Chapter 5 (2) To Protect Her
(Sera POV)
For the first time and forever ko nagawang umamin na medyo nga ideal man ko si Kuya Ano, kaya ang mukha ko ngayon, tinalo ko pa ang hinog na kamatis. Hindi ako makapaniwala na napaka-sira ulo ko.
Haist.
Dapat may gawin ako para mawala itong nakakahiyang nangyari sa buhay ko. Diyos ko po. Paano na lang kung hindi matuloy ang kasal ni Kuya Ano dahil sa akin? Paano na lang kung totohanin ni Kuya Ano yung Pinagtapat ko sa kanya? Diba lagot ako? Mapapahamak sa akin si Kuya Ano kapag sineryoso niya ang narinig sa akin.
Anong gagawin ko?
Ang pamilyang Yao, hindi sila birong pamilya lalo na yung mga lalaki sa pamilya nila. Usap-usapan na si Old Master Yao, siya mismo ang pumatay sa asawa niya dahil nahuli nitong may kalaguyo. Diyos ko po. Wag na wag kang magtatangka Kuya Ano na pumagitna sa amin ng pamilyang Yao. Dahil baka ito ang mag
Chapter 5 (3) To Protect Her (Nathaniel POV) ‘Pak.’ Saka ko natangap ang malakas na sampal sa boung buhay ko. Dahil ba sa ngisi ko bilang tugon sa sinabi niyang Manyak ako?! Napahimas ako ng disoras sa aking pisngi. Siya naman kaagad na tumayo sa pagkakaupo. Nang hinuli ng kamay ko ang isa niyang kamay, at hinila siya pabalik at paharap sa akin. “Ah, kulang pa?!” Susubukan pa sana niya akong sampalin, ng pinigilan ko ang madahas niyang kamay. “Bitawan mo ako.” Nangangalaete niyang nais kumawala sa akin. “Bitaw!” “Miss, hindi ka naman nahimatay diba?” “Hindi!” “Tss. So ibig sabihin ginusto mo na i-CPR kita.” “Hindi! Umayos ka naman Kuya Ano sa sinasabi mo. Ako magpapahalik ulit sayo?! Asa. Nagkunwari lang akong nahimatay kasi may balak kang patayin ako.” “Dapat pala ng mahimatay ka, iniwan na lang kita doon.”
Chapter 5 (4) To Protect Her (Sera POV) “Kaya mo na bang maglakad?” “Kaya na ata.” “Tss. Infection ang makukuha mo niyan.” “Wag mo na akong buhatin. Alalayan mo na lang ako.” Na bahagyang nga ako napaatras sa kanya. Natatakot lang ako na baka… maghina na naman ang kalooban ko. Awkward na nga eh, kasi may nalalaman pang pahalik ang lalaking ito. Parang pareho kaming nanghihina nga kapag malapit nga kaming dalawa. Parang magnet na hinihila… Ngunit hindi maari. PERIOD. “Sino ang may sabi na bubuhatin kita? Nakita kitang nakapaglakad naman ng maayos papunta dito. Tsk. Inaartehan mo lang ako. Okey, award winning din umarte.” Saka tinalikuran nga ako nito. Yung sugat ko hindi naman yun pag-iinarte ah? Ako maarte? Teka. Sa boung buhay ko, ang lalaking lang to ang nagsabi na ako nag-iinarte? At award winning? Saan niya nakuha ang bagay na yan?! Hoy!
Chapter 5 (5) To Protect Her (Sera POV) Nang makabalik ako sa banyo… Kinumpirma ko nga sa aking sarili kung ang nakita ko nga sa dinding ng banyo, ay kumpol ng buhok… At hindi kung anong klaseng uood. Nakahinga ako ng makita ko… Buhok lang pala talaga. Bakit mas pinili kong matakot kesa nga kumpirmahin na lang? Yan tuloy, nakagawa na naman ako ng skandalo dito sa bahay ni Kuya Ano. Nakakahiya na sa kanya. Saka dahil sa kapabayaan ko… Yung katawan ko na walang saplot… Nakita niya! Para akong mahihimatay muli. Hindi ba ako kumain ng maayos para mahimatay na lang ng ganito? Dahil nga sa kahihiyan ko kay Kuya Ano, mas pinili ko na lamang na magtagal sa banyo. Gigil ako sa aking sarili… Hangang sa sunod-sunod na katok at may kasama pa atang tadyak ang ginaw ni Kuya Ano sa pintuan ng banyo. “Kanina ka pa riyan. Anong kadramahan na naman ang nangyayari sayo.” Para siyang si Kuya Ruel na medyo nga naiinis sa mga kabebehan ng mga babaing nasa paligid niya. Isa na ako doon. “Buong isang or
Chapter 5 (6) To Protect Her (Sera POV) Ngunit tumawa na lamang ang mga kasamahan nitong mga lalaki. Parang ayaw talaga nila gamutin. “Wag kang mag-alala Miss Sera, kagat lang ng langgam ito sa amin.” “Kapag nakakita kasi kayo next time ng mga lasing, wag niyo na patulan. Run for your life, sabi diba? Ayaw niyo talagang magpagamot muna.” “Hay naku Miss Sera, magsasayang lang tayo ng oras. Instead na nagpapakasaya na tayo sa tabing dagat. Wag niyo nang pansinin itong sugat namin. Hindi naman siguro nabawasan ang charisma namin at kapugian diba Miss Sera?” Karisama? Kapogian? Saan ba banda? Hahaha. Joke lang. Meron naman silang mga sinabi at hindi ako sasama kung mukha nga silang mga rapist. “Buti na lang hindi kayo nadamay.” Tukoy ko sa mga babaeng kasama nila. “Buti na nga lang talaga.” “Tara na. Parang gusto ko nang igalaw ang katawan ko. Sobra na akong naninigas.” Ani ng isang lalaki. Naninigas? Nilalamig ba siya? “Nilalamig ka Kuya? Eh, mas malamig sa labas?” Nang bigla si
Chapter 5 (7) To Protect Her (Sera POV) “Miss Sera…” Malapit na malapit na talaga sa akin ang mga yapak ang boses nila. Hangang sa di ko na nakayanan, muli na naman akong tumakbo. May mga sinasabi si Kuya sa kabilang linya ngunit hindi ko na ito maintindihan. Kaagad akong hinabol ng mga lalaki. Maririnig na ang mahina kong iyak, hangang sa ibinaba na nga ni Kuya ang tawag. Gagawa siya ng paraan alam ko, ngunit sana naman hindi maging huli ang lahat. Muli akong nagkubli sa mga dahon na sana sapat lang para maitago ako. Nang biglang lumiwanag ang paligid dahil yung ulap na nakatakip sa bilog na bilog na buwan ay dumaan na. Mas lalo akong makikita nito. Sinubukan ko pang maikubli ang aking sarili… At dinig na dinig ko sa paligid ang patuloy na paghahanap nila sa akin at pagtawag ng pangalan ko na para bang matagal na nila akong kilala. Nanginginig ako. Sobrang natatakot sa nangyayari. Hindi ko pinansin ang mga natamo kong sugat, at ang takot na kung ano na nga itong kinalalagyan ko ng
Chapter 5 (8) To Protect Her (Sera POV) “May mahal kayong babae, asawa at anak ninyo na ayaw niyo naman sigurong mangyari ito sa kanila! Please lang wag na wag kayong magtatangka na gawin ito sa akin. Isipin niyo, maari din naman ako magsuplong sa pulis. Kilala ko kayo. Mga mukha niyo, siguradong hindi ko makakalimutan!” “Hahaha. Kahihiyan din ng pamilya mo Miss Sera kapag nalaman ng lipunan na ang Miss Universe na nag-uwi ng kanyang korona ay ginusto na lamang pumasok sa isang s*xual gangb*ng.” Saka sila nagtawanan. Sa mga lumalabas sa bibig nila, sino naman ang hindi matatakot? “Dalhin niyo na siya.” “Bitawan niyo ako!” “Sakto lang kapag nakabalik kami sa hotel mo, siguradong babaliktad na ang mundo. Kami itong lalandiin mo.” Yun ba ang dala ng pina-inom nila sa akin? “Bitiwan niyo ako sabi!” Nagpupumiglas ako. “Ngunit sa ngayon, baka makakuha pa siya ng attention, takpan niyo ang bibig ng babaing yan.” Sapilitan nilang nilagyan ng busal ang aking bibig. Natagalan bago sila
Chapter 5 (9) To Protect Her (Nathaniel POV) Mukha ng babaing nasa paningin ko ngayon parang sinapian ng kung ano. Hindi naman ako naniniwala sa sapi-sapi na yan, ngunit ano ang nangyayari sa babaing ito? “Anong problema mo? Bigla bang nagkasayad ang ulo mo. Sabagay hindi naman talaga matino ang isipan mo. Tsk.” Ngunit lalong lumaki ang mga ngisi nito sa kanyang labi. Para siyang namimilipit na parang nahihiya… Ngunit may nais itong gawin sa akin. Dahil hindi ako komportable sa ginagawa niya, tinakpan ko ang mga mata nito. Mga mata niya na bigla na lamang lumagkit. Tsk. F*ck. Pero malalandi niyang tinangal ang palad ko sa kanyang mga mata, at hinawakan ito, saka hinalikan nito ang kamay ko. Sa ginawa niya parang bigla na lamang akong hindi makakilos. Nagulat ako. Lalong lumaki ang mga ngiti niya. Saka dalawa nang kamay ang ginamit nito para tuluyan na hilain ako palapit sa kanya. Hindi… siya ang tuluyan na nakalapit sa akin, at bigla na lamang inupuan ang aking kandungan. Sa nang
Chapter 5 (10) To Protect Her (Sera POV) Bahagyang napapamulat ang aking mga mata. Dahil ba sa pakiramdam na nasa langit ako. Nakahiga sa ulap, at hindi ko nga maramdaman ang katawan ko. Alam kong may kung anong nakapatong sa akin. Ngunit hindi ko ito iniinda dahil nakayakap ito. Hangang sa tuluyan ko na ngang binuksan ang aking mga mata. Nakabukas ang terrace at sumasayaw sa hangin ang kurtina. Napakasariwa ng hangin. Maliwanag na din ang nakikita ko sa labas, at maaliwalas ang kalangitan. May dumaang ibon, na siyang nagsasabi sa akin na napakaganda ng umagang ito. Uunatin ko na sana ang aking mga kamay para bumangon, ng biglang hindi ko magalaw ang binti at kamay ko. Hangang sa mapatitig ako sa may kisame… Ang chandelier na ito… Pamiliar sa akin. Oo, pamiliar sa akin… Saka ang silid… At ang amoy. Na-nandito ba ako sa bahay ni Kuya Ano? Silid niya ito eh! Paanong nandito ako? At ang tanong kong yun, sapat lang maalala ko kung ano ang nangyari. Sumama ako sa beach party at yung