Secretary Feng. Nakapaligid naman ang kasamahan nitong tauhan at yung mga kasamahan ko, napapatitig na lang sa akin sa malayo. Nakangiti parin ito sa akin, kahit nga nagdulot na naman ako ng ikakasakit ng ulo nito. Siguro sanay na ito sa akin.“Labis na nag-alala sa inyo ang mga magulang niyo Miss Sera.” At nilahad nito sa akin ang nakabukas na pintuan ng sasakyan. Normal na wala akong takas sa kanila. Kaya pumasok na lang ako.Hindi kami dumiretso sa Mansion kundi bumalik nga kami sa Mall kung saan nga naghihintay si Mama. May binigay ditong silid, at doon ako ipinahatid. Medyo kinakabahan ako. Ngunit hindi ko inaasahan ang nadatnan ko. Yung korona ko… basag sa sahig, at yung sash ko bilang Miss universe na gagamitin sana sa hinandang homecoming ng bansa namin para sa ak