Share

Chapter 3

TAMA si Attorney Rak Angelo sa hinala niya kanila lang. He slowly scans this girl named Felicity Sandoval from head to toe while marking a check in the boxes of the list he created inside his head. Halos lahat na pisikal na anyo at estelo ng babae ay hindi pasado sa kaniyang panlasa. She is too classy and sophisticated. He raise his upperlip as a reaction of her image.

He has more time also to know this girl more until all the boxes will be filled of checkmarks, he is sure with that. Parang pelikula lang para sa kaniya, kontrabida ang mga not a type, obsessed, o ambitious fiancees. Obsessed and ambitious? Napaisip siya. Halata naman dito. Sandoval Clan have many successful business so why this girl agrees on this marriage?

And what is the reason of marrying her? Obsessed ba sa kaniya ang babaeng ito? May tinatago ba ang kaniyang ama at si Senyor Marciano sa kaniya? O pinagtripan lang kaya sila ng kanilang mga ama dahil mas nanaaig ang pagkakaibigan nito?

Puwes, kailangan niya iyon malaman para madali niyang tapusin ang kasunduang ito. And the first step he will do is to interrogate this girl. Baka may alam ito kung bakit may Arrange Marriage na nag-exist sa pagitan ng kanilang pamilya.

But staring intently to her face, he sees something familiar. So familiar that he intriguingly trying to remember when and where he saw that perfect chiselled jawline, red kissable lips, and that pointed nose. She may look like a goddess that was just taking a vacation here from Olympus but he will never be hypnotized of this kind of beauty.

Felicity Sandoval instantly pulls her eyes away from that man. She felt her heart skipped a beat for a moment when their eyes met. May angking kagwapuhan na tinataglay ang binatang iyon kaso nga lang ay masama itong nakatitig sa kaniya. But why? Dahil late siya ng dating?

Isang tingin niya lamang sa binatang iyon ay alam na niyang ito ang ipinagkasundo ng papa niya sa kaniya. Mas lalo siyang nagka-interesado na ipagpatuloy ang kasal. Although, she knew this is hard for her and for that man since he looked like he was forced base on the expression on his face. Wala naman talaga siyang magagawa rito dahil ito ang kagustuhan ng kaniyang papa. At ang mga pangarap niyang nais matupad ay nakasalalay din sa kasunduang ito. She can’t back out.

Huminga siya nang malalim at sinubukang ngumiti sa mga taong nasa kaniyang harapan. Her Grandmama Geneviva looks at her with a concern face. “Hija Felicidad, what’s the matter?”

Her grandmama loves to call her Felicidad instead of Felicity and she loves it too.

“No, granny. I’m glad you all here! Sorry for being late, guys,” she sincerely apologizes. Nilingon niya ang amang seryusong nakaupo sa principal ng dining table at nanghingi rin siya ng tawad dito, “sorry din, papa. Hindi na mauulit.”

Hindi sumagot ang senyor at gaya rin ng dati ay hindi siya nito nilingon man lang. Sanay na siya rito. Tinawag na siya ng kaniyang lola upang makaupo na sa tabi nito at isa-isa siyang binati ng pamilyang De Acusta. Naudlot lamang ito nang tumikhim ang senyor at biglang nagsalita. “Saan ka galing?” tanong nito habang hinihiwa ang steak sa plato.

Her lips parted. She intentionally throws her eyes to the two maids. Iyon ang kambal na sina Rita and Risa na dalagitang maid sa pamamahay nila na naging matalik niyang mga kaibigan. Abala ito sa pagsalin ng wine sa mga wine glass ng bisita nang mapatingin din ang mga ito sa kaniya. Nangungusap ang mga mata ni Felicity at nag-alala ang dalawang maid sa kung ano maaaring isasagot niya.

“Ba’t hindi ka makasagot?” her father added. Tuluyang tumahimik ang paligid. Dumako ito ng tingin sa gilid nito kung saan siya dumaan kanina kaya napatingin din siya roon. Laking gulat niya nang makita ang bakas ng mga putik na nagmumula pala sa suot niyang heels. “Ayaw kong marinig na sinubukan mo akong suwayin, Felicity.”

She whispers a curse and scolding herself quietly. Nilalamon na siya ng hiya. Nandito pa naman ang mga De Acusta at baka kung ano pa ang isipin nito patungkol sa kaniya. Pero isa lang talaga ang nasa isip niya ngayon, ang magsinungaling sa ama.

She swallows the lump in her throat before she decides to answer, “Ah, eh, nasa front garden lang ako, papa. The air was so comforting there. S-since hindi ako nakapagpahinga ng maayos kasi nga may jetlag ako, so I tried to go out and wandered. Pero hindi ako lumabas ng gate. I swear, I didn’t did that.”

“Okay, that’s good. But don’t do that again, malamig sa labas at baka ay sipunin ka. Magpatuloy na tayo sa pagkain dahil may kailangan pa tayong pag-usapan pagkatapos,” pormal na turan ng ama at nagpatuloy ito sa pagnguya. Nakahinga siya nang maluwag pati na rin ang dalawang maids.

Mas lalong napakunot-noo si Att. Angelo sa narinig niya mula sa dalaga. Wala sana siyang pakialam sa pag-uusap ng mag-ama kaso may nahahalata siyang kakaiba. Wala siyang mapaglagyan ng check mark dahil wala sa kaniyang listahan ang kakaibang kinikilos nito. Like he doesn’t expect that his bride-to-be is a kind of strange and weird. Sino ba ang hindi manghihinala na wala namang putik sa harap ng mansyon noong dumating sila? Balot din ng bermuda ang magsikabilaang side ng driveway roon kaya paano nagkaroon ng putik?

And what he notices the most is the seriousness and formality of Senior Marciano to his daughter. Hindi man lang niya nakita na tinapunan nito ng tingin ang kaniyang fiancée. Is there anything wrong between them?

“Uhm hija, I really love your earrings. May I know where did it came from?” tanong ng ina niyang si Donya Amelia sa kaniyang fiancée na tahimik na kumakain sa harapan nila. Her mother is trying to make a conversation with that lady.

Tango at ngiti ang isinagot ng dalaga. “Yes, sa Europe po galing ito. These are my Aunt Zandra’s gift, diamond earrings. I don’t know how much was these but I’m pretty sure these cost millions. I’m so very thankful to auntie.”

“Oh, god. I feel envious. Ito naman sa akin ay galing sa Thailand, millions din ito since this is jade earrings. Pati rin itong necklace ko.”

“That’s look nice to you, tita. I guess, that’s your favorite jewelry!”

“Correct! Ito nga ang paborito ko but by the way, don’t call me tita. Call me mommy or mom.”

“I do have earrings too, Ate Felicity! Look!” Nagtaas ng kamay ang batang si Amor kaya nilingon siya ng mga ito saka nito ipinakita ang cute sapphire earrings nito sa dalawang tainga.

“Gosh, baby. I love sapphires! That’s too cute. You look like a little royal princess. ‘Yong nakikita sa mga fairytales? You look one of those!” Felicity compliments. Dito napaangat uli ng labi ang abogado. Is she faking or what? tanong ng kaniyang isipan. Uso pa naman ngayon ang plastikan. Pero totoo naman talagang isang munting prinsesa ang batang kapatid niya. Sadyang ayaw lang niya sa mga s****p at nag-fe-feeling close na para bang walang mali ang nangyayari. Para sa kaniya, mali pa rin ang kasunduang ito.

“‘Yong mga gift ko pala sa ‘yo ay dahan-dahan ko nang pinaakyat ng driver ko sa taas. I hope you will like it.” Halos mapunit ang labi ng kaniyang ina sa lawak ng mga ngiti nito kay Felicity. Mas naiinis siya, talagang nagkakasundo ang dalawa.

Mas lalong lumiwanag ang mukha ng dalaga at kumikinang ang mga mata nito. “Oh my gosh! Thank you, tita este mommy. I will really gonna love those. Thank you po talaga. I’m too blessed na nakilala ko po kayo at nag-abala pa talaga kayo sa pagbili ng gifts para sa akin.”

“Don’t mention it, hija. Magiging mother-in-law mo na ako soon kaya ayos lang.”

“Happy birthday pala,” he interrupts. All of them turn their heads to him in unison. Siya na lang pala ang hindi pa bumabati sa dalaga dahil sa sobrang katahimikan niya. He knew it sounds rude to interrupt the conversation between these two women pero ayaw niyang marinig ang patutunguhan nitong pag-uusap. Baka mapunta pa sa mga apo, iniiwasan niya iyon. Tama na ang narinig niya mula kay Amor kanina sa mansyon nila.

Ngumiti lang nang pilit ang dalaga at pinasalamatan siya.

“Hindi ko alam na birthday mo pala ngayon kaya hindi ako nakabili ng regalo,” pormal niyang wika.

Tumawa lang ito nang marahan. Ngayon pa niya napansin ang lalim ng magsikabilaang biloy nito sa pisngi. He finds it cute, tho. “It’s alright. Your presence is enough for me. Thank you again.”

Ngumiti siya. Iyon lang at bumalik na sila sa pagkain. Sinulyapan niya muli ito saglit na abala ulit sa pakikipag-usap.

Hanggang sa napunta nga ang pag-uusap tungkol sa kasalang magaganap. Their plan is a private wedding. Mga kamag-anak niya at ng pamilyang Sandoval lang ang dadalo. Walang masasali na ibang clan. He don’t get it. Maaari namang pumirma sila agad ng kontrata. Ba’t may pa-theme-theme at decorations pa kung secret lang naman?

Nagpatuloy siya sa pagbingi-bingihan at kung tinatanong siya ng mga ito ay puro tango at ngiti lang ang ibinibigay niya. Alam niya ring napapansin ni Felicity ang hindi niya pagka-interesado sa kasal. Samantalang ito naman ay natutuwa pa sa pagbibigay ng mga suggestions. Gustong-gusto talaga nito na maikasal nang bongga.

He scoffs. Alam ba ng babaeng ito na sinisira nito nang dahan-dahan ang kaniyang buhay? Well, he shouldn’t have blame her or anyone including her father since he don’t know everything. Ngayon pa niya nakita ang babaeng ito at base sa ekspresyon nito ay hindi naman ito nagdo-droll sa kaniya so obviously she is not one of his obsessed fans na ang tanging hiling ay maging asawa siya. Meron talagang rason.

Hindi siya maniniwala kung sila man ay pinagkatuwaan lang ng kanilang mga ama. He knows her father well. Don Romulo is caring, loving, understanding, and a thoughtful dad despite of being workaholic. Mabait din na tao si Senior Marciano base sa pagkikipag-interact sa mga kasosyo at empleyado nito sa kompanya. Isa kasi ito sa mga magdo-donate sa charity, sa mga simbahan, sa mga paaralan, at ganoon din sa mga hospital. Kung kaya’t malabo talaga na hindi nila maintindihan at matiis ang kanilang mga anak. Actually, this is the first time his father requested a favor like this to him.

Isa lang talaga ang dapat niyang gawin ngayon— pahabain pa ang kaniyang pasensya. Darating din naman ang panahon na malalaman niya ang totoo at makahanap din siya nang paraan para makaalis sa sitwasyong ito. He will do everything  not just to himself but to his lover, Lorecar.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status