Share

Chapter 11: Cat and Iñigo

LUMIPAS ang mga araw at hindi pinatahimik ng kuryusidad ang isipan ni Eunice—halos bawat sandali na wala siyang ginagawa ay binabagabag siya ng kanyang isipan.

“Bakit iniiyakan ni Nanay si Sir Eduardo?”

Isa iyon sa katanungan na bumabagabag sa kanyang isipan lalo na nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki sa larawan na hawak-hawak ng ina niya nang gabing iyon. Maliban doon ay may higit na bumabagabag sa kanyang isipan.

“Sino ang kausap ng nurse ni Lola Divina? At sino ang pinagbabalakan nila at ng taong kausap niya sa cellphone na papatayin?”

Punong-puno ng katanungan ang isipan ni Eunice nang sandaling iyon. Gusto niya ng kasagutan ngunit hindi niya alam kung paano makukuha ang lahat ng iyon. Hindi niya p’wedeng tanungin ang kanyang ina kung bakit nito iniiyakan ang larawan ni Eduardo at mas lalong hindi niya p’wedeng tanungin ang nurse ni Doña Divina kung sino ang gusto nilang patayin ng taong kausap ni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status