Chapter 3
TININGNAN ni Director Lopez ang kalmadong ekspresyon ni Gianne. Napabuntong hininga ito, kita ang kawalan ng magagawa.
Nakita nito kung paano nagsimula si Gianne bilang isang simpleng empleyado hanggang sa maging manager sa loob ng ilang taon ng pagsisikap. Pero ngayon…
Bumagsak si Gianne mula sa mataas na posisyon na ngayong ay clerk na lang. Noong una, inisip ni Director Lopez na baka hindi niya ito kayanin pero ngayong nakikita nitong kalmado ang babae, napaisip ito na baka sobra lang itong nababahala.
"Ang sahod at benefits ay katulad na lang ng ordinaryong clerk, may limang insurance at isang fund, basic salary na 16,000, dalawang araw na pahinga tuwing weekend, holiday pay, at triple ang sahod kung mag-o-overtime..."
Pagkarinig nito, napangisi si Gianne nang may halong panunuya sa sarili. "Naiintindihan ko. Salamat, Director Lopez."
Tumayo siya at lumabas ng opisina. Nakatitig si Director Lopez sa likuran ni Gianne, tila may gusto pang sabihin pero hindi na nito itinuloy.
Pagkalabas ni Gianne ng opisina, nakita niya si Sheena na nakatayo sa harap ng dati niyang opisina, tila may iniisip.
Tinitigan ni Gianne mula sa likod ang babae, si Sheena, ang dating employee na siya mismo ang nagturo at gumabay. Ngayon, ito na ang pumalit sa posisyon niya.
Naniniwala na talaga siya sa kasabihan na ang luma ay mapapalitan ng bago at ang luma, basta na lang itatapon sa gilid.
Napangiti siya nang bahagya. Ganito talaga ang mundo ng negosyo. Ganito ang buhay sa opisina. Isang araw nasa itaas ka, kinabukasan, nasa baba ka na.
Tumikhim si Gianne. Narinig ito ni Sheena kaya agad itong lumingon. Nang makita siya, sandali itong natigilan.
“Manager Gianne, nandito ka pala!” pilit na ngiti nito pero may pagmamayabang sa mga titig.
Kung dati, hindi ito napapansin ni Gianne, ngayon, matapos ang lahat ng panlolokong pinagdaanan niya, sa pag-ibig at sa trabaho, mas naging mapanuri siya sa kilos ng mga tao sa paligid niya.
Ngumiti siya nang bahagya pero katulad kay Sheena ay pilit din iyon. "Huwag mo na akong tawaging Manager Gianne. Dapat nga kitang batiin, congratulations, Manager Sheena."
Saglit na lumitaw ang pagmamalaki sa mukha ni Sheena, pero agad nitong tinakpan at kunwaring nagpapakumbaba. "Manager Gianne, hindi ko sinasadya na palitan ka..."
"Okay lang." Lumapit si Gianne at tinapik ang balikat nito. "Ganito talaga sa opisina. Walang sadya o hindi sinasadya. Galingan mo sa trabaho. Mag-aayos lang ako ng gamit ko, sandali lang naman. Sana maalagaan mo ako, Manager Sheena."
Pagpasok ni Gianne sa opisina, nawala agad ang kunwaring kaba sa mukha ni Sheena at napalitan ito ng mapanuksong ngiti. Sa wakas, nakuha na nito ang posisyong matagal nang inaasam.
KINAGABIHAN, may company party. Siyempre, kasama si Gianne. Sa totoo lang, ang party na ito ay para ipagdiwang ang promosyon ni Sheena, at ang demotion niya.
Kung hindi siya pupunta, mas mahihirapan siya sa opisina. Araw-araw niyang makakaharap ang mga co-workers. Mas mabuti nang harapin na lang ang panlalait nila ngayong gabi kaya inihanda na niya ang sarili niya.
Buti na lang, wala naman siyang ginawang masama sa mga kasamahan niya noon kaya karamihan sa kanila ay tiningnan lang siya nang may simpatya.
Pero siyempre, may mga taong hindi basta-basta magpapalampas ng pagkakataon na apihin siya, katulad ng bida ngayong gabi, si Sheena.
Lumapit si Sheena hawak ang isang baso ng alak. "Manager Gianne..."
"Manager Sheena, sinabi ko na sayo, tawagin mo na lang akong Gianne. Hindi ko na kayang dalhin ang bigat ng tawag mong 'Manager Gianne'," kalmado niyang sagot, walang bahid ng emosyon o pang-iinsulto. Parang hindi siya ang taong binaba ang posisyon sa trabaho.
Natigilan sandali si Sheena, bahagyang nakaramdam ng hiya at namula ang mukha. "Gianne, ang basong ito ay para sa'yo. Maraming salamat sa mga itinuro mo sa akin sa loob ng maraming taon. Dahil sa'yo, narating ko kung nasaan ako ngayon."
May bahagyang lamig na dumaan sa mga mata ni Gianne pero agad niyang pinakalma ang sarili. "Yan naman talaga ang para sa'yo."
"Hindi, Gianne, kung hindi mo lang sana ako inigawan noon at sinabihan na ‘Sheena, ang bobo mo! Ang liit-liit na bagay hindi mo pa magawa!’, hindi ako magiging ganito kagaling ngayon."
May bakas ng galit sa mga mata ni Sheena. Oo, matagal itong nagtiis sa ilalim ng pamumuno ni Gianne. Maraming beses itong napahiya. Pero ngayon, siya na ang nasa itaas at si Gianne na ang nasa ilalim. Ang ganda ng takbo ng kapalaran!
Mahinang ngumiti si Gianne, ininom ang alak sa kamay at saka muling nagsalin sa baso niya. "Manager Sheena, isang tagay para sa'yo. Please take care of me in the future." Pagkatapos ay nilagok niya ito ng buo.
"Haha... Pakialagaan? Siyempre, walang problema!" Isang kakaibang liwanag ang dumaan sa mga mata ni Sheena. Hinigpitan niya ang hawak sa baso na parang may kinikimkim na matinding damdamin.
Hindi na siya pinansin ni Gianne. Sa wakas, natapos ang gabi na puno ng plastikan.
Muli ni Gianne nakita ang tunay na kulay ng mga tao. Ganito talaga ang buhay sa opisina.
Ang mga dating s********p sa kanya, ngayon ay malamig na siyang pinakikisamahan at kinukutya.
Pagkatapos ng salu-salo, kanya-kanyang uwian na ang lahat. Hindi naman weekend kaya kailangan nilang bumalik sa trabaho kinabukasan.
Biglang may tumawag sa kanya. "Gianne..."
Paglingon niya, nakita niya ang isang matikas na lalaki at isang magandang babae na bumaba mula sa isang Porsche. Ang lalaki ay nakasuot ng mamahaling suit at ang babae ay mukhang malambing at kaakit-akit. Mukha silang perpektong magkasintahan.
Dapat noon pa lang nakita niya na. Kung alam niya lang, sana noon pa siya bumitaw.
Ang tumawag sa kanya ay ang babaeng iyon, ang dati niyang matalik na kaibigan, o mas tama sigurong sabihing, ang dating niyang matalik na kaibigan, si Jaimee.
"Gianne, kilala mo siya? Grabe, ang ganda ng kotse niya!" Napamangha ang isang kasamahan niya.
Malamig na tiningnan ni Gianne ang mga ito. "Hindi naman kami masyadong magkakilala. Tara na, may pasok pa tayo bukas." Tumalikod na siya dahil ayaw na niyang makita pa ang dalawang taong ito.
Pero syempre, may mga taong hindi papayag na basta na lang siyang umalis.
"Gianne, alam kong galit ka pa. Galit ka na magkasama kami ni Calix pero totoo ang pagmamahalan namin. Sana i-bless mo ang relasyon namin." Lumapit si Jaimee at hinawakan ang kamay ni Gianne. Ang malalaki nitong mata ay puno ng pagmamakaawa, parang napakainosente.
Pero hindi na tanga si Gianne. Noon, akala niya mabait at totoong kaibigan si Jaimee.
Malamig niyang tiningnan ang dalawa, mabilis na binawi ang kamay niya at bahagyang pinagpag ito na parang may dumi.
"Jaimee, ikaw ang kabit sa relasyon namin. Buti na lang at naghiwalay na kami ni Calix kahapon. Kaya binabati kita, promoted ka na bilang girlfriend. From a third party to a girlfriend. Kailangan ngang pagmalaki iyon. Kaya tama na ang pagpapanggap mo. Nakakadiri ka panoorin."
"Gianne, ikaw…" Nanlaki ang mata ni Jaimee. Hindi ito ang Gianne na kilala nito noon. Kailan pa naging ganito katapang si Gianne?
"Gianne, huwag kang walanghiya. Maayos kang kinakausap ni Jaimee pero ganyan ang sagot mo? Ang tagal ninyong naging magkaibigan pero ang bastos ng pakikitungo mo sa kanya. Wala kang modo." Niyakap ni Calix si Jaimee sa bewang at tiningnan si Gianne nang may inis.
"Modo?" Napangisi si Gianne na parang nakarinig ng malaking biro.
"Pinaglaruan niyo ako tapos gusto niyo pang maging magkaibigan tayo? Katawa-tawa."
Napansin ni Jaimee ang mga tingin ng mga tao sa paligid. Nahihiya siya kaya agad niyang tinanggal ang kaawa-awang ekspresyon at pinalitan ito ng kayabangan. Sa totoo lang, mayaman ito at ang tanging dahilan kung bakit ito lumapit kay Gianne noon ay dahil kay Calix. Para maagaw ang boyfriend ni Gianne, nagpanggap na kaibigan si Jaimee.
"Gianne, balak pa sana kitang puntahan, pero sakto at nagkita tayo dito. Tamang-tama, oras na para sampalin kita!" Tinaas ni Jaimee ang kamay, handang bigyan ng malakas na sampal si Gianne. May kasalanan si Gianne sa kanya!
Ito ang bagay kay Calix at si Gianne lang naman ang nang-agaw sa dapat ay para kay Jaimee.
BEEEEEEEEP!
Bago pa bumagsak ang kamay ni Jaimee, pumunit sa katahimikan ng gabi ang tunog ng matalim na preno.
Isang mamahaling Pagani sports car ang huminto at mula rito, lumabas ang isang matangkad na lalaki.
Dahan-dahan itong lumapit, ang bawat galaw ay may confidence at authority. Ang madilim at maliwanag na mga mata nito ay parang bituin sa kalangitan, nakakahipnotismo, nakakabighani.
Suot ng lalaki ang isang mamahaling trench coat at isang world-class na Patek Philippe na relo. Mula ulo hanggang paa, naglalarawan ito ng tahimik pero napaka-eleganteng yaman.
"Grabe! Tingnan niyo 'yung kotse!"
Napasigaw ang isang babaeng kasamahan nila Gianne kaya napatingin ang lahat. Isang pulang convertible sports car ang naka-park sa harap ng restaurant, napakaangas tignan.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng sasakyan..."
"Ang lupet, ang bangis!"
"Tsk, kotse lang ‘yan! Nakakita na tayo ng ganyan dati!" Naiinggit na sabi ng ilang lalaking kasamahan nila.
Sa gitna ng hiyawan ng mga babae at pagkadismaya ng mga lalaki, natigilan din si Gianne nang makita ang lalaki.
Ito ba ‘yung lalaki kahapon?
Kahapon, gentleman ang dating ng lalaki. Pero ngayon, parang itong sexy billionaire na pantasya ng mga kababaihan. Pakiramdam ni Gianne ay kambal nito ang lalaki pero nang mapagmasdan niya ang mga mata nito, nakumpirma niyang ito ang lalaki kahapon.
This man has those deep yet bright eyes that sparkle like stars in the night sky.
Pero para ding nagising si Gianne sa sandaling pagkatulala. Kahapon, brokenhearted siya. Ngayon naman, pinagtatawanan siya ng ex-boyfriend niya at ex-bestfriend. At nakita nito ang lahat ng iyon.
Sa hindi inaasahan, biglang may nagtulak sa kanya at nawalan siya ng balanse.
“AHHHH!”
Pero hindi siya bumagsak sa malamig na sahig. Sa halip, naramdaman niya ang isang mainit na yakap.
"Okay ka lang?" Isang malambot na tinig ang narinig niya sa itaas ng ulo niya.
Tumingala si Gianne at nasilayan ang mga mata ng lalaki. Hindi niya maitatanggi, napaka-gwapo talaga nito.
"Ahem... ayos lang ako!" Mabilis siyang bumangon at inayos ang sarili. "Salamat."
Napataas ang kilay ni Mattheus. Kahapon, parang tahimik at mahina lang ang babae. Pero ngayon, may nakita si Mattheus sa mga mata ni Gianne. Rebelliousness and defiance.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mattheus. Mukhang may kakaiba sa babaeng ito. At gusto ni Mattheus malaman pa ang mga bagay tungkol kay Gianne.
Chapter 25Pamilyar na pamilyar ako sa boses na 'yon. Si... Jaimee, bakit nandito siya?Kahit na naka-confine si Calix sa ospital na 'to, dapat kasama niya ito ngayon.Nang lumapit ako, nakita ko ang isang babaeng nakataas ang boses sa isang middle-aged na babae.Ang middle-aged na babae ay si Bessy, ang stepmother ni Gianne."Tita, ano'ng nangyari? Bakit biglang lumala ang kondisyon ni Dad?"Originally, bali lang ang binti ni Gino, kaya kailangan lang niyang magpahinga at tanggalin ang cast bago makauwi.Nang makita ni Bessy si Gianne, parang nabuhayan siya ng loob. Namula ang mga mata niya at umiyak."Gianne, ang tatay mo...""Hah, so tatay mo pala 'yon. Gianne, gusto mo ba talagang patayin si Calix? Tinawag mo pa ang tatay mo..." Nakitang nakangiwi si Jaimee nang makita si Gianne.Kanina, hindi niya maintindihan kung bakit nakipag-away si Calix sa matandang 'yon, pero ngayon nalaman niya na. Lahat pala ay dahil sa babaeng 'to.Hinigpitan niya ang kanyang mga kamay, at ang mga kuko
Chapter 24"Calix, mali ka. Hindi tayo puwedeng maging magkaibigan," mahinahong sabi ni Gianne habang naupo.Anim na buwan na mula nang naghiwalay sila, at hindi niya inakalang magiging ganito siya ka-kalma habang katabi ito.Siguro totoo nga, ang oras ang pinakamabisang gamot sa sugatang puso.Kahit gaano kalalim ang pagmamahal, unti-unti rin itong nawawala habang lumilipas ang panahon.Kahit gaano kasakit ang sugat, dahan-dahan din itong nawawala sa paglipas ng oras."Madaling umabante sa isang relasyon, pero ang umatras para maging magkaibigan ulit, mahirap na."Kalmado lang si Gianne habang sinasabi ito, ganito na ang relasyon nila ni Calix ngayon.Isa siyang presidente ng Buencamino Group, at panganay ng pamilya Ji. Imposible na maging magkaibigan sila ng isang ordinaryong tao tulad niya. Dapat lang talaga na maging magkaibang mundo sila, kaya bumalik na lang sa dati, malayo sa isa't isa.Tiningnan siya ni Calix pero hindi na muling binuksan ang usapan.“Bakit ka nandito sa ospit
Chapter 23Iniisip ni Gianne, baka nagtatampo si Mattheus kasi ipinakilala niya ito bilang boyfriend lang? Ang sungit at ang yabang talaga ng lalaking ‘to.Nang makita niya ang malamig at matigas na mukha ni Mattheus, nakaramdam siya ng kaunting konsensya.Sa gilid ng kanyang paningin, napansin niya na bahagyang kumibot ang labi ng lalaki.Tahimik silang naglakad pabalik sa tirahan nila. Diretso si Mattheus sa kwarto niya. Tinitigan ni Gianne ang matangkad niyang likod at dahan-dahan siyang sumunod.Pakiramdam niya parang isa siyang batang asawa noong sinaunang panahon, mukhang kawawa.Pero ‘yung lalaking nasa unahan niya, maliwanag ang mga mata at naka-ngiti ng bahagya. Halatang nasa magandang mood.Naupo ito sa recliner sa kwarto, may hawak na libro pero sa halip na magbasa, nakatingin lang ito sa direksyon ng banyo.Habang pinapakinggan niya ang tunog ng tubig mula sa loob, lalo lang siyang kinabahan.Napangiwi siya. Sa totoo lang, hindi naman mukhang madamot si Mattheus. Pero baki
Chapter 22Napangisi si Gianne, "Jaimee, baliw ka na ba? Wala na kaming koneksyon ni Calix ngayon. Ikaw lang ang pumilit na kunin siya. Wala na siyang halaga sa’kin. May gagawin pa ako, kaya umalis ka diyan.""Gianne, huwag kang umiwas na parang wala kang kinalaman. Kung hindi dahil sa 'yo, nasa ospital ba ngayon si Calix? Kung hindi dahil sa 'yo, magiging ganyan ba siya sa’kin ngayon?"Halatang nainis si Jaimee at ibinuhos niya kay Gianne ang galit na nakuha niya mula kay Calix kanina."Baliw ka na talaga. Hindi ko maintindihan sinasabi mo. Tumabi ka, may kailangan akong asikasuhin." Hindi na masyadong inintindi ni Gianne ang sinabi niya. Ano naman ang kinalaman niya sa pagka-ospital ni Calix? Ang iniisip niya ngayon ay ang kalagayan ng ama niya."Huwag kang umalis! Sabihin mo nga sa’kin, anong sinabi mo kay Calix at nagkagano’n siya? Bakit siya nawala sa sarili at naaksidente?"Nakunot ang noo ni Gianne habang tinitingnan si Jaimee. Ito pala ang totoo niyang ugali. Yung mabait na pa
Chapter 21Nagpasalamat si Gianne at dumiretso na siya sa 25th floor. Pagkalabas niya ng elevator, medyo nagulat siya sa nakita niya.May isang malaking hall doon, may malaking mesa sa gitna na puno ng gamit kaya medyo magulo tingnan. Katabi ng mesa ay ang office area ng mga empleyado, hati-hati ito ng mga curved na partition kaya medyo nakakabighani sa paningin.Pero nasaan ang opisina ng director? Tiningnan niya ang paligid pero wala namang nakalagay na sign ng director’s office. May meeting room at VIP room lang ang nandun.At lahat ng tao roon ay abala, may mga nasa tawag o nag-uusap ng seryoso.Wala siyang choice kundi magtanong.Napansin niya ang isang batang babae na papalapit kaya tinanong niya, "Hi, saan po ang interview ko?""Interview?" Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa. "Yung director? Doon ka dumiretso.""Okay, salamat po!"Sumunod si Gianne sa direksyong itinuro ng babae at nakita niya ang isang lalaking naka-fashionable na damit. Mukha itong bata, baka mga t
Chapter 20Natigilan si Gianne. Pakiramdam niya parang may humihigop sa kanya papasok sa mga mata nito.Nang makita niyang parang tulala si Gianne, tinapik siya ni Mattheus sa balikat. "Umupo ka na. Tignan mo yang itsura mo. Bakit kaya ikaw ang napangasawa ko? Ang tanga mo talaga." Kahit parang inis ang tono ng boses niya, nakaramdam pa rin ng matamis na pakiramdam si Gianne sa puso niya.Bahagyang ngumiti si Gianne, may konting tuwa sa kanyang mukha. "Ikaw ang tanga! Pero kahit tanga ako, huli na ang lahat. Mrs. Velasquez na ako ngayon!"May kasamang saya at gaan sa boses niya kahit hindi niya ito napapansin."Mrs. Velasquez!" Biglang lumiwanag ang mga mata ni Mattheus. "Ang ganda pala ng tunog niyan!""Uh... mas mabuti sigurong ako na lang ang magpatuyo ng buhok." Biglang naalala ni Gianne ang sinabi nito kanina kaya nahiya siya at gustong kuhanin ang hair dryer."Mrs. Velasquez, hayaan mo na si Mr. Velasquez ang magpatuyo ng buhok mo. Karangalan ni Mr. Velasquez na gawin ito!" Sabi