HALOS hindi makahinga si Eunice dahil sa mabilis na pagmamaneho ni Stefan pakiramdam niya biyaheng kabilang buhay ang kanilang tatahakin.
“Diyos ko, ‘wag niyo naman po kami pabayaan na maaksidente. Maawa po kayo sa anak naming,” tahimik na dasal ni Eunice sa kanyang isipan na mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang seatbelt.
Ngunit habang tumatagal na narito siya sa loob ng kotse ni Stefan ay nauubusan siya ng hininga. Kung kaya kahit natatakot man kay Stefan ay naglakas loob siyang pagsabihan ito.
“Stefan, p’wede bang bagalan mo ang pagpapatakbo?” mahina niyang pakiusap sa pagitan ng nauutal-utal niyang pagsalita.
Ngunit tila walang narinig si Stefan at mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo. Hindi na lang umimik si Eunice at ipinikit na lamang ang kanyang mga mata para mabawasan ang takot na kanyang nararamdaman. Ngunit kahit na anong gawin niya ay dama niya pa rin ang mabilis na takbo ng kotse kung kaya nag
NANATILING tahimik si Eunice at pilit na pinigilan ang luha na nagbabalak kumawala sa kanyang mga mata. Naagaw ang kanyang pansin nang tawagin ni Vicky ang kanyang pangalan.“Ma’am Eunice…” mahinang sambit ni Vicky.Tinignan ni Eunice si Vicky kung saan may nag-aalalang tingin sa mukha nito.“Vicky, Eunice na lang. Narinig mo naman ang sinabi ni Sir Stefan kanina, ‘di ba?” wika ni Eunice kung saan gumuhit ang maliit na ngiti sa labi nito.“Pero—”Hinawakan ni Eunice sa kamay si Vicky. “Okay lang ako. Huwag mo akong alalahanin. Isipin mo na lang ang sarili mo at ang pamilya mo kapag hindi mo sinunod ang gusto ni Sir Stefan.”Kita ni Eunice ang hindi pagsang-ayon sa mukha ni Vicky kung kaya pinisil-pisil niya ang kamay nito na kanyang hawak-hawak.“Kailangan mo ang trabahong ito, Vicky.” At tinignan din ni Eunice ang ibang kasambahay at manggagawa ng pa
HABANG nagsimula nang magbago ang buhay ni Eunice sa pamamahay ng Salvatore ay hindi naman mapakali si Lemuel. “Sir, kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali may problema po ba kayo?” tanong ni Abarientos kay Lemuel na kanina pa pinapaikot ang upuan habang hinihimas ang baba nito at magkasalubong ang mga kilay nito. “Nag-aalala lang ako,” mahinang usal ni Lemuel. “Inaalala niyo po ba ‘yong babae kanina?” tanong Harold. Napangalumbaba si Lemuel sa ibabaw ng mesa at napaisip nang malalim. “Merong hindi tama sa kasong ito,” mahina nitong usal. Napaupo si Harold sa upuan at inilapag hawak nitong tasang may kape. “Bakit, Sir? Sa tingin mo ba walang kasalanan ‘yong asawa ni Mr. Salvatore?” tanong ni Harold sabay higop ng kanyang kape. “Mukhang ganoon na nga.” “Pero wala naman tayo, Sir nakitang ebidensiya na magpapatunay sa sinasabi niyang wala siyang kasalanan at may ibang taong involve sa kasong kinasasangkutan
HINDI TINANTANAN ni Stefan ang mga labi ni Eunice nang sandaling iyon. Patuloy niya iyong inangkin na animo’y walang bukas. Bagamat nilalamon siya nang matinding galit at pagkamuhi kay Eunice ay hindi niya maipagkakailang kakaiba ang idinudulot ng kanyang asawa sa kanyang diwa.Fuck!Dahil sa inis ay bigla niyang pinatalikod si Eunice at saka pinatuwad na siyang ikinabigla nito.“Stefan—”“Shut the fuck up!” mariin niyang saad kay Eunice para patahimikin ito.Gusto man ni Eunice na tumutol ngunit hindi niya magawa. Alam niya sa sandaling iyon wala siyang karapatan o sa posisyon para manlaban dahil malaki ang kanyang atraso sa kanyang asawa.Naramdaman niyang itinaas ni Stefan ang laylayan ng suot niyang uniporme dahilan para ma-expose ang kanyang matambok na p’wet at makinis na mga hita. Pilit niya iyong ibininaba ngunit hindi pumayag si Stefan at pilit itinaas ang laylayan ng bestidang suot
LUMIPAS ang mga araw at mas lalong naging malupit at sadista si Stefan kay Eunice. Walang sandali na hindi nito pasasaan si Eunice hangga’t may pagkakataon ay ginagamit siya nito para parausan. Maging ang mga pasaring at pagpapamukha nito sa kanya ay walang patid kahit na nasa harap sila ng ibang kasambahay ay wala itong huno-huno.Idinura ni Stefan ang kape sa uniporme ni Eunice nang hindi nito magustuhan ang lasa nito.“What the hell—don't you know how to make a simple cup of coffee?” bulyaw ni Stefan.“Sir Stefan, ako na po ang—”Naputol ang pagsasalita ni Vicky nang maging siya ay bulyawan ni Stefan.“Shut the fuck up! I’m not talking to you!” sigaw ni Stefan nang galit.Hindi nakaimik si Vicky at napayuko. Naawa naman si Eunice sa ginawang pambubulyaw ng kanyang asawa rito kung kaya hinarap niya ito.“I’m sorry, Sir—”Hindi nagawang matapos
IKA-SIYAM na araw na ngayon ng lamay ni Doña Divina atv lahat ay nakahanda na para sa paghatid sa kanyang huling hantungan ngunit hindi para kay Stefan. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na wala na ang kanyang lola, hindi niya matanggap na sa ganitong pagkakataon at oras mawawala sa kanyang tabi ang kanyang lola.“I swear to you, Lola. I will makesure she pays for what she has done to you. I swear it on your gravestone,” mariin at determinadong saad ni Stefan sa harap ng kabaong ng kanyang lola.Ilang saglit pang pinagmasdan ni Stefan ang kabaong ni Doña Divina bago siya umalis sa harap nito at pinaubaya na ang kanyang lola sa mga mag-aasikaso nito para isakay sa karo at ihatid papuntang simbahan. Habang tinitignan niya ang pag-aasikaso ng mga tauhan ng punenarya ay nahagip ng kanyang mata si Eunice sa isang sulok dahilan para mag-apoy ang galit sa kanyang kaloob-looban at mabilis na naglakad papalapit sa kanyang asawa. Hinawakan n
IGINALA ni Iñigo ang kanyang mga mata at hinanap si Eunice kanina lamang ay tanaw pa ng kanyang mga mata ito pero sa isang iglap ay bigla itong naglaho.“Saan dinala ni Stefan si Eunice?” tanong niya sa kanyang sarili habang iginagala niya ang kanyang mga mata sa buong paligid.Hindi mapakali si Iñigo at nag-aalala pa rin para kay Eunice kahit na tinapos na nito ang kanilang relasyon ay hindi pa rin siya mapalagay na ipagkatiwala ito kay Stefan. Pinuntahan niya si Eunice sa mansyon ng mga Salvatore para kumustahin sa huling pagkakataon dahil sa ilang araw na siyang hindi makatulog kakaisip sa kanyang minamahal. Gusto niyang malaman na hindi nga ito sinasaktan ni Stefan kapag nakita na ng dalawa niyang mga mata na okay lang ito at hindi sinasaktan ng lalaking ito ay handa na siyang pakawalan si Eunice at mag-mo-move on na ito.Patuloy niyang iginala ang kanyang mga mata para hanapin ang dalaga.“Eunice, asan ka ba nagpunta?&
PINAGMASDAN ni Iñigo si Stefan habang naglalakad papaalis.“Maling-mali siya sa ginagawa niyang ito,” saad ni Iñigo na sinubukang makatayo sa kanyang pagkakaupo.Napadura si Iñigo nang malasahan niya ang mapaklang lasa ng dugo sa kanyang bibig.“Putang ina, ang lakas niyang sumuntok,” napamurang saad ni Iñigo nang maramdaman niyang ang pumutok niyang bibig.Ngunit mabilis niyang ikinumpas ang kanyang sarili.“Kailangan kong hanapin si Eunice baka kung ano ng nangyari sa kanya,” wika ni Iñigo sa kanyang sarili.Iginala niya ang kanyang paningin at napatingin siya sa daan kung saan nanggaling si Stefan. Sinundan niya ito at iginala ang kanyang mga mata habang patuloy sa kanyang paglalakad hanggang sa makarinig siya nang maliit na ingay.“Ano ‘yon?”Tinalasan ni Iñigo ang kanyang pandinig at mas pinakinggang pang mabuti kung saan nangga
“ITO ba ang gusto mong mangyari, Eunice? Ito ba ang rason kaya pinili mo ang lalaking iyon? Ito ba?”Umalingawngaw sa tainga ni Eunice ang mabibigat na katanungan ni Iñigo nang sandaling iyon.“Ito na ba talaga ang gusto mo mangyari sa buhay mo, Eunice?” mariing tanong ni Iñigo na may labis na pagkasiphayo. “Sinisira mo ang buhay mo nang dahil sa walang pakialam na lalaking iyon!” gigil nitong dagdag lalo na nang maalala nito ang mga sinabi nito sa kanya kanina na nagkaharap sila idagdagda pa nito ang ginawang pagkulong kay Eunice sa madilim na k’wartong iyon.“Iñigo, buo na ang desisyon ko at hindi ko na ‘yon magagawang baguhin pa. Nilinaw ko na ang lahat ng ito sa ‘yo noon, ‘di ba?” tugon ni Eunice sa mahina nitong boses.Napakuyom ng kamay si Iñigo sa labis na pagkasiphayo at panggigigil ngunit pilit niya pa rin na kinontrol ang kanyang emosyon dahil aya