Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2025-03-04 19:53:33

Chapter 4

"JAIMEE, Calix, lilinawin ko lang, walla na kayong kinalaman sa buhay ko. Sana huwag niyo nang sabihin na magkakilala tayo kahit magkasalubong pa tayo sa daan. Ikaw, Jaimee, kabit ka lang sa relasyon ng iba. Ano bang pinagkaiba mo sa isang kerida?"

"Ikaw...!" Galit na galit si Jaimee. Sanay itong nakukuha ang gusto nito at kailanman ay hindi itonapahiya nang ganito. "Calix, tingnan mo! Binabastos niya ako!"

Nakapamewang si Gianne at tiningnan si Calix nang may panunuya. "Bagay na bagay kayo. Isang babaerong lalaki at isang babaeng walang hiya. Sana magpakasal na kayo!"

Halos sumabog si Calix sa hiya nang maramdaman nitong pinagtatawanan sila ng mga tao sa paligid. Pero dahil maraming nakatingin, hindi ito makapalag.

Hinila na lang nito si Jaimee palayo. "Tara na, Jaimee. Baliw na ‘yang babaeng ‘yan."

"Huwag mong kalimutan ‘to, Gianne! Hindi kita mapapatawad sa panlalait mo!" Pasigaw na banta ni Jaimee, ang dating magandang mukha nito ngayon ay baluktot sa galit.

Napakunot-noo si Calix nang makita ito. Ito pa ba ‘yung kaakit-akit at mahinhin na Jaimee na nagustuhan nito? Samantalang si Gianne, kahit pinahiya, nanatiling kalmado at matatag. Bigla ni Calix naramdaman na parang may isang mahalagang bagay na nawala rito...

Nang umalis na ang dalawa, nagsimula na ring magsialisan ang mga kasamahan nila. Wala na kasing eksenang mapapanood.

Ngayon, dalawa na lang silang natira, si Gianne at ang lalaking sumagip sa kanya muli.

"Salamat ulit, hindi lang sa pagsalo ngayon kundi pati na rin kahapon," sabi ni Gianne habang tinitingnan ang matangkad at kaakit-akit na lalaki sa harapan niya.

Tinulungan siya nito kaya dapat lang siyang magpasalamat.

Pinagmasdan siya ng lalaki. Kanina, matapang si Gianne at palaban. Pero ngayon, parang bumalik siya sa pagiging mahinhin. 

"No problem," nakangiting sagot nito. "Hindi ba sabi mo, ililibre mo ako ng pagkain? Sige, bibigyan kita ng pagkakataon." 

May kung anong kislap sa mata ni Mattheus habang nakatingin sa kanya.

"Ha?" Natigilan si Gianne. Hindi niya inasahan na bigla nito iyong babanggitin. "Oh... Sige."

Tumingin siya sa mamahaling sasakyan at sa mamahaling damit ng lalaki at bigla siyang nakaramdam ng kaba. Mukhang mamumulubi siya sa libre niyang ito.

"Bigay mo sa akin phone mo." Nilahad ng lalaki ang kamay nito. 

Napalunok si Gianne at parang wala sa sariling kinuha ang phone niya sa bag at inabot ito sa kaharap. 

Pinindot ng lalaki ang ilang numero at mayamaya, tumunog ang cellphone niya. "Ayan, nakasave na number ko. Remember that."

Agad nitong ibinalik ang phone sa kanya, saka kinuha ang sarili nitong cellphone at may tinipa roon. 

Tiningnan ni Gianne ang screen at binasa ang pangalan, "Mattheus..."

"Oo, ‘yan ang pangalan ko. Ikaw?"

"Gianne." Hindi siya nag-alinlangan. Dalawang beses na siyang tinulungan ng taong ito kaya dapat lang siyang maging maayos sa pakikipag-usap.

"Then, it's a deal. Susunduin kita bukas." Mukhang may biglang naalalang gagawin si Mattheus kaya mabilis itong kumaway at umalis.

Tahimik ding tumalikod si Gianne at naglakad papalayo. Sa ilalim ng gabi, ang bawat hakbang niya ay parang may dala pa ring lungkot.

Nang lumabas si Mattheus mula sa restaurant matapos bilhin ang kailangan niya, napatingin siya sa papalayong likod ni Gianne. Bahagya siyang napakunot-noo.

Hindi niya gusto ang nakikita niya. Ayaw niyang makitang ganoon ang babae, malungkot at kaawa-awa. Gusto niyang lapitan ito, gusto niyang burahin ang sakit na nararamdaman nito. Pero sa huli, napabuntong-hininga siya.

May mga bagay na ang babae mismo ang kailangang lumutas ng problema nito. 

Nabanggit sa usapan kanina ang pangalan ng lalaking iyon, Calix Buencamino, ang CEO ng Buencamino Company. 

Sino ang mag-aakalang ang babae pala na niligtas niya kahapon ang girlfriend ni Calix?

O dapat bang sabihin, ex-girlfriend.

"President, may tumatawag po sa phone niyo." Paalala ng assistant niyang si Grey.

Kinuha ni Mattheus ang phone niya. "Lola, binili na kita ng paborito mong dumplings. Pauwi na ako."

"Hmph! Ang gusto ko apo sa tuhod, hindi dumplings! Lagi mo na lang binabalewala ang sinasabi ko, gunggong ka. Iniisip mo bang maloloko mo ako sa pagkain? Gano’n na ba ako kadaling utuin?"

"Lola, wala akong sinabing ganyan. Kayo talaga. Bumili ako ng dumplings, hindi suhol kundi pasalubong sa inyo." Napangiti si Mattheus at sinenyasan si Grey.

Alam na ng assistant ang gagawin kaya agad nitong pinaandar ang sasakyan. Pagkasakay ni Mattheus, mabilis silang umalis.

Pagdating sa harap ng villa, napangiwi si Mattheus. Sampung beses siyang tinawagan ng lola niya sa isang araw para pauwiin siya. Wala siyang magawa kundi sumunod.

Pero siguradong may panibagong "family criticism meeting" na naman siya kapag umuwi siyang mag-isa. Paano ba siya magkakaroon ng nobya sa lalong madaling panahon? 

Para sa kanya, ang kasal ay dapat sa pagitan ng dalawang taong angkop para sa isa't isa at may pagmamahal sa pagitan ng dalawa para tumagal ang isang relasyon. 

Pero mahirap makahanap ng tamang tao. Hindi rin naman niya pwedeng dalhin ang kung sino-sinong babaeng maganda lang ang mukha. Kapag ginawa niya ‘yon, siguradong papatayin siya ng matapang niyang lola.

Huminga siya nang malalim. Bahala na. Kailangang kayanin niya ‘to.

"Lola, andito na ako!" Pumasok siya sa bahay at malambing na sumigaw. Malayo ito sa matapang at seryosong ugali niya sa mundo ng negosyo. Ngayon, halata ang lambing sa tono ng boses.

Habang naglalakad siya papasok, narinig niyang may malakas na tinig mula sa loob.

"Ikaw talagang batang ka! Naalala mo pang umuwi?"

Pagkasabi noon, isang matandang babae ang mabilis na lumapit sa kanya, masamang nakatingin. "Mattheus, umuwi ka na namang mag-isa? Iniisip mo bang wala nang bisa ang mga salita ko? Akala mo ba matanda na ako para hindi ko na alam ang ginagawa ko?"

Itinuro siya ng matanda habang malakas na sumisigaw.

Wala nang nagawa si Mattheus kundi hayaang pagalitan siya. Ang dati niyang matigas na mukha ay may bahagyang pilit na ngiti ngayon. "Lola, huwag ka masyadong magalit. Baka tumaas ang dugo mo."

Hinawakan niya ang braso ng matanda at inalalayan ito papasok. Sa puntong iyon, isang babae na naka-oversized shirt ang lumapit sa kanila.

"Penny, ipagtimpla mo si Lola ng tea," utos niya.

"Tsk! Hindi ako ang gusto ni Lola na magtimpla ng tea kundi ang grand-daughter in law niya!" Tumawa nang may pang-aasar si Penelope, ang nakababatang kapatid ni Mattheus. 

Agad namang tumango si Lola Amanda, sabay tingin sa apo niyang halos trenta na. Kitang-kita ang pagkadismaya sa mukha nito. "Tama si Penny! Matt, sineryoso mo ba talaga ang sinabi ko?"

Mabilis namang tumango si Mattheus at inalalayan ang matanda paupo. "Syempre, Lola. Iniisip ko naman ‘yan! Pero hindi madaling maghanap ng matinong babaeng makakasama ko habambuhay. Ayaw mo namang mag-uwi ako ng kung sinu-sinong babae lang, ‘di ba?"

"Anong sabi mo?!" Kumislap ang mga mata ni Lola Amanda. "Ikaw, twenty eight ka na! Malapit ka nang mag-30! Noong edad mo ‘ko, ang papa mo magtatapos na sa elementarya! Sabihin mo nga sa akin, anong, "

Napahawak si Mattheus sa noo niya. ‘Lola naman, ibang panahon na ngayon!’

"Lola, promise, maghahanap na ako ng grand-daughter in law agad-agad para sa ‘yo.”

"Kuya, anong ibig mong sabihin sa ‘agad-agad’? May girlfriend ka ba sa labas kaya ayaw mong dalhin dito para ipakilala kay Lola?" Natawa si Penelope habang pinapanood ang kuya nitong napapahiya. Ang kuya nitong laging seryoso at parang napakataas ng tingin sa sarili ay nagiging maamong tupa lang kapag kaharap si Lola.

Palagi si Mattheus may blankong ekspresyon, parang lahat ng taong nakakasalubong niya ay may utang sa kanya.

Pero ngayon? Ang saya ni Penelope na makita si Mattheus na ganito!

Nang marinig ni Lola Amanda ang sinabi ng apo niyang babae, bigla itong napasimangot. "Hoy, Mattheus, totoo ba ang sinabi ni Penny? May babae ka talaga sa labas at hindi mo siya dinadala rito para ipakilala sa akin?"

Napakunot-noo si Mattheus. ‘Ano na naman ‘to?’ 

Sinulyapan niya nang matalim ang kapatid. Agad namang sumiksik si Penelope sa gilid at umiwas ng tingin. Ayaw nitong madamay sa gulo. Alam nitong nakakatakot magalit ang kuya kaya hindi na ito umagot pa.

Pero bago pa si Penny tuluyang makaiwas, nagsalita na ang kuya. 

"Lola, tignan mo naman si Penny. Hindi na ‘yan bata, bente singko na siya ngayon. Hindi ka ba nag-aalala? Ni hindi nga ‘yan amoy babae! Lola, hindi ka ba natatakot na hindi na siya makapag-asawa?"

Diretso ni Mattheus sinabi iyon kay Lola Amanda. Lagi kasing naka-checkered shirt, kupas na maong, at sneakers lang si Penelope. Mukha itong tomboy. Kahit twenty five na, ni minsan hindi pa narinig ni Mattheus na nagkaroon ito ng boyfriend.

Bilang kuya, nababahala siya na wala pang first love ang kapatid niya.

Tumingin si Lola Amanda sa apo nitong babae. Pero bago pa makapagsalita ang matanda, itinutok na ni Penelope ang dalawa nitong daliri pabalik kay Mattheus. 

Napasimangot ang matanda. Hindi ito makakapayag na mailihis ang usapan.

"Huwag mong ibahin ang usapan, bata ka! Ang pinag-uusapan natin ngayon ay ikaw!"

"Lola, sinabi ko na naman sa ‘yo, hahanapan kita ng grand-daughter in law." Halos sumuko na si Mattheus. Ano ba ang dapat niyang gawin? Dapat na ba siyang tumakas gaya ng dati? Mukhang hindi na siya basta makakaalis ngayon.

Tiningnan niya ang batas ng pamilya at napagtantong hindi na siya basta makakawala.

"Hindi! Lagi mo na lang akong niloloko. Ngayon, gusto ko ng sagot. Kung wala kang maibigay na sagot, kailangan mong sundin ako at pumunta sa blind date!" Mariing sabi ni Lola Amanda na tila nagbigay na ng final warning.

Muling tiningnan ni Penelope ang kapatid nitong tila naipit sa sitwasyon. Tuwang-tuwa na naman ito. 

Naalala nito ang mga kaibigan ng kuya na dati’y ayaw sa kasal pero ngayon ay pilit nang pinapakasal ng mga pamilya nila. Lahat sila, isa-isa nang ipinapadala sa blind date na parang mga paninda na inaalok sa daan. 

Ang sarap sa pakiramdam! Dati kasi, palagi si Penny inaasar ng kuya noong bata pa sila. 

"Eh, Lola, hindi ba natin pwedeng iwasan ang blind date?" Panunubok ni Mattheus. "Isipin mo, lahat ng kilala mo ay nasa mundo ng negosyo. Alam mong kahit sino sa kanila ay may koneksyon sa atin. Paano kung hindi mag-work out ang blind date at may ma-offend tayo? Hindi ba magiging masama ‘yon para sa negosyo? Kaya mas mabuting huwag na lang siguro."

Tinangka niyang umiwas. Ayaw na niyang makipagkita sa mga babaeng sobrang arte at mahirap i-please.

"Ano ‘yang pinagsasabi mo? So, ibig sabihin, hindi na pwedeng makipag-blind date sa mga kakilala mo?" Hindi natuwa si Lola Amanda.

Napailing si Penelope. "Lola, palusot lang ‘yan ni Kuya para maloko ka.”

*

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 25

    Chapter 25Pamilyar na pamilyar ako sa boses na 'yon. Si... Jaimee, bakit nandito siya?Kahit na naka-confine si Calix sa ospital na 'to, dapat kasama niya ito ngayon.Nang lumapit ako, nakita ko ang isang babaeng nakataas ang boses sa isang middle-aged na babae.Ang middle-aged na babae ay si Bessy, ang stepmother ni Gianne."Tita, ano'ng nangyari? Bakit biglang lumala ang kondisyon ni Dad?"Originally, bali lang ang binti ni Gino, kaya kailangan lang niyang magpahinga at tanggalin ang cast bago makauwi.Nang makita ni Bessy si Gianne, parang nabuhayan siya ng loob. Namula ang mga mata niya at umiyak."Gianne, ang tatay mo...""Hah, so tatay mo pala 'yon. Gianne, gusto mo ba talagang patayin si Calix? Tinawag mo pa ang tatay mo..." Nakitang nakangiwi si Jaimee nang makita si Gianne.Kanina, hindi niya maintindihan kung bakit nakipag-away si Calix sa matandang 'yon, pero ngayon nalaman niya na. Lahat pala ay dahil sa babaeng 'to.Hinigpitan niya ang kanyang mga kamay, at ang mga kuko

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 24

    Chapter 24"Calix, mali ka. Hindi tayo puwedeng maging magkaibigan," mahinahong sabi ni Gianne habang naupo.Anim na buwan na mula nang naghiwalay sila, at hindi niya inakalang magiging ganito siya ka-kalma habang katabi ito.Siguro totoo nga, ang oras ang pinakamabisang gamot sa sugatang puso.Kahit gaano kalalim ang pagmamahal, unti-unti rin itong nawawala habang lumilipas ang panahon.Kahit gaano kasakit ang sugat, dahan-dahan din itong nawawala sa paglipas ng oras."Madaling umabante sa isang relasyon, pero ang umatras para maging magkaibigan ulit, mahirap na."Kalmado lang si Gianne habang sinasabi ito, ganito na ang relasyon nila ni Calix ngayon.Isa siyang presidente ng Buencamino Group, at panganay ng pamilya Ji. Imposible na maging magkaibigan sila ng isang ordinaryong tao tulad niya. Dapat lang talaga na maging magkaibang mundo sila, kaya bumalik na lang sa dati, malayo sa isa't isa.Tiningnan siya ni Calix pero hindi na muling binuksan ang usapan.“Bakit ka nandito sa ospit

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 23

    Chapter 23Iniisip ni Gianne, baka nagtatampo si Mattheus kasi ipinakilala niya ito bilang boyfriend lang? Ang sungit at ang yabang talaga ng lalaking ‘to.Nang makita niya ang malamig at matigas na mukha ni Mattheus, nakaramdam siya ng kaunting konsensya.Sa gilid ng kanyang paningin, napansin niya na bahagyang kumibot ang labi ng lalaki.Tahimik silang naglakad pabalik sa tirahan nila. Diretso si Mattheus sa kwarto niya. Tinitigan ni Gianne ang matangkad niyang likod at dahan-dahan siyang sumunod.Pakiramdam niya parang isa siyang batang asawa noong sinaunang panahon, mukhang kawawa.Pero ‘yung lalaking nasa unahan niya, maliwanag ang mga mata at naka-ngiti ng bahagya. Halatang nasa magandang mood.Naupo ito sa recliner sa kwarto, may hawak na libro pero sa halip na magbasa, nakatingin lang ito sa direksyon ng banyo.Habang pinapakinggan niya ang tunog ng tubig mula sa loob, lalo lang siyang kinabahan.Napangiwi siya. Sa totoo lang, hindi naman mukhang madamot si Mattheus. Pero baki

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 22

    Chapter 22Napangisi si Gianne, "Jaimee, baliw ka na ba? Wala na kaming koneksyon ni Calix ngayon. Ikaw lang ang pumilit na kunin siya. Wala na siyang halaga sa’kin. May gagawin pa ako, kaya umalis ka diyan.""Gianne, huwag kang umiwas na parang wala kang kinalaman. Kung hindi dahil sa 'yo, nasa ospital ba ngayon si Calix? Kung hindi dahil sa 'yo, magiging ganyan ba siya sa’kin ngayon?"Halatang nainis si Jaimee at ibinuhos niya kay Gianne ang galit na nakuha niya mula kay Calix kanina."Baliw ka na talaga. Hindi ko maintindihan sinasabi mo. Tumabi ka, may kailangan akong asikasuhin." Hindi na masyadong inintindi ni Gianne ang sinabi niya. Ano naman ang kinalaman niya sa pagka-ospital ni Calix? Ang iniisip niya ngayon ay ang kalagayan ng ama niya."Huwag kang umalis! Sabihin mo nga sa’kin, anong sinabi mo kay Calix at nagkagano’n siya? Bakit siya nawala sa sarili at naaksidente?"Nakunot ang noo ni Gianne habang tinitingnan si Jaimee. Ito pala ang totoo niyang ugali. Yung mabait na pa

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 21

    Chapter 21Nagpasalamat si Gianne at dumiretso na siya sa 25th floor. Pagkalabas niya ng elevator, medyo nagulat siya sa nakita niya.May isang malaking hall doon, may malaking mesa sa gitna na puno ng gamit kaya medyo magulo tingnan. Katabi ng mesa ay ang office area ng mga empleyado, hati-hati ito ng mga curved na partition kaya medyo nakakabighani sa paningin.Pero nasaan ang opisina ng director? Tiningnan niya ang paligid pero wala namang nakalagay na sign ng director’s office. May meeting room at VIP room lang ang nandun.At lahat ng tao roon ay abala, may mga nasa tawag o nag-uusap ng seryoso.Wala siyang choice kundi magtanong.Napansin niya ang isang batang babae na papalapit kaya tinanong niya, "Hi, saan po ang interview ko?""Interview?" Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa. "Yung director? Doon ka dumiretso.""Okay, salamat po!"Sumunod si Gianne sa direksyong itinuro ng babae at nakita niya ang isang lalaking naka-fashionable na damit. Mukha itong bata, baka mga t

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 20

    Chapter 20Natigilan si Gianne. Pakiramdam niya parang may humihigop sa kanya papasok sa mga mata nito.Nang makita niyang parang tulala si Gianne, tinapik siya ni Mattheus sa balikat. "Umupo ka na. Tignan mo yang itsura mo. Bakit kaya ikaw ang napangasawa ko? Ang tanga mo talaga." Kahit parang inis ang tono ng boses niya, nakaramdam pa rin ng matamis na pakiramdam si Gianne sa puso niya.Bahagyang ngumiti si Gianne, may konting tuwa sa kanyang mukha. "Ikaw ang tanga! Pero kahit tanga ako, huli na ang lahat. Mrs. Velasquez na ako ngayon!"May kasamang saya at gaan sa boses niya kahit hindi niya ito napapansin."Mrs. Velasquez!" Biglang lumiwanag ang mga mata ni Mattheus. "Ang ganda pala ng tunog niyan!""Uh... mas mabuti sigurong ako na lang ang magpatuyo ng buhok." Biglang naalala ni Gianne ang sinabi nito kanina kaya nahiya siya at gustong kuhanin ang hair dryer."Mrs. Velasquez, hayaan mo na si Mr. Velasquez ang magpatuyo ng buhok mo. Karangalan ni Mr. Velasquez na gawin ito!" Sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status