Share

CHAPTER 36

Penulis: Matteo Lucas
last update Terakhir Diperbarui: 2023-10-21 09:12:56

"Siguraduhin niyong hindi malalaman ni Grandma ang mga pangyayaring naganap ngayon," paalala ni Franco sa mga tao sa paligid niya.

Nandoon ang mga bodyguard niya na nakasunod sa kanya pati na rin ang kanyang secretary.

Dahil sa ginawang pag-amin ni Georgina sa nararamdaman nito sa kanya sa publiko ay dapat lang na di ito malaman ng Grandma niya dahil sa kasal na nga siya sa pamamagitan rin ng Grandma niya at ayaw niyang maging source ito ng komplikasyon.

Marami ang nakarinig, at halos lahat na nandun sa kumpanya ng mga oras na iyon ay saksi sa nakakahiyang ginawa ni Georgina. Hindi nakaligtas sa kay Franco ang mga matang nakatingin sa kanya, nagtatanong, nagulat at nagtataka.

Pero gaya ng nakaugalian niyang personalidad, wala siyang pakialam. Walang anong expression sa kanyang mukha maliban sa, malamig na mga mata, seryoso habang pantay na pantay ang mga labi nito na tila hindi marunong ngumiti. Pero sa kabila ng ganito niyang expression sa mga empleyado at sa mga taong nasa paligid
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Lhynrence Burac
thank you ....
goodnovel comment avatar
Marissa Alba
Sigurado ako sila aurora at elsa ang pinsan ni hector
goodnovel comment avatar
Eden
Hnd kaya ang nawaqalang tiyahin nila hector ay ang nanay nila aurora? ibig sabihin mayaman din cla aurora hehe.. tnx author
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 56

    MAS lalong naramdaman ni Franco at pagsiksik ni Aurora sa kanya at humigpit ang yakap nito. Bigla niya tuloy naramdaman ang pagdikit ng dibdib nito sa braso niya that makes him feel awkward and stiff at the same time. Kaya naisip niya that he needs to do something para makaalis sa tabi ni Aurora dahil baka kung hindi ay di niya mapigilan ang sarili at bumigay siya. And he can't let that happen. "Tsk, bitawan mo na nga ako at pumasok ka na sa loob ng silid mo at doon matulog. Hindi unan ang balikat ko ano! " Pagkasabi ni Franco ng ganun ay agad itong tumayo at syempre nakita niya ang mga nabasag na piraso ng mga tasa at isa-isa niya itong pinulot. Tumayo naman kaagad si Aurora at naaalala ang mga nabasag na tasa at kumuha ng dustpan at walis. "Ito ilagay mo dito at ako na maglilinis niyan." sabi pa ni Aurora. Pero kinuha lang ni Franco sa kanya ang dust pan at walis, "ako na sige na bumalik ka na sa kwarto mo." Pero hindi sumunod si Aurora at hinintay niyang matapos si Franco. "

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 55

    MGA ilang minuto pa lang nakalipas ng marealized ni Franco na hindi dapat siya ganito kay Aurora pero bago pa man ito makapag react ay bumangon si Aurora at humarap upang tingnan si Franco. Di naman sinasadya na timing rin ang pagtingin ni Franco sa kay Aurora.In that moment ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakaramdam ng tensyon si Franco ng mangyari iyon. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at nagsalita, "Tinitingnan mo ba ako ng ganyan dahil sa iniisip mo ba kung may katotohanan ang aking mga sinasabi?" Kahit na malamig ang personalidad ni Franco pero maayos ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Ang lalaki sa kanilang pamilya ay mapagmahal sa asawa at lumaki siyang inuulit iyon ng kanyang lolo sa kanila.Naalala niya pa na minsang sinabi ng kanyang ama na ang lalaking marunong lamang mang-abuso sa kanyang asawa ay hindi mabuti at hindi totoong lalaki!"Mr. Franco.""Hmm..." Sabi ni Aurora, "Maraming salamat at naniniwala ako sa iyo."Nag-atubiling

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 54

    ALAM na alam ni Elsa na sobrang dehado siya sa sitwasyon kaya naniniguro lang din siya. Halata naman noon pa lang na ang pamilya ni Anton ay interesado sa kanilang bahay at lupa. Gusto nilang makihati. Kaya nga sobrang pagsisisi rin ang naramdaman ni Elsa dahil sa nagtiwala siya ng lubos kay Anton sapagkat ang bahay at lupa ay nakapangalan lamang kay Anton dahil ng binili ito ay di pa sila kasal. Itim ang mukha ni Anton sa mga narinig niya mula sa kay Elsa, "Ang isang bata ay 5,000 pesos; bakit hindi ka na lang magnakaw sa bangko? Maghiwalay? Akala mo ba ay bata ka pa rin at labing-walong taong gulang? Alalahanin mo ikaw ay kasal na, may anak na, walang trabaho, mataba na parang baboy, at sobrang pangit na kahit sino ay walang magkaka interest! At kaya mo bang supurtahan ang sarili mo!?"Nagpintig ang tenga ni Elsa ng marinig ang mga sinabi sa kanya ni Anton. Nasaktan siya at nainsulto. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa kay Anton. Mas lalong bumilis ang p

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 53

    BAGO pa makapagsalita si Elsa ay nagsalita ulit si Anton na mas lalong ikinagalit nito. " Nagsabi rin sina Ate na kung pupwede sa kanila muna ipangalan ang titulo ng bahay dahil sa loan na plano nilang eh proseso at syempre may hati rin tayo doon dahil dito mag sta-stay ang mga pamangkin ko sa bahay natin."Nang marinig iyon ni Elsa ay tila umuusok na ang kanyang ilong at tenga sa sobrang gigil dahil sa mga pinagsasabi ni Anton.Sinabi ni Elsa nang malamig, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Anton? Akala mo ba nandito lang ako sa loob ng bahay at kumakain lang? Halos lahat ng mga gawain dito ay ako pati na rin ang pag-aalalaga kay Boyet, lahat ng iyon Anton tinitiis ko para sa anak natin at sa pamilyang ito pagakatapos may mga ganyan kang desisyon!?."Taas baba ang dibdib ni Elsa sa sobrang gigil na nararamdaman dahil sa mga naging desisyon at pag sang ayon ni Anton sa kapatid nito."Pero ang dalawang anak ng kapatid mo ay wala akong kinalaman; hindi ko sila responsibilidad, at hind

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 52

    Kalaunan ay nagtipon ang pamilya ni Anton upang kumain at ubusin ang pakwan na hiniwa niya kanina at nanood ng TV sandali, at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa kuwarto upang magpahinga. Mananatili sila dito ng ilang araw. Ngayon na lumipat na si Aurora, may isa pang kuwarto na bakante, sapat para sa pamilya ng ate niya sa oras na manirahan na sila sa bahay nila. Papasok na sana si Anton sa kwarto nila ni Elsa ng biglang bumulong si Luisa sa kanya, "Alam mo bang maraming binili si Aurora at ang kanyang asawa kanina. Tapos itong asawa mo galit na galit nang dalhin niya lahat ng mga iyon sa kuwarto niyo. tapos nakita ko puno ng magagandang bagay ang paperbags. May mga mamahaling sigarilyo at masarap na alak; bigyan mo ng konti ang iyong kuya ha. Isa pa hindi naman umiinom o naninigarilyo si Elsa kaya hindi niya iyon kailangan. At hindi pa nakakainom ng masarap na alak si Papa kaya bigyan mo rin siya." Ngumiti lang si Anton sa tinuran ng kanyang ate, "Ate, ano ba kung gusto mo ang

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 51

    Si Luisa ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi kalayuan ang paaralan dito, at hindi labis sabihin na hindi magiging problema kung dito mananaitili ang mga bata pag lumipat sila dito sa syudad".Hindi nagsalita si Anton kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Luisa."Siguro ay okay lang naman kay Elsa ang pag-aalaga sa dalawang bata, maglaba at magluto lang naman ang hinihingi namin, at kung ang gastusin sa pagkain ay..."Pinutol ni Anton ang sasabihin pa ng Ate Luisa niya, "Ate, pamangkin ko 'yun; hindi na kailangan magbayad sa pagkain. Hahanap ako ng makakatulong sa dalawang bata sa proseso ng paglipat nila ng paaralan at si Elsa na lang ang mag-aalaga sa kanila araw-araw. Isa pa wala rin naman siyang ginagawa sa bahay."At dahil sa naging tugon ni Anton ay natuwa si Luisa at ang kanyang asawa. Akala pa nga ni Luisa ay baka hindi ito pumayag dahil natahimik ito.Agad namang sumabat ang Mama nila na si Dolores, "Anton, kailangan mong pag-usapan ito kay Elsa. At alalahanin mo may parte rin si

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status